Chapter 17: Cruel Welcome
Nauna akong lumabas ng elevator at hindi ko na napansin kung saan siya pumunta. Sa huling hakbang ko sa hagdan ay natigil ako noong may nakita akong sapatos sa harap kaya nag-angat ako nga tingin. And I saw a man's face looking at me dangerously. He looked directly into my eyes and it was like his trying to break my wall. Lumaban ako pero hindi ko pinaghandaan ito kaya muntik na nga niyang masira ang barrier ko mabuti na lang at maagap akong pumikit at napayuko. Parang may tumusok sa utak ko, sobrang sakit. Naluha rin ako ng kaunti.
"Tell your boss, that maids isn't allowed in this floor." Malamig nitong saad sa akin at inis ko itong nilagpasan, lumapit ako sa pinto ng kwarto ko at sinaksak ang susi nito. Nahagip ng paningin ko ang nameplate nito sa kaliwang dibdib it was 'King Zid'.
"Loud and clear. " Malamig ko ring sagot bago binagsak ang pinto matapos kong pumasok sa kwarto. How dare him? Muka ba akong mucha-cha? Zid, I will never forget that name.
Kahit nag-iinit ang ulo ko ay inayos ko na lang ang damitan ko. After everything, I haven't gotten over it. Naiinis pa rin ako, that was 'effin rude. Nagpagpasyahan kong lumabas na lang dahil sa inis. Bumalik ako sa 9th floor para mamili pa ng mga kailangan ko. This time, hindi na gaano madami ang dala.
Natigil ako sa pag-akyat sa hagdan noong may narinig akong marahas na pagsara ng libro. Agad kung nilingon kung saan ito galing. Nakaupo ito sa couch may hawak na libro at may suot na reading glasses. Hindi ito nakatingin sa akin at nanatiling nakasara ang libro.' Rook Jim'
"How did you get here?" This man is giving me the same vibe of that despicable Zid.
"Elevator, I think? " I will never lost my composure this time. I am prepared of what may happen.
"Hindi ka pwede dito, get out." Kalmado nitong saad at nagtaas lamang ako ng kilay.
"Bakit hindi ikaw ang umalis? Kakadating ko lang, hindi mo ba nakikita?" Tumalikod ako agad at umakyat na ng tuluyan sa hagdan pero bago ko maabot ang ikalawang palapag ay may humawak sa pulsuhan ko.
"Your new, who are you? " Tanong nito at inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"One thing is for sure, I'm not a maid nor a servant. I do belong here so f*ck of." Halos takbuhin ko na ang kwarto ko sa inis. Hindi ba nila alam ang tamang parang ng pagbati ng bagong dating.
King-Zid
I am the Queen
Bishop is unknown
Rook-Jim
Knight-Jed
Pawn is unknown.
Dalawa na lang, makikilala ko rin silang lahat.
Alam ko na ang senaryong ito. Gaya noon sa kompanya ko, ayaw ulit nila sa akin. Kapag baguhan kinaiinisan. Anong bokabularyo ba meron sila?
Tahimik akong naglalakad hallway pa Punta sa first period ko. Habang abala naman ang lahat sa mga ginagawa nila, para bang hindi ako nakita. May mga sumusulyap sa akin pero wala itong pakialam. Nandito ako sa 5th floor napagpasyahan kong pumasok sa Educ sa ngayon.
Umupo ako malapit sa pinto, base on what I observed, all of them are dedicated. Hindi man lang nag-eeffort ang professor na simplehan ang explanations niya. Everyone is coping up, no objections at all. Walang pasaway, lahat nakikinig nagpaparticipate. They even take down notes kahit may copy naman lahat.
Nakakamangha na ganito kaayos ang paaralan. Walang ibang ingay kondi debatihan, tanongan at boses ng mga prof nag magdidiscuss. They are learning seriously.
Matapos ang klase, sumakit ang ulo ko. Aaminin kong hindi ako sanay pumasok sa School dahil lagi akong nakakatakas since may trabaho ako. I always found an alibay to escape classes. Pero ngayon, parang dumudugo utak ko.
Domain ako sa Shopping Center para mamili ng mga gamit sa school, kailangan ko rin ng Ilang libro sa library.
"So your the New Queen," napatigil ako sa paglalakad habang hinahanap ang librong kailangan ko. Humarap akong sa babaeng narinig kong nagsalita sa likod.
"Yeah, and you are?"
"Hell is better than you are." Who the hell is that butch named Hell?
"Sinong si Hell?" Bishop Lixir, ang nakalagay sa nameplate nito. Ngumiti siya ng malademonyang ngiti.
"Right here, b***h. " Bago pa man ako makalingon ay may humila sa buhok ko galing sa likod. Hinila niya ito ng mas malakas at napatingala at sa kisame. "I'm Hell, I was the Queen. Who are you to steal my position?" Bulong nito sa akin ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko.
"I. Am. Your. Queen. You were the Queen but not anymore. So matutu kang lumugar." I firmly spat, who says she can freely touch my hair. Mabilis ko siyang siniko sa tagiliran kaya nabitawan niya ang buhok ko. Kaso may agad ring humablot ng buhok ko at masama akong tiningnan ni Hell. Hawak ako ni Lixir habang kaharap ko si Hell.
"Feisty, " Piste! Malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko.
"Matapang ka, pero ako ang puputol ng sungay mo." Lumagapak ang kabila kong pisngi.
"Matapang ka lang kasi may kasama ka. Wag na wag mong aalisin sa tabi mo itong mucha-cha mo, hindi natin alam kung ano kayang pwede kong gaw-" Bigla niyang sinuntok ang ilong ko at parang umikot ang paningin ko.
"What? What are you saying again?" And she evilly smiled at me. I was about to smile evilly back but instead I acted hurt and overpowered. Agad akong binitawan Lixir dahil paparating si Zid. Habang si Hell ay walang alam.
"You think makukuha mo ang korona ko ng ganoon kadali?" She was about to punch me but Zid stop her hands.
"Hell," he warned hell and look at her dangerously. I clearly saw how she change in just snap. From evil to innocent.
"My King, nandito ka pala." Ironically but a sweet voice came from that b***h. Disgusting!
Bago ko pa man masaksihan ang landing nila sa harap ko ay agad na akong tumalikod paalis. Hinablot ko ang librong kailangan ko at binayaran sa counter. Matapos kung bayaran ang binili ko may humablot ulit sa akin. It was Zid.
"Clinic is this way." Inis kong hinablot pabalik ang kamay ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Like I was saying 'sino siya sa inaakala niya?'. Malamig niya akong tiningnan kaya agad na akong tumalikod paalis.
"Hard headed, " Rinig kong bulong nito bago ako makalayo.