Maang na tinitigan ko si Dom. Part of me ay nababahala dahil baka may makakita sa amin. Siguradong madami ang magtataka kung bakit kami magkausap dito. “D-Dom—” impit na daing ko dahil sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko. “Magpaliwanag ka! Were you cheating on me all those years na magkasama tayo?” Ni hindi na siya nag-aksayang hinaan ang boses. Tiningnan ko ang paligid para masigurong walang makakarinig sa amin. “Dom, please stop—” “Sagutin mo ako!” sigaw niya. “No! Sinabi ko naman sayo last time na nagkausap tayo. Hindi kita niloko,” mahinang sagot ko. Tinangka kong hilahin ang kamay sa pagkakahawak niya pero lalo lang iyong humigpit. Bahagya pa niya akong niyugyog habang nagsasalita.

