KANJI SHIN’S POV
Dalawang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa ring malay si Akira. Pumunta rin ang doctor kanina para i-check ulit siya at sabi nito ay wala pa ring pagbabago ang heartbeat ni Akira. Mahina pa rin ito at maski ang lakas niya ay hindi pa rin bumabalik kahit konti.
"Kanji."
Napatayo agad ako nang biglang sumulpot sina Haring Alejandro at Reyna Rachelle kaya agad akong nagbigay galang sa kanila. Lumapit naman si Reyna Rachelle kay Akira at hinawakan ang kamay nito. Napatungo na lang ako.
"I'm sorry our Princess dahil naranasanan mo ito," umiiyak na sabi ng reyna.
"Mawalang galang na po, lalabas po muna ako para makasama niyo ang prinsesa,” seryosong sabi ko sa kanila.
"No Kanji, just stay here please. We also need to talk to you," seryosong sabi naman sa akin ni Haring Alejandro.
Naupo na lang ulit ako sa upuang malapit sa may pinto habang ang hari at reyna ay doon naupo sa tabi ni Akira.
"Ano sa tingin mo ang nangyari kung bakit nasa Deactivation Room siya?" tanong sa akin ni Haring Alejandro.
“Imposibleng ang teacher niya po ang may gawa nito sapagkat sabi sa akin ni Inaki, hindi pumasok si Prinsesa Akira sa morning class nila. At isa pa po, bawal kaming magkulong ng estudyante sa Deactivation Room ng higit sa dalawang oras. Malakas ang kutob ko po na sinet-up siya ng kung sino,” paliwanag ko naman.
“Hanggang dito ba naman ay may nambu-bully pa rin sa anak ko?” mariing tanong ni haring Alejandro habang nakakuyom ang mga palad niya. At nakaramdam ako ng bahagyang takot, isa kasi sa katangian ng hari ang pagiging maawtoridad kaya maayos niyang napapatakbo ang nasasakupan niya. At hindi gugustuhin ng lahat na magalit ang hari ng mga White Nine Tailed Fox.
"Sabihin na natin sa lahat na si Akira ang prinsesa para hindi na ito maulit," mahinahong sabi naman ni Reyna Rachelle.
"Mahal, alam mong hindi pa pwede,” mahinahong sabi naman ng hari.
Napaiyak na nang tuluyan ang reyna kaya agad siyang niyakap ni Haring Alejandro para i-comfort.
“Patawarin niyo po ako kung hindi ko naprotektahan ang prinsesa,” mahinang sabi ko sa kanila. Ipinagkatiwala nila sa akin si Akira ngunit may masamang nangyari pa rin sa kaniya kaya alam kong may kasalanan din ako.
“Huwag mong sisihin ang sarili mo, Kanji,” sabi naman ni Haring Rachelle.
"Kanji, hanapin mo ang fox na may gawa nito sa anak ko. At siguraduhin mong hindi na ito mauulit pa kay Akira. Wala ako sa tabi niya para protektahan siya, kaya sa ‘yo ko ipinagkakatiwala ang anak ko,” maawtoridad na sabi naman sa akin ni Haring Alejandro.
"Masusunod po Haring Alejandro."
Kahit naman hindi yun iutos ni Haring Alejandro ay hahanapin ko talaga ang gumawa nito kay Akira. It might be sounded harsh but I will punish them whoever they are. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa prinsesa ng mga Nine Tailed Fox.
Isang oras lang nanatili dito ang hari at reyna dahil hindi raw sila pwedeng mawala ng matagal sa palasyo. Kaya kahit ayaw nilang iwan si Akira ay napilitan silang bumalik sa palasyo. Ako na ang pinagbantay nila kay Akira dahil ako lang daw ang pinagkakatiwalaan nila.
"Kanji apo."
Napatingin ako kay Lola Wanda nang mag-teleport ito papunta sa kwarto ni Akira dito sa clinic.
"Lola"
Bigla akong nanlambot nang makita ko si Lola Wanda. Buhat niya si baby Jira at wala na itong malay. Agad kong kinuha kay Lola si baby Jira.
"Baby Jira, please wake up,” bulong ko.
Sunod sunod na ang pagpatak ng mga luha ko habang medyo inaalog si baby Jira. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay. Hindi sila pwedeng mawala ni Akira.
Lumapit ako kay Akira at itinabi ko sa kaniya si baby Jira. Hinawakan ko ang kamay ni Akira ng mahigpit.
"Akira naman, h’wag mo namang gawin sa akin ito. H’wag mo akong iwan. Please Akira, lumaban ka. Hindi ito ang magandang pangganti mo sa akin dahil iniwan kita noon,” umiiyak kong sabi kay Akira.
Wala na akong pakialam kung magmukha na akong ewan sa harap ni Lola Wanda. Dahil isa lang ang gusto kong mangyari ngayon, at yun ay ang gumising ang MAG-INA ko.
Kanji, alam na namin kung sino ang nag-set up kay Akira.
Agad akong napatayo nang kausapin ako ni Miro sa isipan ko. Nagagawa nila akong kausapin sa isipan ko dahil in-allow ko sila. Pinahid ko ang mga luha ko at tumingin kay Lola.
"Lola Wanda, pakibantayan po muna sana sina Akira at baby Jira. May aasikasuhin lang po ako. Babalik din po ako agad,” walang emosyon kong sabi kay Lola Wanda.
"Sige apo, mag-iingat ka."
Hinalikan ko si Akira sa noo bago lumabas ng kwarto. Kung sino man ang may gawa nito kay Akira ay sisiguraduhin kong magbabayad sila.
INAKI’S POV
"Miro, sa tingin mo ba tama na sinabi natin kay Kanji na nahanap na natin ang may gawa nito kay Akira?" kinakabahan kong tanong kay Miro.
After kasi naming manggaling sa clinic ay magkasama naming hinanap ni Miro ang nag-set up kay Akira. Imposible naman kasi na kinulong ni Akira ang sarili niya sa Deactivation Room.
At ngayon nga ay nasa hindi kalayuan sa amin ang apat na babaeng hindi namin akalain na magagawa kay Akira iyon. Mas maedad sila ng isang taon sa amin at ang isa ay candidate na sa pagiging Celestial Fox. Mukha silang mga inosente pero alam kong sila ang grupong mahilig mang-bully ng mga bagong estudyante ng academy. Pero sobra sobra ang ginawa nila kay Akira, siguro ay dahil sa inggit dahil si Akira ang naging partner ni Kanji. Ngunit hindi pa rin katanggap-tanggap iyon. Nambu-bully din sila ng ibang estudyante ngunit hindi ganito kalala na halos patayin na nila si Akira.
"Hindi naman natin pwedeng palagpasin lang ang ginawa nila kay Akira. Paano kung sa iba nila ginawa iyon? Mas matinding parusa pa ang naghihintay sa kanila dahil makakapatay sila ng kalahi nila,” seryosong sagot naman ni Miro sa akin.
"Pero Miro, nakita mo naman ang galit ni Kanji ‘di ba? Baka mapatay niya ang apat na ‘yan."
"Well, they deserve it," mariing sabi ni Miro.
Napahawak na lang ako sa noo ko. Mukhang hindi lang si Kanji ang dapat kong bantayan, pati na rin itong si Miro. Mahirap na, baka mapatay pa nila ang apat na babae. Pero sabagay, kung ako lang din naman ang masusunod ay baka napatay ko na rin sila. Pero mali yun kaya kailangang kontrolin ang galit namin. Malaking parusa ang naghihintay sa isang Nine Tailed Fox kapag nakapatay ito ng kalahi niya.
"Where are they?"
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Kanji. Minsan talaga, mas gusto ko sa mundo ng mga tao. Wala kasi doon ang bigla bigla na lang susulpot. Unlike dito, magugulat ka na lang na may fox na sa harapan mo.
Medyo nakaramdam ako ng takot dahil sa itsura ni Kanji. Nakalabas ang siyam niyang buntot at kulay green ang mga mata niya. Nakakuyom din ang mga kamay niya.
"Kanji, calm down first please," pakiusap ko sa kaniya.
"WHERE.ARE.THEY?"
Parang natakot na rin si Miro dahil bigla na lang niyang itinuro ang apat na babae sa may bench sa garden. Hahawakan ko sana si Kanji pero mabilis siyang nakapag-teleport sa harap ng mga babae.
"What the – Miro, tulungan mo akong pakalmahin si Kanji. Hindi siya pwedeng makapatay dahil patay siya kay Akira kapag nagkataon,” natatarantang sabi ko kay Miro.
Agad akong tumakbo palapit kay Kanji na kasalukuyang masama ang tingin doon sa mga babae. At huli na para pigilan si Kanji dahil inatake na niya ang mga ito. Tumalsik ang mga ito sa pader ng isang building at lahat sila ay nawalan ng malay. Pasalamat na lamang ako na walang ibang fox ang nandito ngayon.
Aatakihin ulit sana ni Kanji ang mga babae pero nahawakan ko siya sa brasok niya. Tumingin naman siya sa akin, kulay green pa rin ang mga mata niya at blangko lang ito. Ngayon ko na lang ulit nakitang ganito kagalit ang isang Kanji Shin.
"Kanji, enough! May proper way ng pagpaparusa sa kanila,” seryosong sabi ko pa sa kaniya.
"Hindi pwedeng wala akong gawin, nasaktan si Akira at ngayon hindi ko alam kung mabubuhay pa siya."
Ramdam na ramdam ko ang galit ni Kanji at ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Anger, pain, guilt and sadness, ‘yan ang nakikita ko sa kaniya. He's in deep pain dahil sa nangyari kay Akira. He really loves her that much that he lose his control.
"Kanji, alam kong galit ka pero sa tingin mo ba, matutuwa si Akira kapag nalaman niya ito? Sa tingin mo ba ay matatanggap ka pa niya kung malalaman niyang nakapatay ka ng apat na Nine Tailed Fox?" sunod-sunod na tanong naman sa kaniya ni Miro.
Unti unting kumalma si Kanji pero hindi pa rin nawawala ang galit niya. Medyo nakampante naman ako dahil kontrolado na ni Kanji ang emosyon niya. Sinenyasan ko naman si Miro na dalhin ang mga babae sa clinic dahil sa natamo nilang sugat. Sumunod naman si Miro pero nakita kong sinaktan pa niya ang pinaka-leader bago sila nag-teleport kaya napatampal na lang ako sa noo ko. Ang pasaway talaga.
Ilang saglit lang ay napaluhod naman si Kanji. He's crying.
"Hey, Kanji."
"Okay lang naman sa akin kung si Miro ang mahal niya. Tanggap ko kung hindi niya ako mahal. Tanggap ko kung ano man ang turing niya sa akin. Pero Inaki, hinding hindi ko matatanggap na mawala siya sa buhay ko. Hindi siya pwedeng mawala Inaki,” umiiyak niyang sabi.
"Hindi siya mawawala Kanji, remember, she's a princess and a fighter. Don't lose hope. Lumalaban siya kaya dapat maging matapang ka para sa kaniya,” pagpapalakas ko naman ng loob sa kaniya.
Maski ako ay natatakot sa mangyayari pa kay Akira. Ako ang tagapangalaga niya ngunit hindi ko nagampanan ang responsibilidad ko sa kaniya. Kaya nakokonsensya rin ako na hinayaan kong umalis si Akira na hindi ako kasama.
After ng nakakatakot at nakakaiyak na scene ay sinamahan ko na si Kanji pabalik sa clinic. Mahirap na kasing pag-isahin sa paglalakad itong si Kanji, baka bigla na lang manapak.
Pagkarating namin doon ay nandun si Lola Wanda kaya agad akong nagmano sa kaniya.
"Kamusta ka Inaki?" nakangiting tanong sa akin ni Lola Wanda.
"Ayos lang po Lola Wanda."
Lumapit si Kanji kay Akira at umupo sa tabi nito. Hinawakan pa nga niya ang kamay ni Akira. Maputla pa rin si Akira at wala pa ring malay. Dapat pala talaga hindi ko na pinigilan si Kanji na tuluyan ang mga maldita na yun. Seeing Akira like this urges me to kill those girls. Naku, h’wag ko lang talaga silang makakasalubong sa may hallway, tutustahin ko sila ng buhay.
"Kung makapigil ka sa akin kanina wagas, tapos ikaw pala itong tino-torture na sila sa isip mo."
Napatingin ako bigla kay Kanji. Teka, nababasa niya ba ang nasa isip ko?
"Halatang halata kasi sa mukha mo na nanggigigil ka na sa kanila."
Nginitian ko na lang sya ng alanganin. Napatawa na lang si Lola Wanda pati na rin si Kanji pero bakas pa rin sa mga mata ni Kanji ang lungkot.
Hay Akira, gumising ka na naman. H’wag mo naman kami masyadong pag-alalahanin. Baka mabaliw na itong si Kanji kapag pinahaba mo pa ang pagtulog mo.