Chapter 16: Let the Game Begin
Nagising ako sa alog ng sasakyan, nakita kong puro puno ang paligid at malubak ang daan. Liblib at walang kabahayan.
Huminto kami sa paanan ng bundok, ilang sandali ay bumukas ang pader na lupa at may metal na pinto. Bumukas rin ito at pumasok ang sasakyan saka huminto, sumara naman ang ito at wala akong ibang makita sa labas ng kotsi. Tahimik lang ang driver. Naramdaman kong bumababaang kami. Sobrang dilim, hindi nagtagal at huminto rin ang pagbaba. May bumukas ulit sa harap namin at pumasok kami roon. Parang tunnel ang tinatahak namin hanggang huminto kami sa isa pang bakal na pinto. May nakasulat na entrance sa itaas na kulay Berde.
"Pwede ka ng bumaba," saad ng driver. Nag-aalinlangan akong bumaba dahil wala akong alam sa anong dadatnan ko sa loob. Kahit kinakabahan, pinilit kong bumaba at lumapit sa pinto. May umilaw at pinasadahan ang buong katawan ko.
"ACESSES GRANTED," Nilingon ko ang kotsing naghatid sa akin. Nakita ko itong paalis na at malayo na para habulin.
"PLEASE SWIPE YOUR, IDENTIFICATION CARD." Babae ang program voice na kadalasang naririnig natin sa public places. Napakapa ako sa katawan ko kung nadala ko ba ang ID ko. Mabuti na lang at dala ko ang ID ko Sa Maddox.
Bumukas ang pinto at pumasok ako doon."YOU MAY PROCEED TO CABIN 4 FOR PROFILING, PLEASE PRESS THE NO. 1 BUTTON." Ginawa ko naman ang sinabi nito at ilang saglit ay tumigil ang elevator.
Halos mapanganga ko sa laki ng at ganda ng paligid. May malaki pang chandelier sa taas at may hagda papunta sa ikalawang palapag. Sobrang liwanag at lahat ng tao walang pakialam sa akin. Dinadaan daan lang nila ako parang hindi nakikita abala sa sarili nilang gawain. Tila may isang sibilisasyon sa ilalim ng lupa. Pakiramdam ko ay napunta ako sa ibang planeta.
Maraming pinto sa paligid at lahat ito may number. Naalala ko na lang ang sabi kanina ng babae cabin 4. Abala ang lahat sa paglabas-masok sa mga pinto may dalang mga papeles. Pumunta ako sa room number 4. Nadatnan ko don ang matandang lalaki at maraming tambak na papeles sa lamesa niya.
"Excuse me," nag-angat ito ng tingin sa akin.
"New student, I see." Mahina nitong saad at humarap ito sa kabila kung saan ang computer niya.
"Magandang Umaga po." Bati ko kahit tingin ko hindi ito sasagot. Masyado itong nakatutuk sa ginagawa.
"Name? I mean user name, one word only. Shortest as possible. "
"Veil," ito agad naisip ko, sing tunog lang ng pangalan ko. Iisang bigkas lang din. Spelling lang ang pinagkaiba.
"Peruse?" Hindi man lang ito tumingin sa akin habang iniincode ang lahat.
"Secret," sagot ko agad.
"Nagmamadali ako iha."
"I can peruse secret, secret peruser." Paglilinaw ko, hindi nga pala ito mahahalata kung saaabihin ko ng ganoon ka simple.
"Sorry,"
"Your thumb on that screen." Tinuro niya ang maliit na screen sa lamesa. Agad naman akong sumunod. Sininyasan niya akong pumunta sa harap ng kurtina at may camera sa harap.
"This is for your ID picture." Hindi ko alam kung tama bang sabihin niya yon habang hindi ko napaghandaan lahat at alam kong yon ang magiging ID ko for the whole school year.
Ilang sandali ay tapos na ang ID card ko, napatingin rin ako sa maliit na box sa tabi ng computer niya dahil bumukas ito. Kinuha niya at inabot sakin, maliit metal plate at nakaukit na doon ang pangalan ko Queen "Veil", kulay gold, may black border. Ganoon ka Dali at tapos na ang lahat ng requirements.
Nilagay niya sa maliit na sobre ang ID ko kasama ang susi na kinuha niya sa drawer niya. Nakasulat sa sobre 10th, cabin 2.
"Proceed to Mrs. Perez for Registration after fixing your self. You may go." Sabi nito sa akin kaya hindi na ako nagtagal pa sa office niya. Magalang akong nagpaalam kahit tila hanging na lang ako matapos niyang ibigay sa akin lahat ng kailangan ko.
Bumalik ako sa elevator at pindot ang 10, dinala ako nito sa isang magarbong living room, may hagdan sa gitna para sa ikalawang palapag. Anim na pinto nakapaligid sa engrandeng living room. Sa taas ang 1, 2 ang 3 sa baba ang 4, 5 ang 6.
Kada pinto may symbol of 6 pieces of Chess, the King, Queen, Bishop, Knight, Rook, and Pawn. Umakyat ako sa hagdan, at binuksan ko ang cabin ko. I can say nothing, but f*****g luxurious.
What I mean, full of luxurious things, like I'm literally a queen. s**t! Mas maganda pa sa kwarto ko sa bahay. Inayos ko na ang damit ko sa walk in closet at naligo. It seems boutique though.
Humiga ako saglit sa kama, I can't imagine how this room cost. I cannot afford this room, honestly.
"What's your Secret Peruser Academy?" Hindi ko mapigilang itanong, ano nga bang tinatago nito.
"Anong nagkukubli sa masarap na buhay na ito? "
What's with that chess pieces?
Lumabas na ako para pumunta kay Miss Perez para magparegister. Nasa sobre na ang lahat ng kailangan ko mapa ng school, rooms ng mga officer.
1st floor ang mga office ng mga prof, pati ang Headmaster at officers. Cabin 5 si Mrs. Perez. Hindi ko pa man nasasara ang pinto tinanong niya na ako agad habang katutok lang sa computer nito.
"Major course?" Napaisip ako bigla, ano bang available, hindi ko naisip ito.
"Ano pong available choices? "
"Hindi ka pa nakakapili?" Singhal nito, tila nakapagtataka nawala akong Major course na napipili eh hindi ko naman alam ang choices.
"Hindi pa po."
"My ID kana ba? " Tanong nito at kinapa ko ang ID ko.
"Meron na po."
"Nakalagay na sa Id mo iyan, I re-register na lang kita. Nagkamali na naman siguro si Soriano." Pero walang nakalagay sa ID ko, Queen lang at pangalan ko. Saka finger print at picture ko.
"Wala po talaga." Pinakita ko sa kanya ang ID at kinuha niya ito para matingnan ng maayos. Inayos nito ang reading glasses niya at binalik ang tingin sa akin.
"New Queen, I see." Binalik niya sa akin ang ID ko at humarap ulit sa Computer niya. Ilang sandali ay wala pa rin itong sinabi.
"Anong pong Major course ko?" Hindi ko na napigilang itanong.
"Ikaw ang pipili kapag nakausap mo na ang mga kasama mo." Sagot niya at binigay na sakin ang schedule ko. Bukas simula na agad ang klase, hindi mawala sa isip ko kung bakit kakausapin ko ang mga kasama ko tungkol sa course ko.
Don't get me wrong, sampu ang elevator na nandito, hindi isa lang kaya wala akong nakakasabay. At isa pa class hours ngayon. Kaya siguro wala akong nakakasalubong o nakakasabay. Pumunta muna ako sa 9th floor, para bumili mga kailangan ko.
May list ng floors na ibinigay sa akin si Mr. Soriano.
Rooftop / Surface -Main Battle Ground
1st - Office of School officers, staffs, etc.
2nd -Cabins of School officers, and staffs.
3rd - Cabin for Girls Students
4th -Cabin for Boys Students
5th - Logical Class, Law Students, Educ, and Detectives.
6th - Scientific Class, Chemist, Doctor, Nurse, Psychologist etc.
7th -Techno Class, Hacking, tracking, Mathematics, codes, Programming.
8th- Physical Class, Criminoloy, Military, Pilot, Etc.
9th - Shopping Center
10th - Chessmaster Cabin.
Which is quite odd, bakit nakahiwalay ang cabin ko at ng iba pang Chessmaster, the say. Pero wala akong magpatanongan.
Pagbukas ng elevator, parang totoong Mall lang, nandito lahat. May resto, Bar, Casino, Spa, Book Store, lahat ng klase ng pamilihan nandito. Lahat rin ng kailangan mo nandito na.
Bumili ako ng mga kailangan ko, like toothbrush, towel, lahat. Pera, cards, papeles saka konting damit lang ang dala ko. Kaya bumili ako ng mga damit pati shoes.
Mukang hindi ko mabibili lahat ng isang bilihan, nahihirapan na akong dalhin ang mga napamili ko. Kaya bumalik na ako sa Cabin.
"Who are you?" Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko, I was so caught up with my shopping bags not to notice his presence. Pumasok ako una sa elevator at sumunod naman siya. Pinindot ko muna ang 10th floor bago sumagot.
"I'm Veil, and you are?" Friendly kong bati sa kanya.
"Jed, nice meeting you." Nakangiti nitong sagot. In my estimate his standing 6 flat or above. Very good body built, hindi sobrang bato bath pero visible ang muscles.
"Nice meeting you too."
"You're a new Chessmaster Students, anong position mo?" Position sa alin? May Position?
"Position of what?"
"Hindi mo alam? I mean, are you the new pawn or something?" Saka ko lang naalala ang chess pieces sa pinto ko.
"Oh, sorry, I'm the New Queen." Agad kong sagot, akala ko naman kung ano na.
"Really?" Nagtataka nitong tanong, like is was imposimpossible.
"Yup, ikaw?"
"Knight, do you know how to play Chess?" Nakakaintriga, siguro ito na iyon, ano nga bang connection namin sa chess pieces.
"Not really, I never played before." I honestly answered, there's nothing to lie anyway.
"What!? Seryoso?"
"Bakit, anong meron sa chess?"
"Not really required, pero alam ng lahat yon, everyone knows how to play Chess, traditional stuff, you know."
"Okay, matutunan ko din yan." Well, I'm a bit disappointed with his answer. Pero ayokong magtanong ng marami.