Chapter 5 - Prospect

1557 Words
NARAMDAMAN NA LAMANG NI Clyde na may unti unting nagsasara ng bukas niyang bintana. Umaga ngayon mag aalas otcho ng umaga ngunit pagod parin siya. Pakiramdam niya ay kulang na kulang siya sa tulog. "Sino yan?" Tanong niya habang nakapikit. "Ako ito." Sagot ni Elliot. Mahina talaga ang panghuhula niya kapang nagiging tao siya. Dumilim sa loob ng kwarto kaya binuksan niya ang ilaw. "Alam mo I'm jealous of you because of that ability." Lumakad ng konti ito. "Really kuya?" "Kasi nakakalabas ka, nararamdaman mo ang init ng sikat ng araw." Tuluyan ng bumangon si Clyde. "Alam mo kuya hindi sayo bagay mag emo." "Well totoo naman yun. Because tayong mga bampira I mean the full blooded ay sa gabi lang pwedeng lumawas, we are like birds in a large cages. Pero sa isang banda mas may advantage parin tayong mga bampira duon what do you think?" "So anong pakay mo ngayon kuya, nandito kaba para lekturan mo ko?" Medyo natawa si Elliot. "No my dear brother. Nandito ako para tuluyan ng lumipat. Nakaalis na si Mama kaninang umaga and himatid ko siya sa airport." Sa loob loob ni Clyde ay hindi talaga ito pisikal na nagpaalam sa kanya. Siguro nga ay galit pa ito sa ginawa niyang eksena sa reunion. "Siya nga pala. Kumusta yung date mo?" Teka teka sinabi ba niya sa kuya niya ang about sa date niya kagabi? "Anong date?" "Huwag kanang mag deny. Nandun ako kagabi. Pupunta sana ako ng cafe ng makita ko kayo. Kaya hindi na kita inistorbo." "Ganun ba, premyo lang yun para sa isang online game. Palulo namin para mas sumikat pa ang cafe." "Nakikipag date kana?" Ngumisi ito. "Kaya pala tumawag ka sakin nung isang araw kung paano makipag date. And sa dinami dami ng bampira ako pa talaga ah!" "Ofcource, because your a playboy!" Pagbibiro nito. Ipinakita ni Elliot ang kanyang pangil kay Clyde na kunyari ay galit. "And ano naman ang conclusion, naging maganda naman ba ang date nyo?" "Okay naman ang lahat pwera lang sa huli." Tumingin si Clyde sa kapatid. "Ano yun?" "Hinalikan ko siya." "Really dude wala ka sa europe or America. Nasa pilipinas ka and napaka taboo na hahalikan mo ang isang babae sa first date." "Well yan ang hindi ko natanong sayo." "Sinampal ka?" Pag iisyoso ni Elliot. "Oo." Maiksi niyang sagot. "You deserved it. Halatang wala kang alam sa date. Paano ka niyan makakahanap ng babaeng mapapainlove sayo kung ganyan ka." "Kuya speaking of... kagabi ko pato pinag iisipan eh. And I think ay nakahanap na 'ko ng babaeng paiibigin." "At sino?" Nakipag eye contact si Elliot sa kapatid. Tila sa mga tingin nito ay nahulaan na niya agad sagot. "Dont say na siya?" Hindi na sa puntong 'yun sumagot si Clyde bagkus ay tumango lamang siya. ISANG E-BOOK ANG DINOWNLOAD ni Lizeth sa internet. Ang pangalan ng libro. The red book. Isa iyong libro kung saan daw may mga tips kung paano malalaman kung ang isang indibidwal ay isang bampira. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa maialis sa memorya ni Lizeth ang kanyang panaginip. Totoo kayang bampira si Clyde? Well theres one way to find out! "Hoy anong binabasa mo diyan?" Si Clarisse pala, pinuntahan siya nito mula sa kanyang work station. Agad niyang inilapag ang kanyang cellphone patalikod. "Ano yan ah, may patago tago kapa!" "Wala ah." Pag deny niya. "Anong wala, eh bakit parang nagulat ka. Well akin na yang phone mo." Sa isip isip ni Lizeth ay pakielamera talaga ito kahit kailan. Binigay naman niya ang kanyang phone. "Fine." Binasa ni Clarisse ang titulo ng ebook. "Oh ano namang katago tago dito?" "I said so, wala nga." Tumingin siya sa mga mata ni Clarisse. Hindi niya talaga ito malihiman. "Okay fine. Alam mo ba yung naka date ko?" Nanlaki ang mga mata nito. "Oo nga pala Sis anong balita dun, gwapo ba?" "Well gwapo naman." Mas inilapit ni Clarisse ang mukha nito sa kaibigan. "Tapos tapos... naka score naba siya?" "Gaga anong score pinagsasabi mo diyan!" "Eh ano palang nangyari, Saan kayo nag date?" "Dun lang din sa cafe pero mas maganda." "And so anong kinalaman 'dun ng binabasa mo, huwag mong sabihing...?" Pinuyos ni Lizeth ang mga kamay. I think vampire siya." Natawa Clarisse sa mga tinuran ng kaibigan. Hindi niya maitago 'yun. "Sis modern na tayo. Siguro kung nasa panahon pa tayo ng hapon paniniwalaan pa kita. At paano mo naman nalaman na siya ay bampira, huwag mong sabihing siya yung nasa panaginip mo?" Tumango lamang si Lizeth. Romolyo naman ang mga mata ni Clarisse. "Alam mo ghorl hindi kita ma gets at sa panaginip kapa talaga naniniwala no, na alam naman natin na hindi naman totoo." Sabagay may punto naman si Clarisse sa mga tinuran nito pero there are certain  things na bumabagabag parin sa kanyang isipan. Una bakit madaling araw nagbubukas ang cafe ng binata, pangalawa malamig ang kamay nito katulad ng nabasa niya libro at pangatlo ang tila mapula nitong mata ng masulyapan niya ito sa kalagitnaan ng kanilang date? "Whatever!" Asik niya. "Eh teka ano nga pala ang name ng lalaking itey?" Tanong ni Clarisse. Bahagya siyang nag isip. "Parang c-Clyde Braganza." "What Cylde ba kamo then Braganza." "Bakit kilala mo siya?" "Hindi lang ako kundi ang buong social media community. Dahil isa siyang perfect!" Tila nag iimagine pa si Clarisse  habang nagsasalita. "Talaga ba!" Napa kamot tuloy ng ulo si Lizeth. "Oo no palibhasa hanggang ngayon friendster parin ang alam mo! "Well f.y.i may dear friend siya lang naman ang bunso sa tatlong nag ga gwapuhang magkakapatid na Braganza!" Pagsisimula nito. "Sila Denver, Elliot and Cylde." Tinignan ni Clarisse si Lizeth. "Oh bakit parang may ginawa kang kasalanan diyan?" "Well parang ganun na nga. Did I mention na nasampal ko siya after ng date namin?" Na medyo nahihiyang tinig. "Ano sinampala mo siya bakit naman Sis!" Tila nag aalala ang boses nito. Pinuyos ulit ni Lizeth ang magkabilang kamay. "Kasi naman, hinalikan niya ako." "Huwat sa labi?" "Hindi sa cheeks lang." Tinuro pa nito ang pisngi. "Dyosmiyo perdon my Sisteret. Hindi na uso ang pa Maria Clara effect ngayon saka Braganza yun no, tapos sasampalin mo lang. Bako kung ako 'yun okay na okay lang. Kahit lawayan pa niya ang iba pang parte ng katawan ko." May pilantik pa ito ng kamay habang nag sasalita. "So talaga kumakampi kapa 'dun sa lalaking 'yun. Kung ganun pala basta mayaman at gwapo ay okay lang na halikan ka sa inyong first date? Saka isa pa nabigla lang talaga ako." "Well hindi naman sa lahat ng oras, pero nangyari na eh. Makakahiya sa part niya pero mas nakakahiya sayo, kaloka ka Sis!" Ilang sandali pa ay biglang may tumatawag. Pag tingin niya sa screen ng kanyang cellphone ay number lang ang lumalabas. "Oh hindi moba sasagutin yan?" Tanong ni Clarisse na hindi nanaman mapigilan ang pangingielam. "Number lang ang nakalagay eh." "Akin na nga." Tuluyan ng kinuha ni Clarisse ang telepono ni Lizeth. Sinagot niya ang tawag. "Hello sino to?" Nakataas ang kilay ngayon ni Clarisse. "Can I speak to Miss Lizeth." "At bakit anong pakay mo sa kaibigan ko?" Binobosehan ni Clarisse ang caller. "Pakisabi this is Clyde from The Night Cafe." Tila hindi makapag salita si Clarisse ng marinig niya ang pangalan nito. Binalutan na siya ng kilig sa buo niyang katawan. "Oh ano sino daw?" Tanong ni Lizeth. Bahagyang inilayo ni Clarisse ang telepono. Nag fa face gesture ito pero hindi niya maintindihan. "Ano, sino nga yan?" Walang lumalabas na boses sa labi ni Clarisse ngayon. "Si si si Clyde?" Sabi nito. "Ano si Clyde!" Nanlaki din ang mata niya at kinuha agad ang telepono kay clarisse. Teka teka bakit ito napatawag at ano ang sasabihin nito. Naguguluhan siya. Nakatingin lamang si Clarisse sa kaibigan habang nakikipag usap kay Clyde. Wala siyang narinig na sinabi nito. Puro lamang tungo at humming ang sagot nito. Ilang segundo rin iyong nagtagal. "Oh anong sabi ni Papa Clyde?" "Gusto daw niyang bumawi sa ginawa niya sa'kin" "Bumawi sa paanong paraan?" Tumingin si Lizeth kay Clarisse. "Niyaya niya ulit ako sa isa pang date." BINABA NI CLYDE ANG TELEPONO. pagkatapos ay unti-unti siyang tinignan ng kapatid niyang si Elliot. Kasalukuyan itong umiinom ng pulang likido. "Ang sarap talaga ng dugo ng blood ab type." Ika niya. Hindi siya pumatay kundi sa blood bank niya iyon binili. Kunyari ay may leukemia siya at kailangan niya ng dugo monthly. "You want?" Alok niya kay Clyde habang tila nag iisip. "Teka teka ano nga ba ang iniisip mo diyan mahal kong kapatid. Let me guess yung babaeng si Lizeth tama ba?" Tinignan ni Clyde si Elliot. Nakaka bother ang natirang mapulang dugo sa labi nito. "Bakit ganyan ka makatingin. Tama ang ba mga iniisip ko  eh ikaw naman ang pumili sa kanya diba. Sabi mo na siya ang qualified na paibigin mo at gawing alay dahil sa tingin mo that she is vulnerable at madaling mapaibig. Sabagay kahit naman sinong babae sa mundong ito ay mabibighani natin hindi ba?" Naglakad si Elliot malapit kay Clyde. "But remember that all of this plan have a consequence, kung ayaw mong masaktan then don't ever lover her, naiintindihan moba?" Nakatingin lamang si Clyde sa may ibabaw ng lamesa. "I know and kuya dont forget to teach me..." "Sure no problem." Saka nga pala para magkaroon ng kulay ang gabi ay mag party tayo. Samahan moko mamaya. We are going to the club!" Paanyaya nito. "You know that I dont..." "Oo nga pala nakalimutan ko. Its up to you. Maybe next time." Uminom ito ulit ng dugo pagkatapos ay tuluyan ng naglakad papalayo sa kwarto nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD