Chapter 9 - Room

1687 Words
Isang krus na kwintas, check! Salamin, check! Isang kumpol na bawang, check! SINILID NI LIZETH ang kanyang mga bampira buster sa isang itim na sisidlan . Pagkatapos ay nilagay naman niya 'yun sa loob ng kanyang bag. Handa na siya. Kung gusto ni Clyde na matuloy ang second date nila pwes siya rin ay handa na para malaman kung bampira nga ang binata. Binasa niya ang lahat ng mga taktikang iyon sa dinownload niyang ebook. Sabagay generic na lahat ng mga nasabi sa libro tungkol sa mga bampira pero wala paring mawawala kung susubukan niya. Alas onse na ng umaga pero hanggang ngayon ay wala paring reply si Clyde kung saan sila magkikita nito. Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa salamin. Naglalagay siya ngayon ng lipstick ng nahinto siya. Pinag masdan niya ang kanyang labi, bakit nga ba niya pinaghahandaan ang muli nilang pagkikita, sa kabilang banda ay baka magmukhang tanga naman siya kapag hindi niya 'yun ginawa. Walang anu anoy biglang tumunog ang kanyang telepono. Isang lalaki ang sumagot. "Hello?" "Hello Miss Lizeth?" "Yes ako nga, whos this?" "Si Richard po ito Maam Lizeth. Pinapunta po ako dito ni Sir Clyde para sunduin kayo." "Pinasundo?" Pagtataka niya. "Okay eh saan naman kita aabangan, grab bato?" "Maam tama hoba yung binigay ni Sir na address?" Pagkatapos ay inattached ni Richard ang lokasyon ng bahay niya. Tinignan niya 'yun. "Yes tama naman." "Kung ganun Maam tama naman yung bahay na pinuntahan ko." "Anong bahay?" Pag silip ni Lizeth sa bintana ng kanyang inuupahan ay isang itim na limusine ang nag aabang 'dun. Marami narin ang nakikipag isyosong mga tao. Binuksan niya ang kanyang bintana tapos ay tiningalaan siya ni Richard. "Maam!" Kaway nito. Ganun pala ang pakiramdam ng sumakay sa isang limusine. Malambot ang cushion na inuupuan niya at mahaba ang sahig na pwede yata siyang huminga. Si Paris Hilton ang huli niyang celebrity na nakita niyang sumakay duon sa isang reality show. She lived like a hollywood star. "Richard tama ba?" "Yes maam?" Nakikita niya ang likod ng ulo nito mula sa maliit na butas sa harapan ng sasakyan. "Saan mo pala ako dadalihin?" "Classified information po 'yun." Kumunot ang noo ni Lizeth. "Ano?" "Hindi kopo pwedeng sabihin." "Okay saan nalang na restaurant?" Hindi na si Richard nagsalita, nagmaneho nalang ito. Fine kung ayaw nitong sabihin. Pero aminin niya na pati siya ay excited kung saan siya nito dadalhin. Alam niya kasi na masurpresa itong si Clyde kagaya na lamang ng first date nila. Ilang sandali pa ay napunta si Lizeth isang hindi pamilyar na lugar. Sa may south yun kung hindi siya nagkakamali.  Napatingin siya sa bintana ng limusine. Isang mahabang daanan ang nakikita niya ngayon na dinadaanan ng mga matataas na puno sa gilid. It was magnificent dahil sa magkakamukha ang mga ito. Isang sandali pa ay pumasok sila sa isang arko na punong puno ng mga pulang rosas. "Ang ganda" wika niya habang nahuhumaling. Pagkalampas niyon ay bumungad naman kay Lizeth ang isang malaking mansiyon. Huminto ang sasakyan. "Maam na dito napo tayo." "Hindi siya makapaniwala. Bakit dito hindi ba sa restaurant?" "Hindi po Maam. Dito po ang lokasyon natin." Pagkatapos ay bumaba ng kotse si Richard. Pagkatapos ay pinagbuksan siya nito ng pinto. Unang tapak palang ng kanyang paa sa may lupa ay tila iba na ang pakiramdam ni Lizeth sa paligid. It was an eerie feeling. Malinis naman ang paligid pero napakatahimik. Hindi maipagkakailang mukhang bampira ang mga nakatira dito. "Welcome po sa Braganza mansiyon." Bukas palad siyang winelcome ni Mang Carding. Isang matanda na nakaputing polo at tila naka pamada ang buhok. Pero imbis na yakapin siya nito ay kinuha ni Mang Carding ang kamay niya at hinalikan 'yun. Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang prinsesa. "Halika napo sa loob at kanina papo kayo hinihintay ni Master Clyde." Spanish era ang tema ng mansiyon. Kulay puti ang buong mansiyon na pinalibutan ng ibat ibat kerubin sa bawat sulok nito. Napahinto siya pag dating nila sa may b****a ng isang malaking staircase. Isang demonyo ang tila pinapatay ang isang lalaking anghel. Sa pagsulyap niya sa mga mata nito ay tila naririnig niya ang tinig nito. Ang pagdaloy ng dugo nito dahil sa pagtusok ng isang malaking ispada mula sa puso nito. Tila humihingi ito ng tulong, sumisigaw! "There you are." Isang tinig ang bumasag ng kanyang pagtingin sa rebulto. Pag tingala niya sa may hagdan ay nakita niya si Clyde. Gwapong gwapo ito sa krema nitong polo. Habang ang pantalon naman nito ay puti. "Welcome to our mansion." Wika nito habang bumababa ng hagdanan. Clyde looking fresh as always, hindi nanaman niyang maiwasang titigan ito. Pagbaba ay kinuha ni Clyde ang kanang kamay niya pagkatapos ay hinalikan ng binata 'yun. Aminin niya kinilig siya. Hindi lang rebulto ang nakita ni Lizeth pagpunta nila ng dine in area. Meron din duong mga naglalakihang base na pinintahan ng mga lumulipad na ibon. Mahaba ang lamesa sa may silid kainan. Ang ibabaw niyon ay punong puno ng mga sariwang bulaklak na may kulay puting mga kandila. Paglapit sa lamesa ay inalalayan ni Clyde si Lizeth na umupo. "Thank you." Pasasalamat niya. Pero ang kakatwa niyon ay umupo silang dalawa sa magkabilang dulo ng lamesa. Kung palaging ganto ay paano na lamang niya maisasagawa ang kanyang plano. It was a delightful dinner. Talaga namang nabusog si Lizeth sa inihanda sa kanyang pagkain. Then mang Carding step out to the light. May dala itong pitchel na nakalagay sa isang roller server. Paglapit nito kay Lizeth ay kinuha ni Mang Carding ang kanyang baso pagkatapos ay isinalin duon ang isang pulang likido. Parang dugo 'yun.   "Is there anything wrong Miss Lizeth?" "Nako wala naman." Pagsisinungaling niya pero muli niyang tinignan ang baso. Paano nga kung totoong dugo yun? 'Then tikman mo yung juice." "Juice ito! Nako huwag nalang." "Go try it. Masarap yan. Sabay tusok ni Clyde sa kinakain nitong steak. Mataimtim ang tingin nito kay Lizeth na para siyang kakainin. Kaya naman ay dahan dahan niyang kinuha ang baso. Kinakabahan man ngunit pikit mata niyang tinikman ang pulang likido. Sa unang panlasa ay matamis tamis 'yun. Walang duda juice nga! Strawberry juice. Pag mulat niya ay wala na si Clyde sa kinauupuan ito pero pag lingon niya ay nasa tabi na niya ang binata. Pinag mamasdan siya. "Masarap ba?" "Ay o-oo naman masarap." Nauutal siya. "Whats make you uncomfortable Miss Lizeth. Ano bang nasa isip mo?" Hinaplos ni Clyde ng bahagya ang mukha niya, hinawi ang konti niyang buhok na napagawi sa kanyang kaliwang pisngi. Hindi na si Lizeth nakapag salita pa sa mga puntong 'yun. "Alam kona. You must try the cake." Pagkatapos ay nilabas ni Mang Carding gamit naman ang isang rolling cart ang isang kulay itim at bilog na cake. Nanduon parin si Clyde malapit sa kanya, ito na ang humiwa ng cake. Paghiwa ng isang parte niyon ay lumabas sa gilid ang isang malapot na pulang palaman like a slashing flesh. Napalunok si Lizeth, naiimagine kasi niya na kamay niya ang hinihiwa. "Clyde nasan ang banyo?" Napatingin sa kanya ang binata. "Ano?" "Yung banyo nasan?" "When you pass that hallway sa may kanan." pagpapaliwanag nito. Kapit dibdib siyang naglakad tungo sa sinabi ni Clyde. Pagpunta niya muli mula sa rebultong ng demonyo na may pinapatay na anghel ay nag buntong hininga siya. She was triggered. Pakiramdam niya ay hindi na siya makakalabas pa ng mansiyon ng buhay. Mula kasi sa pinapakita ni Clyde kanina na mga senyales ay pinapalakas lamang niyon na tunay itong bampira. Mula sa itaas ng hagdaan ay napatingala siya dun, duon si Clyde naggaling kanina kaya malamang na nanduon ang kwarto ni Clyde at gusto niyang makita 'yun. Sinilip niya ang binata sa may dining area at mukhang busy pa ito sa pag perepera ng cake kaya lakas loob niyang tinuloy ang plano. She need to gather some more information and find a concrete truth. Marahan niyang tinungo ang second floor ng mansiyon. Parang mall ang ambiance niyon. Mula sa gitna ang may butas kung saan makikita ang buong first floor samantalang sa paligid ay makikita ang pintuan ng bawat kwarto. Pero sa dami ng kwarto ay hindi niya alam kung tama ba ang kaunting oras upang malaman niya kung saan dito ang kwarto ni Clyde. Naglakad siya sa mga kwarto na malapit sa kinaroroonan niya. Pagbukas niya ng isa ay naka lock iyon. Sa pangalawa naman ay bukas ngunit wala iyong lamang mga gamit. Pinagmasdan niya ang kanyang orasan, kung hindi siya nagkakamali ay higit sampung minuto na siyang nawawala. Tumingin naman siya may bandang hagdanan ngunit wala pa namang umaakyat dun. Sinimulan na siyang kabahan. "Ano nga ba ang ginagawa niya, pakiramdam niya ay isa siyang espiya ng galing China. Kaya naman ay napagdesisyunan na niyang bumaba, pero maglalakad na sana siya pabalik ng mamataan niya ang isang nakabukad na kwarto. Sa likod ng kanyang kuriyosidad ay tinungo niya 'yun. Kinuha ang saradora at marahang binuksan. Pag pasok ay otomatikong bumukas ang ilaw. Tumambad kaagad sa kanya ang mga tila gusaling taas ng mga libro. Sinuri niya ang iba. Tungkol sa herograpiya ng mundo, mga aralin tungkol sa mga kakaibang hayop pero ang kumuha ng kanyang atensiyon ay ang libro tungkol sa mga anak ng lagim, mga bampira! "Anong ginagawa mo dito?" Natulala si Lizeth sa boses na kanyang narinig. Kilala niya ang nag mamay ari niyon. "Miss Lizeth bakit hindi ka na diyan makagalaw. My question is why are you here?" "Ano eh, hinahanap ko yung banyo ng may narinig akong tunog yes tama yun nga! Tapos napunta nako dito." Pagpapaliwanag niya. Nilapitan siya ni Clyde ng dahan dahan. Sa tahimik ng lugar ay naririnig niya ang mga yabag nito. "Ganun ba Miss Lizeth." Nagtinginan sila, matagal din 'yun hanggang siya na ang umiwas. "Well you see my Dads favorite place." Kinuha ni Clyde ang isang libro. "Medyo wirdo ang Dad ko pagdating sa mga hilig niya kaya please..." "Okay lang, mahilig din ako sa mga wierd na bagay." "Really. Thank you for appreciation." Napahinto si Clyde sa isang banda. Tila may naalala ito. "So nasan nga pala yung Father mo. Parang hindi mo siya nakekwento. For sure kamukha mo siya." Binaba ni Clyde ang libro. "Wala na siya. Matagal na siyang patay." Pagsisiwalat ng binata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD