Tinanghali ako ng bangon dahil sa napasarap ang tulog ko. Marahil ay dulot ng sobrang pagod ko kahapon sa kalalakad namin. Dinampot ko ang cellphone sa ibabaw ng cabinet nang marinig ko ang pagtunog niyon. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o sisimangot sa mensaheng nabasa ko. 'Good morning! Have a nice day!' Titipa pa lang ako ng reply ng biglang pumasok ang tawag ni CJ. "Hello," malamig kong sabi. "Good morning!" masiglang bati nito mula sa kabilang linya. "Kanina good ang morning ko, ngayong tumawag ka, mukhang ewan na!" paismid kong tugon kahit pa nga hindi naman niya ako nakikita. "Grabe ka naman. Para mo naman sinabing sinira ko ang araw mo," malungkot niyang usal. "Absolutely, yes!" pambabara ko agad sa kaniya. "Magsisimba ba kayo ni Jordan?" pag-iiba niya sa usapan. "Oo,

