Chapter 7

1227 Words
"Teacher!" umiiyak na tawag ng bata kay CJ. Humakbang si CJ palapit sa may pintuan saka yumukod siya upang pantayan ang mukha ng bata. "Bakit ka umiiyak, Tina?" tanong niya sa batang babae. "S-si Jordan po kasi..." pautal-utal na sabi ng bata na halos wala akong maintindihan gawa nang paghikbi nito. Si Jordan lang ang naintindihan ko sa kaniyang sinabi kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka humakbang palapit sa kanilang dalawa ni CJ. "Sweetie, may ginawa bang 'di maganda sa iyo si Jordan?" malambing kong tanong sa bata ngunit sa kaloob-looban ko ay nabubuhay ang inis sa aking dibdib. "Diyos ko, habaan Mo pa po sana ang pasensiya ko para sa aking anak!" piping dalangin ko sa Panginoon. "Tina!" malakas na tawag ni CJ sa bata nang tumakbo siya palayo sa amin. "Hindi mo kailangang takutin ang bata para lang pagtakpan ang pagkakamali ng iyong anak," mariing wika sa akin ni CJ. Napanganga ako sa kaniyang sinabi at 'di nakahuma. Natitigilang sinundan ko ng tingin si CJ habang papalayo ang bulto ng katawan niya. Saka pa lang ako tila natauhan ng tuluyan nang mawala sa aking paningin ang guro. "Gosh! Ano ba'ng ginawa ko?" tanong ko sa sarili. Naglakad ako sa mahabang koridor upang sundan si CJ. Bawat bintana ng silid-aralan ay sinisilip ko upang matunton ang silid na kinaroroonan nilang dalawa ni Jordan. Narating ko ang pinakadulong silid at nakita kong kinakausap ni CJ si Jordan at ang batang umiiyak kanina na si Tina. "Say sorry to each other." Narinig kong utos ni CJ sa dalawang bata. "Sorry!" sabay na wika ng dalawang bata. Bugso ng inis na naramdaman ko ay walang pasintabi akong pumasok sa loob ng silid-aralan saka lumapit sa kanilang kinaroroonan. "Jordan!" tawag ko sa anak. "Mommy!" Umiiyak na lumapit sa akin si Jordan saka yumakap sa baywang ko. "May ginawa ka na naman bang mali?" pigil ang inis kong tanong sa anak. "Si Tina po kasi--" Naputol ang anumang sasabihin ni Jordan nang agawin ni CJ ang aking pansin. "Mas mainam siguro kung tayong dalawa na lang ang mag-usap," seryosong saad nito. Tiningnan ko si CJ sa mukha saka nakipaglabanan ako sa kaniya nang titigan hanggang sa ako rin ang unang sumuko. Humugot muna ako ng buntonghininga at saka yumukod sa aking anak upang magpantay ang aming mga mukha. "Usap na lang tayo mamaya sa bahay, balik ka na muna sa upuan mo at makinig sa sasabihin ni teacher," mahinahong sambit ko sa anak. "I love you, Baby!" dagdag ko pang sabi. Yumakap sa leeg ko si Jordan at humalik sa aking pisngi. "I love you too, Mommy!" Tumalikod na sa akin ang anak ko at patakbong tinungo nito ang kaniyang upuan. Pinaupo naman ni CJ si Tina at binigyan pa muna niya ng gawain ang mga bata bago ako tuluyang inaya nito palabas ng silid-aralan. "Kasalanan na naman ba ni Jordan ang nangyari?" malamig kong tanong sa guro. "Pareho silang may kasalanan," sagot lang niya sa akin. "Paanong pareho nilang kasalanan?" maang kong tanong naman. "Wala akong kinakampihan sa kanila dahil pareho silang may kasalanan. Kailangan lang nilang maintindihan na kapag mali ang kanilang ginawa, mali talaga! Maaari nilang maitama ang lahat sa pamamagitan nang paghingi ng paumanhin sa isa't isa," mahabang litanya sa akin nito. "Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin," kunot noong anas ko sa kaniya. "Mas mauunawaan ng mga bata ang pakikipagkapwa-tao kung wala akong papanigan sa kanila pareho at pareho ko silang pagsasabihan," paliwanag pa sa akin nito. Natigilan ako sa sinabi ni CJ at may kung anong kurot akong nadama sa aking dibdib. Muntik ko nang makalimutang bata pa nga pala ang anak ko at higit pa nitong kinakailangan sa ngayon ang malawak na pang-unawa mula sa akin. Napagdesisyunan kong tanggapin ang iniaalok niyang tulong para sa aking anak. "Pumapayag na ako sa inaalok mong tulong para sa anak ko," ani ko sa kaniya. Nakita ko ang pantay-pantay niyang mga ngipin ng malawak na ngumiti siya sa akin. Napansin ko rin ang cute niyang mga dimples sa magkabilaan niyang pisngi. "Gosh! Ang gwapo niya talaga!" natitilihang sambit ko sa isipan. "Makaaasa kang hindi ka nagkamali sa naging pasya mo." Inilahad nito ang palad niya sa aking harapan. Alanganin akong tanggapin ang palad niya gawa ng kuryenteng nararamdaman kong dumadaloy sa aking palad sa tuwing madidikit sa kaniya. "Kung tapos na po tayong mag-usap, kukunin ko lang ang naiwan kong gamit sa loob ng opisina mo at sa labas ko na hihintayin si Jordan," ani ko sa kaniya upang ibahin ang usapan at iwasan ang kaniyang palad. Nagsimula akong humakbang pabalik sa opisina ni CJ upang kuhanin ang naiwan kong gamit doon. "Dito mo na lang hintayin si Jordan, mas maayos ang magiging kalagayan mo rito kumpara sa labas." Napaigtad ako nang marinig ang baritonong boses nito. Hindi ko naman kasi akalain na sumunod pala siya sa akin. Akala ko naman ay nanatili lang siya roon sa lugar kung saan ko siya iniwanan. "Salamat!" Dinampot ko ang bag na nakapatong sa may upuan. "Pero sa labas na lang ako maghihintay." Mabuti na lang at maagap akong nahila sa braso ni CJ nang matapilok ako sa may hamba ng sahig na hindi ko napansin. Imbes na sa sahig ako masalubsob ay sa matigas niyang dibdib ako nasubsob kasabay nang pagyakap sa akin ng mga braso nito. "Careful..." Tila musika sa pandinig ko ang kaniyang sinabi. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko at tila anumang sandali ay bubuway mula sa pagkakatayo ang mga tuhod ko gawa nang panginginig ng mga laman niyon. "Are you okay? Nanginginig ka," may pag-aalalang tanong sa akin nito. Hindi ko alam kung para saan nga ba ang biglaang panginginig ng katawan ko. Para nga ba iyon sa pagkakatapilok ko o dahil sa naririnig ko ang pagtibok ng puso nito. "W-wala ito!" utal kong sagot sa kaniya. "Mabuti pa ay umupo ka na muna." Nagpadala na lamang ako sa pag-akay niya sa akin patungo sa may upuan habang nananatili namang nakayakap ang mga bisig niya sa akin. Nang masiguro nitong maayos na akong nakaupo ay tinungo naman niya ang lagayan ng mga baso at kumuha ng isa roon upang lagyan ng tubig mula sa may asul na galon. Bumalik siya sa kinauupuan ko saka iniabot sa akin ang basong may lamang tubig. "Inumin mo na muna iyang tubig para mawala ang panginginig mo," ani niya sa akin. Inisang lagok ko ang laman na tubig ng basong iniabot niya kaya nakaramdam ako ng kaginhawaan sa aking katawan. "Salamat!" pasasalamat ko kay CJ. "Walang anuman!" nakangiting tugon naman niya sa akin. Dinampot nito ang basong inilapag ko sa mesita saka dinala iyon sa may lababo upang hugasan. Matapos niyang tuyuin ng panyo ang kaniyang mga basang kamay ay humakbang na siya patungo sa may pintuan. "Maiwan na muna kita at babalikan ko pa ang mga bata. Manatili ka na lang muna rito habang hinihintay si Jordan." Humarap pa muna siya sa akin saka tinitigan niya ako. Nailang naman ako sa matamang pagtitig niya kaya iniiwas ko ang mga mata sa kaniya. "Gustuhin ko mang manatili sa tabi mo, hindi naman maaari dahil may mga batang naghihintay sa akin." Napanganga ako sa kaniyang sinabi at pakiwari ko ay may ibang kahulugan iyon sa aking pandinig. Magsasalita na sana ako ng tuluyan na siyang lumabas ng pintuan at naiwan akong mag-isa sa loob ng silid na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD