13

1462 Words
Nahahapong hinagod ni Jaime ang batok niya. Apat na araw nang nakaconfine si Keannu sa ospital kaya naman halos wala na siyang pahinga. Pagkagaling sa opisina ay sa ospital na agad siya dumidiretso para magbantay sa anak. Ang sabi ng doktor ay mild pneumonia ang sakit ni Keannu. Nang araw na isinugod sa ospital ang bata ay mataas na pala ang lagnat nito kaya nagkombulsyon. Ayon sa doktor ay maayos naman ang naging eksamin sa anak niya at maaari na itong makauwi bukas at sa bahay na lang itutuloy ang medication. Matapos niyang masiguro na maayos na ang lagay ng bunso niya ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Kaya lang ay binabagabag naman siya ng konsensiya niya. Kung hindi napabayaan ang anak niya ay hindi naman ito magkakasakit. Palagi daw kasing natutuyuan ng pawis ang likod nito at mahilig pang kumain ng ice cream. Kapag nagkakaroon naman ng ubo at sipon ay mahirap painumin ng gamot. Hindi naman niya magawang sisihin ang mga nag aalaga sa triplets dahil alam niya na hindi ganoon kadaling alagaan ang mga anak niya. “Coffee?” Mula sa pagtanaw sa ibaba ng rooftop building ng ospital ay napalingon si Jaime sa bandang kaliwa niya nang marinig ang tinig ni Allyson. “Thanks,” kinuha niya mula sa palad nito ang styro cup na may lamang kape. “Hindi ka pa ba uuwi?” bumaba siya mula sa pagtayo niya sa mababa at sementadong harang para magpantay silang dalawa. Nitong mga nakalipas na araw ay nakita niya kung papaano asikasuhin ni Allyson ang anak niya. Hindi na nga ito umuuwi sa mansiyon at nagpapadala lang ng pampalit na damit kay manang Nena. Ayaw din naman ni Keannu na malayo dito kung kaya palaging magkasama ang dalawa. Ganoon na marahil siya kaabala para hindi makita na nagkaroon na ng malalim na bonding ang mga anak niya kay Allyson kahit sa maikling panahon lang. Kahit papaano ay may ipinagbago na ang mga bata. Nakikipag away pa rin naman daw sa mga kaklase ang tatlo pero hindi na ngayon nakukulili ang tenga niya sa pagtawag sa kaniya ng teacher. Marunong na daw kasi ngayon pagsabihan ang mga anak niya. Kahit sila manang Nena ay nakapansin sa pagbabago ng mga ito. Kung magtutuloy tuloy ang pagbabago ng tatlo ay makokontento na siya. “Okay lang ako, huwag mo akong intindihin. Ikaw nga ang dapat na umuwi dahil alam kong pagod ka sa trabaho.” Napangiti siya at naupo sa sementadong harang. Tumabi naman ito ng upo sa kaniya habang siya ay umiinom ng kape. Nang masamyo ang aroma ng umuusok na kape ay nagising kahit papaano ang diwa niya. Kung wala marahil si Allyson sa tabi niya para alagaan si Keannu ay baka mas doble o triple pa ang mararamdaman niyang pagod ngayon. Sa ilang araw na pananatili nila sa ospital ay unti unti niyang nakikilala si Allyson. Napatunayan niya na kahit nagkamali ito minsan ay mapagmahal ito lalo na sa pamilya. Hindi man ito katulad ni Demi o ng iba pang babae sa sirkulasyon niya na pawang mga eleganteng kumilos at sosyal ay ito naman ang klase ng babae na kapag ngumingiti ay nakakawala ng problema. Dala marahil ng kuryusidad kaya pinanood niya ang isang pelikula kung isa ito sa extra. Wala pang sampung segundo ang exposure nito sa pelikula pero alam niya na imposible na hindi agad ito mapansin ng mga tao. Kung ganda rin lang ang pag uusapan ay alam niyang hindi magpapatalo si Allyson sa mga sikat na aktres ngayon. “Bakit nga pala nandito ka sa rooftop? Medyo malamig dito, baka magkasakit ka,” aniya at lumingon sa babae. Ipinatong niya ang styro cup sa tabi niya. Napakibit balikat lang ito at tumingin sa langit. Napangiti pa ito habang pinagmamasdan ang makinang na mga bituin. “Nakatulog na si Keannu, ang yaya niya tulog na rin. Wala akong makausap at saka uminom ako ng kape kaya hindi rin ako makatulog.” “Ah, kaya gusto mo akong pagtiyagaan?” natatawang sabi niya. “Hindi ah!” mabilis na umiling ito. “Medyo lang,” mayamaya ay napahagikhik ito. Parang isang bola na gustong tumalbog talbog ng puso niya. Sa totoo lang ay nakakawala ng pagod ang ngiti ni Allyson. “Wala akong makausap, promise. Iyon kinuha ninyong yaya nahihiya naman makipag usap sa akin. Si Keannu walang ginawa kundi ang matulog. Malapit na akong maganito,” ipinaikot nito ang isang daliri sa bandang tenga. Napahalakhak siya ng malakas. Naaaliw na tumingin siya dito. “Paano pa kung ako ang kasama mo, hindi mo rin ako makakausap dahil palagi akong busy,” “Pero wala ka naman ginagawa ngayon 'di ba?” “Nagpapahinga lang,” Tumango lang si Allyson at muling tumingin sa langit. Makikita sa mga mata nito ang katuwaan habang nakamasid sa mga bituin. Himala nang matatawag na hindi sila nagbabangayan ngayon. Siguro ay dahil ilang araw silang pagod at puyat kaya parehong wala ng lakas na mag asaran pa. “Alam mo ba noon ko pa pangarap na makasakay ng eroplano. Siguro sa gabi kitang kita sila sa langit kapag nakasakay ka sa eroplano. Nakikita mo ba iyon isa na pinakamakinang sa kanilang lahat? Rodie ang tawag namin sa kaniya ng mga kapatid ko, ipinangalan namin sa step father ko. Dati kasi siyang artista sa Mondemar Teatro kaya marami rin chicks na nakaagaw si mommy sa kaniya noon.” “Alam ko,” nasabi na lang niya. Nakalagay naman ang lahat ng impormasyon ni Allyson sa mga dokumentong ipinadala sa kaniya ng isang private detective. Mabilis kumilos ang inupahan niyang tao kaya sa buong maghapon ay naibigay nito sa kaniya ang mga impormasyon na kailangan niya. Dating artista sa teatro ang step father ni Allyson pero nang magsara iyon ay napilitan itong mamasukan bilang janitor sa isang pampublikong eskwelahan. Dahil matagal nang naninilbihan ay naging katiwala na si Mang Rodie at naipasok pa nitong iskolar ang mga anak. Kaya lang ay pumanaw daw ang huli matapos maholdap at mabaril may tatlong taon na ang nakalipas. Dahil si Allyson ang panganay ay ito ang nagpursige na tumulong sa pamilya katuwang ang pangalawa nitong kapatid. “Hmmm..” tumango. “Hindi na nakapagtatakang malaman mo nga iyon dahil pinaimbestigahan mo ako,” gusot ang ilong na tumingin ito sa kaniya. “Wala na pala akong maitatago sa'yo, Mr. Mondemar,” “Don’t start,” pigil niya dito at itinaas ang mga palad tanda ng pagsuko. Napaismid ito. Ibinaba niya ang mga palad at nagsimulang ikiskis ang mga iyon sa tela ng suot niyang slacks. “Kung sasabihin ko ba sa'yo na pakakawalan na kita ay mababawasan na ang galit mo sa akin?” “H-ha?!” napaawang ang mga labi nito. Nalilitong tumingin ito sa kaniya at habang malaya niyang napagmamasdan ang pagtama ng munting liwanag sa magandang mukha nito ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng labis na panghihinayang sa naging desisyon niya. “S-seryoso ka ba?” nagsimulang mamula ang sulok ng mga mata ni Allyson. Kumibot kibot ang mga labi nito pero wala na itong kahit na anong sinabi sa kaniya. Malalim na bumuntong hininga siya at ipinaliwanag dito ang buong katotohanan. Nang isugod nila sa ospital si Keannu ay labis ang naging pag aalala ng mga magulang niya. Kinausap siya ng masinsinan ng kaniyang ama dahil naniniwala daw ito na kinarma sila sa ginawa nila kay Allyson. Ipinagtapat sa kaniya ng ama na noong araw na binalak niya ang pagpapakasal nila ni Allyson ay tumawag dito si Judge Corporal para ipaalam ang naging pag uusap nila ng judge. Nagpasiya ang kaniyang ama na mamagitan sa sitwasyon. Hindi tunay ang papeles na pinirmahan nila ni Allyson kaya peke ang kanilang kasal. Wala rin daw naipasang marriage contract sa NSO ang sekretarya niya dahil kahit ito ay kinausap ng kaniyang ama. Namana niya ang temper ng kaniyang lolo kung kaya sa tuwing magagalit siya ay nakakagawa siya ng pagkakamali at hindi magandang desisyon. Ang gusto lang daw ng huli ay maprotektahan si Allyson laban sa kaniya at dahil malaki ang utang na loob ni Judge Corporal sa mga Mondemay kaya sumunod ito sa utos ng kaniyang ama. Kahit ang ina ay walang alam sa ginawa ng kaniyang ama. “Diyos ko…diyos ko……” natutop ni Allyson ang mga labi at nagsimulang umiyak na parang bata. Umusod siya palapit dito at masuyong hinagod ito sa likod. Narinig niya ang mahinang paghikbi nito. Alam niyang masaya ito dahil malaya na ito. Ang akala niya ay balewala lang sa kaniya na palayain na ito dahil wala naman itong kasalanan sa nangyari. Katulad niya ay biktima lang din ito ng kapatid nito. Pero bakit hindi niya mapigilan ang makaramdam ng kakaibang lungkot sa tuwing maiisip niya ang pag alis nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD