39

1549 Words
AKIRA’S POV Maaga akong ginising ni Manara dahil mag-uumpisa na raw kaming mag-training. Kaya kahit na antok na antok pa ay bumangon na ako. Malinis naman yung ilog kaya doon na ako naligo at may mga damit din si Manara na siyang isinuot ko. After kong maayos ang sarili ko ay nagpunta na ako sa isang burol kung saan daw ako tuturuan ni Manara. Hindi naman siya kalayuan dun sa tree house na tinutuluyan ko kaya mabilis akong nakarating doon at hindi na ako naligaw pa. "Mabuti naman at nandito ka na." Yan agad ang bungad sa akin ni Manara nung makarating ako sa may burol. Seryosong seryoso siya at mukhang nainip na kahihintay sa akin. Hindi naman ako ganun katagal e. Ngumiti na lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa. "Bago ang lahat. May ipapakilala nga pala ako sa ‘yo." Pagkasabi niya nun ay biglang lumabas mula sa likod niya ang sinasabi niyang ipapakilala raw niya. "Baby Jira!” Tuwang tuwa kong kinuha sa kaniya si Baby Jira. Na-miss ko ang anak anakan kong ito. Ngunit agad din akong natigilan. "Pero teka, anong ginagawa niya dito?" nagtatakang tanong ko kay Manara. "Ikaw at si baby Jira ay iisa. Iisa ang nararamdaman niyo kaya pareho kayong walang malay sa mundo ng mga Nine Tailed Fox. Pareho ring na-drain ang energy niyo kahit na ikaw lang ang nakulong sa Deactivation Room. Kaya nandito rin siya,” seryosong sagot naman sa akin ni Manara. Tiningnan ko naman si baby Jira at hinaplos ang likod niya. "Pasensya ka na kung nadadamay ka pa ha." Nagpagulong gulong naman sa palad ko si baby Jira na ikinangiti ko. Namiss ko talaga sya. Lalo na ang mga paglalambing nyang ito. "Mag-umpisa na tayo. Baby Jira, ipakita mo na sa kaniya ang tunay mong anyo," seryosong sabi ni Manara kay baby Jira. Teka, anong tunay na anyo? Tiningnan ko nang nagtataka si baby Jira na biglang tumalon mula sa palad ko. Pagkabagsak na pagkabagsak niya sa lupa ay nagliwanag ang buong katawan niya. Maya maya pa ay nawala na si baby Jira, at ang nakita ko na lang ay isang dragon. Napaatras ako dahil sa takot na naramdaman ko. Bigla rin akong nakaramdam ng pag-aalala kay Baby Jira dahil bigla lang siyang nawala. Anong nangyari? "Huwag kang mag-alala prinsesa. Dahil ang kaharap mong dragon ay si baby Jira. Yan ang tunay niyang anyo." “Ano? Teka, hindi ba’t isa siyang cricetinae?” naguguluhan kong tanong. "Isang dragon si baby Jira. Nag-anyong cricetinae lang siya upang hindi siya makita ng ibang Nine Tailed Fox," nakangiting sagot naman sa akin ni Manara. "E bakit kami lang nina Shin at Lola Wanda ang nakakakita sa kaniya?" tanong ko pa. Ngumiti sa akin si Manara habang si baby Jira na dragon ay nahiga sa ilalim ng puno. "Ang totoo ay kayo lang dalawa ni Shin ang nakakakita sa kaniya. Hindi siya nakikita ni Wanda pero nararamdaman niya ito. Kayong dalawa lang ni Shin ang nakakakita sa kaniya dahil kayo ang pinili ni Jira na maging magulang at tagapag-alaga niya,” paliwanag pa sa akin ni Manara. "Bakit kami?" hindi ko napigilang itanong pa. Hindi ko maintindihan kung bakit kaming dalawa. Kung sa akin lang mag-isa, okay lang. Kaya kong magpaka-ina at magpaka-ama sa kaniya. Ngunit kaming dalawa ni Shin bilang magulang niya, medyo ang awkward lang at nakakailang. "Masyado ka na namang madaming tanong. Mag-umpisa na tayo." Inilabas ni Manara ang siyam niyang gintong buntot hudyat na umpisa na ang training ko sa kaniya. Napalunok naman ako dahil mukhang seryosong seryoso si Manara sa training na ito. Mukhang hindi ito katulad ng training ko kay Shin na puro kalokohan lang naman. Dahil pakiramdam ko ay dibdiban ang training na gagawin sa akin ni Manara. "Palabasin mo na rin ang siyam mong buntot,” seryoso niyang utos sa akin. Napalunok naman ako kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Mukhang napansin naman iyon ni Manara dahil bahagya siyang ngumiti sa akin. “Huwag kang matakot. Hindi ba’t ako ang unang nakakita ng nine tails mo?” nakangiting sabi sa akin ni Manara. Bahagya akong natigilan at na-realize ang sinabi niya. Oo nga pala, kung may isang nilalang man ang totoong nakakakilala sa akin, si Manara iyon kaya nararapat lang na magtiwala ako sa kaniya. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa muling pagmulat nito ay kasabay ng paglabas ng siyam kong buntot. Sinilip ko pa ito at kulay ginto pa rin ang isa. “Alam ko ang nararamdaman mo Akira. Katulad mo, minsan ko ring ikinahiya ang mga buntot ko,” makahulugang sabi sa akin ni Manara. “A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko naman. “Katulad mo ay dumaan din ako sa maraming pagsubok. Isinilang ako bilang isang tao at noong ika-labing walong taong kaarawan ko ay doon din lumabas ang siyam kong buntot. Ngunit ang lahat ng ito ay kulay ginto. Takot na takot ako noon at hindi ko ipinapakita sa mga Nine Tailed Fox ang siyam kong buntot dahil baka hindi rin nila ako matanggap. Ngunit kalaunan ay natutunan ko rin na tanggapin ang pagkatao ko. Kaya natutunan din akong tanggapin ng mundo natin,” pagkukwento niya sa akin. Bahagya akong na-amaze sa kwento niya kahit buod lang iyon ng buong istorya niya. Wala pa kasi akong masyadong alam sa history ng mundo namin kaya wala akong alam sa naging buhay ng gabay namin na si Manara. “Ngunit kaya ginto ang mga buntot mo ay dahil nakatadhana kang maging gabay namin. What about me? Bakit may isang buntot ako na kulay ginto?” naguguluhan ko pa ring tanong. “May purpose ka sa mundong ito Prinsesa Akira. At malalaman mo rin iyon sa tamang panahon. Sa ngayon, kailangan mong magpalakas,” nakangiting sabi naman niya. Lumapit sa akin si Manara at hinawakan niya ang buntot ko na kulay ginto. Nagliwanag ito at naging puti na rin katulad ng walo ko pang buntot. "Pansamantala kong itinago ang tunay na kulay ng pang-apat mong buntot. Tandaan mo Akira, kahit hindi nakalabas ang nine tails mo, may kakayahan kang gamitin ang lahat ng abilidad mo. Ngunit mas malakas ang abilidad mo kapag nakalabas ang nine tails mo. At isa pa, dadating sa puntong kinakailangan mong ipakita sa lahat ang siyam mong buntot. At kailangan mong gawin iyon para sa lahi mo." Kumunot ang noo ko. “A-anong ibig mong sabihin?” Ngumiti sa akin si Manara at humakbang siya palayo sa akin. “Malalaman mo rin ang lahat. Sa ngayon, alam kong nagugutom ka na at pati na rin si Baby Jira. Itinago ko sa paligid ang almusal niyo at ito ang unang part ng training mo. Kailangan mong mahanap sa pamamagitan ng pag-amoy ang pagkain.” “Ha?” hindi makapaniwalang tanong ko naman. “Yes Prinsesa Akira. Ang isang dugong bughaw ay may mas malakas na pang-amoy kaysa sa pangkaraniwang Nine Tailed Fox. Kaya kailangan mong makabisado ang tamang paggamit nito,” mahinahong sagot naman niya sa akin. Magsasalita na sana ako ngunit biglang kumulo ang tiyan ni Baby Jira. Dahil sa malaki siya ngayon ay rinig na rinig namin ni Manara iyon. Napalingon ako sa kaniya at nag-puppy eyes naman sa akin si Baby Jira. “Gutom na si Baby Jira. You should start Prinsesa Akira,” narinig ko namang sabi sa akin ni Manara. Napatango naman ako at inilibot ko ang paningin sa burol. Hindi ko alam kung paano at saan magsisimulang maghanap. Sinubukan kong lumapit sa mga puno at ginamit ang pang-amoy ko. Ngunit ang naaamoy ko ay ang scent ng mga dahon at ilang insektong nakadapo sa mga puno. Paano ko ba maaamoy ang pagkain na iyon, ni hindi man lang sinabi sa akin ni Manara kung anong klaseng pagkain iyon. Ngunit kailangan kong mahanap agad iyon dahil ramdam kong gutom na gutom na si Baby Jira. Ipinikit ko ang mga mata ko at mas nilakasan ko ang pang-amoy ko. Hanggang sa naamoy ko ang carrots at repolyo. Sinundan ko ang amoy na iyon at nang masiguro kong nasa tamang pwesto na ako ay iminulat ko ang mga mata ko. “Saan naman nakatago iyon dito?” tanong ko sa sarili ko. Nasa damuhan kasi ako kung saan walang kahit na anong puno o bato na pwedeng pagtaguan ng pagkain. Teka, huwag mong sabihin na nakabaon sa lupa ang pagkain namin ni Baby Jira? Lumingon ako kay Manara na nakangiting nakatingin sa akin. Si Baby Jira naman ay ipinapagaspas pa ang kaniyang mga pakpak at ramdam kong tuwang tuwa siya. Lumuhod ako sa kinatatayuan ko at inilapat ang ilong ko sa damuhan. Mas lalong lumakas ang amoy ng mga gulay kaya walang pagdadalawang isip na hinukay ko ang kinatatayuan ko ngayon. Matapos ang halos sampung minutong paghuhukay ay nakita ko na ang kahon na gawa sa kahoy. Agad ko iyong kinuha at nakangiting ipinakita iyon kina Manara at Baby Jira. Masaya akong tumakbo palapit sa kanila habang hawak ko pa rin ang kahon. “Binabati kita sa una mong training Prinsesa Akira. Ngayon ay pagsaluhan niyo ni Baby Jira ang almusal niyo,” nakangiting sabi sa akin ni Manara. Binuksan ko ang kahon at bumungad sa akin ang tatlong carrots at dalawang repolyo. Agad namang nag-anyong cricetinae si Baby Jira at saka namin masayang pinagsaluhan ang almusal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD