AKIRA’S POV
Pagkarating namin sa clinic ay hindi ko maiwasan ang mamangha. Para na kasi itong ospital sa mundo ng mga tao. Maraming kwarto at kumpleto sa gamit. Sabagay, kung puro training nga naman ang gagawin namin, kailangan talaga na hindi basta clinic ang mayroon dito.
"Okay ka na Aki?"
Napatingin ako kay Inaki na nakaupo sa may lobby ng clinic. Katatapos ko lang kasing magbihis, buti na lang na may spare uniform dito kaya pala dito ako agad itinuro ni Shin. Concern pa rin naman pala ang mokong na iyon or talagang responsibilidad niya iyon bilang isang Celestial Fox?
"Yeah, medyo nilalamig nga lang,” sagot ko naman kay Inaki.
Nilalamig pa rin ako dahil sa tubig na binuhos sa akin. Sa palagay ko ay may mga yelo iyon kaya gano’n na lang kalamig. Binalot ko na lang ulit sa katawan ko ang blazer ni Shin, hindi naman kasi siya masiyado nabasa kanina kaya pwede ko pa siyang gawing jacket. Medyo nababawasan kasi ang lamig na nararamdaman ko.
"Mukhang nae-enjoy mo ang blazer ni Kanji ah," nakangiti namang sabi sa akin ni Inaki. Napatingin naman ako sa malaking salamin dito sa loob ng clinic at pinagmasdan ang sarili ko. Mukhang bagay naman yung blazer ni Shin sa suot ko.
"Okay lang ba? Nilalamig pa kasi ako,” alanganing tanong ko naman.
"Okay na okay,” nakangiting sagot naman sa akin ni Inaki.
Ako lang ba ito o sadyang may meaning ang ngiti ni Inaki? Bakit pakiramdam ko ay may gusto siyang iparating sa akin na hindi ko naman maintindihan.
"Tara na, baka ma-late pa tayo."
Hinila na ako ni Inaki palabas ng clinic. Ni hindi ko man lang nagawang makapagpaalam at makapagpasalamat doon sa nurse na naka-duty. Malapit na kasing mag-alas otso kaya kailangan na rin naming magmadali talaga.
Nang nasa may pintuan na kami ng classroom ay bigla akong tumigil kaya tiningnan ako ni Inaki ng may pagtataka. Parang na-gets naman niya kung bakit ako tumigil kasi bigla siyang napangiti.
"Huwag kang mag-alala, behave na sila,” pagco-comfort pa niya sa akin.
"Paano ka nakakasiguro?" nagdududa ko namang tanong.
"Protektado ka na ni Shin kaya hindi ka na nila sasaktan."
Hinila na ulit ako ni Inaki kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok na lang din sa classroom. Nang pumasok kaming dalawa ay biglang natahimik ulit ang mga kaklase namin. Lahat ay nakatingin pa rin sa akin. Pero hindi na katulad kanina na may binabalak sila. Parang ang iba pa nga ay kinakabahan habang naglalakad kami ni Inaki.
Doon na kami umupo sa may bandang likod ng room. At nakahinga ako ng maluwag dahil wala nang kung ano man ang nangyari sa akin.
"Ano ba yung Deactivation Room?" tanong ko kay Inaki nang makaupo na kami. Kanina pa kasi ako nacu-curious sa room na ‘yon. Mukha kasing takot na takot ang lahat ng estudyante doon.
"Isa ‘yong malaking room kung saan walang saysay ang lahat ng kapangyarihan ng mga estudyante dito. Lahat ng mga estudyanteng lumabag sa rules ng academy ay doon ikinukulong. At kapag nasa loob ka na no’n, hindi mo na magagamit ang nine tails mo at manghihina ka pa."
Kaya pala naman takot na takot sila. Kumbaga sa mundo ng mga tao, maihahalintulad iyon sa detention room. Maski ako ay natakot din nang malaman ko na iyon pala ang purpose ng Deactivation Room.
"Good morning class!"
Napatingin kami sa isang lalaki na biglang pumasok sa room. Medyo maedad na siya at ang suot niya ay katulad ng suot ni Shin kanina.
"Good morning po Ginoong Duran!" sabay sabay na sabi naman ng mga kaklase ko.
Ginoong Duran? Hindi ba’t isa siya sa myembro ng Konseho? Tumingin ako kay Inaki upang magtanong sana ngunit agad siyang sumenyas na huwag akong maingay. Kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Mamaya ko na lang siguro itatanong kay Inaki ang tungkol kay Ginoong Duran.
"Before anything else, sa tingin ko naman ay alam niyo nang may bago kayong kaklase. Ms. Aki."
Napatayo agad ako nang tinawag ako ni Ginoong Duran. Pumunta ako sa harap dahil alam ko naman kung bakit niya ako tinawag.
"Good morning po. Ako si Aki Mendoza. Nice meeting you all,” maiksing pagpapakilala ko.
Ramdam ko ang tingin sa akin ni Ginoong Duran, or better to say, ang tingin niya sa blazer na suot ko. Hinihintay kong tanungin niya ako ngunit tanging tango lamang ang isinagot niya sa akin. Kaya tahimik akong bumalik sa upuan ko.
"Ok class, ngayong araw niyo na malalaman kung sino ang magiging ka-partner niyo na Celestial Fox for the whole year,” seryosong sabi ni Ginoong Duran.
Bigla namang naghiyawan ang mga kaklase ko habang ako ay nililibot ang paningin sa kanila.
"Sana kay Mr. Kanji ako mapunta."
"Ako rin."
"Mr. Shin, kapag ikaw ang nakapartner ko, meant to be tayo."
Ilan lang ‘yan sa mga naririnig ko sa mga kaklase kong babae. Ano ba ang sinasabi nila? Anong partner ang sinasabi ni Ginoong Duran?
“Enough!” maawtoridad na sabi pa ni Ginoong Duran. Agad namang nagsitahimikan ang mga kaklase ko. "Nasa bulletin na ang mga listahan kung kaninong Celestial Fox kayo mapapapunta. I’m giving you one hour to have a look.”
Pagkasabing pagkasabi no’n ni Ginoong Duran ay nagtakbuhan na ang mga kaklase ko palabas ng room. Naiwan kaming dalawa ni Inaki dito sa classroom dahil lumabas na rin si Ginoong Duran.
“Hindi ba’t myembro siya ng Konseho?” hindi ko napigilang itanong kay Inaki.
“Yes, at siya rin ang namamahala sa academy,” mabilis na sagot naman niya sa akin.
"E ano ‘yong sinasabi niya na ka-partner natin?" naguguluhang tanong ko pa.
"Isa kasi sa requirements sa academy na ito ay ang mag-training kasama ang mga Celestial Fox. Ang Konseho ang pumipili kung kanino ka mapapatapat. Katulad ni Ginoong Duran, panigurado madami na naman mapapapunta sa kaniyang estudyante kasi isa siyang malakas na Celestial Fox,” paliwanag naman sa akin ni Inaki.
"So you mean, pwedeng madami kayong mapapatapat sa isang Celestial Fox?" tanong ko pa.
"Oo, pero pwede rin na one on one. Katulad ni Kanji, panigurado isa lang ang ibibigay sa kaniyang estudyante kasi bago pa lang siyang Celestial Fox."
Napatango naman ako. Sana naman mapapunta ako sa mabait na Celestial Fox. Sana kay Ginoong Duran na lang ako kasi mukha naman siyang mabait at alam din niya ang tunay kong pagkatao.
"Teka nga pala, nasaan si Miro? Ang sabi mo ay kaklase natin siya?" pag-iiba ko ng usapan.
Halos dalawang linggo ko nang hindi nakikita at nakakausap si Miro dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan niya ngunit nagsisimula na akong mag-isip. Pakiramdam ko ay nagbago na rin ang lahat sa aming dalawa simula nang mapunta ako sa mundong ito.
"Bukas pa isya makakapasok. May inaayos lang daw sya e. Tara na,” sagot naman sa akin ni Inaki.
Isa pa iyon. Nagagawa ni Miro na makipag-usap kay Inaki, ngunit sa akin na girlfriend niya ay hindi. Nasasaktan ako sa ginagawa niya at naiinis ako dahil dumadagdag pa siya sa iniisip ko. Sa halip na damayan niya ako sa sitwasyon ko ay mas lalo pa niyang pinapalala.
At saka ano naman kayang inaayos niya?
Tumayo na si Inaki at lumabas na rin ng room kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Paglabas namin ay nagderetso kami sa may training field. Ngunit katulad ng sinabi ni Inaki, nagiging gymnasium ito kapag may mga announcements na katulad ngayon.
"Wow!"
‘Yan na lang ang nasabi ko nang makita ko ang bulletin sa gitna ng gym. Hindi pala siya simpleng bulletin kasi para siyang hologram at tanaw na tanaw na namin ang mga nakasulat doon kahit na nasa may pintuan pa lang kami.
"Ang bongga ‘no? Ngayon ko nare-realize na may pagkashunga pala ako. Ipinagpalit ko ang mundong ito para sa mahal ko."
Napatingin ako kay Inaki habang siya ay nakatingin lang sa bulletin. Tumingin naman siya sa akin na nakangiti pero malungkot ang mga mata niya. Hindi ko alam na may kwentong ganito pala siya. Kaya siguro magkakilala sila ni Miro ay dahil nanatili rin siya sa mundo ng mga tao. Napaisip tuloy ako kung matagal ko na bang kilala si Inaki.
"Tinalikuran ko kasi ang mundong ito at mas pinili na manirahan sa mundo ng mga tao dahil kay---"
Hindi na naituloy ni Inaki ang sasabihin niya dahil bigla na lang nagtakbuhan ang mga estudyante palabas ng gym. Napilitan tuloy kaming dalawa na tumabi kasi baka mabangga kami dahil nga nandito pa lang kami sa may pinto.
"Anong nangyari sa kanila?" nagtatakang tanong ko naman.
"Sa tingin ko ay hindi natupad ang hiling nila na si Kanji ang maging ka-partner nila,” tatawa-tawang sagot naman sa akin ni Inaki.
Awtomatikong napataas ang kilay ko sa sinabi niyang ‘yon. Bakit ba parang ang big deal sa kanila ang tungkol kay Shin?
Hindi ko pa tuloy nalaman kung sino yung tinutukoy na mahal ni Inaki dahil sa mga estudyanteng iyon. Ngayon na nga lang siya nag-open sa akin at naudlot pa iyon. Saka ko na lang siguro siya tatanungin. Titingnan ko na lang muna kung sinong Celestial Fox ang magte-train sa akin.
Halos malaglag ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pangalan ko sa bulletin at kung sino ang makaka-partner ko.
Mr. Kanji Shin – Ms. Aki Mendoza
"Ang swerte mo, si Kanji ang Celestial Fox mo,” nakangiting sabi sa akin ni Inaki habang ako ay nakatitig lang doon sa bulletin.
"Swerte ako? Parang mahirap yatang paniwalaan," wala sa sariling sambit ko.
Naalala ko na naman ang time na tinuturuan ako ni Shin ng self-defense. Ang higpit higpit kaya niya tapos napakaseryoso pa. Then ‘yong kanina, mas lalo pa siyang naging nakakatakot dahil nasa academy na siya.
Mr. Louie Torres – Mr. Miro and Ms. Inaki Tanara
"Celestial Fox din pala si Louie?" tanong ko kay Inaki nang makita kong si Louie ang partner niyang Celestial Fox.
Siguro ang sampung body guard ko sa mundo ng mga tao ay mga Celestial Fox lahat. Nakakapagtaka nga itong si Inaki dahil hindi siya ganoon.
"Oo,” maiksing sagot naman sa akin ni Inaki.
"Ang swerte mo, kasama mo si Miro tapos si Louie,” nakangiting sabi ko naman.
"Kung swerte nga bang matatawag iyon."
Hindi ko maintindihan si Inaki, para kasing malungkot na masaya siya o baka naman napa-praning na naman ako.
Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa bulletin at gusto ko nang magwala. Di bale sana kung madami kaming ite-train ni Shin. Pero hindi eh, kasi one on one kami.
"Ms. Aki!"
Napapitlag ako nang biglang may magsalita sa likod ko. Sabay pa kaming napalingon ni Inaki sa pinanggalingan ng boses.
"Tomorrow in my office at exactly 1pm,” seryosong sabi sa akin ng nagmamay-ari ng boses. Napatango na lang ako dahil parang nalunok ko ang dila ko sa sobrang pagkagulat. Tumalikod na siya sa amin pero bigla siyang humarap ulit at ngumisi. Kaya ang puso ko ay lalong bumilis ang t***k.
"And by the way, bagay sa ‘yo ang blazer KO."
With that ay tuluyan na siyang lumabas sa gym habang ako ay naiwang tulala na lang. Pakiramdam ko ay pulang pula ang buong pisngi ko dahil sa nangyari.
Mr. Kanji Shin, ano bang ginagawa mo sa akin? May balak ka bang pahirapan ako sa pagpasok ko sa academy na ito?