Chapter 19 – Confrontation

1526 Words

        Hindi ko na naunawaan ang mga sinabi pa sa akin ni Don Milo at anak niya. Ang atensyon ko ay natuon lang kay Dom. Hindi ko magawang magsalita habang nakatingin sa kaniya. Hindi maaari! Makailang beses akong kumurap, umaasa na maglalaho siya sa aking harapan pero hindi iyon nangyari. Dumako ang aking mga mata sa babaeng katabi niya. Maganda siya, alon-alon ang buhok at bumagay ang matangos na ilong at maninipis niyang mga labi sa maliit na mukha. Para siyang anghel sa ganda. Base sa magkahawak nilang kamay ni Dom ay nasisigurado kong siya si Lucy. Looking at Lucy, ngayon ko lubos na napatunayan na sa pagitan naming dalawa, hindi ako magagawang piliin ni Dom. Hindi ko maiwasang masaktan. Habang ako ay magulo ang buhay sa ngayon, masaya silang ipinagpapatuloy ang pagsasama bilang mag-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD