Chapter 8 - Client

1255 Words
WALA PA NAMANG TRENTA MINUTOS na naka break si Lizeth ay may nagaganap ng komosyon pag balik niya ng opisina. Nakita niyang nakikinig sa may pintuan sila Clarisse, Donita at Virma. Nilapag niya sa kanyang kamesa ang tinake out niyang hokaido milktea. "Psssst!" Sinitsitan niya si Clarisse na naka dikit ang tenga sa pintuan ni Boss Albert.  "Teka lang." Tinawag namin ni Lizeth ang dalawa pang nakikiisyoso. "Virma anong meron diyan?" Nilapitan siya nito. "May bago tayong client." "Okay akala ko naman kung ano na." Umupo na siya at tinuon ang tingin sa screen ng kanyang computer. "Hep hep anong ano na, hindi moba ng alam kung sino ang kausap ni Boss sa loob." Wala siyang ideya. "At sino naman aber? Artista bayan?" Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Boss Albert. Mula duon ay lumabas ang isang naka full suited black na lalaki, akala moy may pupuntahan itong lamay. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa lalaki. Akala moy celebrity ito sa tangkad at puti ng balat nito. Pati si Lizeth ay hindi maialis ang tingin sa bago nilang client. "May I have your attention please." Pagsisimula ni Boss Albert. "This is Mister Elliot Braganza our new client." Nanlaki ang mga mata ni Lizeth kasabay ng tilian ng ibang mga babae sa opisina. So ibig sabihin ay kapatid ni Clyde ang lalaking nearly perfect na ito?! Well kita naman sa itsura nito na medyo hawig sila ni Clyde. Hinubad lalaki ang suot nitong shades. "Hello everyone." Bati ni Elliot. "IM DONE WITH PLAN C." binaba ni Elliot ang telepono pagkatapos niyang sabihin kay Clyde ang progress ng kanilang plano. Ang plano ng kanyang kapatid ay ang maging client ng white horse ang kompanya nila Lizeth. Well kailangan din naman ng mga bagong packages ng kanilang mga produkto kaya naman ay pumayag siya. One year ang pinirmahan niyang kontrata dito at nag submit narin siya ng kanilang logo at sample ng mga gusto niyang porma ng mga package. Ilang sandali pa ay otomatikong bumukas ang pintuan ng opisina ni Elliot. Mula duon ay pumasok ang kaniyang tito Emilio. "Speaking of the devil." Bulong niya ng makita ito. Naka puting polo ito. "Elliot!" Naka dipa ang mga kamay nito ng pumasok, akmang yayakapin siya. "I really miss you. Akalain mo nga naman na ikaw pala ang mag ha handle ng negosyo ng Papa mo." "For the meantime lang ito Tito habang wala pa si kuya Denver." Pagkatapos ay nilibot ni Emilio ang mga mata nito sa loob ng kwarto. "Bakit na saan na nga ba si Denver?" "May inaasikaso lang po siya sa ibang bansa." "Sa ibang bansa, may mas ibang priority pa siya kaysa sa negosyo ng Papa mo? Hindi na talaga nagbago ang kuya mo He's so irresponsible." Kung magsalita ito ay akala moy kilalang kilala sila. To be honest si Tito Emilio ang pinaka ayaw niya sa tatlo pang mga kapatid ng kanyang ama. Medyo mataas kasi ang tingin nito sa sarili at napaka raming lihim sa buhay. "Then hows Clyde?" At kailan pa ito nagkaroon ng interes sa kanyang kapatid. "Hes okay, busy siya sa cafe." "Nagtayo siya ng cafe? Alam mo I want to see Him nakalimutan kona kasi yung mukha niya eh. Sayang hindi ako nakapunta sa reunion, nagpunta siya dun hindi ba?" Tinignan siya ni Emilio. "Yes tito nagpunta siya." Pagkatapos ay marahan siyang lumapit sa lamera ni Elliot. "And I forgot kung ano nga ba ang pakay ko dito. "Its about..." "The budget?" "Oo kasi may nagsabi sakin na tintanong mo ang mga projects na ako ang pumirma." Hinawakan ni Emilio ang dulo ng lamesa. "And dont worry, walang anumalyang nagaganap sa kompanyang ito. All of that project was certified by your father." Napapuyos ng kamao si Elliot mula sa ilalim ng lamesa. Sa kanyang isipan ay isang daang beses na niyang minumura si Emilio dahil sa mga kasinungalingan nito. "Like what you said tito." "Okay ang maliwanag. And how many days have you seated in that position?" "A month." Sagot ni Elliot. "Well kid you have many shoes to fill." Pagkatapos ay ngumiti ito. "I gotta go. May mga project pa ako na pupuntahan. See you later." Pagkatapos ay lumabas na ito ng opisina. TALAGANG PINAGTULUNGAN SIYA ng magkapatid. Hindi akalain ni Lizeth na hahantong sa pakikipag partner si Clyde sa kuya nitong si Elliot or baka nagkataon lang? Pero mahirap na maging co incident lamang ang lahat. Nang dahil sa isang date ay gagawin ni Clyde ang lahat? "Lizeth." Mukhang natauhan ang dalaga ng bigla siyang tawagin ni Sir Wax. "Ano po 'yun Sir?" "Bukas ikaw ang isasama ko sa meeting. " tumaas ang kilay niya. "Sir ano pong meeting, eh marami pa po akong dapat tapusin." "Leave it then, mas malaking project ito, with Braganza food." Sabi na nga ba niya. Mukhang kinakabahan na siya simula ng sabihin ni Wax na isasama siya sa nasabing meeting. "Pero nga Sir." "Walang pero pero saka wala si Maribeth. Energency daw." "Kaya ako ang huhugutin ninyo Sir..." "Ano yun may sinasabi ka?" Ngumisi siya  "nako Sir wala po, ang sabi ko nga po kung kailan ang meeting at ano pong oras?" "Basta i te-text kita." Pag dating ng alas syete ng gabi ay agad ng nagligpit si Lizeth ng kanyang mga gamit. Talagang tinapos niya ang kanyang mga gagawin para hindi siya matambakan. "Ano Sis lika na." "Sige sige." Inoff na niya ang kanyang computer pagkatapos ay kinuha ang kalahating bawas na cup ng inorder niya kaninang milktea. Sinukbit na niya ang kanyang pulang bag. "Ay Sis mauna kana pala sa baba at may gagawin lang ako." "Baka matagal naman 'yan!" "Hindi." Tinapik siya sa balikat ni Clarisse ng dalawang beses. Pag dating sa lobby ng White horse building ay nag text naman si Clarisse. Kumuha nadaw siya ng taxi para mabilis nalang ang pagsakay nila pag baba nito. Lizeth was step out from the building naglinga linga sa paligid. Pero hindi paman siya tuluyang nagtatagal 'dun ay isang kotse ang bigla na lamang tumigil sa harapan niya. Nung una ay wala siyang ideya kung sino 'yun pero nakilala na niya ito ng biglang bumukas ang bintana ng kotse. "Hi Miss Lizeth." Tumaas nanaman ang kilay niya. Ano nanaman kaya ang ginagawa ng lalaking ito sa opisina nila. "Anong ginagawa mo dito?" Gwapong gwapo si Clyde sa suot nitong cream na polo na medyo semifit. Habang tila dinilaan ang buhok nito na nilagyang ng gel paitaas. Aminin niya  nagwapuhan siya sa porma nito ngayon. "My brother send me here. For this proposal." Paliwanag nito. Oo nga pala nakalimutan niya na ang kuya nito ang bago nilang client. Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos nun. Tuluyan ng bumaba si Clyde sa kanyang puting kotse. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa kinaroroonan ng dalaga. "So Miss Lizeth, tuloy naba yung date natin. I mean our second date?" Nakangiti nanaman ito. She cant resist it. Bigla siyang bumalingwas ng tingin. "Oh bakit hindi moko tignan?" "At bakit naman lumakas ang loob mo na natuloy yung illusion date mo?!" "Well." Binasa ni Clyde ang kanyang labi para maging wet look. "Diba ikaw narin ang nagsabi na nakikipag date kalang sa iyong mga client, then consider me as one." Sa nakangiti nitong sabi. "A-ano? p-pero yung kuya mo yung..." Ginisa siya ni Clyde sa sarili niyang mantika. And ngayon ay meron itong matibay na ibidensiya. "Tama ba ako Miss Lizeth?" "Pero..." "No but... maybe bukas mga 8 p.m.?" Hindi na nakapag salita pa si Lizeth. Nabubulol na siya. "Silent means yes. Kung ganun and Ill text you." naglakad na papunta sa opisina si Clyde while leaving Lizeth behind in silence, shocked and confusion. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD