38

1539 Words
AKIRA’S POV Akala ko katapusan ko na. Akala ko ay hindi ko na makikita pa sina Mommy at Daddy. Akala ko ay doon sa room na iyon matatapos ang buhay ko. Nawalan na ako ng pag-asa pa na may magliligtas sa akin noon. Pero eto ako ngayon, nakatayo sa isang malawak na damuhan na hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito at kung bakit ako nandito. Hindi naman ito parte ng academy kaya naguguluhan ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko at wala akong ibang makita o matanaw man lang. Parang walang katapusan na kapatagan at damuhan ang kinatatayuan ko ngayon. Nagsisimula na akong kabahan dahil dito. Hanggang sa may matanaw akong isang lalaki na nakatalikod sa akin. May ilang metro lang ang layo niya sa akin at nakatayo lang siya doon. "Sinabi ko lang na mahal kita, hindi ko sinabing iwasan mo ako." Natigilan ako dahil nagsalita ang lalaki habang nakatalikod pa rin sa akin. Siya ‘yon. Siya ang lalaking lagi kong napapanaginipan. Teka, nananaginip na naman ba ako? Dahan dahang humarap sa akin ang lalaki at pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Hindi ko magawang makagalaw o makapagsalita man lang. Nabato lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa kaniya. Siya naman ay nakangiting naglakad palapit sa akin. "Okay lang kahit hindi tayo pareho ng nararamdaman pero isa lang ang hiling ko, sana paniwalaan mo ang sinabi ko na mahal kita. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba ito. Tao ka at fox ako. Pero sana hayaan mo akong mahalin ka dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ma-fall out of love sa ‘yo dahil sa araw araw na nakakasama kita, mas lalo pa akong nahuhulog sa ‘yo. Mahal na mahal kita Akira." Niyakap niya ako ng mahigpit habang ako naman ay napaiyak na lang. Ipinikit ko ang mga mata ko at doon ko na nakita ang lahat lahat. Mula sa unang araw ng aming pagkikita hanggang doon sa araw na tinangkang kunin ako ng mga itim na Nine Tailed Fox. Yung araw na binalikan niya ako at iniligtas. Lahat lahat ay naglaro sa isipan ko, ultimo mga maliliit na detalye ay nakita ko. Naaalala ko na ang lahat. Bumalik na ang mga alaalang nawala sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang ang epekto niya sa akin kapag nakikita ko siya. Naiintindihan ko na kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko kapag malapit siya sa akin. Bumitaw na siya sa akin at tumingin ng deretso sa mga mata ko. Nginitian niya ako habang unti unti siyang nawawala sa harap ko. "S-shin, teka,” umiiyak kong sabi. Ngunit hindi siya tumigil sa paghakbang hanggang sa tuluyan na siyang nawala at naiwan na ulit akong mag-isa dito. "Prinsesa Akira." Napalingon ako sa likod ko nung marinig ko ang pangalan ko. "Ngayong naaalala mo na ang lahat, hindi na magugulo pa ang isipan mo. Maaari na kitang sanayin,” nakangiti niyang sabi sa akin. Ginto ang siyam nyang buntot, mahaba ang kulot na buhok, matangos ang ilong at mapula ang labi. Siya ang babaeng nagpakita sa akin noong gabi ng birthday ko. “Ako si Manara, ang gabay ng mga White Nine Tailed Fox,” pagpapakilala niya sa akin. "Naguguluhan pa rin ako Manara,” ang tanging nasabi ko na lamang. "Totoo ang motibo ni Kanji sa pagpunta niya sa mundo ng mga tao. Nakatakda na siyang maging isang Celestial Fox pero hiniling niya sa mga magulang mo, ang hari at reyna, na bigyan siya ng sapat na panahon para makumbinsi si Inaki na bumalik sa mundo ng mga Nine Tailed Fox. Pumayag ang mga magulang mo pero sa kondisyon na sa tirahan mo siya titira. At gano’n na nga ang nangyari, pumunta siya sa mundo ng mga tao para hanapin at pabalikin si Inaki, at tumira siya sa tinutuluyan mo noon. Si Inaki lang talaga ang dahilan niya noon,” mahabang pagkukwento niya. May kung anong bagay ang parang tumusok sa puso ko. Si Inaki talaga ang ipinunta niya noon. "Pero nabago ang lahat nang matunton ka ng mga itim na Nine Tailed Fox. Gustong gusto ka nang dalhin ni Kanji noon sa mundong ito pero hindi pa pwede dahil isa ka pang tao noon. Kaya nagkaroon ka ng mga tagabantay, at nang malaman mo ang tungkol sa mga itim na Nine Tailed Fox, nagsinungaling sa ‘yo si Kanji. Sinabi niya na siya ang habol ng mga ito kahit ang totoo ay ikaw ang kailangan nila. Ginawa ni Kanji yun dahil hindi pa yun ang tamang oras para malaman mo ang tunay mong pagkatao. Yun din ang dahilan kaya nila inalis ang alaala mo tungkol sa mga Nine Tailed Fox, puti man o itim. Masyado ka nang maraming nalalaman noon kaya nila ginawa yun. Sa pagkakaalam nila ay hindi na maibabalik pa ang mga nawalang alaala, but your heart remembers it all. Kaya minabuti ko na lang na ibalik ang alaala mo sa isipan mo." Now I understand, malinaw na ang lahat sa akin. "So pwede na akong umuwi." That's a statement, not a question. Dahil kanina ko pa gustong umuwi sa dorm. Baka nag-aalala na sa akin si Inaki. Pero biglang sumeryoso ang mukha ni Manara na ikinakaba ko naman. "Nasa kasuluk sulukan ka ng puso mo Prinsesa." Literal na nanlaki ang mga mata ko. Paanong nasa kasuluk sulukan ako ng puso ko? Paano nangyari yun? "Apat na oras kang nakulong sa Deactivation Room." Deactivation Room? So yun pala ang pinasukan kong room kanina na walang bintana. "Na-drain ang energy mo at para mabuhay ka pa, kailangan mo munang manatili dito ng isang linggo." "Sus, isang linggo lang pala --- ANO? ISANG LINGGO?" Napatakip naman sa tainga niya si Manara dahil sa bigla kong pagsigaw. "Oo Prinsesa, h’wag kang mag-alala dahil ang alam ng mga kasama mo ay wala kang malay. At sa loob ng isang linggo ay dito ka muna para ma-restore ang lakas mo,” nakangiting sabi naman niya. Kumumpas ang kamay ni Manara at biglang nag-iba ang paligid namin. Mula sa kapatagan ay naging gubat na ito. Malalaki ang mga puno, may malinis na ilog at may isang tree house. Napangiti ako sa naiisip ko, ito na ata ang tinatawag na one week vacation. "At habang nandito ka, ite-train kita at ang mga buntot mo,” seryosong sabi pa niya. Bigla akong napasimangot, akala ko pa naman bakasyon ito. At saka sabi niya, kailangan kong I-restore ang nawalang lakas ko, eh paano ko magagawa yun kung magte-training kami? Tumawa naman si Manara dahil sa naging reaksyon ko. Kitang kita niya yata ang biglang pagsimangot ko. "Sige na, magpahinga ka muna. Bukas na tayo mag-uumpisa ng training mo." THIRD POV "Mahal na Hari, narito na po siya." Humarap ang hari ng mga Black Nine Tailed Fox sa tauhan niya at sa kasamang babae nito. Pinagmasdan niya ang babaeng nanginginig sa takot. "Hindi ba kayo nahalata sa academy?" "Hindi po dahil pinalabas naming nag-commit siya ng suicide at naglaho ang kaniyang katawan at ang tatlo naman ay tulala na lang ngayon,” sagot sa kaniya ng tauhan niya. Huminga ng malalim ang hari at pilit na pinakalma ang kaniyang sarili. "Dalhin siya sa selda." Bigla namang tumingin sa kaniya ang babae at nag-umpisa na itong umiyak. "Mahal na Hari, sinunod ko lang po ang ipinag-uutos niyo," umiiyak na sabi pa nito. "Sinunod? Nahihibang ka na ba Karisa? Ang utos ko sa ‘yo ay ikulong ang prinsesa sa Deactivation Room sa loob ng dalawang oras upang masukat natin kung gaano siya kalakas. Ngunit anong ginawa mo? Hinayaan mo siya doon ng apat na oras,” galit na sambit naman niya. "Napatunayan lang natin na mahina ang prinsesa. Kung totoong malakas siya, easy lang sa kaniya ang apat na oras doon," sabi naman ni Karisa sa kaniya. Hindi na natiis pa ng hari ang kaniyang galit. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa kanang pisngi ng dalaga. "Hindi mo ginagamit ang utak mo. Paano kung namatay siya doon? Paano na ang mga Black Nine Tailed Fox? Walang kasiguraduhan kung magigising pa ang prinsesa, inilagay mo sa panganib ang lahi natin!" Isang pagak na tawa ang pinakawalan naman ni Karisa. “Bakit? Paano ba kayo nakakasiguro na siya nga ang kailangan natin upang maging matagumpay ang plano natin?” hindi makapaniwalang sambit ni Karisa. “Karisa, pinalaki kita na parang tunay na anak ko na. At ito lang ang igaganti mo sa akin? Ang kawalan ng respeto?” galit na galit na sambit naman ng hari. Ibinaling ng hari ang atensyon niya sa kaniyang mga kawal. “Dalhin siya sa selda at huwag siyang papakawalan hanggang hindi ko sinasabi.” Agad namang sumunod ang mga kawal sa kaniya at sapilitang dinala sa kulungan si Karisa. Agad din namang dumating ang isa pa niyang espiya sa academy. "Kamusta siya?" seryosong tanong niya sa bagong dating. "Hindi pa rin siya nagkakamalay,” walang emosyon na sabi sa kaniya ng binata. Napahampas na lang sa lamesa ang hari na ikinagulat ng lahat. Hindi pwedeng mawala ang prinsesa. Hindi siya pwedeng mamatay. Siya na lang ang natitirang pag-asa ko kaya kailangan niyang mabuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD