Chapter 3 - Kaharian ng Erezna

1162 Words
Ilang sandali pa ay lumapag na sa lupa sina Kush at Nahali. Nanatili akong nakaupo sa likod ni Nahali habang nilalakad nila ang isang malawak na kalupaan. Pero... Bakit ganito? Isang salita na p'wede kong ihambing sa lugar na kinaroroonan namin— patay. Walang kabuhay-buhay. Tanging itim at kulay ng abo lang ang makikita. Kahit ang mga puno at mga d**o ay gano'n din. "Noon, ang Mundo ng Azaram ay isang mundo na puno ng kasiyahan. May pagkakaisa ang lahat ng nilalang. Walang away, walang gulo, walang problema, walang kalungkutan, walang peligro, walang mga pasakit. Nabubuhay ang mga Argo at iba pang mga nilalang na tahimik at masaya. P'wedeng magmahalan ang mga nilalang na hindi nila kasimbolo. Walang kamatayan. Mga imortal. Naniniwala kami sa iisang diyosa na may lalang sa lahat, isa siyang diyosa ng liwanag. Tinawag namin s'yang Inang Likha na nakatira sa araw. Masaya s'yang nakikihalubilo sa kanyang mga nilikha," panimula ni Kush, "Pero, nang dahil sa isang pangyayari, nagbago ang lahat. Malayo sa kung ano noon ang Mundo ng Azaram ang sa kung ano na ito ngayon." "Ang Kaharian ng Erezna na sakop ng Imperyo ng Arbus ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng kaharian at ito ang nagsilbing sentro ng Mundo ng Azaram. Dahil dito pinagkaloob ng Inang Likha ang kapangyarihan ng araw— ang kapangyarihan n'ya," sabi naman ni Nahali, "At tinitingala ang Kaharian ng Erezna ng iba pang mga kaharian." "Nirerespeto ng lahat maging ang mga hari ng iba't ibang kaharian ang Hari ng Erezna, si Haring Ebun— ang aming hari. Maging ang kan'yang asawa na si Reyna Amores ay hinahangaan ng lahat ng mga kababaihan dahil sa taglay nitong ganda at kabaitan." May lungkot sa boses ni Kush habang nagsasalita. Nanatili lang akong tahimik at nakikinig. Mukhang sinasabi na nila sa 'kin ang lahat. "May dalawa silang anak. Sina Prinsipe Arun at Prinsipe Adriel." Nilingon ko si Kush dahil sa mga pangalan na binanggit n'ya. Kapangalan ko ang prinsipe nila. Pero ano kayang nangyari sa kan'ya at ang kaluluwa ko na ang nasa katawan n'ya? "Kinahuhumalingan sila ng lahat ng kadalagahan sa lahat ng kaharain. Lubos na angat ang kanilang kakisigan kaysa sa ibang prinsipe. Higit pa roon, magaling din sila sa pakikipaglaban," mahinang sabi ni Nahali. Siguro, naaalala n'ya ang prinsipeng pinaglilingkuran n'ya, "Umibig ang prinsesa ng Kaharian ng Hibeye sa aming Prinsipe Adriel na si Prinsesa Arashi. Ang Kaharian  ng Hibeye ay parte ng Imperyo ng Higus at sinisimbolo nila ang karagatan at lahat ng anyong tubig. Umiibig din si Prinsipe Adriel kay Prinsesa Arashi." Patuloy pa rin sa paglalakad sina Kush at Nahali. Binabagtas ang kahabaan ng mga patay na d**o. "At dahil sa pag-iibigang iyon, naging ganito ang buong Erezna." "A-Ano?" nagtataka kong tanong, "Itong lugar na nilalakaran natin ang Kaharian ng Erezna?" Sabay silang tumango. "Pero bakit? Ang Erezna ang pinakamakapangyarihan, 'di ba?" "Si Samaria ay kapatid ni Inang Likha na ikinulong sa isang bundok— Bundok ng Kadiliman. Masama ang kaniyang budhi kung kaya ay hindi pinagkaloob sa kaniya ang kapangyarihan ng araw at ikinulong siya sa Bundok ng Kadiliman. Ginawa niya ang lahat para makawala sa bundok na iyon, pero dahil pawang kabutihan ang nakikita niya sa labas ng bundok ay lagi siyang hindi nagtatagumpay. Ginawa rin lahat ni Inang Likha upang mapanatili ang kabutihan sa Mundo ng Azaram. Pero may isang pusong sugatan, puno ng hinanakit, at galit. Siya si Prinsesa Sohaya, kapatid ni Prinsesa Arashi na umiibig din pala kay Prinsipe Adriel." Parang alam ko na ang dahilan base sa mga sinabi ni Kush. Pero nanatiling tikom ang bibig ko at hinintay ang kung ano pa ang sasabihin nila. Pero... Arashi Bading man pakinggan pero bakit ang sarap sa tainga ng pangalan n'ya? "Isa iyong maliit na tsansa para kay Samaria, pero ang maliit na iyon ay lumaki nang itinakda ang araw ng pag-iisang dibdib nina Prinsesa Arashi at Prinsipe Adriel. Hinigop ng katawan ni Prinsesa Sohaya ang lahat ng kasamaan ni Samaria. Napatay niya ang dalawang nag-iibigan. Nabago nito ang kaayusan ng Mundo ng Azaram." Bigla akong nalungkot sa mga sinabi ni Nahali. Parang ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Nagpatuloy si Nahali sa pagsasalita at nakakahawa ang lungkot sa boses n'ya, "Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Erezna at Higus. Nahati ang sampung Imperyo sa dalawa— Erezna, Rajus, Zelyus, Mitus, at Zeshus ang magkakaalyansa. Ang Higus, Selcus, Webrus, Alkus, at Tarus naman ang mga nagsanib pwersa. Labis na sakit ang dinulot nito kay Inang Likha. Kung kaya gumawa s'ya ng paraan. Kapalit niyon ay hindi na siya muling tatapak sa lupa at ang pinakamasakit, naapektuhan nang lubos ang Erezna kaya naging ganito na ito ngayon. Bawal na rin mag-ibigan ang hindi magkasimbolo. Lahat kami ay naging mortal, tatanda at mamamatay." "Kinuha niya ang lahat ng kapangyarihan ng mga simbolo. Halos maubos ang lahat ng maharlika. May nabuhay pa pero wala na silang kapangyarihan galing sa mga simbolo. May kapangyarihan sila pero hindi na ganoon kalakas. At sa Imperyo ng Arbus, si Haring Ezrom ng Kaharian ng Hizna, na kapatid ni Haring Ebun ang nakaligtas mula sa sumpa ni Inang Likha," dagdag pa ni Kush, "Isang magaling na babaylan ang kaniyang asawa kung kaya ay nakagawa sila ng paraan at nilabanan ang sumpa ni Inang Likha, pero ang kapalit niyon ay ang kalayaan niya. Nakakulong sa isang tore si Haring Ezrom. Makakalabas man siya ay sakit naman ang aabutin niya. Tiniis niya ang sakit, makita ka lang, Prinsipe Adriel." Natulala ako sa mga narinig. Pag-iibigan na nauwi sa ganito? Gano'n katindi ang nagagawa ng pag-ibig, "Anong paraan ang nagawa nila?" "Mabubuhay muli ang isang Adriel sa katawan ni Prinsipe Adriel. Isang Adriel na may busilak na kalooban. At ikaw iyon, Prinsipe Adriel." Wala akong masabi sa narinig galing kay Nahali. "Pero bakit hindi na lang nila binuhay ang Prinsipe Adriel ninyo?" "Dahil hawak na ni Sohaya ang kaluluwa niya." "Eh, bakit kailangan ko pang gamitin ang katawan ng prinisipe ninyo?" naguguluhan ko pa ring tanong. "Bago tuluyang iniwan ni Inang Likha ang Mundo ng Azaram, may iniwan siyang propesiya, dugong maharlika at simbolo ng araw ang siyang makapagbabalik sa dating ayos ng buong Mundo ng Azaram," paliwanag ni Kush, "At iyon ang dahilan kung bakit ka naririto." "Dahil hindi na nila makuha ang kaluluwa ni Prinisipe Adriel, gumawa sila ng paraan upang magamit ang katawan niya. Kaya ka nabuhay, dahil ikaw ang Itinakdang Prinsipe na magbabalik sa dating kaayusan ng buong Mundo ng Azaram." Parang gusto ko na lang bumalik sa pagiging ako. Tama bang nandito ako? Nalilito man ay nagtanong pa rin ako, "Ano bang dapat kong gawin?" Tumigil sila sa paglalakad at hinarap ako ni Kush, "Talunin ang lahat ng Imperyo. Lipulin ang mga maharlikang may kapangyarihan pa sa mga simbolo nila, at talunin si Samaria na nasa katawan ni Sohaya." Madaling pakinggan... Pero alam kong mahirap gawin. Siyam na Imperyo laban sa naghihingalong Imperyo. Idagdag pa na walang akong alam sa pakikipagalaban. Magagawa ko kaya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD