INAKI’S POV
Katulad ni Akira ay kinakabahan din ako sa magiging training ko ngayong taon na ito. Kasama ko kasi si Miro tapos ang Celestial Fox pa namin ay si Louie.
Paano ako makaka-move on kung araw araw kong makakasama si Miro? Nag-decide na nga akong kalimutan siya tapos ganito pa ang mangyayari. Nananadya nga ata ang tadhana. Gustong gusto siguro ng tadhana na nasasaktan ako sa araw-araw.
"Lalim ng iniisip a."
Napapitlag ako ng biglang may magsalita at pagtunghay ko ay si Louie pala, I mean Mr. Louie.
Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa naka-assign na training field sa amin. At nandito nga sa harap ko si Louie na malawak ang pagkakangiti. Alam na alam ko na ang mga ngiti niyang ito at nagsisimula na agad na masira ang araw ko.
"Magandang araw Mr. Louie,” pagbibigay galang ko sa kaniya kahit na labag sa kalooban ko.
Magkasing edad lang kaming dalawa pero katulad siya ni Shin na naging Celestial Fox agad. Naging dalawa nga lang ang napatapat kay Louie dahil mas madami siyang napagdaanang training. Si Shin kasi ay nanirahan pa sa mundo ng mga tao kaya malaki ang lamang nang training ni Louie kaysa kay Shin. Kung hindi ko lang din tinalikuran ang mga kalahi ko, baka isa na rin akong Celestial Fox. Ngunit dahil sa maling desisyon ko, wala na akong pagkakataon pa na mapabilang sa mga malalakas na Nine Tailed Fox.
Magkababata kaming dalawa ni Louie pero ewan ko ba, bigla na lang kaming naging aso't pusa noong lumaki na kami. Laging nag-aasaran at nag-aaway kami nyan lalo na nang makabalik ako sa mundong ito.
"Ang seryoso mo naman. Parang wala tayong pinagsamahan,” sagot naman sa akin ni Louie.
Napairap na lang ako sa kaniya. Nag-uumpisa na naman kasi siyang mang-asar. At naaasar na agad ako sa kaniya.
"Si Miro?" pag-iiba ko ng usapan. Nilibot ko ang paningin ko sa training field namin at masasabi kong ayos lang naman. Hindi naman siya gano’n kaliit at hindi rin gano’n kalaki. Sakto lang siya para sa aming tatlo.
"Sorry, medyo na-late ako."
Napatingin ako agad kay Miro na hinihingal pa. Mukhang tinakbo pa niya ang training field para makaabot sa pinag-usapang oras. Napatingin din siya sa akin kaya agad kong ibinaling ang paningin ko sa paligid namin.
Magmo-move on na ako at hindi ko iyon magagawa kung patuloy kong pagmamasdan ang mga mata niya. Ang ironic nga ng love story ko eh. Tinalikuran ko ang mundo ko para sa kaniya. Mas pinili kong mamuhay bilang isang normal na tao para sa kaniya, yun pala eh kalahi ko siya. Parang nabalewala tuloy ang pagsasakripisyo ko. Pero sabagay, nabalewala naman talaga yun dahil hindi ako nagawang mahalin ni Miro. Si Akira pa rin ang mahal niya. Pero sa ngayon ay medyo napapaisip ako sa iniaakto ni Miro. Halatang iniiwasan niya si Akira at nakakaramdam ako ng awa para sa kaibigan ko. Gusto ko siyang tulungan ngunit hindi ko alam kung paano.
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may nag-snap ng finger sa may mukha ko. Isang ngisi naman ang ipinukol sa akin ni Louie kaya napairap na naman ako.
"Relax okay. Kanina pa kasi ako nagsasalita dito pero pareho lang kayong tulala ni Miro,” seryosong sabi pa ni Louie.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Miro pero nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi pa rin siya nagbabago. Lagi pa rin niyang pinapabilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay tinatraydor ko si Akira. Pakiramdam ko ay may malaking kasalanan akong nagawa sa kaniya.
"Mukhang kailangan muna niyong mag-meditate,” seryosong sabi ni Louie na palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Miro.
"Meditate na naman? Ilang beses na namin ‘yang nagawa dati,” pagreklamo ko naman.
Ang alam ko kasi ay isang beses lang ginagawa ang meditation. Ito ay ginagawa lang sa kauna unahang beses na magt-training ang isang Nine Tailed Fox. Kaya bakit pa namin kailangang mag-meditate ulit?
"Natutulala lang tayo kapag masyado nang madaming laman ang mga isipan natin. At hindi kayo makakapag-concentrate kung masyado kayong madaming iniisip. Kaya umupo kayo sa damuhan at mag-meditate,” seryosong sabi pa ni Louie.
Wala na kaming nagawa ni Miro kundi ang sundin siya, tutal naman ay siya ang aming parang trainor na talaga. At saka seryosong seryoso na siya, kaya mahirap nang magreklamo pa. Sa tingin ko ay naging professional na siya sa mga oras na ito.
"Clear your minds. Forget all those thoughts."
Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang kalimutan muna panandalian ang lahat ng nasa isip ko.
Nang maramdaman kong nasa ibang dimensyon na ako ay iminulat ko na ulit ang mga mata ko. Nasa isang empty room na ako ngayon at ang tanging nakikita ko lang ay ang dalawang blue flame sa gitna.
Teka, bakit dalawa?
Napatingin ako sa tabi ko at nagulat ako dahil nasa tabi ko si Miro. At ang mas nakakagulat ay magkahawak ang aming mga kamay.
Bigla kong hinila ang kamay ko kaya napatingin siya sa akin. Bumuntong hininga naman siya.
"He want us to meditate together,” seryosong sabi pa niya.
Kaya pala magkahawak ang mga kamay namin. Hay naku Louie. Alam niya kasi na mahal ko si Miro kaya alam kong sinadya niya ito.
Tumayo si Miro at naglakad palapit sa blue flame.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko naman.
"Kukunin ko yung blue flame,” maikli niyang sabi sa akin. Tumayo na lang din ako at lumapit kay Miro. Mga tatlong pulgada na lang ang layo namin sa blue flame nang hinawakan niya ang kamay ko. Hindi agad ako naka-react sa ginawa niyang ‘yon.
I’m sorry Akira. Part lang ito ng training kaya sana ay maintindihan mo.
"Tapusin na lang natin ito,” dugtong na sabi pa sa akin ni Miro.
Tumango ako sa kaniya. Sabay naming inilapit ang kamay namin sa blue flame at napalibutan kami ng puting liwanag.
"Very good."
Napamulat agad ako ng mga mata ko nang marinig ko si Louie. Tapos na ang meditation namin at nagawa namin iyon ng magkasama ni Miro at mabilis lang naming natapos iyon. Dapat kinikilig na ako ngayon pero pinipigilan ko lang. Dahil kahit ako ang kasama niya ngayon, alam kong si Akira pa rin ang nasa isip niya.
"Pwede na kayong magbitaw ng kamay,” nakangiting sabi pa ni Louie.
Napatingin ako sa kamay naming dalawa ni Miro at magkahawak pa rin pala iyon kaya agad kong hinila ang mga kamay ko. Medyo tumalikod pa nga ako kay Miro dahil pakiramdam ko ay parang kamatis na ang mukha ko.
Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Louie kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Sabi na eh, sinadya nya talaga yun. Kainis. Kung hindi ko lang trainor itong si Louie, nabatukan ko na sana siya. Sinasabi ko na nga ba’t hindi talaga magandang ideya na kaming tatlo ang magkakasama.
AKIRA’S POV
"Kainis. Kainis. Kainis."
Pinagsusuntok ko ang kama ko dahil ayaw akong patulugin ni Shin. Kaasar kasi naman siya. Bigla bigla na lang kasing magsasalita nang ganun.
Kaya heto, ako ang nagdudusa sa mga kalokohan niya. Ayaw maalis sa utak ko ng mga sinabi niya kanina at paulit ulit na naririnig ko sa isipan ko iyon.
"Anong nangyayari sa ‘yo Akira? Kawawa na ang kama mo."
Bigla naman akong napatigil sa pagsuntok sa higaan ko. Gusot gusot na nga ang bed sheet dahil sa pinaggagawa ko.
"Ah ano. Kasi.."
"May nangyari ba sa training niyo ni Kanji kanina?" pagputol niya sa sasabihin ko. Nakangiti pa siya sa akin kaya pakiramdam ko naman ay namula bigla ang mukha ko dahil naalala ko na naman yung kanina.
"Hoy Akira, magkwento ka dali. Namumula ka na oh,” excited na excited na sabi sa akin ni Inaki. Tumabi pa siya sa kama ko at medyo humampas hampas pa siya sa braso ko.
"Walang kwenta ang training kanina. Mukha ngang wala akong matututunan eh,” walang ganang sagot ko sa kaniya. Wala naman kasi talaga akong natutunan. Nakausap ko lang yung fox spirit ko. Yun lang.
"Kayo, kamusta ang training niyo ni Miro?" balik tanong ko naman sa kaniya.
Dapat ay kakausapin ko na si Miro ulit kanina kaso hindi ko na siya naabutan. Mukhang iniiwasan niya nga talaga ako at hindi ko alam kung bakit.
"Disaster,” maikling sagot niya sa akin. Gusto ko sanang malaman kung bakit nasabi niyang disaster pero mas pinili ko na lang na h’wag nang umimik.
Tumayo na si Inaki at lumipat sa kama niya habang ako ay nanatiling nakatingin lang sa kaniya.
“Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Miro?” seryosong tanong sa akin ni Inaki.
Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. “Nakita ko siya kanina pagkatapos nating kumain. Hindi ko siya nakausap ng maayos dahil halatang iniiwasan niya ako.”
“Gusto mo bang kausapin ko siya bukas?” tanong naman niya sa akin.
Marahan akong umiling. “Ako na ang bahala Inaki. Problema namin ito at ayokong madamay ka pa,” nakangiting sabi ko naman.
Ayokong gamitin si Inaki upang makausap lang si Miro. Kung ayaw akong kausapin ni Miro, hahayaan ko na muna siya. Ayokong ipagpilitan muna ang sarili ko sa kaniya dahil baka lalo lang akong masaktan.
"Matagal ko na bang kilala si Shin, Inaki?" pag-iiba ko ng usapan.
Parang nagulat naman si Inaki sa tanong ko. Pero maya maya lang ay ngumiti siya sa akin.
"Bakit mo naman naitanong?"
"I was thinking that he's the one I always dreaming of. Hindi lang ako ganon kasigurado pero malakas ang kutob ko na siya talaga yun. Dati, sigurado ako na si Miro iyon ngunit simula nang makilala ko si Shin, nag-iba ang paniniwala ko," pag-amin ko sa kaniya.
"Ano bang napapanaginipan mo?" curious na tanong naman ni Inaki.
"Iba't ibang pangyayari na hindi ko maalala kung nangyari nga ba. At sa bawat panaginip na iyon ay nandoon ang isang lalaking malabo ang mukha,” sagot ko naman sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ito kay Inaki. Siguro kasi pakiramdam ko ay malaki ang maitutulong niya sa akin.
"Paano mo naman nasabi na si Kanji ‘yon?"
"Hindi ko rin alam. Hala, matulog na nga lang tayo,” imbes ay sabi ko na lang. Mukhang wala kasing balak na sagutin ni Inaki ang mga tanong ko.
Nahiga na lang ako habang si Inaki ay tatawa tawa then nahiga na rin siya.
"You know what, isip lang ang may kakayahang lumimot, ang puso hindi. Kasi sa isipan natin, memories ang nandun. Memories na anytime ay pwedeng malimutan. Pero ang puso, pagmamahal ang naninirahan dyan. At kailanman ay hinding hindi makakalimot yan,” narinig kong sabi pa ni Inaki.
Hindi ko ma-gets ang sinasabi niya. Paano napunta sa isip at puso ang usapan namin?
"Good night Akira."
She snapped her finger and the lights turned off.
"Good night din Inaki."
Ipinikit ko na ang mga mata ko at kusang narinig ko na naman ang mga katagang sinabi ni Shin sa akin.
SHIN, MAGPATULOG KA NAMAN!