PATONG PATONG ANG MGA LIBRO sa pribatong silid aklatan ni Don Rodrigo. Makikita sa sahig ang ilang kulay asul na libro na naapakan pa ni Elliotvpag pasok niya ng kwarto. "Clyde where are you?" Walang sumagot sa una niyang tanong kaya inulit niya. "Clyde?"
"Kuya nandito ako!" Itinaas ni Clyde ang kanyang kamay. Naduon pala ito sa isang parte ng silid kung saan ay parang tore ang patong patong na libro.
"Ano nanaman ba'to Clyde. Anong yung sinasabi mo sa telepono, about kay Papa."
Sinarado ni Clyde ang sinusuri niyang libro tungkol sa mga bampira. "Hindi ko lang alam kung nakwento na sayo to dati ni Papa. Tungkol sa isang bampira na isinumpa."
"... na ano isinumpa tapos nag hanap siya ng paraan para mawala 'to?"
"Alam mo din 'yun?" Interesadong tanong ng binata.
"Well im not sure kung 'yun yung sinasabi mo pero its not another story, its a fact." Nakapamewang pa si Elliot. "Come here." Pinasunod ni Elliot ang kapatid mula sa isang glass cabinet. Mula duon ay kinuha nito ang laptop ni Don Rodrigo. Sinaksak iyun at pinagana. "I was looking for a file dati tungkol sa family history natin ng nakita ko ito sa mga files ni Papa." Pinindot ni Elliot ang isang folder. Paglabas niyon ay lumabas ang mga newspaper clip. Isang lathalaan sa espanya ang naglabas niyon. Ayon sa artikulo ay isang bampira daw ang isinumpa. Nawawala daw ang pagiging bampira nito tuwing umaga. Ang pangalan ng bampira ay si Fausto Braganza. Nagkaroon ito ng nobya. Hindi nito sinabi sa nobya na siya ay nagiging bampira pag sumasapit ang gabi. Masaya naman sila ng nobya nito nung una kaya lamang isang araw ay nahuli niya itong may kalaguyo. Kaya sa galit ay napatay niya ito. Minerva was his first love. Napatay ni Fausto ito ng kasalukuyang full moon. But in the morning after the incident. Paglabas ni Fausto ng kanyang bahay ay nabigla siya dahil mapula parin ang mata niya, nasusunog na ang kanyang balat pag nasisinagan iyon ng araw and He is thirst for blood.
"And then they conclude that...?"
"That Fausto was cured. Wala siyang sumpa. Na hanggang sacpag dating ng umaga ay bampira parin siya!" Medyo lumapit pa ang mukha ni Elliot sa kapatid.
"Kung ganun, ang kailngan ko palang gawin ay..." pagkabigla ni Clyde ng napagtanto ang mga bagay bagay.
"Yes tama ang hinala mo. You must kill your fisrt love and offering her blood." Pagtatapos ni Elliot mula sa mga tinura nito.
HUMINTO SAGLIT SI LIZETH ng hawakan niya saradora ng cafe. Mula sa glassdoor ay sinilip niya ang kanyang repleksiyon. Maayos na naman ang kanyang nakapusod na buhok at light na make up. Medyo lumayo siya. Sinilip din niya ang suot niyang bistida na kulay rosas. Napahawak siya sa kanyang dibdib at napatingin sa kanyang orasan. Kalahating oras siyang mas maaga kaysa sa napagkasunduan. This is the day. Ang date nila ng may ari ng cafe. Ano kaya ang itsura nito? Paniguradoy mukha iyong haggard o kaya naman ay maliit pa sa kanya. Tinampal ni Liz ang sarili. Pinapakalma lamang niya ang loob para mawala ang nerbiyos.
Kinuhang muli ni Lizeth ang pintuan ng cafe. Pag bukas ay naagaw ng kanyang pansin ang ilaw mula sa may dulong bar. Madilim man ngunit naaninag niya ang mga upuan at lamesa na naka tabi sa gilid. Date nga ba iyon ay bakit walang set up? Panong patuloy ni Lizeth ang paglalakad sinisiyasat ang paligid kung meron duong lalabas ngunit bigo siya. Pag dating niya sa may bar ay meron siyang nakitang sticky note d'un. Isang arrow na nakaturo sa kusina. Nawiwiduhan man sa pangyayari ay sinundan niya ang gustong tukuyin ng munting sulat.
Hindi paman siya tuluyang nakakapasok sa may baking area ay naamoy kaagad ni Liz ang tila binibake duon. Kung hindi siya nagkakamali ay nakakaamoy siya ng strawberry, gatas at vanilla. Pag lapit ay bukas ang pintuan ng baking area. "Oh nandiyan kana pala." Wika ni Clyde. Abala ito sa pag prepera ng kanilang kakainin. "Please pakikuha nung tray." Utos nito. Kumilos naman agad si Lizeth. "Ito ba?" Nakita niya ang tray sa lalagyanan malapit sa mga condiments. "Yes yan nga."
Mula sa oven ay inilabas ni Clyde ang niluto niyang chiffon cake. Tinanggal niya iyun sa isang metal na lalagyan. Sa tabi ay may nakahanda na itong icing, kulay rosas iyon. Pinagmasdan ni Lizeth kung pa'no lagyan ni Clyde ng icing ang bilog na cake. Pero ang mas tinitigan niya ay ang pigura ng binata. Siguro'y dahil sa ilaw kaya maputi ang balat nito at dahil tumikim ito ng strawberry bilang ingredients kaya pumula ang labi nito. "Yan tapos na." Biglang iniba ni Liz sng tingin ng bigla siyang tignan ni Clyde. Sa cake siya kunyari nag fo focus. "What can you say Miss Lizeth." Pati ang boses nito ay maganda ayun sa kanyang pagsusuri.
"Ah ehh yes maganda, mukhang masarap."
"Really, buti naman nagustuhan mo." Pagkatapos ay hinubad ni Clyde ang kanyang suot na apron. "By the way I'm Clyde the owner of this Cafe, glad to meet you."
Nakatingin lang si Lizeth sa maputing kamay ng binata. Nabibilisan parin siya sa mga pangyayari. "Oh yes Im li-Lizeth. Nice meeting you to-too." Medyo nauutal siya. Pagkatapos ay nakipag kamay siya dito. Naramdaman niya na medyo malamig ang kamay nito or baka pakiramdam niya lamang 'yun dahil ninierbiyos siya.
"Are you nervous Miss Lizeth? huwag kang matakot, hindi po ako nangangagat." Pati ang mga maputing ngipin ng binata ay napansin niya ng nginitian siya nito. Si Clyde na nga yata ang best example ng great specimen ng isang lalaki.
Pinag day off muna ni Clyde sila Mark at Dennis. Ayaw nga sana ng dalawa na lumiban ng pasok pero he insist. Total hindi din naman feel ni Clyde na magbukas ngayon. Pinasunod ni Clyde ang dalaga mula sa may dining area. Ganuon parin naman ang pareho nilang nakikita, kung hindi madilim ay tila walang buhay. "Dito tayo mag di dinner?" Naguguluhan parin si Lizeth.
"Wait." Pumalapak si Clyde ng isang beses pagkatapos ay parang mahikang nagsindihan ang mga kandila sa bawat gilid ng cafe. Mula sa may gitna ay tila isang espesyal na lamesa naman ang nakahanda. Kumpleto na, may kobyertos, plato at puros pulang bulaklak ang gitna bilang centerpiece. "Ano nagustuhan mo?"
Parang nasa isang panaginip si Lizeth. Isang uri ng panaginip na parang ayaw na niyang magising. Dahil sa almost perfect na nga ka date niya and perfect pa ang romantic place na 'yun. Parang wala siya sa cafe. "Shall we." Habang naglalakad papunta sa kanyang upuan ay duon lang din niya napansin ang mga nakalambiting kumikislap na bituan sa may kisame. Mas lalo nitong nadagdagan ang pagiging romantiko ng paligid.
Hindi niya akalain namay ganito palang event ang mangyayari sa tanang buhay niya. Ni sa mga ex boyfriend niya ay hindi niya iyon naranasan, she felt special, she felt like a regal women. "Hows the food?" Tanong sa kanya ni Clyde habang tinitikman niya ang pink na cake. Hindi nga siya nagkamali na strawberry nga ang ginamit ditong icing. "Yung pasta kanina okay ba yung lasa?"
"Oo masarap naman pareho." Muling ngumiti si Clyde ngayon napagtanto niya na mas gwapo pala ito ng malapitan.
"Bakit may dumi bako sa mukha?" Tanong ng binata ng mahuli siya nitong nakatingin sa kanya.
"Nako wala." Tapos ay napangiti narin siya.
Getting to know each ang ang peg ng date. Ang siste si Clyde ang matatanong tapos sasagot naman si Lizeth vice versa. Sa ganung paraan ay dahan dahan niya itong nakikilala. "Do you have a boyfriend?" Panibagong tanong ni Clyde.
"Ako well wala. Focus muna ako sa work ko. Actually yung friend ko yung nagsali sa akin dito."
"Really, did you regret it?"
"No hindi naman, ang totoo nga niyan eh super na enjoy ko itong date natin."
"Ako rin."
Pagkatapos nilang kumain at mag usap ay duon nila pinagpatuloy ang kanilang pag uusap sa may harapan ng cafe. City lights ang tema ng paligid. Nagniningningan ang mga ilaw mula sa mga pribadong kotse at mga katabing gusali. "Matagal na ba itong cafe?"
"Nope, bago lang. A couples of month ago."
"Pero mukang marami na kaagad kayong costumer."
"Hindi naman masyado. Tama lang. Meron padin naman kaming mga patay na oras." Ilang sandali pa ay nag alarm ang kanyang telepono. "What happened"
"Kailangan ko ng umuwi kasi may curfew sa boarding house namin."
"Okay sure. I wish na sumaya ka at napasaya kita ngayong gabi. Sa muling pagtingin ni Clyde ay duon niya napagtanto na medyo mapula ang mga mata nito. "Bakit?"
"Nako wala, sige na at uuwi nako."
"I can give you a ride."
But lmLiz immediately refuse. "Nako huwag, mag ta taxi nalang ako."
"Are you sure?"
"Oo huwag na. I'm okay."
"Okay kung ganun mag ingat ka. Marami pa namang lumalabas sa gabi." Ngumiti ang binata. Isang ngiti na tila marami ang ibig sabihin. Pagkatapos walang anu anoy. Inilapit ni Clyde ang mukha niya sa mukha nito at saka niya ito hinalikan.
HINDI PARIN MAKAPANIWALA si Lizeth sa mga pangyayari pag uwi niya ng boarding house. Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa kanyang isip ang date niya sa binatang si Clyde. Pero ang mas napa memorable duon ay ang halik nito. She didnt expecting it. Kaya naman ay nasampal niya ito. Oo medyo malakas 'yun. "Ahggg!" Ginulo gulo niya ang kanyang buhok sa labis na kahihiyan, hindi rin niya napigilan ang sarili na gawin yun. Natural behavior na yata 'yun ng isang babae. Isa pa bakit nga ba siya mahihiya ay mali ang ginawa nitong bigla siya nitong hinalikan sa kanilang first date. Tuluyan ng nagbihis si Lizeth. Maluwag na kamison ang isinuot niya kasabay ng maikling short. Sa sobrang pagod ay agad siyang nakatulog at agad na nanaginip.
Pagaspas ng puno ang sunod niyang narinig pagkatapos ng ilang oras. Malamig ang simoy ng hangin na sinabayan ng tahol ng isang tila kinakatay na aso. Pag mulat ni Lizeth ay muli niyang nakita ang sarili sa isang pamilyar na lokasyon. Nilibot niya ang kanyang sarili sa gitna ng madilim na gubat. "Lizeth... lizeth..." isang boses ang kanyang narinig. "Lizeth... lizeth..." gusto niyang tukuyin kung kanino nangagaling tinig ngunit natatakot siya. "Lizeth... lizeth..." hanggang walang anu anoy isang nilalang ang bigla na lamang bumaba ng puno. Naka luhod ito ng bumagsak sa harapan niya. Pagkatapos ay dahan dahan itong tumayo. Ito ba ang lalaki na kumagat sa kanyang leeg nung isang araw? maari. Tuluyan ng nakatayo ang lakaki. Pag tayo nito at bahagyang pag tapak nito paharap ay nakita niya ng malinaw ang mukha nito. Walang iba kundi ang lalaking kanyang dinate kanina, si Clyde.