16

1768 Words
PUNONG-PUNO ng magandang panaginip ang buong gabi ni Bianca. Siguro ay epekto iyon ng pagiging inspired niya. Pag-uwi pa lang niya ay marami na siyang naiisip na magagandang eksena nila ni Rusty sa mga susunod na araw. Kaya hindi na siya nagtakang hanggang sa panaginip ay nadugtungan iyon. “You’re blooming,” puna ng kanyang ina nang magkaharap sila sa almusal. “Really?” matamis ang ngiting tanong niya. “I had a wonderful day yesterday. And I had a peaceful sleep.” “Mayroon sigurong iba pang dahilan.” Nanunukso ang boses nito. “In love?” “Always,” sagot niya, saka tumawa. “Nasaan na ang lalaking sinasabi mong ipapakilala mo sa akin?” “Huwag kang mainip, `Ma. You’ll meet him soon.” “Magustuhan ko naman kaya siya?” “I’m pretty much sure.” “Darating na bukas ang Tita Marissa mo. Kasama niya iyong sinasabi niyang ipapakilala sa iyo.” Nalukot ang ilong ni Bianca. “Hay, naku, hindi ako interesado. I’m in love with somebody else.” “At least be civil to him.” “Of course.” “Pupunta ako sa Greenhills para mag-grocery. Gusto mong sumama?” Tatango sana siya nang biglang may naisip. “I guess I better go to Makro. Wholesale ang bibilhin ko.” “Wholesale?” Nagkibit-balikat siya. “May nakilala akong involved sa isang NGO. Nangako akong magdo-donate ng mga gamot at pagkain. Mamimili ako ng noodles at canned goods.” “Bigla ka yatang nagkainteres sa pagkakawanggawa?” nakangiting tanong ng kanyang mama. “Hindi kaya nilalagnat ka lang, hija?” “`Ma, alam mong kahit ganito ako, hindi naman ako sakim.” “Yes, I know. Mabuti pang samahan na kita. Dadagdagan ko na rin ang donations mo. Pero pagkatapos, sasamahan mo ako sa Greenhills?” Tatanggi sana siya pero naisip din na hindi na sila gaanong nagkakasama. “Okay.” Sinadya niyang huwag buksan ang kanyang cell phone sa buong maghapon. Ayaw niyang mapalitan ng disappointment ang masayang pakiramdam kung mabibigo siya sa pag-asam na tatawagan siya ni Rusty. Pagkatapos mamili ay kumain na rin sila ng mama niya sa labas. Nagkayayaan pa silang manood ng sine kaya halos hatinggabi na nang makauwi sila. Pagod na siya pagdating sa bahay. Dumeretso siya sa sariling kuwarto at naghanda na sa pagtulog. Mabilis ang mga kilos ni Bianca paggising niya nang sumunod na araw. Nakabihis na siya nang lumabas ng kanyang kuwarto. “May maagang lakad ka, hija?” tanong ng kanyang ina pagkatapos niyang humalik sa pisngi nito. “Mag-iikot sa mga negosyo at maglalakwatsa na rin,” nakangiting sagot niya. “Huwag kang magpapagabi. Alas-kuwatro lalapag sa airport ang eroplanong sasakyan nina Tita Marissa mo. Magtatampo iyon kapag hindi ka namin nakasalo sa dinner.” “Hindi ko kakalimutan, `Ma. Pagdating niya, sabihin mo rin sa kanya na huwag kakalimutan ang mga pasalubong niya sa akin.” “Iyon pa? Alam mo namang paborito ka n’on.” “Yeah. Naisip ko lang na baka ang sabihin niyang pasalubong, eh, `yong lalaking ipapakilala niya `kamo sa akin. Ayoko iyon.” “Bianca, nag-usap na tayo kahapon. Be nice to him. Kahit hindi mo siya gusto, huwag kang magpapakita ng hindi maganda.” “I know, `Ma.” Ininom lang niya ang gatas at nagpaalam na. “Hindi ka kakain?” “Later na lang. May kausap ako for brunch.” Ang totoo, excited si Bianca kaya hindi niya magawang kumain. Mamaya na lang siya kakain kapag hindi na niya matiis ang gutom. Sa ngayon, mas gusto niyang i-entertain sa isip ang mga ideya niya. Dumaan siya sa dalawang branch ng water refilling station para mag-check doon habang nagpapalipas siya ng oras. Nang medyo tanghali na, umalis na rin siya at nagpunta na sa clinic ni Rusty. Sa pagkakataong iyon, isang kahong brownies naman ang dala niya. Bukas ang clinic nang dumating siya pero wala roon ang sekretarya nitong si Laura. Hindi agad siya pumasok, sa halip ay nilakasan niya ang pagkatok sa pinto. Mayamaya lang ay lumabas si Rusty mula sa consultation room. “Bianca,” nakangiting sambit nito, bakas ang katuwaan sa boses. “Good morning. Hindi ba ako nakakaabala?” “Of course not. Halika, pasok ka.” “Wala ka yatang pasyente ngayon,” kaswal na sabi niya nang makapasok. “Mayroon. Pinasamahan ko kay Laura sa laboratory.” “For you,” aniyang iniabot dito ang kahon ng brownies. “May dala ka na naman? Para naman akong nililigawan nito,” pabirong sabi nito. “And what if I am?” deretsang sabi niya. Napatitig sa kanya ang binata. “You’re kidding, right?” “I’m not,” seryosong sagot ni Bianca. “Rusty, ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit madalas kitang puntahan kahit hindi mo naman ako pasyente? I like you, that’s the reason. And in fact, when I got to know you more, I became more attracted to you.” Parang lalong nagulat ito sa inamin niya. “I can’t believe this.” “Bahala ka. Gusto ko lang malaman mo na ang pakay ko habang maaga. At ang sabi mo naman, you’re single and available. Kaya sigurado akong wala akong nasasagasaan.” Napanganga na si Rusty. Mayamaya ay bumaba ang tingin nito sa pagkaing dala niya. “Don’t tell me may gayuma ito?” Natawa si Bianca. “Huwag kang mag-alala, hindi ko pa naman naiisip na kailangan kong haluan ng gayuma ang mga pagkaing dinadala ko sa iyo. I’m sure, hindi mo tatanggapin kung bulaklak ang ibibigay ko. The best choice is food.” “Ang ibig mong sabihin, mula nang unang magpunta ka rito—” “It started when I saw you at our class reunion. Remember, nagkabanggaan tayo? You didn’t even recognize me. I felt the instant attraction,” pagtatapat niya. “At ayokong basta na lang lumagpas iyon nang ganoon. Natuwa ako nang malaman kong pareho tayong nandito sa Manila. Madali na para sa akin ang—” “Ligawan ako?” parang namamanghang putol ni Rusty sa sinasabi niya. “Oh, God!” Hinila nito ang silya at naupo. “Are you always like this? Ikaw ang nanliligaw sa lalaki?” “Only to those I’m really attracted to,” prangkang sagot ni Bianca. “Mas marami pa rin namang lalaki na nanliligaw sa akin. Why are you so shocked? Pantay na ngayon ang mga lalaki at babae. Kung gusto ninyo ang isang babae, hindi ba’t nililigawan ninyo? Eh, di liligawan din namin ang lalaking magugustuhan namin. At siguro naman, hindi nakakahiya sa iyo na ligawan kita. I don’t see you as my meal ticket. Nililigawan kita because I’m more than attracted to you.” Bumuntong-hininga si Rusty. “I’m so sorry, Bianca. Pero hindi ko akalain na ganito ang...” Kumunot ang noo niya. “What do you mean your sorry?” “H-hindi ako sanay na nililigawan ng isang babae.” “There’s always a first time, Rusty,” nakangiting sabi niya. “Sa tingin ko naman ay wala tayong masamang pinagsamahan. In fact, ipinapahanda ko na ang mga donasyon na ibibigay ko sa grupo ninyo. I’m putting my best foot forward. I’d like to show you I’m not a bad catch.” “Yes, I know that. Kaya lang...” “Alam kong naninibago ka. Pero mas mabuti na ang ganito, `di ba? Iyong malaman mo ang talagang gusto ko sa iyo. I better go now. I think you need some time alone.” Pero bago siya tuluyang umalis ay lumapit siya at ginawaran ng isang banayad na halik ang sulok ng mga labi nito. “Bye for now, sweetie,” sabi pa niya. Nagpasya si Bianca na umuwi na. Nagawa na niya ang kanyang mission sa araw na iyon. Wala ang mama niya nang dumating siya sa bahay. Ayon sa mayordoma nila, sumama ito sa pagsundo kina Tita Marissa sa airport. “Manang, ano `yang ginagawa ninyo?” “Hamonadong manok. Paborito pala ito ng Tita Marissa mo kaya ibinilin ng mama mo na gumawa ako.” “Madali lang bang gawin?” “Interesado ka bang matutuhan?” nakangiting tanong nito. “Turuan mo ako,” aniya. Naisip niyang panahon na para iyong pinaghirapan naman niya ang pagkaing dadalhin niya kay Rusty. Sigurado na mas magugustuhan siya nito kung siya mismo ang magluluto. “May pagbibigyan ako.” “Matatapos ko na itong gawin. Kung gusto mo, gumawa na lang tayo ng panibago. May manok pa naman sa ref.” “Okay.” Pero hindi siya umalis sa kusina. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasunod siya sa bawat kilos ng kanilang kusinera. Inaalam niya ang paraan ng pagluluto nito. Pagkalipas ng kalahating oras, siya naman ang tinutukan nito. Idinikta lang nito sa kanya kung paano ang tamang pagtitimpla sa manok. Siya ang mismong gumawa at nagsalang niyon. “Mas madali ka kasing matututo kung ikaw ang mismong hahawak ng lahat,” paliwanag nito nang nakasalang na sa apoy ang manok. “Oo nga, Manang. Mas natatandaan ko. Bukas ko dadalhin iyan. Hindi ba mapapanis iyan?” “Hindi. Pagkaluto, palalamigin lang natin at ilalagay sa ref. Tamang-tama, kapag ininit mo iyan bukas, mas masarap na iyan. Mas sumipsip na sa manok ang timpla.” Nang makaluto ay tumulong pa rin siya sa paghahanda ng mesa. Halos katatapos lang nilang gawin iyon nang dumating ang mga balikbayan. Sinalubong ni Bianca ang mga ito. Tama nga ang kanyang mama, may kasamang Fil-Am ang Tita Marissa niya, si Phil. At sa unang pagtatama pa lang ng kanilang mga mata ay alam na niya ang ibig sabihin ng lagkit ng tingin nito sa kanya. Pero hindi siya apektado. Si Rusty ang gusto niya. Magpa-cute man si Phil nang buong maghapon at magdamag, bale-wala sa kanya. Hinarap na lang niya ang mga nakababatang pinsan. “Saan kayo unang pupunta, sa Boracay o Palawan?” tanong niya. “Kami?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Tita Marissa. “Hindi ka kasama?” Umiling si Bianca. “Busy ako, eh.” “Hindi ko ibibigay ang pasalubong ko sa iyo kung hindi ka sasama,” anito. “Ewan ko ba sa batang iyan,” sabad ng mama niya. “Sawa na raw kasi siyang mag-beach.” “Kahit na. Kami naman ang kasama mo this time,” anang asawa ni Tita Marissa. “Sa makalawa pa naman kayo aalis,” sabi na lang niya. “I can always change my mind.” “Maybe I can help you change your mind,” sabad ni Phil. Bianca almost rolled her eyes. Nginitian na lang niya ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD