Chapter 6 - Love

1474 Words
PAG UPO NI ELLIOT sa opisina ng Braganza food incorporated ay isa lamang ang kanyang naalala. Walang iba kundi si Don Rodrigo ang kanyang Ama. Maraming nag sasabi na malupit daw ito. Walang awa sa mga nasasakupan. May isa pa ngang balita na meron daw itong sinalvage pero tanging kasinungalingan lang ang lahat ng 'yun. For His perspective Si Don Rodrigo was nearly perfect. Ginawa nito ang lahat para sa pamilya nila at sa kanilang kompanya. Naalala tuloy niya ng umuwi siya isang umaga. Nagmamadali siya. He was seventeen years old back then. Pag bukas niya ng pintuan ng mansiyon ay nakita niya ang kanyang Ama na nakaupo sa may gitna ng sala, hinihintay siya. "Saan ka galing?" "Sa party, my friends party." "Friends party?" Medyo kakaiba ang tono ng boses nito. Kita rin niya na medyo namumula ang mga mata nito. "You even looking on your cellphone, kanina kapa namin tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Kailan kapa naging iresponsable Elliot!" Nagtaas na ito ng boses. Narinig yata 'yun sa buong mansyon. Hindi na nagsalita si Elliot. Lumapit sa kanya ang ama. "This is your age to become a regal vampire. Paano kung hindi mo 'yun ma control? Gusto mo nang i exposed ang pamilya natin, our family secrets for almost one hundred years sa mundong ito?" "Papa kaya ko naman..." "Huwag kang magsalita ng tapos my son, hanggang sa hindi pa ito nangyayari. Huwag mo ng tularan ang ginawa ng kuya mo before. Muntikan na siyang makapatay ng tao." Nakatingin lamang si Elliot sa nakasaradobg bintana. Walang salita at walang kibo. Hanggang walang anu anoy naramdaman na lamang ni Elliot ang mahigpit na yakap ng Ama. Malamig ang boung katawan nito na tagus sa kanyang mga buto. "Son mahal na mahal kita." Akala moy papatak ang luha niya sa mga puntong 'yun pero pinigilan niya. Muli siyang nagising mula sa pagbabalik sa nakaraan. "I love you too Pa and I missed you." Bulong niya habang nakatingin siya sa litrato ni Don Rodrigo na nasa lamesa. "Okay magtrabaho na tayo." Ika niya sabay kuha ng mga paperwork na nanduon. Madami 'yun. Expected na niya 'yun dahil almost three months ding walang tao sa opisina. Until one suspicious report was caught his attention. Pagbuklat ng isang report mula sa bugkos ng mga oapel ay nakita niya ang isang pangalan. Project 'yun ng tito Emilio niya. Last year pagkatapos mawala ang kanyang ama. Siniyasat niya ,yun ng mabuti pagkatapos ay agad niyang tinawagan ang sekretarya ng kanyang Ama. "Natalia can I make you a favor?" Tanong niya sa telepono pagkatapos nitong sagutin ang tawag. IRITABLE NANAMAN SI LIZETH ng mga sandaling iyun. Paano't nanduon nanaman si Sir Max malapit sa worknplace niya. Bagong gupit ito ng buhok. Bakit akala ba nito ay naging mas gwapo ito sa paningin niya after His haircut well hindi, mas nag mukha itong bao ng niyog. "Buhay paba ang naggupit sa inyo Sir?" pang aasar niyang tanong. "Ofcourse at sa mamahalin ako nagpagupit." "Talaga lang ah. Iniayos ni Lizeth ang mga papeles mula sa ibabaw ng kanyang kamesa. "Lizeth." Kahit na naiinis ay tinignan niya si Sir Wax. Nairita nanaman siya. "Pwede mo ba akong samahan mamaya?" Teka ano daw, para siyang nabingi. "Ano po 'yun Sir?" "Kasi may bibilihin sana ako mamaya kung pwede mo lang akong samahan sana." Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni Lizeth. Sabay silang napatingin 'dun. "Ay Sir nakalimutan kolang ilagay sa locker yung phone ko." Halata sa tinatago ni Sir Wax ang inis sa mukha pero mas pinakubabawan yun ng pagpapalakas niya sa dalaga. "Its okay, go ahead kunyari hindi ko narinig." Sabay kindat nito. "May I excuse me Sir. Kinuha ni Lizeth ang telepono at tumalikod kunyari. Pagkasagot niya mula sa kabilang linya ay nabosesan niya ang tumatawag. Si Clyde yun. "Good morning Miss Lizeth."  Mas lalong nadagdagan ang init ng ulo niya. "Ay yes love!" Talagang nilakasan niya ang salitang love. Pero sa kabilang banda ay nagulat siya na bakit salitang love ang nasabi niya. Napapakunot noo siya. Tumawa si Clyde. "Anong love? Is this Lizeth." "Love ako ito." Ngayon hindi lang noo ang kumunot sa kanya kun'di rin bibig. "I didn't know what happened pero ibig sabihin ba nito ay tinatanggap mona yung alok kong second date?" Natahimik si Lizeth sa puntong 'yun. "Ahmm..." hindi pa nakakapag salita si Lizeth ng biglang kunin ni Si Wax ang cellphone niya. "This is office hour at bawal pong tumanggap ng tawag." Sigaw nito sabay hung up ng telepono. Kitang kita ni Lizeth ang labis na galit ni Wax sa caller. Na badtrip yata ito lalo na nung narinig niya ang salitang love kanina. "Sir okay lang kayo." Habol parin si Sir Wax sa pag hinga. "Sino 'yun?" "Friend kolang po 'yun Sir?" "Friend, kaibigan molang 'yun tapos love ang tawagan niyo!" Nag pumewang siya. "Ano naman po Sir ang mali sa love." "W-wala naman pero..." "Wala nama pala Sir eh kaya pwede nyo napo bang ibalik ang cellphone ko?" Parang pusang natakot sa amo nito si Sir Wax ng bigla niyang ibalik kay Lizeth ang cellphone. "Anything I can do for you Sir?" "W-wala na naman." Pagkatapos ay tumalikod na si Lizeth at pinagpatoy ang kanyang ginagawa. "SIS HINDI KITA MASASAMAHANG UMUWI." tinapik ni Clrisse ang kaibigan pag dating ng alas otcho ng gabi. May nag text kasi dito from her dating app na boyz.com. It was Gary a 30 years old stunner from Qeuzon City. Eh mukhang napapaibig na siya nito. Sabagay hindi naman mahirap mapa ibig si Clarisse. Basta bigyan mo lamang siya ng tamang atensiyon ay solve na siya. "Okay lang ako." Sagot naman ni Lizeth.  Medyo trapik sa bandang office nila ng mga ganung oras kaya mas gusto sana niya na mag grab kasama ang kaibigan para narin makatipid. Nag lipstick pa si Clarisse  bago umalis. Nilabas niya ang kanyang compact mirror at duon na siya nag make up sa kalsada. "Yung totoo san ka pupunta?" "To be honest makikipag date." "Kanino naman ngayon?" Nilagay ni Clarisse ang kamay sa dibdib. "Sis wala kabang tiwala sa'kin." "Wala. Parang ganyan din yung sinabi mo sa'kin nung last date mo kay Spencer." "Please dont mention his name, at hindi date ang tawag 'dun kundi disaster." Pagtatama niya. "Ikaw ang bahala at malaki kana." Sabi ni Lizeth. Ilang sandali lang nag ring ang kanyang telepono. Nakipag paalam muna siya kay Clarisse bago sinagot ang tawag. "Hello?" Sa uri ng pag galang nito ay walang dudang si Clyde 'yun. "Yes Sir and what can I do for you?" "Is this Love?" Natigil siya sa sinabi nito. Nakalimutan niya kasi ang tungkol sa pinagsasabi niya kanina. "A-anong Love?" "Ewan ko sayo eh tinawag mokong Love kanina hindi ba?" Kumunot nanaman ang noo niya. "Hindi ikaw ang sinasabihan ko nun yung katabi ko." "Really eh bakit parang ramdam ko ako ang sinasabihan mo?" "Bakit naman kita sasabihan ng ganun aber?" "I dont know either... ikaw lang ang makakasagoy niyan Miss Love este Miss Lizeth." "Cheee bahala ka sa buhay mo!" "Oh easy, huwag ka namang magalit. Okay tell me ano ano gagawin ko para pumayag ka ulit na makipag date?" "Wala kang dapat gawin, and please lang ah tigil tigilan mona ako. Porket gwapo ka ay hindi moko mabobola. And second sa mga client lang namin ako nakikipag date." Napangiti si Clyde. "What did you say gwapo. So na gagwapuhan ka sa'kin?" "A-ano?" Medyo nauutal na si Lizeth. "Sinabi ko ba'yun. Sige na nga bye!" Gusto ng ihagis ni Lizeth ang kanyang telepono sa sobrang inis at hiya. Minsan hindi talaga niya masaway ang mga lumalabas na salita sa kanyang bibig. Kanina love ngayon naman ay gwapo. "Lizeth ang tanga tanga mo!" Binatukan niya ang kanyang sarili. Pero in a matter of fact ay gwapo naman talaga si Clyde. Simula sa mga mata nito, ilong at napupulang labi. "Miss hindi ka paba aalis diyan, kanina pa'ko naghihintay dito anong petsa na!" Pag tingin ni Lizeth sa kanyang harapan ay isa palang lalaki ang kanina ps siya inaantay na umalis. Mag pa park pala ito ng kotse sa pwesto niya. "Ay sorry po." Nadagdagan tuloy ang kanyang hiya at marahang naglakad papalayo. BUMUKAS ANG PINTUAN ng opisina na ngayon ni Elliot. Mula duon ay pumasok si Natalia. Dala nito ang mga sales and expenses nung nakaraang taon. "Thank you!" Pasasalamat ni Elliot pagka bigay sa kanya nito ng mga papeles. "Natalia I have a question?" Binuksan ni Elliot ang isang folder. "Ano po 'yun Sir?" "Madalas ba si Tito Emilio dito?" Tumingin si Natalia sa may lamesa. Tila nag iisip. "Bihira lang po siya Sir napunta dito, maybe once a month." "Okay, eh yung mga project na sinasubmit niya..." "Ano po 'yun Sir." Nag isip si Elliot, kung may ginagawang anomalya man ang tito niya sa kanilang company much better na siya muna ang makaalam niyon. "Nothing and please Natalia wala sanang makakaalam nito okay." Nginitian niya ito. "Okay po. So meron pa po kayong kailangan Sir?" "No thank you." Maikling sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD