AKIRA’S POV
“Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin natatanggap na si Kanji ang trainor mo? Naging trainor mo naman na siya noon ‘di ba?” bulong sa akin ni Inaki.
Lunch time ngayon at nandito kami ni Inaki sa cafeteria. Bumubulong lang siya sa akin dahil baka may ibang makarinig ng pinag-uusapan namin.
“Bumubulong ka pa? E ‘di ba may kakayahan ang Nine Tailed Fox na makarinig kahit pinakamahinang tunog?” natatawang sabi ko naman sa kaniya.
“Baka nakakalimutan mong hindi natin pwede basta gamitin na lang ang mga abilidad natin kapag hindi oras ng training. Kaya hindi nila maririnig ang mga sinasabi ko sa ‘yo unless kung sisigaw ako,” sabi niya sa mahinang boses pa rin.
Oo nga pala. May restrictions ang mga estudyante na magamit ang mga abilidad at kakayahan bilang isang Nine Tailed Fox. Kaya siguro hindi ko rin halos magamit ang mga ito dahil nililimitahan din ako ng academy.
“So ano na nga, okay ka na ba kay Kanji mamaya?” pag-uulit pa ng tanong ni Inaki sa akin.
“Sa tingin ko naman. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit si Shin na naman? At bakit mag-isa ko lang,” nakangusong sabi ko naman.
Bahagyang napangiti si Inaki. “Isa iyon sa plano ng magulang mo upang hindi agad mapansin ng mga estudyante na hindi mo pa nailalabas ang siyam mong buntot,” sagot naman niya.
Napatango na lang ako. Ngayon ay medyo maliwanag na sa akin kung bakit si Shin na naman ang trainor ko.
"O siya, magkita na lang tayo mamayang 5pm ha,” masayang sabi sa akin ni Inaki. Mag-aala una na kasi ng hapon at ngayon na ang umpisa ng student-celestial fox training.
Sa umaga kasi ay parang normal classes lang katulad ng sa mundo ng mga tao. Puro general info’s and academic subjects sa umaga then sa hapon ay actual training.
"Sige. Bye."
Naglakad na palayo sa akin si Inaki dahil pupunta na siya sa training field na naka-assign sa kanila. Habang ako naman ay pupunta na sa opisina ni Shin. Ewan ko ba sa lalaking iyon kung bakit doon pa ako pinapapunta. Pwede naman kasing sabihin na lang niya kung saan ang training field namin para doon na lang kami magkita.
Dala ko na rin ang blazer na pinahiram niya sa akin kahapon. Nakakahiya naman sa kaniya kung hindi ko pa ito isasauli sa kaniya. Baka kung ano pang isipin niya kaya mas mabuti na iyong safe.
"Miro,” wala sa sariling banggit ko.
Nakita ko si Miro na naglalakad papunta na rin siguro sa training field nila. Tumigil naman siya at tumingin sa akin. Agad ko siyang nilapitan.
"Papunta ka na rin ba sa training field niyo?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
"O-oo e. Sige,” maiksing sagot niya sa akin. Tumalikod na siya sa akin pero hinawakan ko siya sa braso niya kaya napaharap ulit siya.
"Miro, bakit mo ako iniiwasan?" galit kong tanong sa kaniya.
Ngayon lang ako nagkaroon ng tamang pagkakataon para makausap siya. Hindi ko siya nagawang kausapin kaninang umaga dahil agad na dumating ang teacher namin. Noong lunch time naman ay agad siyang nawala at hindi ko siya nakita sa cafeteria.
Umiwas siya ng tingin at tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya.
"Mamaya na lang tayo mag-usap,” walang emosyong sabi niya sa akin.
Pagkasabi niya no’n ay umalis na siya. Nasasaktan ako. Ang laki ng ipinagbago niya ng pakikitungo sa akin. Pero bakit? Anong nagawa kong mali? Ni hindi niya ako magawang tingnan ng deretso sa mga mata ko.
"Ms. Aki, hindi ba't sinabi kong pumunta ka sa office ko ng ala una?" maawtoridad na sabi sa akin ni Shin sa likuran ko. Alam kong siya iyon dahil kilalang kilala ko na ang boses niya. Huminga ako ng malalim para pigilan ang mga nagbabadyang luha ko.
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko upang humarap kay Shin at parang nagulat pa siya nang makita niya ang mukha ko.
Pakiramdam ko anytime ay papatak na lang basta ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa inaasal ni Miro ngayon. ‘Di ba dapat ako ang galit sa kaniya dahil nagsinungaling din siya sa akin. Pero bakit parang siya pa ang galit sa akin dahil iniiwasan niya ako. Parang ako pa ang may nagawang malaking pagkakamali sa kaniya.
"Ms. Aki?"
Lumapit sa akin si Shin at ewan ko ba, bigla na lang akong napayakap sa kaniya at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Wala na akong pakialam kung makita man kami ng ibang estudyante ngayon.
Nagulat ata siya sa ginawa ko dahil hindi agad sya nakapag-react. Isang minuto ata ang lumipas bago siya nakapagsalita ulit.
"Akira? Anong nangyari?" may pag-aalalang tanong niya sa akin.
Bumitaw ako sa kaniya at agad na pinunasan ang mga luha ko. Ngayon ko na lang ulit narinig ang buo kong pangalan at sa kaniya ko pa narinig iyon. Bahagyang kumalma ang puso ko dahil doon.
"Pasensya na,” ang tanging nasabi ko na lang habang nakangiti sa kaniya.
Hindi na siya nagtanong pa ngunit narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Let's go,” seryoso niyang sabi sa akin. Hinila niya ako kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya.
Saan kami pupunta? Hindi ko rin alam.
Hawak pa rin niya ang kamay ko kaya hindi ako makaangal sa kaniya. Wala naman siguro siyang balak sa akin na masama. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko kaya may tiwala rin naman ako sa kaniya kahit papaano.
Medyo malayo na ang nalalakad namin nang pumasok kami sa isang gubat. Nacu-curious na talaga ako kung saan kami pupunta pero mas pinili ko na lang ang manahimik. Nakakatakot kasi ang aura niya. Akala mo ay may nakapalibot sa kaniya na itim na usok tapos kapag nagsalita ako, I'm dead. Ganun siya kaseryoso ngayon.
Hanggang sa bigla siyang tumigil kaya napatigil din ako. Pinagmasdan ko ang paligid ko at napanganga na lang.
Nasa harapan kasi kami ng isang napakagandang talon. Banayad lang ang tubig nito kaya napakatahimik tapos sa sobrang linaw ay kumikislap kapag natatamaan ng sikat ng araw. Napakadami ring mga tutubi na nakikipaglaro doon sa ilog. Tapos ang inaapakan namin ngayon ay damuhan then may mga bulaklak sa hindi kalayuan.
"Dito ako nagsasanay kapag gusto kong mapag-isa."
Napatingin ako kay Shin na seryosong nakatingin sa may talon.
"Bakit mo ako dinala dito?" hindi ko napigilang itanong.
"Dito tayo magte-training since ikaw lang ang estudyante ko, Prinsesa Akira."
Napairap na lang ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng prinsesa. Okay na sana e, kaso sinira niya ang ambiance ng lugar.
"Bakit ka umiiyak kanina Prinsesa?" pangungulit pa niya.
"Bakit mo tinatanong Mr. Shin?" kunot noong tanong ko.
Bigla siyang napatingin sa akin pero umiwas din naman agad na ipinagtaka ko. Sa halip kasi na maasar siya ay parang nalungkot pa siya sa sinabi ko.
"Hindi ka makakapag-concentrate kung may bumabagabag sa kalooban mo PRINSESA."
Talagang diniinan pa niya ang word na “prinsesa”. Napairap na naman tuloy ako at mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko.
"Stop calling me princess,” mataray kong sabi sa kaniya. Bahagya naman siyang napangiti which I find it cute.
No. Hindi pala siya cute.
"Then stop calling me Shin,” nakangiting sabi naman niya.
"No I won't,” pagtanggi ko naman. Mas komportable ako sa pagtawag ko sa kaniya ng Shin. Tutal naman ay kami lang dalawa dito, wala akong pakialam kung Celestial Fox pa siya na kailangang tawaging Mr. Shin o Mr. Kanji. Mas mataas pa rin ako sa kaniya dahil ako ang prinsesa.
"Then I won't too. Let's start my Princess,” seryosong sabi naman niya sa akin.
What? He called me 'my Princess'? Pakiramdam ko ay namula na naman tuloy ako.
Lumusong siya sa tubig then lumangoy siya papunta doon sa may malaking bato sa tapat ng talon. Bale kapag umupo ka sa batong iyon ay mapapatakan ka ng tubig. Basta gano’n.
"Come here my Princess,” nakangisi niyang sabi pa sa akin. Nang-aasar siya then makikipag-asaran ako sa kaniya.
"Ok SHIN."
Sa halip na maasar ay ngumiti pa siya. Lumangoy na lang din ako papunta sa pwesto niya. Marunong naman akong lumangoy kaya mabilis akong nakarating doon. At saka ang suot namin ngayon ay sadyang pang-training talaga. T-shirt na kulay itim at short na kulay puti. Then naka-rubber shoes din na puti. Tinanggal ko naman ang sapatos ko bago ako lumusong sa tubig.
Nang makarating ako sa may bato ay umupo naman siya at isinahod ang katawan sa tubig. Tumabi naman ako sa kaniya. Nag-indian sit ako. At nakaka-relax pala ito. Parang libreng massage na ng katawan.
"Let go of your worries. Hayaan mong dalhin ng tubig ang lahat ng alalahanin mo,” seryoso niyang sabi sa akin kaya ipinikit ko ang mga mata ko. Start na yata ng training namin kaya susundin ko na lang muna siya.
Naririnig ko pa rin ang boses ni Shin pero hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil pakiramdam ko ay dinadala ako ng utak ko sa isang malalim na paglalakbay.
Hanggang sa iminulat ko ang mga mata ko at wala na ako sa talon. Hindi ko na rin makita si Shin ngunit hindi ako nakakaramdam ng takot. Nandito na ako sa isang malawak na damuhan at wala akong ibang matanaw na kahit na ano.
"Maligayang pagdating Prinsesa Akira."
Napalingon ako sa nagsalita pero wala akong makitang tao at ang tanging nakita ko lang ay isang fox na kulay puti. Siyam ang kaniyang buntot at ang kulay ng kaniyang mata ay ginto.
"Wag kang matakot Prinsesa."
At nagsasalita pala ang fox na ito. Hindi naman ako natatakot dahil sa dami na ng hindi ordinaryong mga nilalang ang nakita ko.
"Ako si Amara, ang iyong Fox Spirit. Kinagagalak ko ang makilala ka."
Yumukod siya sa akin habang ako ay natulala na lang sa kaniya. Siya ang sinasabi ni Inaki nag-aallow sa mga Nine Tailed Fox na mag-anyong fox talaga.
"Hindi pa ito ang tamang oras ng paglabas ko sa isipan mo. Basta lagi mong tatandaan, ang gabay ng mga White Nine Tailed Fox na si Manara ay nasa puso mo. At ako na Fox Spirit mo ay nasa isipan mo. Alam kong natatakot kang ipakita sa lahat ang siyam mong buntot. Ngunit darating ang panahon na kailangan mong ilabas ang mga ito, at darating ang panahon na kailangan mong mag-anyong Fox. Magkikita ulit tayo Prinsesa Akira. Paalam.”
Pagkasabi niya no’n ay naging fox na ulit siya. Pero this time ay kulay ginto na ang lahat ng buntot niya.
Ang hindi ko maintindihan ay kung sino ang tinutukoy niyang gabay ng mga White Nine Tailed Fox. Sino si Manara?
KANJI SHIN’S POV
Madami pa akong dapat sabihin kay Akira pero mukhang nadala na siya ng malalim niyang pag-iisip. Kaya pinagmasdan ko na lang siya. Marahil ay kausap na niya ngayon ang kaniyang fox spirit.
Bigla kong naalala ang pagyakap niya sa akin at ang pag-iyak niya. Alam kong si Miro ang dahilan dahil sila ang magkausap kanina bago ko lapitan si Akira.
Naiinis ako kay Miro dahil pinaiyak niya si Akira. Pero hindi ko pa alam ang istorya. Gusto kong malaman ang lahat lahat pero mukhang ayaw pag-usapan ni Akira dahil iniwasan niya ang tanong ko.
Hanggang sa iminulat na ni Akira ang mga mata niya kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Panaginip lang?" wala sa sariling tanong niya sa akin.
Lumingon naman ako sa kaniya at saka bahagyang ngumiti. "Hindi ‘yon isang panaginip."
"Hah?" naguguluhan niyang tanong.
Tumayo ako at inalalayan siyang makatayo rin. Tumalon ako sa tubig at gano’n din ang ginawa niya. Nasa ilog na kami ngayon na hanggang leeg ang taas.
"Your fox spirit. Nakausap mo na siya ‘di ba?” tanong ka pa sa kaniya.
"Yes? I think so,” mahinang sagot naman niya.
Gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Napakainosente at halatang naguguluhan siya sa mga nangyayari.
"Isa kang tunay na prinsesa dahil may fox spirit ka. Bihira lang sa ating mga Nine Tailed Fox ang magkaroon ng fox spirit. Mga piling Nine Tailed Fox lang ang binibiyayaan ng ganyan. At karamihan sa kanila ay mga royal bloods.
Lalong kumunot ang noo niya. Mas lalo ata siyang naguluhan sa sinabi ko. Mukhang kulang pa ang mga ikinukwento sa kaniya ni Inaki. Ngumiti na lang ako sa kaniya.
"Alam mo bang tatlong oras kang nakapikit kanina?" nakangiting tanong ko pa. At tatlong oras ko rin siyang malayang napagmasdan.
"What? E saglit ko lang naman nakausap si Amara a," pagtutol naman niya sa sinabi ko.
"This is all for today. You are dismissed,” imbes ay sabi ko na lang.
Umahon na ako sa tubig at agad din naman siyang sumunod sa akin.
"Yun na yun?" hindi makapaniwalang tanong pa niya sa akin.
Sa halip na sagutin siya ay iniabot ko sa kaniya ang towel ko.
"Umuwi ka na sa dorm mo my Princess. At magpalit ng damit. Baka magkasakit ka pa,” seryosong sabi ko sa kaniya.
Nae-enjoy ko ang pagtawag sa kaniya ng 'my Princess'. Kung hindi nga lang siya girlfriend ni Miro.
"O-okay."
Ibinalot niya sa sarili niya ang towel na bigay ko. Pero mukhang may naalala siya dahil may kinuha siya sa bag niya.
"Salamat nga pala sa blazer mo,” seryosong sabi niya sa akin.
Iniabot niya sa akin ang isang plastic na ang laman ay ang blazer ko. Pagkatanggap ko nito ay tumakbo na siya palayo sa akin.
"Princess!"
Napatigil siya sa pagtakbo at humarap sa akin ng may pagtataka sa mga mata niya.
"Kahapon bagay sa ‘yo ang blazer ko. Ngayon naman ay ang towel ko ang bagay sa ‘yo. Baka bukas AKO NA ANG BAGAY SA ‘YO!"
Pagkasabing pagkasabi ko no’n sa kaniya ay agad akong tumalon sa tubig. Ayokong makita niya ang pamumula ng mukha ko.
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon sa kaniya. Mali to eh. May boyfriend na siya. Hindi ko tuloy alam kung paano siya haharapin bukas. Tss.