Chapter 15: Silent Farewell
Three days to go and I'm officially 18, and few weeks to go graduate na ako sa highschool. But I doubt mahihintay ko ang araw na yon. Naaninag ko rin ang gate ng school, mamimiss ko ito panigurado. Pagkapasok ko sa gate binigay ko sa guard ang susi at siya na ang magpapark non sa school garage.
"Miss Vale pinapatawag ka ni Headmaster Maddox," saad ng isang estudyanteng nakasalubong ko. Kung noon kinaiinisan nila ako, ngayon tinitingala na ng marami. Marami na talagang nagbago. It feels like happy ending but everyone is wrong, even my self. All of this is just a pure introduction, and my debut is the official start. Dumiretso ako sa office ni Headmaster. Nakita ko siya sa upuan niya malalim na nag-iisip.
"Arhm," kaya napatingin ito sa akin at ngumiti matamlay.
"Are you ready? This is dangerous, sigurado ka na ba rito?"
"I waited this for almost 4 years. Why do you think hindi ako sigurado." Sagot ko at tumango ito. Matagal na akong sigurado.
"Alright, kailan mo gustong ipahatid kita?" Hindi maipagkakaila ang galak sa boses nito.
"Right after my birthday party," ilang taon itong naantala, hindi ko na hahayaang maantala ito ng matagal.
Matapos ang mahabang araw na walang kaganapan ay nakauwi rin ako sa wakas. Pag-dating ko sa bahay naabutan ko si Alzia sa sarili niyang harden nagdidilig ng mga bulaklak niya. Malaki na rin ang pinagbago niya, aside from being b***h nagdadalaga na siya since she's turning ten already.
"Vale! " Tawag niya sakin kapag nakakalimutan niyang sabihin ang Ate. Lumapit ako sakaniya at umupo sa isang bench malapit sa kaniya.
"Anong gusto mong gift sa birthday mo, magshoshopping kami ni Ate Annika mamaya." Saad nito at napangiti ako. Mas tumatag ang samahan namin, sa akin siya tumatakbo kapag may kailangan ito.
"Anything from you is enough."
"Come on, alam ko naman iyon pero something you want ang gusto kong bilhin. And you know, para sa akin hindi sapat ang sapat lang dapat the best." Pagpupumilit nito, marami siyang natututunan kay Annika.
"It's a birthday gift, it should be surprise. Beside you are the best so anything from you is always the best." Pangbobola ko sa kanya. Malaki ang ulo nito at mayabang. Maldita at kinakatakutan ng mga kaedad niya.
"Good point," aniya at tumabi sa akin. "Your turning eighteen ate Vale, what with your 18th birthday? It feels like Big deal. You always have birthday party but this time, there's something I can't explain, something important or something I don't know." Her instinct is scaring me. Tingin ko malalaman niya ang pag-alis ko.
"18th birthday of every woman should be the best birthday of her life traditionally pero hindi naman talaga iyong importanti, 18th birthday is big deal indeed." Sagot ko para hindi na ito mag-isip o maghinala pa.
"I can feel it, something's wrong."
"Nothing's wrong, everything is under control." Saad ko para hindi na ito maghinala. Hindi niya ako mabibisto.
Tumango lamang ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at nakinig ito. Sila Annika ang umasikaso sa lahat tungkol sa birthday party ko, I mean buong board members ayaw nilang makita ko ang preparation. Lalo na si Alzia ay Annika.
Maaga akong nagising pero ayaw ko pang bumangon, matagal ko ng hinihintay ang araw nato, pero ito rin ang araw na aalis ako. Nabaling ang tingin ko sa gift ko sa sarili ko, it's a black little box with white ribbon. Nakalagay lang ito sa side table ko. Madilim pa kaya natutulog pa sila ngayon, bumaba ako sa venue ng party, pinilit ko silang sa garden lang gaganapin ang party.
All set, sobrang ganda kahit mamayang hapon pa naman magaganap ang party may mga nagpadala na ng gifts ang mga hindi makapunta. Nilagay ko ang akin at bumalik sa taas. Nakahilata lang ako sa kama nahihintay kong kailan nila ako tatawagin. Nakahanda na lahat ng gamit ko sa isang back pack.
Hindi ko na dinamihan ng damit para di mahalata. Pero nandon na ang passport at lahat ng kailangan ko sa School na sinasabi ni Headmaster. Mabuti na lang at naisipan nila akong katukin para kumain. Nandito na si Annika at Shara ang iba ay hindi pa nakakadating.
"Happy birthday!" Masiglang bati ni Annika sa akin pagkababa ko pero di pa man ako nakakasagot dumiretso na siya sa garden dala ang mga ilaw. Ganon din si Shara na hindi ako napansin dahil sa dami ng bulaklak na dala niya. Hands on masiyado sila kahit pwede namang mga katulong nalang ang gumawa o mga organizer.
Pero sabi nila hindi daw alam ng mga organizer ang taste ko kaya sila na ang gumawa. Matapos kong kumain ay pinabalik ako agad sa room ko, hindi daw pwedeng makita ang ginagawa nila.
Three pm may pinadala ng makeup artist at hairdressers dala ang isusuot ko. Grabe naman, tatlong oras akong mag-aayos? Hindi na ako umangal dahil di naman nila ako papansinin.
Five pm nagsimula ng dumating ang mga bisita, at ako nandito parin sa kwarto ko at 6:30 pinatawag na ako sa baba. Hindi ko maitago ang mangaha sa garden, hindi ko inasahang ganito ito kaganda kapag may ilaw na. Kung sana hindi ako aalis, mas masaya ang mararamdaman ko.
Seven pm official start.
"Please welcome, our very own debutante, Miss Vale Amadeus."At umakyat ako sa mini stage na ginawa nila saka nila ako pinaupo doon mag-isa katabi ko ang malaki kong cake.
Lahat sila pinag message bago ilapag ang gift sa baba ng stage. Mga nakakalokong message ng mga kaibigan ko hanggang sa ako na ang mga sasalita.
"Good evening, I am actually speechless at the moment since I haven't seen the preparation and all. Sila lang lahat ang naghanda nito at hindi nila ako sinama. The aisle is amazing, go job for that. Parang kinasal niyo ako. The problem is wala akong jowa." Nagtawanan sila lahat lalo na ang mga kaibigan ko.
"I'm really glad to have all of you here tonight celebrate with me in my birthday party. I actually never expect an extravagant party but I was blown out by just the venue itself. As I mentioned awhile ago they did this all.
I want to say thank to all of you, specially my board members/my friends. Thank you so much for this elegant party. This is way better than I expected, to be honest I'm totally surprised. I have nothing else to say. So let's just enjoy the party as if it's our last."
Saglit kong kinalimutan ang Plano kong umalis. I want to enjoy this night with them. My last moment with them probably. There are surprise presentations. I did really had fun. Bago matapos ang kasiyahan kinuha ko ang mic.
"Can I request something?"
"Of course for the birthday girl." Walang pag-aalinlangan na sagot ni Shara.
"Pwede bang dito kayo matulog?" I hopefully asked them.
"Oo naman pero bakit ba? " Nagtatakang tanong ni Shane.
"Gusto ko lang nandito kayo bukas para buksan ang lahat ng regalong iyan. Sobrang dami nila hindi ko kaya yan mag-isa.
"Yon lang ba, pwede naman sigurong sila na lang." Biglang sagot ni Gavin kaya nawala ang ngiti ko.
"Hindi, request nga eh, tsaka Omuo na kayo." Hindi din naman talaga ako papayag na humidity sila.
"Sa kwarto mo kami matutulog, then." Deklara ni Annika naalarma ako saglit.
"Hindi, hindi tayo kasiya doon." Pigil ko, matutunogan nila ang pag-alis ko kung ganoon. Wala din naman silang kawala dahil hindi nila ako pwedeng tanggihan.
Lahat ay pagod, at inaantok pagpatak ng alas diyes. Sinabi kong hanggang alas diyes lang ang gusto kong party kaya hanggang doon lang talaga. Kadalasan sa party ay sobrang late natatapos pero iba ang party ko. Lahat ay pagod, at natutulog na sa kani-kanilang solid. Nakapatay na lahat ng ilaw tulog na silang lahat, kailangan ko ng umalis.
Dahan dahan akong bumaba at tinext si Headmaster na kunin na ako ngayon. Maayos naman ang security ng bahay ko pero alam nila na aalis ako ngayon kaya kahit nakita nila ako ay hinayaan lang nila.
"So your leaving," napatigil ako bigla dahil narinig kong nagsalita si Alzia. Halos naitulos ako sa kinatatayuan ko noong marinig ko ang boses niya.
Dahan-dahan akong napalingon sakaniya nakaupo sa bench ng garden niya nakasuot pa nangpantulog at yakap-yakap ang tuhod.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Your leaving, aren't you?" Sa tono ng pananalita nito ay hindi ito natutuwa.
"Pano mo nalaman?"
"Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi noon ni Headmaster, yong sinabi niyang kailangan mo ring pumasok sa School na iyon." Naalala ko ang usapan namin noon. Akala ko hindi sasagi sa isip niya ang bagay na iyon.
"Yeah, nalala mo rin sana ang sinabi ko noon."
"Yeah, but I didn't expect na ganito ka big deal, hindi mo man lang mahintay ang graduation mo bago ka umalis o magpaalam samin." Hindi na nito napigilang magtaas ng boses. "Akala ko, akala ko maayos kang magpapaalam, ano bang meron doon at kailangan mong itago. It doesn't make sense! What is really up?!
"Not until dad died, at isa pa hindi kayo papayag. Pipilitin ninyo lang ako na wag tumuloy. "
"Bakit ba hindi pwedeng patagaling ano bang meron jan?" Naiinis itong nagpahid ng luha. Sa ngayon ay hindi ko na alam kung paano ako aalis nito.
"Justice for my father." I answered, hoping that she'll consider that reason is reasonable enough.
"How about me?" Lumuluha itong tumingin sa akin. Pero planado na lahat, hindi ako pwedeng umatras.
"Babalik naman ako." I actually doubt it, bumaba ito sa bench at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako.
"Iiwan mo ako? Pwede namang sumama ako." Nababasa ang damit ko sa luha nito.
"Hindi pwede, bawal ka pa doon."
"Ate please, " she's having a hard time of giving up something she really want or change. Ayaw na ayaw niya iyon. Mapili siya sa lahat ng bagay pero kapag gusto niya, gusto niya talaga at hindi niya iyon bibitawan agad.
"This is just a goodbye for awhile, mag-aral kang mabuti." Sininiyasan ko na ang isang guard na ihatid siya sa room niya.
Bumitaw ako sakaniya at pinanood niya akong umalis habang umiiyak. Nagpupumiglas ito para humabol sa akin. Sinisigaw ang pangalan ko. Galing sa sasakyan nakita ko siyang tumakbo pa pasok sa bahay.
"I'm sorry, but I need to do this."
The game has officially started.