Chapter 9

1284 Words
"What?!" malakas na bulalas ni JC mula sa kabilang linya. "Gulat na gulat?" natatawang turan ko sa kaniya. "Sino bang hindi magugulat sa sinasabi mo CJ, ni wala ka ngang ipinakikilala sa amin na girlfriend mo. Not unless, si Stella iyan?" angil pa niya sa akin. "I told you JC hindi ko gusto si Stella dahil hanggang kapatid lang talaga ang turing ko sa kaniya," pagdidiin ko pa ng mga salita. "Pero parati mo siyang ipinagtatanggol sa akin," pasarkastikong wika naman niya sa akin. "Alangan namang pabayaan ko siyang asarin mo?!" patanong kong saad sa kakambal kasabay nang pag-iling ng aking ulo. Bata pa lamang kami ay alam kong gusto na ni JC si Stella. Pero natotorpe pa rin ang kakambal ko sa pagsasabi ng kaniyang nararamdaman dahil sa palagi niyang inaasar si Stella. "Mga bata pa lang tayo JC, alam kong patay na patay ka na kay Stella. Kaya nga dinadaan mo siya sa pang-aasar," nangingiting turan ko. "F*ck that word!" Napatawa ako sa pagmumura ni JC. "At kailan mo naman planong ipakilala sa amin ang maswerteng babaing napupusuan mo?" tanong pa niya sa akin. "You know her, because shes one of our staff at CSR," tugon ko kay JC. Napangiti ako nang makita si Jona na lumapit sa may bookshelf upang kumuha roon ng libro. "I don't remember na nagpunta ka ng office." Narinig ko ang paghugot ni JC ng malalim na buntonghininga. "Kung sino man iyang staff na 'yan, I wish hindi ko pa siya nabugahan ng init ng ulo ko minsan." Humagalpak ng malakas na tawa si JC mula sa kabilang linya kaya inilayo ko ang telepono sa tapat ng aking tainga. Para kasi akong nabingi sa lakas nang pagtawa nito. Paglingon ko sa may gawi ng canteen ay nakita ko ang mga estudyante kong pinalalabas na roon ng mga staff. "Teacher! Teacher!" malakas na sigaw ng mga bata nang makita nila ako. "I need to go, JC!" paalam ko sa kakambal nang makita ang humahangos na pagtakbo ng mga bata papalapit sa akin. "Alright!" tugon naman sa akin ni JC saka pinatay na nito ang linya. Humakbang ako upang salubungin ang nagtatakbuhang mga bata sa malawak na koridor nang mapansin ko mula sa gilid ng aking mga mata ang paglingon sa amin ni Jona. Nginitian ko siya at pasimpleng kinawayan ngunit hindi niya naman iyon nakita dahil sa paglapit sa kaniya ni Jordan. "Mommy!" bulalas ni Jordan sa kaniyang ina. Natigilan ako nang mamasdan ko silang mag-ina na magkayakap. Pakiramdam ko ay gusto ko rin silang yakapin ng mga sandaling iyon. "Teacher! Teacher!" tawag sa akin nina Kent at Lyka. Ipinilig ko ang ulo upang alisin ang naisip. Humugot pa muna ako ng buntonghininga bago ko hinarap ang dalawang bata. "Yes, Sweeties?" nakangiting tanong ko sa mga bata. "Teacher, pwede po bang mag-drawing?" tanong sa akin ni Kent. "Gusto ko rin mag-drawing, Teacher!" segunda naman ni Lyka. Napangiti ako nang maisip ang gustong gawin ng dalawang bata. Kapag pinag-drawing ko sila, tiyak na may oras akong makausap si Jona ng mas matagal. "Okay! Magdo-drawing kayo!" deklara ko kina Kent at Lyka. "Yehey!!!" naglululundag sa tuwa ang dalawang bata. Tinawag ko ang iba pa nilang mga kaklase upang tipunin sila sa isang tabi ng koridor ng sa gayon ay 'di sila makaabala sa iba pang nagkaklase. Sabay na humakbang palapit sa amin sina Jona at Jordan. Ipinila ni Jona si Jordan sa pilang isinagawa ko at saka ginawaran niya ng halik sa noo ang kaniyang anak. Umatras siya palayo kaunti kay Jordan habang tutok pa rin ang kaniyang mga mata sa anak. "Okay class, tahimik tayong babalik sa loob ng ating silid-aralan at ilalabas ninyo ang mga gamit ninyo sa arts upang gumuhit ng mga bagay na gusto niyong ipabili sa inyong mga Mommy," malakas kong saad sa mga bata upang marinig ng nasa may bandang likuran na nakapila. Pinakadiinan ko ang salitang 'mommy' upang iparinig kay Jona at agawin ang kaniyang pansin mula kay Jordan. Nagtagumpay naman akong maagaw ang pansin nito dahil mula sa anak ay ibinaling niya sa akin ang kaniyang ulo. "Maliwanag ba, class?" tanong ko pa sa mga bata saka pasimpleng nginitian ko si Jona na tila isa lamang teenager na nagpapa-cute sa kaniyang crush. Wala siyang anumang reaksyon sa aking ginawa at tila balewala pa nga sa kaniya ang pagngiti kong iyon. "Mukhang mahihirapan akong makuha ang loob ni Jona," ani ko sa isipan. "Opo, Teacher!" sabay-sabay na sagot ng mga bata na siyang nagpabalik sa aking katinuan. Itinaas ko ang kanang kamay upang magbigay hudyat sa mga bata nang pagtahimik dahil napansin ko ang pag-agaw namin ng pansin sa iba pang mga nagkaklase na nasa loob din ng ibang silid-aralan. Tumahimik naman ang mga bata kaya dagli ko na silang pinapasok sa loob ng silid-aralan upang simulan ang kanilang gawain. "Excuse me, Sir!" tawag sa akin ni Jona nang papasok na sana ako sa may pintuan. "Yes, Miss Lacsamana?" nakangiting nilingon ko si Jona. "Misis Lacsamana, Sir!" Pagtatama pa niya sa akin. Napabuntonghininga na lamang ako bilang tugon sa kaniya. "What can I do for you, Jona?" malamig kong tanong sa dalaga kasabay nang pagbanggit ko sa kaniyang pangalan. Hindi ko siya gustong tawagin na Misis dahil alam kong single siya. "Since matagal pa yata ang oras ng uwian nila Jordan, aalis na muna ako. Babalik na lang ako sa mismong oras ng kanilang uwian," paalam niya sa akin. "Its up to you!" nakangiting tugon ko sa kaniya. Yumukod siya ng kaunti sa harapan ko at saka nagpasalamat. Tinalikuran ko naman siya at saka humakbang papasok sa loob ng silid-aralan. Bigla kong naisip ang isinagot ko sa dalaga. Kung aalis si Jona ay tiyak na mawawalan ako ng pagkakataon na makausap siya ng matagal. "Class, ilabas niyo na ang mga gamit ninyo sa art at gawin na ang ipinagagawa ko sa inyo," utos ko sa mga bata sa malakas na tinig. Nang magsimula nang gawin ng mga bata ang activity na ibinigay ko sa kanila ay mabilis akong lumabas ng silid-aralan upang sundan si Jona. Wala ng tao sa opisina nang madaanan ko kaya mabilis akong tumakbo upang habulin si Jona sa kung saan. Naabutan ko si Jona sa may mini garden ng school at tila aliw na aliw siya sa pagtingin ng iba't ibang uri ng mga bulaklak na naroon. Pumitas ako ng isang tangkay ng dilaw na rosas saka dahan-dahang lumapit sa dalaga. Itinago ko ang kamay na may hawak ng bulaklak sa aking likuran upang hindi iyon makita ni Jona. "Mahilig ka ba sa mga bulaklak?" Napaigtad siya sa pagkakatayo nang tanungin ko siya. "Medyo!" kiming sagot niya sa akin. "Ang bawat uri at kulay ng mga bulaklak ay may kahulugan," salaysay ko sa kaniya. "Sabi nga nila," nakangiting tugon niya saka muling sumulyap sa mga bulaklak. Ilang sandaling dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Aalis na ako. Pasensiya na ulit sa abala, Sir," paalam pa niya sa akin kasabay nang paghingi ng dispensa. Akmang tatalikuran niya na sana ako nang pigilan ko siya. "Sandali!" Iniabot ko sa kaniya ang dilaw na rosas na aking pinitas. Kunot noong tumingin naman siya sa aking mukha at tila humihingi ng paliwanag sa aking ginawa. "Ang dilaw na rosas ay simbolo nang pakikipagkaibigan." Huminto ako sa pagsasalita saka sinalubong ko ang kaniyang matiim na mga tingin. Nakamata lang siya sa akin at tila lalong naguluhan sa mga ipinapahayag ko sa kaniya. "Gusto kong humingi ng dispensa sa magaspang na pananagot ko sa iyo kanina. Nawa'y tanggapin mo ang peace offering ko," patuloy ko pang wika. Gulat na gulat ang reaksyon ng kaniyang mukha kasabay nang pag-awang ng kaniyang mga labi. "Ang sarap talagang halikan ng mga labi niya!" ani ko sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD