29

1706 Words
AKIRA’S POV Ilang minuto na akong nakapikit pero hindi pa rin ako makadama ng antok. Yamot akong bumangon at ginulo ang buhok ko. Mabuti pa si Inaki, ang sarap na ng tulog. Samantalang ako, mulat na mulat pa at gising na gising pa ang diwa. Kasalanan itong lahat ni Shin. Kung hindi niya sana pinapagulo ang utak ko, mapayapa na rin sana akong natutulog ngayon. Hindi ko na sana poproblemahin pa ang paggising ko ng maaga bukas. Dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko, gustong gusto ko nang puntahan si Shin ngayon at pagsusuntukin. Kung hindi lang mataas ang posisyon niya sa academy na ito ay baka kung ano na ang nasabi ko sa kaniya kanina. Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili ko pero sa pagmulat ng mga mata ko, bigla akong may nabanggang lalaki. Hala. Paano? Y-yung lalaking nabangga ko ay si Shin. Tapos pareho kaming natumba at nasa ibabaw niya ako. Ang lapit lapit ng mukha ko sa mukha niya at ang gwapo niya. Akira, ano ba? Hindi ito ang oras para sa mga kalokohan mo. Tumayo agad ako kasi ano. Ang awkward? Ramdam kong nag-iinit ang mukha ko at alam kong ang pula pula na ng pisngi ko. Mabuti na nga lang na napigilan kong maipalabas ang siyam kong buntot dahil paniguradong malaking problema ang mangyayari. "W-what are you doing here?" tanong niya sa akin nang makatayo na rin siya. Habang ako naman ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa kwarto lang ako kanina pero bakit nandito na ako sa labas ng dorm? Anong nangyari? "Hindi ko rin alam,” mahinang sagot ko sa kaniya. "What? Wait. Nagteleport ka ba?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Shin. Bigla akong napatingin sa kaniya at hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako. Namumula rin kasi siya. Pero teka, tama ba ang pagkakarinig ko. Nag-teleport ako? "Teleport?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Isa sa kakayahan natin ay ang makapag-teleport, so sinubukan mo ba ‘yon kaya bigla ka na lang sumulpot sa harap ko?" sabi naman niya. Napaiwas ako ng tingin. Wala naman akong ginagawa kanina. In fact, sinusubukan ko nang makatulog at pilit kong inaalis sa isipan ko si Shin. "T-teka, hindi ko rin alam. Nasa kwarto ko lang ako kanina at matutulog na tapos nandito na ako ngayon." Napatampal sa noo niya si Shin. May mali ba akong nagawa? Parang biglang naging problemado si Shin at hindi niya malaman kung anong gagawin niya. "Nakapag-teleport ka nang hindi mo sinasadya. Nag-isip ka siguro ng isang lugar na gusto mong puntahan kaya ayan,” frustrated na sabi niya. Iniisip kong puntahan si Shin para suntukin dahil sa sobrang inis ko sa kaniya. So kaya ba napapunta ako sa harap ng dorm ay dahil nandito siya? Kapag pala nagkataon na nasa kwarto na niya siya, doon ako mapapapunta? At paano kung tulog na siya sa mga oras na ito? Edi paniguradong hindi ko alam kung anong gagawin at hindi ko alam kung paano makakabalik sa kwarto namin ni Inaki. Baka paggising ng lahat bukas ay baliw na ako. "Pero teka, bakit ka pala nandito?" pag-iiba ko na lang ng usapan. "W-wala, naglalakad lakad lang ako. Hindi kasi ako makatulog,” sagot naman niya sa akin. Pareho pala kaming hindi makatulog. Fair enough. At least ay nararamdaman niya ang nararamdaman ko kanina. Umupo siya do’n sa may upuan sa gilid ng dorm habang ako ay nakatingin lang sa kaniya. Hanggang sa nag-play na naman sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin kanina sa may talon. Agad akong napatalikod sa kay Shin dahil naalala ko na naman ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog. Nag-init na naman bigla ang dalawa kong pisngi kaya panigurado, namumula na naman ako. Ano ba naman ito? Bakit ako naaapektuhan sa presensya nya? Si Miro ang mahal ko ‘di ba. Siya lang. Kaya dapat kay Miro ko lang nararamdaman ang mga ganitong bagay. "Hindi ka rin ba makatulog?" narinig kong seryosong tanong sa akin ni Shin. Napaharap ulit ako sa kaniya dahil kinausap niya ako. Ang bastos naman tingnan kung nakatalikod ako sa kaniya habang nag-uusap kami. "Y-yes,” alanganin kong sagot sa kaniya. "Dahil kay Miro?" tanong pa niya. Natigilan ako sa tanong niyang yun. Nagkakasala na ba ako kay Miro dahil si Shin ang gumugulo sa isip ko ngayon? Na sa halip na iniisip ko ang problema namin ni Miro ay mas napupuno pa ni Shin ang isipan ko? Bigla akong nalito, ay mali, nalito na naman ako. "Kung may hindi kayo pagkakaunawaan, ayusin niyo na agad.,” dugtong na sabi pa niya. “Iniiwasan niya ako at hindi ko alam ang dahilan,” wala sa sariling sabi ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon at kay Shin pa talaga. Siguro kailangan ko rin ng makakausap tungkol sa problema ko kay Miro. “Nagkausap na ba kayo?” tanong pa niya sa akin. Marahan akong umiling. “Hindi pa siya handang kausapin ako. At hindi ko alam kung anong dahilan niya. Ang layo layo na niya sa akin. Parang ibang Miro ang kasama ko sa mundong ito,” malungkot kong sagot sa kaniya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao ni Shin. “Sa panahong ito Akira, hindi makakatulong si Miro sa paghahanda mo bilang isang prinsesa. Ayoko mang sabihin ito ngunit may mga bagay na mas kailangan ng pansin mo,” seryosong sabi naman niya sa akin. Napatango na lang ako. Alam ko naman iyon. May mas marami pa talagang bagay ang dapat kong harapin. Hindi na lang ako basta isang anak ng mga Montenegro. Dahil sa ngayon ay isa akong anak ng hari at reyna ng mga White Nine Tailed Fox. “Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga. Maaga pa ang pasok mo bukas,” sabi pa niya. Tumango na lang ulit ako at naglakad na sa may pintuan ng dorm. Kaso pagpihit ko ng doorknob ay naka-lock pala ito. Hala, paano ako makakabalik sa kwarto ko? Nakakahiya naman kung manggigising pa ako. Pero kapag hindi ako nakapasok sa dorm, dito ako sa labas matutulog? Hala, paano ito? Naputol ang paghihisterikal ng utak ko nang marinig ko ang mahinang tawa ni Shin. Lumingon ako sa kaniya at sinamaan ng tingin. "Pinoproblema mo ‘yang naka-lock na pinto, eh pwede ka namang mag-teleport ulit,” nakangisi niyang sabi sa akin and it hit me. Oo nga pala, pwede nga palang mag-teleport. Kinatok ko ang ulo ko, may pagkashunga rin talaga ako. "Pero paano?" namomroblemang tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Ihahatid na nga kita, baka kung saan ka pa makarating eh." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay kaya napapikit na lang ako. Bakit kasi kailangan pang hawakan ang kamay ko? Ang bilis na naman tuloy ng t***k ng puso ko. Naramdaman kong binitawan na ni Shin ang kamay ko kaya napamulat ako ng mata. Nandito na kami sa kwarto ko habang si Inaki ay tulog na tulog pa rin. Nakalabas ang siyam na buntot ni Shin at deretsong nakatingin sa akin. "Yang nasa kamay mo ay tanda ng pagiging prinsesa mo, h’wag mong hayaang makita ng iba." Napatingin ako sa kamay ko. Ang tinutukoy niya ay ang parang tattoo sa may wrist ko. Ang itsura nito ay maliit na fox na nakatingin sa bilog na buwan. Lumabas ito sa akin kasabay ng paglabas ng siyam kong buntot noong birthday ko. Wala pa namang nakakapansin nito kahit si Inaki. Malaking tulong na rin ang uniform namin na long sleeve kaya hindi ako nahihirapang itago ito sa lahat. "Good night my Princess,” dugtong na sabi pa ni Shin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Teka, anong gagawin niya? Hindi ko magawang makagalaw kaya nakatitig lang ako sa kaniya hanggang sa maramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa noo. After no’n ay bigla na lang siyang nawala sa harap ko. Napahiga na lang ako sa kama ko at napahawak sa dibdib ko. Para saan ‘yon?? THIRD POV "Kamusta ang prinsesa?" tanong ng hari ng mga Black Nine Tailed Fox. "Nasa academy na po siya pero lihim pa ang tunay niyang pagkatao, kukuhanin na po ba natin siya?" sabi naman sa kaniya ng tauhan niyang nag-eespiya sa mga puting Nine Tailed Fox. Napangiti ang hari sa balitang iyon. Nahirapan at nabigo siyang kuhanin ang prinsesa ng mga Nine Tailed Fox noong nasa mundo pa ito ng mga tao. At napagtanto niya na mas madali niya itong makukuha kapag nandito siya sa mundo nila "Huwag muna. Hintayin muna natin na maging bihasa ang prinsesa sa kaniyang kapangyarihan at kakayahan. Kapag nangyari iyon ay saka natin siya kukuhanin." Gagamitin niya muna ang academy para sa pagsasanay ng prinsesa upang ito ang maging pinakamalakas sa lahat ng lobo sa mundong ito. “Ngunit hindi pa rin po lumalabas ang siyam na buntot ng prinsesa,” biglang sabi sa kaniya ng tauhan niya. “Hindi kailangan ng prinsesa ang mga buntot niya dahil nagagamit niya ang lakas at abilidad niya. Sapat na iyon para sa mga plano ko. Sabihan mo ang mga kasapi natin sa academy na bantayang mabuti ang prinsesa,” seryosong sabi naman niya. "Masusunod po." Yumukod sa kaniya ang kaniyang tauhan at lumabas na. Isang malaking palaisipan sa hari kung bakit hindi ipinakilala ng mga magulang ni Akira sa nasasakupan nito ang prinsesa. Iniisip marahil ng mga ito na sa pamamagitan ng pagtatago ng mga ito sa anak nila ay maililigtas ito laban sa kaniya. Ngunit isang malaking pagkakamali iyon. Sa ngayon ay bibigyan niya ng kapayapaan at kapanatagan ng loob ang mga White Nine Tailed Fox. Wala pang masyadong alam ang prinsesa sa pagkontrol ng kakayahan nito kaya kailangan munang manatili nito sa academy upang makapagsanay. Mahigpit rin ang pagbabantay sa prinsesa kaya kailangan niya munang manahimik. Kailangan niyang mapaniwala ang hari at reyna ng mga White Nine Tailed Fox na wala pa rin siyang alam sa pagdating ng prinsesa sa mundo ng mga Nine Tailed Fox. At sa oras na maramdaman niyang handang handa na ang prinsesa at kampante na ang mga magulang nito ay saka niya gagawin ang planong pagkuha sa prinsesa. “Maghintay ka lang Prinsesa Akira dahil magkakakilala rin tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD