Bahagya kong inayos ang dress na suot. Ito ang mamahaling dress na binili sa akin ni Damian nang nakaraan. Saturday night at naroon kami sa mansion na pagmamay-ari ni Don Milo. Naghanda ng simpleng party ang family ni Damian para daw pormal na i-announce ang engagement namin. Tulad ng hiling namin ay pili lang ang mga bisita. Karamihan ay mga kamag-anak at malapit na kaibigan nila. At sa side ko naman ay pawang pamilya ko at nila tiya Gina. “Bunso ang ganda mo naman,” puri ni ate Vicky nang matapos akong ayusan. Naroon kami sa isa sa mga guest rooms sa mansion na iyon. Kanina nang dumating kami ay halos malaglag ang panga ko nang makita ang mansion. I was overwhelmed by the structure's exterior. It is white in color and resembles the white house because of its large

