35

1777 Words
THIRD POV Biglang naalimpungatan si Akira at agad siyang bumangon. Napatingin siya sa kaniyang orasan at napag-alaman niyang alas dose na ng gabi. May kaunting liwanag ang nanggagaling sa labas ng bintana. Nang silipin niya ay ang buwan pala ito na bilog na bilog at napakaliwanag. Napapikit siya nang bigla siyang makaramdam ng kakaibang sensasyon sa buong katawan niya. At nang magmulat siya muli ng mga mata ay nagulat siya dahil nasa tapat na siya ng talon, kung saan sila nagte-training ni Shin. Nagtataka siya dahil wala naman siyang iniisip na iba, o hindi niya iniisip ang lugar na ito kaya bakit siya makakapag-teleport sa lugar na ito? Naputol ang kaniyang pag-iisip nang biglang lumabas ang kaniyang siyam na buntot. Medyo kinakabahan siya dahil baka may makakita sa kaniya ngunit malalim na ang gabi at alam niyang tulog na ang lahat ng mga Nine Tailed Fox. “Anong nangyayari?” naiiyak na tanong ni Akira sa kaniyang sarili. “Ito ang kapalit ng pagtatago mo sa siyam mong buntot Prinsesa Akira.” Napatingin si Akira sa nagsalita at ito ang babaeng nakausap niya noong unang beses na lumabas ang kaniyang siyam na buntot. “Ngunit hindi ba’t ikaw ang nagsabi sa akin na kailangan kong itago ito?” tanong naman ni Akira sa babae. Bahagyang ngumiti naman ang babae sa kaniya. “Sa tuwing pinipigilan mo silang lumabas, may kapalit iyon. Kailangan mong mag-anyong fox upang maramdaman ng siyam mong buntot ang pansamantalang kalayaan nila. Sa pamamagitan nito, mapapanatili mo ang koneksyon mo sa kanila kahit na hindi mo sila ipinapakita sa lahat. Kaya Prinsesa Akira, hayaan mong maramdaman ng nine tails mo ang bago mong mundo.” Pagkasabi no’n ng babae ay biglang nag-anyong fox si Akira. Puting puti ang kulay ng anyong fox ni Akira ngunit ang isang buntot pa rin niya ay kulay ginto. Kahit na anyong fox siya ay alam pa rin ni Akira ang mga nasa paligid niya. Marahan siyang ngumiti sa babae bago siya tumakbo ng mabilis palayo sa talon. Muling ngumiti ang babae. “Marami pang pagsubok ang dadating sa ‘yo Prinsesa Akira. Nawa’y malagpasan mo ang lahat ng ito upang makamit ng buong lahi mo ang kapayapaan na matagal na nilang inaasam.” Ang anyong fox ni Akira ay masaya at malayang tumakbo sa palibot ng academy. Sa bawat pag-ikot niya ay nararamdaman niyang bumabalik ang nawalang lakas kanina sa training nila. Nararamdaman din niyang masaya ang kaniyang siyam na buntot kaya walang humpay at walang pagod siyang tumakbo lang ng tumakbo. Hindi na niya ininda pa kung may makakita man sa kaniya dahil sa ngayon, ang nine tails ang mahalaga sa kaniya. AKIRA’S POV Alas tres na ng madaling araw ako natapos sa pagtakbo ngunit wala akong naramdaman na panghihina o pagod. Sa may talon din ako bumalik sa human form ko at sinubukan kong isipin ang kwarto ko. Nakapag-teleport naman ako ng tama kaya tahimik akong nahiga sa kama ko. Mabuti na lamang na hindi nagising si Inaki. Kahit na puyat na puyat ako ay maaga pa rin akong nagising. Naunahan ko pa si Inaki kaya tapos na akong maligo at magbihis nang magising siya. "Akira, ang aga mo atang nagising?" nakangiting sabi pa niya sa akin. Napangiti rin naman ako. "Mauna na ako sa ‘yo ha, may kakausapin pa kasi ako. Kita na lang tayo sa room mamaya." Hindi ko na hinayaang makapagsalita pa si Inaki kaya lumabas na agad ako ng kwarto namin. Nagderetso agad ako sa academy para hanapin ang kaisa-isang tao este Nine Tailed Fox na maaaring makasagot ng mga tanong ko. Nakita ko siya na nakaupo sa may garden at tulala. Namayat siya at halatang walang masyadong tulog. Agad ko siyang nilapitan at mukhang hindi niya ako napansin dahil tulala pa rin siya. "Miro." Saka niya lang ako napansin nang tinawag ko siya. Medyo nagulat pa nga siya nang makita niya ako. "Aki----" "Alam ko Miro, wala nang tayo mula nung dumating ako sa mundong ito. Pero hindi ‘yon ang concern ko ngayon. Gusto ko lang malaman kung sino ba talaga sa buhay ko sina Shin at Inaki,” dere-deretsong sabi ko naman sa kaniya. Natigilan siya sa sinabi ko pero agad naman siyang nakabawi at bumuntong hininga. "Ayokong pangunahan ka Akira dahil baka magulo lang ang isip mo. Hayaan mo na lang na kusang maalala mo ang lahat,” sagot naman niya sa akin. "So totoo ngang may parte ng buhay ko ang nakalimutan ng isipan ko?" Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Miro. Pero bakit nagkaganoon ako? Yun kaya yung panahon na nagising na lang ako na nasa LA na ako noon? Ilang sandali pa ay may bigla na lang akong na-realize, ang tagal na pala naming hindi nag-uusap ng ganito. At namimiss ko na si Miro. "Miro, ano bang nangyari sa atin? Bakit nagkaganito?" Tumingin siya sa akin pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Dati, isang tingin niya lang ramdam ko na ang pagmamahal niya. Pero ngayon, ni hindi na niya matagalan na tumingin sa akin. At nasasaktan ako. Sana sinabi na lang niya na hindi na niya ako mahal. "Sorry Akira. Nasa akin ang problema. Naguguluhan ako sa sarili ko at ayokong madamay ka sa problema ko,” mahinang sabi naman niya. "Kaya ganun na lang kadali sa ‘yo na iwasan ako? Miro, mahal mo pa ba ako?" deretsong tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Bigla na lang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi niya masagot ang tanong ko, at dalawa lang ang ibig sabihin nun, it's either hindi na siya sigurado sa nararamdaman niya or wala na talaga siyang nararamdaman sa akin. "Sige Miro,” ang tanging nasabi ko na lang. Tumayo na ako at maglalakad na sana kaso bigla akong hinila ni Miro at niyakap. "I'm sorry Akira. I'm really sorry,” seryosong sabi niya. "Si Inaki, tama ba?" hindi ko napigilang sabihin. "Akira." Nahalata ko na yun nang bigla na lang sumulpot sa bahay sa LA si Inaki. The way he looks at Inaki, the way he smiles, ramdam ko pero binalewala ko lang yun habang siya naman ay in denial pa. Masakit para sa akin yun pero wala naman akong magagawa. Hindi na ako mahal ni Miro or baka nga never niya akong minahal. "Huwag kang mag-alala Miro, tanggap ko na. Isa lang ang hiling ko, maging masaya ka." Hindi ko kayang magalit sa kaniya o kay Inaki at hindi ko alam kung bakit. "Yan din ang hiling ko sa ‘yo na maging masaya ka rin. At alam kong mangyayari yun kapag nakaalala ka na." Naguguluhan man ako ay nginitian ko na lang siya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil at least naging malinaw na sa amin ni Miro ang lahat. Masakit pa rin syempre pero wala e, ganun talaga siguro ang buhay. Ang pagtutuunan ko na lang siguro ng pansin ay kung paano ko maaalala ang lahat. At kung paano ko malalaman kung ano nga ba o sino nga ba sa buhay ko sina Shin at Inaki. At kung paano ko rin matatanggap ng buong buo ang pagkatao ko upang magampanan ko ang pagiging prinsesa ng lahi ng mga Nine Tailed Fox. “Sige Miro, mauna na ako. Mag-iingat ka palagi,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Humakbang na ako palayo sa kaniya. Malapit na rin kasing magsimula ang klase kaya kailangan ko nang makapunta sa classroom. "Oh ikaw yung bagong estudyante na napatapat kay Mr. Kanji ‘di ba?" Napatigil ako nang may apat na babae ang humarang sa akin sa may hallway. Hindi ko sila kilala pero alam kong mga estudyante rin sila dahil naka-uniform din sila. "Ako nga, bakit?" kinakabahan kong tanong. Nagkatinginan silang apat then nagsalita ulit yung isa na nagtanong sa akin kanina. "Pinapatawag ka ni Mr. Kanji, tara." Nagdalawang isip pa ako kung sasama ba ako sa kanila dahil unang-una, bakit kailangan pa akong ipatawag ni Shin samantalang kayang kaya naman niya akong puntahan. At isa pa, mamaya naman ay magkikita kami kaya bakit pa kailangan niya akong ipatawag. Baka ma-late pati ako sa morning class ko kapag pinuntahan ko agad siya. “Pwede bang mamaya na lang after lunch? Malapit na kasing magsimula ang klase,” alanganing sabi ko naman sa apat. “Naku, kabilin-bilinan kasi ni Mr. Kanji na papuntahin ka agad,” sabi ng isang babae. “Oo nga. Paniguradong kami ang mapapagalitan kapag hindi ka namin naihatid agad sa kaniya,” sabi naman ng isa pa. Medyo nakaramdam naman ako ng awa sa apat kapag sila ang pinagalitan ni Shin. May pagka-istrikto pa naman ang lalaking iyon. "Okay sige." Nauna nang maglakad ang apat na babae at sumunod naman ako sa kanila. Medyo malayo layo na rin ang nalalakad namin hanggang sa madaanan namin ang library tapos may katabi pa itong isang room. Medyo dulo na ito ng academy at walang masyadong estudyante. "Nandun siya sa room na ‘yon, puntahan mo na lang siya." Itinuro ng babae ang katabing room ng library. "Salamat,” nakangiting sabi ko naman. Naglakad na ako papasok doon sa room. Ano naman kayang kailangan ni Shin sa akin at bakit kailangang dito pa niya ako kakausapin. At saka malapit nang mag-umpisa ang klase. Mamaya pa naman ang training naming dalawa. "Shin." Normal na room lang naman ito, yun nga lang ay walang mga upuan at wala ring bintana. Room na walang bintana? Pero meron namang aircon. Nagulat ako nang biglang magsara ang pinto at bumukas ang aircon. Lumapit ako sa may pinto at sinubukang buksan ito kaso naka-lock na. Lumakas naman ang aircon dahil biglang lumamig sa loob ng room. Magteteleport na sana ako ngunit napaupo na lang ako sa sahig dahil bigla akong nanghina. Parang hinihigop ang lakas ko. Nilalamig na rin ako dahil sa aircon pero pinagpapawisan ako. Hanggang sa maramdaman ko ang sobrang sakit sa kalamnan ko. Napapangiwi na lang ako sa sakit at hindi ko na magawang makatayo o makasigaw man lang. Hinang hina na ako at hindi ko alam kung paano makakaalis dito o kung makakaalis pa nga ba ako. Ano bang klaseng lugar ito? Bakit hindi ko magamit ang kahit na alin sa mga abilidad ko? Hindi ko kasama si baby Jira dahil pinauna ko na siya sa room kanina. At hindi ko rin kasama si Inaki dahil nga nauna na akong pumasok kanina. Ang tanging nakakaalam lang na nandito ako ay yung apat na babae kanina, pero sa tingin ko ay set up lang nila ito. Hindi ko alam kung bakit nagawa nila sa akin ito. I am helpless at hindi ko alam kung makakatakas pa ako sa lugar na ito. Ito na ba ang katapusan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD