11

1763 Words
“Ang mga bata?” “Natutulog na po ang mga anak ninyo senyorito pero may problema po kasi..” Awtomatikong kumunot ang noo ni Jaime at tumingin sa yaya ni Keannu. Nag iwas ito ng tingin na animo ay natatakot itong sabihin sa kaniya ang tungkol sa nabanggit nitong problema. “Senyorito Jaime, naku senyorito!” humahangos na lumapit sa kaniya ang mayordoma na si Manang Nena kasunod ang asawa nitong driver na si Mang Estong. “Ano ba ang problema?” “Ang asawa po kasi ninyo si Senyorita Allyson hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon.” nag aalalang imporma sa kaniya ng matandang mayordoma. Mariing itinikom niya ang mga labi. Alam na ng pamilya niya at ng mga tao sa mansiyon na hindi si Demi ang babaeng pinakasalan niya. Ipinagtapat na niya iyon sa mga magulang niya. Alam niyang nabigla ang mga magulang niya sa natuklasan. Hindi sumang ayon ang kaniyang ina sa naging desisyon niya na pilitin si Allyson na magpakasal sa kaniya. Batid niya na mali ang ginawa niya. Masyadong nasaling ang pride niya at mas pinangunahan siya ng pagnanais na makaganti sa mga Bustamante kaya niya iyon nagawa. Pagkatapos nilang magpakasal ay sinubukan niyang tawagan ang ama nito pero katulad ng dati ay hindi pa rin nito sinasagot ang kahit isa sa mga tawag, text o e-mail niya. Si Allyson naman ay ilang araw ng walang imik at madalas daw na nagkukulong lang sa silid. Wala silang panahon na mag usap dahil ilan araw siyang nanatili sa Maynila para asikasuhin ang negosyo ng kaniyang ama. Hanggang ngayon ay wala pa rin planong umuwi sa kaniya kaniyang bakasyon ang mga kapatid niya kaya siya ang nagsasakripisyo. Ang kanilang ama ay pinayuhan na ng doktor na magpahinga na sa trabaho dahil sa mahinang kondisyon ng puso nito. Sinubukan ng kaniyang ina na kausapin ang asawa niya pero umiyak lang daw ito. Sermon ang inabot niya sa ina dahil sa nangyari. Kahit daw may pagkakamali ang pamilya ni Allyson ay hindi na dapat niya ito idinamay pa. Pero ano pa ba ang magagawa niya? kasal na sila ni Allyson at may mga obligasyon na sila sa isa’t isa ngayon. Sa edad niyang iyon ay alam niya na hindi na makikialam pa ang mga magulang niya sa buhay niya. Pero aminado siya na nakaramdam pa rin siya ng awa kay Allyson. Kahit galit siya dito at sa buong pamilya nito ay binabagabag pa rin siya ng konsensiya niya. “Saan daw nagpunta?” “Hindi po namin alam basta na lang po kasi siya umalis kanina.” singit naman ng yaya ng anak niya. “Sir nasundan naman daw po ng isang driver ang sinakyan niyang Taxi kanina. Sa Monde club daw po nagpunta.” Tumango siya at bumaling kay Mang Estong. “Ihanda mo ang kotse ko at aalis ulit ako,” “Pero senyorito wala ka pa pong pahinga halos.” “Mas importante ang kapakanan ng asawa ko mang Estong,” “Sige po,” Umalis na ang tatlo at ilang minuto lang ay naihanda na ng driver ang kotse niya. Mag isa siyang umalis at nagtungo sa club para sunduin si Allyson. Pagpasok pa lang niya sa pag aari niyang club ay sinalubong na siya ng ilang mga tauhan at mga kakilala. Dahil ilang araw ng pagod at kulang sa tulog ay agad na sumakit ang ulo niya nang marinig ang malakas na tugtog na nag e-echo sa bawat sulok ng club. Ipinilig niya ang ulo at inilibot ang paningin sa buong lugar. Namataan niya ang asawa niya sa isang sulok. Nakapangalumbaba ito at nakatukod ang siko sa table habang nakikipagtawanan ito sa isang lalaki. Agad na bumaha ang matinding inis sa dibdib niya. Mabilis ang mga hakbang na nilapitan niya ang dalawa. “May problema ka ba sa asawa ko?” malamig na tanong niya sa lalaki. Nang sumulyap ito sa kaniya ay agad na namutla ito. “W-wala, sige,” anito at nagmamadali nang umalis. Napabuntong hininga na lang siya at sinundan ito ng matalim na tingin bago niya nilingon si Allyson. “At ikaw naman,” mainit ang ulo na naupo siya sa katapat nitong bakanteng silya. “Sino ang nagbigay sa'yo ng pahintulot na magpunta sa ganitong lugar?” naninitang tanong niya. “Hmmm?” ilang beses na kamuntik ng bumagsak ang ulo nito sa mesa pero maagap na napipigilan naman iyon ng kamay nito. “Shino ka na naman? hindhi ba talaga ninyo ako titigilan ha? uy! khilala ko ang bosh dito.” “What?” “Ashawa ko ang bosh dito,” “Jesus Christ! Are you drunk?” napaawang ang mga labi niya at bahagyang dumukwang para amuyin ang asawa. Napapalatak siya at mabilis na umiwas dito nang manuot sa ilong niya ang matapang na amoy ng alak na ininom nito. “Jaime?” ikinurap kurap ni Allyson ang namumungay nitong mga mata at tiningnan siya. “Jaime!” bumaha ang matinding katuwaan sa mga mata nito at itinuro siya. Parang isang bata na nabigyan ng kendi na napalakpak pa ito. “Ikaw nga!” Dumukwang ito at sinapo ang mga pisngi niya. “Allyson, pwede ba, ang baho mo!” sikmat niya dito. Napahagikhik ito at nanatiling nakapaloob ang mga kamay sa magkabilang pisngi niya. Kahit hindi niya gusto ang amoy nito ay aminado siya na lumambot ang puso niya ng rumehistro sa bawat himaymay niya ang init na nagmumula dito. “Ang ashshawa ko, oo nga pala ako nga pala shi Allsyhon Mondemar, kaya pala kanina binigyan nila ako ng masharap na alak. Spechial ang treatment nila sha akin kashi sabi ko ashawa ako ng bosh nila. ” Mariing naipikit niya ang mga mata. Kung ganoon na lasing na lasing si Allyson ay hindi malayong mabastos ito sa ganoong lugar. Kahit nasa isang sulok pa ito ay takaw atensiyon naman ito dahil sa kumikinang na kaputian nito. Napakaganda nito at aminado siya na may mas dating pa ito kumpara sa kapatid nitong si Demi. “Sir,” Iminulat niya ang mga mata at tumingin sa manager ng club na lumapit sa kanila. “Bakit ninyo pinabayaan na magpakalasing siya?” matalim ang tingin na tanong niya. “S-sir, pasensiya na po, nagalit po siya kanina nang pinigilan namin. Wala naman po kaming magawa. Sorry po.” Marahas na napabuntong hininga siya at napilitan nang tumayo. “Let’s go,” turan niya kay Allyson. Nilapitan niya ito at maingat na ipinulupot ang braso sa baywang nito. “Uuwi na tayo.” Napayukyok lang ang ulo ng babae at hindi na tumugon pa. Inalalayan niya itong maglakad hanggang sa labas ng club. Nang makarating sila sa parking lot ay bigla naman itong nangulit at ayaw nang umuwi. “Hindi, hindi ako uuwi!” umiiyak na sabi nito. Pinipilit niya itong ipasok sa loob ng kotse pero nagmatigas ito. Pinaghahampas siya nito sa dibdib kaya napilitan siyang isara ulit ang pinto ng sasakyan at pigilan ito sa magkabilang kamay. “Umuwi na tayo, Allyson, please? kailangan mo nang magpahinga.” tagaktak na ang pawis sa noo nito. Taas baba ang dibdib nito na siyang nakaagaw ng pansin niya. Heaven… malulusog ang mga dibdib nito at nasisiguro niya na malambot ang mga iyon na parang isang unan. Nakagat niya ang mga labi para pigilan ang kakaibang bugso ng damdamin na lumukob sa kaniya. “Masharap ba iyon sheks?” Paulit ulit na naglulumikot sa isip niya ang magandang senaryo sa silid nila kung saan inaangkin niya ang perpektong katawan ng kaniyang asawa. “Tinatanong kita, masharap ba iyong sheks?” pumulupot na ang mga kamay ni Allyson sa leeg niya kaya natigilan siya. “What?” pilit na binalikan niya sa isip ang huling sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? nababasa ba nito ang tumatakbo sa isip niya? s**t! “s*x?” Tumango ito at nagsimula nang humikbi na parang isang inosenteng bata. “Shi Barry ayaw na niya sha akin kashi ayaw kong ibigay sa kaniya ang gushto niya, masharap naman daw ang sheks ‘eh at ipokrita daw ako kashi ayokong i-try.” Panay ang iyak nito. Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng awa sa dalaga. Kilala niya si Barry dahil kasama ito sa mga pinaimbestigahan niya nang malaman niya ang tungkol sa pagsisinungaling ng magkapatid. Wala sigurong kamalay malay si Allyson na ilang buwan na itong niloloko ng Barry na iyon. May kalive in na ang lalaki pero itinuloy pa rin nito ang pakikipagrelasyon sa asawa niya. Naikuyom niya ang isang palad. Nasisiguro niya na isa sa mga araw na ito ay may kalalagyan sa kaniya ang lalaki. “Kung masharap, gawin na natin?” Ilang beses siyang napalunok nang magsimulang bumaba ang mga kamay ni Allyson sa bandang pang upo niya at pumisil pisil doon. Fuck. Hindi tama na samantalahin niya ang kainosentehan nito. Napaubo siya ng mahina bago hinuli ang mga palad nito at dinala iyon sa baywang niya. “Oh, honey, hindi natin pwedeng gawin iyon sa ngayon.” Bastard. Gusto mo naman talaga aminin mo na! “Bakit?” napalabi ito. “Ashawa kita di ba?” Natawa siya ng mahina. “Bukas mo sa akin sabihin iyan, now, let’s go.” “Ayaw,” napaungol ito at ilang beses na umiling. Nakakainis man pero parang pinitik na patungo sa outer space ang lahat ng galit niya sa babae. Kahit ang pagod na nararamdaman niya ay nawala habang nakikita niya ang kislap ng inosenteng mga mata nito. “At ano ang gusto ng prinsesa ng mga Mondemar?” “Wow, prinshesa, ako?” namamanghang itinuro nito ang sarili. “Shige, gushto ko ng kiss.” “Kiss?” nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso niya nang bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Pinatulis nito ang mga labi at mariing ipinikit ang mga mata. Tumingkayad pa ito para lang magpantay silang dalawa. Ginawaran niya ito ng mabilis na halik sa magkabilang pisngi. Hindi pa rin ito natinag. “Kulang pa?” Naiinis na iminulat nito ang isang mata. “Ayaw ko, gushto ko iyon kagaya sa Titanic." “Silly girl,” natatawang hinapit niya ito at mabilis na hinalikan niya ang mga labi nito. Saglit lang dapat ang paghalik niya dito dahil ayaw niyang samantalahin ang kalasingan nito. Pero nagulat na lang siya ng hilahin nito ang kwelyo ng damit niya at mas idiniin pa nito ang paglalapat ng mga labi nila. Goodness! Wala na siyang kawala pa kay Allyson. At wala na rin naman siyang balak na tumutol pa sa hiling ng kaniyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD