NAKAILANG TAWAG SI CLYDE kay Lizeth pero hindi siya nito sinasagot. Maaring busy ang dalaga o kaya naman ay talagang nabuburyo na ito sa kanya. Sabagay hindi niya ito pinatulog kagabi. Nakipag asaran at kinulit nanaman niya ito. "How is everything?" Biglang dumating si Elliot sa opisina ni Clyde mag aalas sais ng gabi. Gwapong gwapo ito sa suot nitong puting suit.
"Wala kang pasok?" Tumigil sandali si Elliot, nakita niya ang family painting nila na nakasabit sa ding ding ng mini opisina nito. "Ang ganda ng ngiti ni Papa dito no, buhay na buhay." Ika nito.
Natahimik din si Clyde. "Sa picture nayan hindi talaga nakangiti si Papa pero ang sabi ko sa magpipinta baguhin niya." Naging mabigat nanaman ang ora para sa dalawang magkapatid pero upang paaganin 'yun ay iniba ni Elliot ang usapan. "By the way how is Lizeth?"
"Ayun, ayaw ng sagutin yung mga tawag ko."
Natawa ng bahagya si Elliot pagkatapos ay umupo siya malapit kay Clyde. "Akala ko ba may gusto yung babaeng yan sayo. Kutob bampira lang pala ang lahat." Sige parin ito sa pag ngisi.
"Yun din ang akala ko sa una pero I'm wrong. Papasok pa yata ako sa butas ng karayom."
Nilagay ni Elliot ang dalawa niyang kamay sa likod ng batok niya. "Kung mali ka pala sa kanya then seek other women. Ika nga maraming isda sa dagat yun nga lang hindi mo alam kung ano ang mabibingwit mo." Pagkatapos ay nagpunta si Elliot kung nasan ang laptop ni Clyde. Tamang tama na nakabukas ang f*******: account ng cafe nito. "Let me see." Ika niya habang simulang pindutin ang buton. Nakita nito ang mga babae na nag post sa mismong f*******: page. "Angela Guzman." Pagsisimula ni Elliot. "A nusing student. Ito nalang kaya ang i-date mo para makalibre tayo ng dugo sa blood bank." Pagbibiro niya.
"Ayoko."
"Or ito." Muling iniscroll down ni Elliot ang mouse. "Megumi Hiromi. Isang half Filipino half Japanese na second year college sa lungsod ng Dagupan. Maybe ito. Alam mo bang may nagsabi sa'kin na matamis daw ang mga dugo ng Japanese."
"Ayoko nga kuya, syrmpre iba parin si Lizeth."
"Teka teka. Ano nga ba ang espesyal kay Lizeth? Remember my brother na hindi lover ang hinahanap natin kundi isang alay na later on ay papatayin morin."
Isa pa yan. Ang pag patay. Alam ni Clyde na ang pagpatay lamang ang solusyon sa kanyang sumpa ngunit sa kabila ng lahat ay hindi rin siya pabor na pumatay ng tao. Katulad na lamang ng sinabi ng kanilang ama. Na kauna unahang rules sa angkan ng mga Braganza na huwag pumatay ng tao kung hindi naman kinakailangan. "Alam ko naman 'yun. And theres nothing special about Lizeth. Pakiramdam kolang na siya ang the best girl to complete our mission."
"Okay sinabi mo eh." Sinarado na ni Elliot ang laptop ni Clyde. "Then kung hindi umeepekto ang mga pagtawag mo sa kanya then lets continue to our plan b."
"Anong plan b?"
Ngumisi ulit si Elliot pagkatapos ay mula sa bulsa ng suot niyang slacks na pantalon ay nilabas niya ang isag bagay. Isang maliit na hidden camera. "Ito ang plan b." Ika niya.
KANINA PA NAPANSIN ni Lizeth na tila pinag uusapan siya ng tatlong kolehiyala pag sakay niya ng MRT. Umaga 'yun. Nagmamadali pa naman siyang pumasok dahil naiwan niya sa kanyang drawer ang kanyang telepono sa pag mamadali niya nung isang araw. Panigurado niya ay puno 'yun ng missedcall ni Clyde. Huminto ang tren sa may bang bang station. Duon ay nagkaroon ng pagkakataon na puntahan siya ng isa sa mga babae. "Hi Miss?"
"Yes, what can I do for you?"
"Are you viral girl?" Biglang sumara ang pintuan ng tren kaya kumapit silang dalawa.
"Hindi kita maintindihan, anong viral girl?" Hindi na nagsalita ang babae. Basta binigay na lamang nito ang cellphone nito sa kanya. Mula duon ay isang video ang nakita niya. Mas inilapit pa niya ang kanyang mukha sa screen ng cellphone. Siya nga ang nasa naturang video pati ang makulit na si Clyde. "Saan mo'to nakuha?"
"It was posted online." Tanging sabi ng babae. Hindi man ganun kalinaw at ka steady ang pag tingin niya sa video dahil sa paglakad ng tren ay hindi mapag kakailang siya nga iyun. Yun ang kuha sa kanilang date sa night cafe.
Nagdadabog siyang pumasok sa opisina. Hindi pa man siya tuluyang nakakapunta sa kanyang mesa ay sinalubong kaagad siya ni Clarisse. Mukhang kinikilig ito. "Ikaw ah, may pa video pa pala 'yung date nyo ni Papa Clyde. Pero ang daya kasi sayo lang naka focus yung camera nakatalikod yung baby Clyde ko." Yun na nga ang isyu 'dun eh. Buti kung parehong kita ang mukha nilang dalawa sa video. Eh ang buong bente menutos ng video ay sa mukha niya lang naka focus. Kitang kita tuloy dun ang pagka kilig niya.
"Humanda talaga yan sa'kin." Pagkatapos ay kinuha ni Lizeth ang naiwan niyang cellphone sa may drawer. And as expected. Marami ngang misscall si Clyde. Halos trenta.
"Ano namang masama sa video. Eh pinapakita lang 'dun na inlove ka sa kanya."
"Yun nga eh, dahil hindi."
"Sigurado ka. Pero mukhang hindi." Tila nag aasar pa si Clarisse pinlay pa niya ang video muli sa harapan niya. Yung parte na tinanong siya ni Clyde if She is single then sumagot naman siya at walang kagatol gatol na yes. "Ahhh!" Simugaw muli si Clrisse. Hinampas naman niya ito.
"Ano kaba napaka iskandaloso mo talaga." Umupo na siya sa kanyang mesa. "Alam ko naman eh na tactics 'yan ni hambog na Clyde na'yun para makipag date ulit ako sa kanya."
"Eh bakit pa kasi pa demure kapa, ikaw paba ang tatangging makipag date sa future c.e.o. ng braganza food incorforation."
"Ano Braganza food.."
"Oo you heard it right, hindi lang gwapo si Papa Clyde kundi mayaman pa. Knowing that Braganza foods ay top five company sa buong Pilipinas."
Impressive nga ang pamilya ni Clyde well hindi parin 'yun sapat para madali siyang mapa oo nito.
PRIOR SA PAG BUBUKAS ng kanilang cafe ay nagbabake na si Clyde ng kanyang mga i se-served na cake. Gusto niya na fresh ang lahat bago pa ito i serve sa mga costumer. Red velvet cake. Yan ang bago nilang best seller after ng triple chocolate deluxe. Kaya naman ay nilagay na ni Clyde ang mga dry ingredients sa isang mixing bowl saka hinalo. Amoy na amoy sa paligid ang aroma ng vanilla at butter. Napapangiti siya. Ito rin kasi ang unang natikman ng kanyang ama ng minsay nag experemento siya sa kanilang bahay. The pan was pre heated on the oven. Pagkahalo ay nilagay na niya 'yun sa isang circular stainless na lalagyan at pinorma. "Perfect." Sambit niya habang pominagmamasdan 'yun. Pero hindi paman siya gumagawa ng icing nito ay nakarinig siya ng pagbukas ng pintuan. Kasunod nuon ay naranig din niya ang paglalakad nito patungo sa kinaroroonan niya. The smell of her blood hindi siya maaring magkamali na si Lizeth iyon. Pumikit siya. "At bakit ka nandito? Sarado pa ang cafe namin."
Pag mulat niya ay nakita niya ang nangagalaiting si Lizeth. "Hindi po ako dito nagpunta para sa mga cakes mo. Siguro naman may ideya kana kung bakit ako nandito."
"Ano nga ba?" Pinapagtuloy lamang ni Clyde ang kanyang ginagawa. Sunod naman nun ay hinalo niya ang natirang butter sa isa pang bowl.
"Seryoso." Nagpunta mismo si Lizeth sa harapang lamesa ni Clyde. Nilapat niya ang dalawa niyang kamay sa lamesa na akala mo ay nakikipag sumo. "Bakit mo inapload yung video?"
Sunod naman na nilagay ni Clyde ang kaunting food color. Naging kulay pula ang hinahalo nito. "F.Y.I hindi po ako ang nag upload ng video. Nakita ko nalang din yon online."
"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?"
"Its up to you then huwag kang maniwala." Huminto si Clyde sa pag hahalo ngayon. Nagpunta naman siya ng oven para tignan ang niluluto niya. It was perfect. Tinusok niya iyon ng tootpick upang malaman kung luto na.
"Then sino nga ang nag upload?"
"Maybe my one of my staff. Or one of my fans."
"Ano fans?" Nakalimutan niya na sikat nga pala si Clyde sa social media. So ganun nalang ang mga ito ka obsessed sa binata? Naguguluhan siya. Kahit na nagagalit siya dito dahil sa walang pahintulot niya na iupload ang video sa internet ay ibang dating parin pag pinapanood niya si Clyde na mag bake. Ngayon ay nilalagyan na ni Clyde ng icing ang cake. Pulidong pulido iyon gamit ang isang pahabang metal ay tila sinuklay ni Clyde ang icing sa katawan ng bilog na cake. Tila sinukat ang bawat dulo. "Ano maganda ba? Mukhang natahimik kana diyan?" Wika ni Clyde. Pagkatapos ay nilagyan pa nito ang ibabaw ng cake ng magarbong palamuti. Isang hugis puso ang tinusok ni Clyde sa gitna habang ang gilid ay nilagyan niya ng mga ulap. "I called it. My divine heart"
"Ano?"
"Itong cake ang sabi ko." Nawata ang binata. Sa isip isip ni Lizeth ay napaka wirdo talaga nito. "Ahhh basta sabihin mo diyan sa fan mo kung sino man siya na burahin niya yung video dahil kung hindi hmm!" Hinati ni Clyde ang cake. Pagkatapos ay ibinigay nito sa kanya. "Kung hindi ano? Alam mo mas maganda kung tikman mo muna yung cake."
Pinagmadan niya ang itsura ng cake. Sa labas palang na anyo nito ay mukha na iyong masarap. Her mind dont want to do it, but her heart does. "Go ahead." Hindi ba niya mawari pero otomatikong gumalaw ang kanyang kanang kamay, kinuha ang kutsarita at tinikman ang maliit na piraso ng cake. All was so calculated. Lahat ng mga ginamit na sangkap ay tila sinukat ng mabuti upang magkaroon iyon ng masarap na lasa. "Ano masarap ba, and gusto mo parin ipabura yung video?"
Napatingin siya kay Clyde. Tila pati siya ay nabigla kung bakit na lamang ganun ang naging akto niya. "Of-ofcourse." Medyo nauutal siya sa hiya. "Basta pakisabi nalang..." hindi na natapos ni Lizeth ang kanyang sasabihin at bigla na lamang siyang umalis sa baking area.
"Your magic was didnt go well my lil brother?" Ilang sandali pa ay lumabas mula sa kadiliman sa dako pa ruon si Elliot. Kanina pa pala ito nagmamasid sa dalawa.
"Parang ganun na nga." May lungkot sa boses nito.
"Sabi ko naman kasi sayo na maghanap ka nalang ng iba, yung hindi ka maghihirapan."
"Well at least I tried." Napatingin si Clyde sa binake niyang cake. "Wait meron akong ideya. I dont know kung malaki ang magiging impact nito pero..."
"Ano naman 'yun?"
"Soon youll find out and kuya I need your help." Pagtatapos ng binata.