AKIRA’S POV
Maaga akong nagising ngayon dahil first day ng klase at first day ko sa academy dito sa mundo ng mga Nine Tailed Fox. Alas syete pa lang ng umaga ay nakabihis na ako at sa ngayon ay pinagmamasdan ko lang ang sarili ko sa salamin. Ang style ng uniform ay white blouse na may long sleeve at may black lining. Tinernuhan ito ng isang paldang red and black checkered na may strap papunta sa may magkabilang balikat ko. Medyo maiksi ang palda dahil above the knee ito. Pero mahaba rin naman ang black socks na tinernuhan ng black flat shoes.
Hindi ako masyadong komportable sa uniform dahil first time ko lang din ito. Sa Kitsune Academy kasi ay walang uniform at kung ano lang ang gusto mong isuot ay pwede maliban lang sa mga masyadong revealing na damit.
“Alam mo Aki, mababasag na ‘yang salamin dahil kanina ka pa nakatingin dyan,” narinig kong sabi ni Inaki na abala sa pag-aayos niya sa sarili niya.
Kunot noo naman akong lumingon sa kaniya. “Aki?”
“Yes. Kailangan masanay na ako na iyon ang tawag sa ‘yo dahil iyon ang pangalan mo, hindi ba? Kailangan mo ring masanay na,” seryosong sabi naman niya sa akin.
Oo nga pala. Ako na nga pala si Aki Mendoza. At katulad ng sinabi ni Inaki, kailangan kong masanay sa ganoong pangalan. At least ay hindi naman nalalayo sa totoo kong pangalan, except nga lang sa apelyido ko.
“Naco-conscious ka ba sa uniform natin? Don’t worry, bagay na bagay sa ‘yo,” sabi pa niya sa akin.
Umalis ako sa harap ng salamin at pabagsak na naupo sa bed ko. Tapos naman na akong mag-ayos ng gamit ko at hinihintay ko na lang si Inaki dahil sabay kaming pupunta sa academy. Mabuti na lang pala na kasama ko siya dahil tiyak na mahihirapan akong mag-adjust sa bago kong environment. Sana lang ay hindi mga bully ang mga estudyante dito.
“I’m done. Let’s go,” excited na sabi sa akin ni Inaki.
Hinila niya ako palabas ng dorm at may ilan ilan kaming nakakasalubong na mga estudyante. Alas otso pa raw ang start ng klase pero mas maganda raw na maaga kaming nasa classroom na agad. Hindi na bago kay Inaki ang mga kaklase namin dahil iyon lang din daw ang mga kaklase niya noong last na pasukan. Kaya parang wala lang sa kaniya kung first day man ngayon.
Nakaramdam ako bigla ng kaba habang pumapasok kami sa academy. Wala naman siyang pinagkaiba sa mga school sa mundo ng mga tao. Ganun na ganun lang din pero ang pinagkaiba nga lang ay ang mga estudyante dito.
They are formed into humans pero may mangilan ngilan na nakalabas ang mga buntot nila. Nakakalat lang sila sa kung saan saan pero nang makita nila ako ay tumigil sila sa mga ginagawa nila at tumingin sa akin. And nakakatakot ang mga tingin nila, feeling ko anytime ay gusto nila akong sunggaban. Yumuko ako dahil ito ang pinaka ayoko sa lahat. I hate attentions.
"Are you okay?" may pag-aalalang tanong sa akin ni Inaki.
"I guess. Punta na lang tayo sa magiging classroom natin,” ang tanging nasabi ko na lang.
Ngumiti sa akin si Inaki at naglakad na ulit kami. Ang dami pa talagang mga estudyante ang nakakalat dahil maaga pa naman. Sabi ni Inaki sa akin, ang classroom daw namin ay nasa 3rd floor ng academy. Mabuti na lang na hindi ako umulit sa pinakamababang level dito sa academy. Ang basehan daw kasi ng level dito ay sa age, at hindi sa kung bago lang ako dito.
Ang gulo.
Iyan ang masasabi ko sa classroom namin. Ang daming papel na nagliliparan tapos ang ingay ingay ng mga kaklase namin. Mayroong naghahabulan, mayroong nagsusulat ng kung ano ano sa blackboard at kung ano ano pa ang ginagawa nila. Isang tipikal na classroom lang habang naghihintay ng teacher. Pero nang pumasok kami ay tumahimik silang lahat at lahat ay nakatingin sa akin.
Attention again.
"Hi guys! Siya si Aki, ang bago nating kaklase. Please be nice to her, okay?” nakangiting pagpapakilala sa akin ni Inaki sa lahat ng kaklase namin. Hindi ko mabasa ang mga iniisip nilang lahat dahil blangkong mga tingin lang ang ipinupukol nila sa akin. Alam na alam ko ang mga ganitong tinginan nila. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
Nauna nang umupo si Inaki sa may likod ng room habang ako ay naiwan dito sa may pinto. Hindi ako makagalaw dahil nakatingin silang lahat sa akin. Parang gusto ko na lang tumakbo palayo dito at bumalik na lang sa mundo ng mga tao. Pwede kaya iyon?
Pero bago ko pa man magawa ang nasa isip ko ay may kung anong malamig ang tumapon sa katawan ko. It is just a water pero super lamig.
"Oh my! Hey, what did I told you?" pagalit na tanong ni Inaki sa mga kaklase namin. Sila naman ay nakangisi sa aking lahat.
At bigla kong naalala kung ano ang suot ko ngayon. Since kulay puti ang blouse ko at medyo may pagkanipis ito ay bakat na bakat ang panloob ko dahil nga sa basang basa ako. Kitang kita ko ang mga nakakalokong tingin sa akin ng mga kaklase ko. Nakakaramdam ako ng inis at ramdam kong lumalabas ang pagiging Nine Tailed Fox ko ngunit agad ko iyong pinigilan. Kailangang mapanatili ko ang pagiging baguhan ko kaya kailangan din na mapaniwala ko ang lahat na isa lamang akong mahinang estudyante. Kailangang mapaniwala ko sila na isa lamang akong normal na Nine Tailed Fox.
"I said to all of you to be nice to her,” galit na galit na sabi pa rin ni Inaki. Akmang lalapit na sana siya sa akin pero natigilan siya.
Naramdaman ko na lang na may nagsuot sa akin ng isang blazer na kulay itim. Napalingon ako sa gumawa no’n at medyo napaatras ako ng konti.
Isang Shin na galit na galit ang bumungad sa akin.
"Alam niyo bang sa ginawa niyong ito ay pwede kayong makulong lahat sa Deactivation Room?"
Lahat ng mga kaklase kong babae ay narinig kong napa-gasp. Habang ang mga lalaki naman ay parang nagreklamo sa sinabi ni Shin.
At ako?
Nakatingin lang kay Shin. Ibang iba siya sa Shin na naging trainor ko. Mas seryoso siya ngayon at mas nakakatakot ang aura niya. Pakiramdam ko ay napaka-respetado niya sapagkat ramdam na ramdam ko ang mga takot ng mga kaklase ko.
"Sorry po Mr. Kanji, wine-welcome lang po namin si Akira,” narinig kong pagdadahilan ng isa kong kaklase.
"Then that's not the proper way of welcoming her."
Bahagya akong natakot kay Shin, ramdam na ramdam ko kasi ang galit sa mga mata niya. Nakakuyom pa nga ang mga kamay niya na parang anytime ay handang manuntok.
"Kapag naulit pa to, I will send all of you to Deactivation Room. Are we clear?" maawtoridad niyang tanong sa mga kaklase ko. Bakit ba parang teacher ang ganap niya? Sa pagkakaalam ko kasi ay magkasing edad lang kami kaya dapat ay naka-uniform din siya. Ngunit iba ang suot niya ngayon.
"Yes Mister,” sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko na animo’y biglang mga naging anghel.
"Ms. Inaki, bring her to the clinic,” baling naman ni Shin kay Inaki.
Pagkasabi nya no’n ay umalis na siya habang ako ay naiwang tulala dito.
Si Shin ba talaga ‘yon? Bakit parang ibang iba na ata siya ngayon? Halos dalawang linggo ko pa lang siyang hindi nakikita ngunit parang ang laki ng ipinagbago niya.
"Akira, let's go,” narinig kong sabi sa akin ni Inaki.
Nagpatiuna na sa paglalakad si Inaki kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Ayokong maiwan mag-isa sa section na ito dahil baka kung ano pang gawin ng mga kaklase namin sa akin.
"Pagpasensyahan mo na sila ha. Mababait naman sila, sinumpungan lang ng mga kakulitan,” dugtong na sabi pa sa akin ni Inaki.
Ngumiti na lang ako sa kaniya. Wala na naman kasi sa akin ang ginawa nila kasi sanay na ako doon. Ang iniisip ko lang ay kung magpapatuloy sila, hanggang kailan ko mapipigilan ang huwag na pumatol? At ang isa ko pang iniisip ay ang inasal ni Shin kanina. Bakit ganoon siya? Ni hindi man lang niya ako pinansin kanina.
At hindi ko maitatanggi na nasaktan ako. May pinagsamahan naman kami nung tinuturuan niya ako ‘di ba? Bakit parang wala lang ako sa kaniya? Sabagay, bakit ba ako mag-aassume? Kaya lang naman niya ako kinakausap noon ay dahil sa trabaho niya.
Mas iniyakap ko na lang sa sarili ko ang blazer ni Shin dahil nilalamig ako. At hindi nakatakas sa pang-amoy ko ang pabango niya. Mabango naman ito at amoy na amoy ko dahil nagagamit ko ng hindi sinasadya ang lakas ng pang-amoy ko.
"Nagtataka ka ba kay Kanji?"
Napalingon ako kay Inaki nang bigla siyang magsalita. Sana hindi niya nakita na inaamoy ko ang blazer ni Shin dahil medyo nakakahiya iyon.. Ngumiti naman siya sa akin bago magsalita ulit.
"Isa na siyang Celestial Fox, ibig sabihin, hindi na siya estudyante dito. He will be a trainor of this academy, a Faculty Member. Kaya may pagka-teacher na ang ikinilos niya kanina. And besides, isa na siya sa may mga mataas na posisyon sa mundong ito kaya nirerespeto siya ng lahat ng estudyante,” pagkukwento pa sa akin ni Inaki.
Now it makes sense.
"Pero Akira, hindi mo ba talaga siya naaalala?" dugtong na tanong pa ni Inaki.
"Ha?” naguguluhan kong tanong.
Bahagyang napakamot naman sa batok niya si Inaki at saka marahang umiling. "A wala. Tara na."
Nagmadaling lumakad si Inaki at wala akong nagawa kundi ang mapasunod sa kaniya. Pero narinig ko naman talaga ang tanong niya. Hindi ko lang kasi alam kung anong isasagot ko sa kaniya.
Hindi ko naaalala si Shin?
Ibig sabihin matagal ko na siyang kilala? Pero paano? Isa ba si Shin sa mga nakalimutan ko noong gabing magising ako na nasa ibang bansa na ako? Isa ba si Shin sa inalis nila sa isipan ko? Pero bakit? Sa anong dahilan?
Ginulo ko na lang ang buhok ko at binilisan na lang din ang paglalakad ko. First day pa lang pero ang dami na agad gumugulo sa isipan ko.