KABANATA 22

2721 Words
KABANATA 22 Isang linggo. Isang linggo na siyang nagtatrabaho sa mansyon ng mga Agravante at katulad ng laging binibigay na parte sa kanya ni Manang Amelia ay sa dalampasigan siya mag-isa naglilinis. At dahil wala naman masyadong kalat sa araw-araw na paglilinis ni Chaaya ay kaagad din siyang natatapos kaya umaakyat siyang muli para tulungan naman ang kanyang ina sa paglilinis.  Pero sa isang linggo ay hindi man lang niya nakita si Lucius o kahit na anino man lang ng binata. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hinahanap-hanap niya ang Senyorito pero sa t’wing sumasagi iyon sa kanyang isipan ay mabilis niyang pinipilig ang kanyang ulo para mawala ang kaisipan na iyon sa kanyang utak.  Katulad na lang ngayon na natapos na siya sa paglilinis niya ng dalampasigan. Medyo makalat nga lang dahil tumanggap pala kahapon ng bisita ang pinsna ng Senyorito na si Senyorito Ethan. Nag-init ang kanyang pisngi nang naalala niya ang kahihiyan na ginawa niya noong tinanong siya kung sino ang lalaki na natitipuhan niya sa Isla. Pero inalis na lang niya ang kaisipan na ‘yon dahil gusto niya munang magpahinga.  Bitbit niya ang isang sako at ang gamit niyang panlinis tiyaka siya pumunta sa isang puno para hindi siya masyadong maarawan. Naiirita kasi siya dahil sa init ng araw na dumadapo sa kanyang balat, nanakit agad ang balat niya at namumula agad ito siguro ay dahil sa kaputian niya.  Nang nakasilong na siya ay malaya na niyang pinagmasdan ang mga alon. Ito ang palagi niyang ginagawa sa t’wing natatapos na siyang magtrabaho—ang pagmasdan ang mga alon. Hindi niya alam kung bakit kapag tinatanaw niya ang alon ay kumakalma siya at sa parehong pagkakataon ay nalulungkot siya. Para bang may dalang lungkot ang bawat agos papunta sa dalampasigan para sa kanya. O masyado lang siyang nag-iisip ng malalim kahit na wala naman talagang ibang kahulugan iyon.  “Are you waiting for someone?” halos humiwalay ang kaluluwa ni Chaaya dahil sa pagkagulat. Hindi niya inaasahan na may tao na pala sa kanyang tabi.  Masyado siyang nalulunod sa panonood sa alon na pabalik-balik sa dalampasigan na hindi man lang niya narinig ang hakbang ng isang tao na papalapit sa kanya at hindi niya man lang napansin o naramdaman ang presensya nito na nasa kanyang tabi na pala.  Tiningnan niya kung sino ang nagsalitang iyon at gayon na lang ang hiya niya nang makumpirma niya ang boses na iyon. Kahit na isang beses pa lang niya itong nakasama ay pamilyar na sa kanya ang malalim nitong boses. Umawang ang kanyang labi dahil hindi niya inaasahan na makakatabi niya ang lalaki. Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang kahihiyan na sinabi niya sa harapan ng Senyor kaya bahagyang namula ang kanyang magkabilang pisngi.  Pinapanood naman ni Ethan kung ano man ang tinitingnan ni Chaaya, mukhang malalim ang iniisip ng dalaga kaninang nadatnan niya kung bakit hindi man lang niya pinansin ang pagdating niya. Tinangka niya talagang lapitan ang dalaga dahil nakita niya ito na nakatingin sa dagat na punong-puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata.  Mula sa dagat ay binaling na niya ang kanyang tingin sa dalaga na mukhang hindi makapaniwala na kasama niya ito ngayon. Nakaawang pa ng bahagya ang labi niti habang nakatingin sa kanya kaya hindi niya napigilan na matawa ng kaunti. Dahil sa pagtawa niya ay bahagyang nahiya si Chaaya kaya tinikom niya ang kanyang labi tiyaka niya iniwas ang kanyang tingin sa binata.  Hindi alam ni Chaaya kung ano ang itsura niya kanina kung bakit natawa ang binata. Ngayon lang siya nagkaroom bigla ng pake sa kanyang itsura dahil baka mukha siyang tanga na nakatitig sa binata kanina. Baka kung ano pang isipin ng Senyorito.  “Are you waiting for him?” pagtatanong ni Ethan. Balak niya lang asarin ang dalaga. May kung ano ngayong araw na nagpapalungkot sa kanya kaya humahanap lang siya ng libangan. Sakto noong nasa teresa siya ay nakita niya ang dalaga sa dalampasigan kaya mabilis siyang bumaba at lumabas ng mansyon para puntahan ito. “P-po?” nagtatakang tanong ni Chaaya dahil wala naman siyang hinihintay. “Wala po akong hinihintay. Sino po ang tinutukoy niyo?” pagtatanong pa nito dahil nakuryoso ngayon siya kung sino ang tinutukoy ng binata.  “Po?” tila nandidiring tanong ni Ethan. Hindi siya makapaniwala na ginagamitan siya ng ganoon ng dalaga gayong hindi pa naman siya ganoong katanda. “Do I look old to you?” pagtatanong niya. Ngayon ay siya ang nabahala sa itsura niya, mukha na ba siyang gurang para paggamitan siya ng po at opo ng dalaga? Nagmumukhang matanda si Ethan sa tabi niya na kung hindi siya nagkakamali ay halos kasing-edad niya lang.  “Ah,” napangiwi si Chaaya dahil baka ayaw ni Ethan na paggamitan siya ng ganon. Kita niya na na-offend ang binata sa ginawa niya pero ginalang niya lang naman ito katulad nang laging paalala sa kanya ng kanilang ina. “Ginagalang ko lang po kayo,” muntik na niyang tampalin ang kanyang bibig kaya napapikit na lang siya ng mariin dahil muli niyang nagamit ang ‘po’. “Drop the ‘po,’” pag-ngiwi naman ni Ethan dahil hindi naman siya mukhang ganon katanda. Kung makikita nga sila nang kahit na sino ay aakalain na mukha lang silang magkasintahan dahil hindi magkalayo ang kanilang edad.  “Masusunod Senyorito,” nahihiyang sambit ni Chaaya. Napangiti si Ethan habang pinagmamasdan ang dalaga. Ngayon ay alam na niya kung bakit muling tumitigas ang ulo na naman ng kanyang pinsan sa kanyang ina.  “Senyorito?” pagtatanong muli ni Ethan dahil pinuntahan niya ang dalaga dito sa dalampasigan  hindi para utus-utusan ito na isang Senyorito kung hindi para makipag-kaibigan siya dito.  Wala siyang masyadong kaibigan sa Isla na hindi masyadong busy at mukhang magtatagal pa siya dito dahil sa matigas na ulo naman ng kanyang isang pinsan na pinipilit papuntahin dito ng kanyang tiyahin na ayaw naman pumunta dahil mas mahal niya raw ang buhay sa siyudad. Hindi niya alam kung bakit pumayag ang kanyang ama na kuhanin siya ng kanyang tiyahin at idala siya dito sa Isla pero ngayong araw ay mukhang alam na niya kung bakit. “Ba-bakit p-” muntik nang maidagdag ni Chaaya ang ‘po’ kaya agad niyang tinikom ang kanyang bibig. Napansin iyon ni Ethan kaya napangiti siya, aaminin niya na na-cute-an siya ngayon sa dalaga. Kaya naman pala mukhang nag-aaway na naman ang mag-ina.  “Hindi naman ako ang mo mo,” sambit ni Ethan dahil iyon naman ang totoo. “Hindi ako ang nagpapasahod sa’yo.” dagdag pa nito. “Kaya huwag mo na akong tawaging Senyorito. Ethan.” pagpapakilala niya.  “Ethan is my name,” pag-ulit niya pa kaya bahagyang tumango si Chaaya. Hindi niya alam kugn ano ang sasabihin niya sa binata para makaalis na siya. Naiilang kasi siyia lalo na at paulit-ulit niyang naalala ang sinabi niya sa Senyor noong isang linggo na siyang nagpapahiya sa kanya. “You’re Chaaya, right?” agad siyang tumango sa sinabi ni Ethan dahil iyon naman ang pangalan niya.  “You should be comfortable with me, I just want to be friends with you.” ngiti ni Ethan. Hindi niya alam pero sumisigaw ang presensya niya na mapagkakatiwalaan siya kaya kahit papaano ay kampante na si Ethan. “May gagawin ka pa ba?” pagtatanong ni Ethan tiyaka niya tiningnan ang mga gamit nito na nakasandal sa puno dahil pinagmamasdan lang ni Chaaya ang alon kanina.  “Ah, wala na,” sagot ni Chaaya kaya napatango si Ethan.  “Good,” sambit ng binata habang tumatango-tango. “Can you join me?” pagtatanong niya na siya namang ikinagulat ni Chaaya. “I mean, watch the waves?” pagtatanong niya muli habang nakaturo sa isa naman niyang kamay ang dagat.  “Don’t worry, I will not harm you.” Tinaas pa ni Ethan ang dalawa niyang kamay para ipakita iyon sa dalaga. “I just need a company right now,” napayuko si Ethan tiyaka na niya binaba ang kanyang kamay pagkatapos niyang sabihin iyon. Napansin din ni Chaaya ang biglang pagbaba ng boses ng binata nang sinabi niya ang mga huling salita na binitawan.  Hindi alam ni Chaaya pero kumportable siya sa binata. At mukhang kailangan nga nito ng makakasama. Hindi niya alam pero nakikita niya ang repleksyon ng kanyang mga mata sa mga mata ng binata. Parehong malungkot—parehong nangungulila. Siya alam niya kung bakit pero hindi niya alam kung bakit ganon ang sinisigaw ng mata ng binata.  “Okay,” ngiti ni Chaaya tiyaka siya naupo sa dalampasigan. Umawang ang bibig ni Ethan dahil hindi niya inaasahan na madaling kausap ang dalaga. Ang buong akala niya ay magpapaliwanag pa siya kung bakit niya ito sasamahan pero hindi pala. “Bakit ka pa nakatayo diyan? Akala ko ba papanoorin natin ang mga alon?” pagtatanong muli ni Chaaya nang nakangiti.  Hindi maiwasan na mapangiti ni Ethan dahil sa alok ng dalaga kaya mabilis itong naupo sa tabi niya. Kung wala lang sigurong babaeng nagmamay-ari ng puso niya ay baka nahumaling na siya sa dalaga pero kahit na anong gawin niya ay hindi niya maloloko ang kanyang sarili na siya pa rin talaga. Na kahit ilang taon na ang nagdaan siya pa rin ang nilalaman ng puso nito. Kahit na sinaktan siya nito ay siya pa rin ang hinahanap-hanap ng puso niya. Nakakatanga nga talaga ang pagmamahal.  “Gusto mo bang malaman kung bakit ako nandito ngayon? I mean, kung bakit nandito ako sa Isla?” pagtatanong ni Ethan. Hindi niya alam kung bakit niya sasabihin ngayon ito kay Chaaya peri ang alam niya lang ay kailangan niyang mabuhos ang kanyang naiisip kung hindi ay baka masiraan siya ng bait.  “Bakit?” pagtatanong ni Chaaya kahit na pakiramdam niya ay hindi niya dapat marinig iyon lalo na kung tungkol iyon sa Senyora. Sa pagkakatanda niyang pinag-usapan nila ni Lucius ay ang Senyora ang dahilan kung bakit nandito si Ethan. Para bang may pinapagawa siya sa kanyang pamangkin na ayaw naman ni Lucius na mangyari.  “It was my mom’s death anniversary tomorrow,” umawang ang labi ni Chaaya dahil hindi niya inaasahan na may mas malalim pa na dahilan. Gusto niya sanang humingi ng pasensya sa binata pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na muli si Ethan. “You don’t need to say sorry.” Wika ni Ethan na may malungkot na ngiti sa kanyang labi.  “I didn’t visit her for the past seven years,” muling nagulat si Chaaya dahil sa tagal na taon na hindi binisita ni Ethan ang kanyang ina. “Since the day we buried her,”  dagdag pa nito. Pitong taon nang patay ang kanyang ina bukas. “Maybe you think that I am a horrible son, am I right?” Ethan chuckled pero agad na umiling si Chaaya.  “You have a reason, I feel it.” iyon ang totoong nararamdaman ni Chaaya. Kaya may nakikita siyang pangungulila sa mga mata nito dahil ramdam ni Chaaya na gusto na niyang muling makita at makasama ang kanyang ina pero wala itong magawa dahil ang gusto niyang makita ay hindi na niya muling makikita pa.  “You can tell me everything, I won’t judge.” pag-engganyo ni Chaaya dahil pakiramdam niya ay kailangan mailabas ni Ethan ang kanyang saloobin para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam nito.  “Because I was guilty and I still am.” sagot ni Ethan sa kanya. “I blame myself for her death,” napakagat si Chaaya sa labi nang sinabi iyon ni Ethan. Mukhang mabigat ang pinagdadaanan ng binata.  “I was so ashamed to face her graveyard.” dagdag pa nito pagkatapos ay tumingin siya kay Chaaya na may malungkot na ngiti sa labi. “I am one of the reasons for her death and I was the reason why the person behind her death still has not been put in jail until now.”   Gustong magtanong ni Chaaya pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil kung ano mang impormasyon na sasabihin ni Ethan ay iyon lang ang papakinggan niya. Nirerespeto niya pa rin ang ibang pribadong impormasyon. “That’s it,” ngumiti si Ethan na para bang hindi mabigat kung ano man ang sinabi niya. “That’s the reason why my father immediately agreed with my aunt. And maybe Aunt wants me to visit my mom, that is why she is pursuing me to come here.”  “A-ayaw mo ba sa Isla?” kabado na pagtatanong ni Chaaya pero gusto niyang sampalin ang kanyang sarili kung bakit niya pa tinanong iyon gayong alam naman niya kung bakit inaayawan niya ang Isla.  “I love this Island,” wika ni Ethan nang nakangiti tiyaka siya muling humarap sa dagat. “This is my hometown. This is the place I grew up.” Dagdag niya.  “Ito rin ang lugar kung saan marami akong memorya na buo pa kaming isang pamilya.” biglang nalungkot si Chaaya sa sinabi ng binata. “Dito ko rin nakilala ang mga kaibigan ko—kaso busy na rin sila sa mga buhay nila sa siyudad.” naintindihan ni Chaaya iyon dahil katulad din pala siya ng kanyang pinsan na si Lucius na nasa siyudad na ang kanilang mga kaibigan sa Isla.  “This is also the place where I met my first love…” huminto si Ethan at ramdam ni Chaaya ang pait sa boses nito. “And my first heartbreak,”  Hindi alam ni Chaaya kung bakit parang broken ang mga nagiging kaibigan niya sa Isla. Muli tuloy siyang nahiwagaan sa kanyang pagkatao kung naranasan na rin ba niyang magmahal? Naranasan niya rin kayang masaktan? Katulad na lang ni Angela? At katulad na lang ng binata na katabi niya ngayon? Naramdaman niya rin kaya iyon? Sino ang una niyang minahal? Sino ang huli niyang iniyakan? Kung hindi ba siya nawalan ng ala-ala, mahal niya pa rin kaya ito?  “But sometimes, even if we love one thing or a place, if it gives us bad memories—the love that we poured would eventually vanish.” Napatango si Chaaya bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Ethan dahil may punto naman ang binata.  “To answer your question, I used to love this place but not anymore.”  Katahimikan ang naghari sa kanilang dalawa dahil patuloy pa rin na nahihiwagaan si Chaaya sa kanyang sarili kung naranasan na rin kaya niya ang pagmamahal. Kung ano ang naramdaman niya noong may minamahal siya. Kung may ala-ala kaya siya ngayon ay may maibabahagi din siya na kwento kina Angela at Ethan?  Nang maramdaman niya ang kirot sa kanyang ulo ay tinigilan na niya ang pag-iisip. Bahagya siyang naawa sa kanyang sarili dahil hindi pa man nabibigyan kasagutan ang kanyang mga katanungan ay sumasakit na kaagad ang ulo niya. Para bang ayaw ipaalala sa kanya ang mga bagay na iyon. Pero bakit naman?  Ang ala-ala niya ay parte na ng kanyang pagkatao at iyon ang humubog sa kanya ngayon kaya naman gusto niyang maalala pa rin kahit na nakaraan naman na iyon. Ngunit ayaw na lang niyang ipilit dahil baka sa hospital lang ang magiging bagsak niya at magiging pabigat pa siya sa kanyang mga magulang at maging sa kanyang kapatid. Mas gusto niya na sa pag-aaral na lang mag-pokus ang kanyang kapatid.  Babalik din siguro ang kanyang ala-ala kapag hindi niya pinilit o kaya naman kapag may isang bagay o tao na nagpaalala sa kanya.  Binasag ni Ethan ang katahimikan at nagkwento siya nang mga nakakatuwa niyang karanasan noong high school siya at kolehiyo. Siguro ay gusto lang din basagin ng binata ang kalungkutan na nababalot sa kanila. Mabuti na lang at maraming nakakatawang kwento si Ethan kaya tumatawa lang silang pareho.  Pareho nga lang silang natigilan sa pagtawa nang may narinig silang isang boses.  “Aya!” sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Umawang ang kanyang labi nang makita niya si Lucius na madilim ang tingin sa banda nila at may kasama pa siyang isang kasambahay na siyang ikinatiim ng bagang ni Ethan.  Agad na lumapit si Lucius sa dalawa at pumagitna pa ito. Inalok niya ang kamay niya kay Chaaya dahil sa gulat at pagtataka ay wala sa sariling kinuha ni Chaaya ang kamay ng Senyorito at gayon na lang ang gulat niya nang hinila niya ito papaalis sa dalampasigan.  “Let’s go,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD