36

1646 Words
KANJI SHIN’S POV "Inaki!" Agad akong lumapit kay Inaki nang makita ko siya malapit sa opisina ko. Lunch break ngayon kaya free time ng mga estudyante. Nakakapagtaka na hindi niya kasama s Akira. "Bakit hindi mo kasama si Akira?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. "Teka, sa ‘yo rin talaga ang punta ko. Maaga siyang umalis sa dorm kaninang umaga pero hindi naman siya pumasok sa morning class. Akala ko nga magkasama kayo e,” sagot naman niya sa akin. Mas lalo akong kinabahan. Nakita ko kasi si baby Jira na nasa opisina ko na. Matamlay ito at halos paiyak na kaya nakaramdam ako ng pag-aalala para kay Akira, lalo na at hindi pala siya pumasok. Nasaan na siya? Wala naman akong alam na pwede niyang puntahan maliban na lang siguro sa magulang niya. Ngunit imposible na pumunta siya ng palasyo. "Miro,” tawag ni Inaki kay Miro kaya agad naman siyang lumapit sa amin. "Nakita mo ba si Akira?" agad kong tanong sa kaniya nang makalapit siya sa amin. "Kaninang umaga magkausap kami. Pero nauna na siya dahil may klase pa siya. Bakit? May problema ba?” tanong naman niya sa amin. Napamura ako sa isipan ko. Nasaan ka na Akira? Pinag-aalala mo na naman ako. "Hahanapin ko muna siya. Masama ang kutob ko e," nag-aalalang sabi ni Inaki. "Teka, ano ba talagang nangyayari?" tanong pa ni Miro. Nagpakawala naman ng buntong hininga si Inaki. “Hindi siya pumasok sa morning class. Teka nga, baka may nasabi kang masama sa kaniya kanina kaya hindi siya pumasok?” nagdududang sabi naman ni Inaki kay Miro. Marahan namang umiling si Miro. “Maayos ang pag-uusap namin kanina.” Hindi ko alam kung anong klaseng ayos iyon. Saka ko na lang iisipin iyon, ang importante sa ngayon ay mahanap ko si Akira. “Hahanapin ko siya,” sabi naman ni Inaki. “S-samahan na kita,” pagprisinta naman ni Miro. "Sige, kontakin niyo na lang ako kapag nakita niyo na siya. Hahanapin ko rin siya,” seryosong sabi ko naman. Humiwalay na ako sa kanilang dalawa at inumpisahang libutin ang academy. Si baby Jira naman ay inihabilin ko muna kay Lola Wanda. Pinuntahan ko ang mga lugar na posibleng puntahan ni Akira. Sa garden, sa rooftop, sa likod ng mga classroom at sa cafeteria pero wala siya do’n. Sinubukan ko rin siyang kontakin sa isipan ko pero hindi siya nagre-response. Sobra na akong nag-aalala sa bigla niyang pagkawala. Sana okay lang siya. Sana wala siya sa mga kamay ng mga Black Nine Tailed Fox. "Girl, apat na oras na siyang nandun. Puntahan na kaya natin." May narinig akong nag-uusap sa may bakanteng classroom. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil nakatalikod sila sa may pinto. Apat silang babae at puro estudyante ng academy. Hindi ko naman ugali ang makinig sa usapan ng iba kaya umalis na lang ako doon at nagpatuloy sa paghahanap kay Akira. Hanggang sa mapadpad ako sa library, pumasok ako doon dahil nagbabaka sakali na nando’n siya ngunit wala rin siya doon. Malungkot akong lumabas ng library. Aalis na sana ako sa lugar na iyon nang mapansin ko ang katabing room nito, ang Deactivation Room. Nagtaka ako dahil bukas ang switch nito at naka-lock ang pinto. Isa lang ang ibig sabihin no’n, may estudyanteng nakakulong doon, marahil ay may nilabag siyang batas ng academy. "Mr. Shin." Napalingon ako sa librarian nang tinawag niya ako. Agad naman akong lumapit sa kaniya at nagbigay galang. "May pinarusahan ba kayo na estudyante? Nung dumating kasi ako kaninang umaga, bukas na ang switch ng Deactivation Room at hanggang ngayon ay bukas pa rin ang switch. Apat na oras na ang estudyante sa loob kung sakali." Apat na oras? Hindi kakayanin ng isang Nine Tailed Fox ang manatili sa Deactivation Room ng apat na oras lalo na at nakatodo ang switch nito. Maaari niya itong ikamatay. Naalala ko bigla ang apat na babae sa may bakanteng classroom kanina. Mas lalo akong kinabahan sa naiisip ko, sana mali ang hinala ko. Agad kong pinatay ang switch ng Deactivation Room then kinapa ko sa bulsa ko ang susi nito. Lahat kasi kaming Celestial Fox ay may susi nito. Nang makapa ko ang susi ay agad kong binuksan ang pinto ng Deactivation Room. Isang babae ang nakita kong nakabulagta sa sahig at hindi ako maaaring magkamali, siya yun. Agad ko siyang nilapitan habang nangingilid na ang mga luha ko. "Akira, wake up. Please." Hindi siya nagre-response at hindi ko na rin marinig ang t***k ng puso niya. Agad ko siyang binuhat at nagmadaling lumabas ng Deactivation Room. Nag-teleport agad ako papunta sa clinic. “Miro, Inaki, in the clinic NOW," pagtawag ko sa dalawa gamit ang isipan ko. Agad rumesponde ang mga nurse na naka-duty sa clinic nang makita nila ang walang malay na si Akira. Inihiga ko naman si Akira sa isang kama at agad siyang tiningnan ng mga nurse. Ilang saglit lang din ay dumating na sina Miro at Inaki. "Anong nangyari sa kaniya?" nag-aalalang tanong sa akin ni Inaki habang ako ay naglalakad pabalik balik dito sa labas ng room na pinagdalhan ko kay Akira. "She's been in the Deactivation Room for almost four hours!" galit kong sabi. "What? Paano siya napunta do’n?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Inaki. Napakuyom na lang ako ng kamao ko. At dahil hindi ko na napigilan ang galit ay napasuntok na lang ako sa pader. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawang protektahan siya. Naranasan niya ang parusa ng Deactivation Room kahit na wala siyang ginagawang masama, at ako na isang Celestial Fox ay wala man lang nagawa. Paulit ulit kong sinuntok ang pader ng clinic at wala akong pakealam kung sugat sugat na ang kamay ko. Walang panama ang mga sugat na natatamo ko ngayon sa sakit naranasan ni Akira sa loob ng Deactivation Room. "Kanji, enough! Kahit gibain mo pa ang pader na yan, hindi magbabago ang nangyari kay Akira," pang-aawat sa akin ni Inaki. Hinila niya ako paupo. Napatingin naman ako kay Miro na nakatungo lang. Tumabi naman sa kaniya si Inaki at tinapik siya sa balikat. Sabay sabay kaming napatayo nang biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doctor ng clinic. "Mr. Kanji, can we talk?" seryosong tanong niya sa akin. Tumango ako sa kaniya at pumasok kami sa kwarto ni Akira. Lumabas naman ang mga nurse kaya ang naiwan na lang dito ay ako, ang doctor at si Akira na wala pa rin malay. "Alam nating lahat na hindi pwedeng manatili ang isang Nine Tailed Fox nang apat na oras sa loob ng Deactivation Room. Maaari itong ikamatay ng isang fox. And as you can see, she was fully drained. Kung isa siyang normal na fox, patay na siya ngayon or worse, baka nga naglaho na lang siya na parang bula. But I saw the mark in her wrist, pero kahit gano’n, hindi pa rin ako sigurado kung makaka-survive siya. Masyado nang mahina ang heart beat niya and I recommend na sabihin na ito sa hari at reyna,” seryosong sabi sa akin ng doctor. Habang sinasabi iyon ng doctor ay nakatingin lang ako kay Akira. Sobrang putla niya at halatang halata na wala siyang lakas. "Sasabihin ko na po ito sa hari at reyna, pero nakikiusap po ako, we were hiding the true identity of the princess,” seryosong sabi ko naman. "I know, and don't worry, walang makakaalam na siya ang prinsesa. Your secret is safe with me,” nakangiting sabi naman niya. "Thank you po,” sabi ko naman. "Sige, maiwan na muna kita. Babalik na lang ako dito after few hours. Excuse me." Tumango ako sa kaniya then lumabas na siya ng kwarto. Pumasok naman sina Inaki at Miro. "How is she?" tanong sa akin ni Miro. Lumapit siya kay Akira at umupo sa tabi nito. Hinawakan din niya ang kamay nito kaya nag-iwas agad ako ng tingin. "Hindi alam ng doctor kung makaka-survive siya. Let's just hope na makayanan niya,” sabi ko na lang. "Of course she will. We know Akira, palaban sya at hindi isang Deactivation Room ang makakatalo sa kanya. Ako na lang ang bahalang magsabi sa hari at reyna. Kayo na muna ang magbantay sa prinsesa,” sabi naman ni Inaki. Lumabas na ng kwarto si Inaki para pumunta sa palasyo. Tama siya, isang prinsesa si Akira at hindi siya basta basta mababawian ng buhay dahil lang sa Deactivation Room. She is the strongest fox we know kaya alam kong makaka-survive siya. "Alam mo bang naiinis ako sa sarili ko, hindi ko siya nagawang protektahan dahil ako mismo ay sinaktan din siya. I pursue her, sinamantala ko ang pagkakataong hindi ka niya naaalala. Mahal ko siya kaya ginawa ko ang lahat para mahalin din niya ako. But then again, nasaktan ko siya,” seryosong sabi sa akin ni Miro, hawak pa rin niya ang kamay ni Akira habang nakatingin dito. Kung alam niya lang, naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko naprotektahan si Akira. "Kanji, may pakiusap sana ako sa ‘yo,” dugtong na sabi pa niya. "Ano ‘yon?” tanong ko naman. "Take care of her, at ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa kaniya. Don't give up on her." "Bakit mo sinasabi sa akin ‘yan?" kunot noong tanong ko naman. "Dahil alam kong kaya mo siyang mahalin nang walang pag-aalinlangan. Unlike me, I'm damn confused for what I really feel. Kaya sa ‘yo ko ipinagkakatiwala si Akira. Besides, I know na sa ‘yo siya mas sasaya." Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinapik niya ako sa balikat then lumabas na siya ng kwarto. Lumapit naman ako kay Akira at pinagmasdan siya. "Nine Tailed Fox Love Code number seven, giving up is not the solution. Don't give up Akira. Alam kong makakaya mong lagpasan ito, just fight and don't give up. Mamahalin pa kita at pakakasalan kaya please, wake up."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD