"Muntik mo na akong ipahamak kanina!" panenermon ko sa pinsan. "Huh? Why should I?" maang-maangan naman niyang sagot sa akin. "I told you to control your mouth. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni Jona na isa ako sa nagmamay-ari ng CSR," nandidilat kong wika. Pabulong-bulong pa ako sa kaniya pero muntik pa rin niya akong ibuking. "Pero nagwo-work siya sa CSR. How come na hindi niya malalaman na isa ka sa may-ari, gayong magkamukha naman kayong dalawa ni JC?" paismid niyang tanong sa akin. "JC doesn’t show up to the employee, have you forgotten that?" "Ay, ewan ko ba sa inyong dalawa ni JC! Magkapatid nga kayo!" naiiling nitong turan. Yes, magpinsan nga kami ni Honey. Anak siya ni Tita Cristel, and she's one of the spoiled brat member of our family. Kaya ayokong nakikit

