KANJI SHIN’S POV
Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang mawalan ng malay si Akira at baby Jira. At hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagigising. Araw araw ang pagmo-monitor ng doctor kay Akira at ayon sa kaniya ay wala pa ring pagbabago, mabagal pa rin ang heartbeat ni Akira. Pinakiusapan ko na rin si Lola Wanda na baka may alam siyang gamot na ikakagaling ni Akira. Ngunit maski siya ay hindi niya alam kung paano babalik ang lahat ng lakas ni Akira.
Ang mga magulang naman ni Akira ay araw araw siyang binibisita, yun nga lang ay isang oras lang ang pamamalagi nila. Ako naman ay halos dito na tumira sa clinic. Araw araw at gabi gabi kong binabantayan si Akira. Araw araw at gabi gabi rin akong umaasa na magigising na siya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hindi pa rin sila nagkakamalay.
Yung sa mga babae naman na siyang may gawa kay Akira nito, ang leader nila na si Karisa ay nag-commit daw ng suicide at naglaho na lang ang katawan. Habang ang tatlo ay mga tulala na lang at nawala na sa sarili. Iniisip ng Konseho na baka hindi raw kinaya ng konsensya nila kaya yun ang kinahantungan nila.
"Kanji."
Napalingon kina Inaki na kapapasok lang dito sa kwarto ni Akira. Mukhang kagagaling lang nila sa klase dahil mga naka-uniform pa sila.
"Inaki, Miro," pagbati ko naman sa kanila.
"Kami na muna ni Miro ang magbabantay kay Akira. Magpahinga ka na muna," seryosong sabi sa akin ni Inaki.
Napatingin ako kina Akira at Baby Jira at saka nagpakawala ng buntong hininga.
"Okay lang ako,” mahinang sabi ko sa kanila.
Hindi ko kayang iwanan sina Akira. Gusto ko na kapag nagising sila ay ako ang una nilang makikita.
"Kanji, napapabayaan mo na ang sarili mo. Wala kang tulog, hindi ka na rin masyadong nakakakain. Baka ikaw naman ang magkasakit nyan," nag-aalalang sabi naman ni Inaki.
Hinawakan ko ang kamay ni Akira. Iniwan ko na siya dati, at hindi ko na ‘yon gagawin pa ulit.
"Dito lang ako. Huwag niyo na akong alalahanin,” seryosong sabi ko naman.
"Kanji, kahit ngayon lang ay makinig ka kay Inaki,” sabi naman sa akin ni Miro.
Napatayo na ako at humarap kina Inaki at Miro. Naikuyom ko na rin ang mga kamao ko at masamang tiningnan ang dalawa.
"OKAY NGA LANG KASI AKO!” malakas na sigaw ko na ikinagulat naman nila. Maski ako ay nagulat sa sarili ko. Hindi ko kasi ugaling manigaw ng iba and yet, nagawa ko na.
"I'm sorry," hinging paumanhin ko sa kanilang dalawa nang mahimasmasan ako.
"Naiintindihan namin Kanji. Pero sana sundin mo ako kahit ngayon lang. You need some rest,” sabi naman ni Inaki.
Umupo ulit ako sa tabi nina Akira at muling hinawakan ang kamay niya. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi nagigising si Akira."
Wala nang nagawa sina Inaki at Miro, hindi na nila ako pinilit o kinulit pa. Tanging buntong hininga ang narinig ko mula sa kanila.
"Pero alam mo, kapag nagising na si Akira, panigurado matatakot yun sa ‘yo. Mukha ka na kasing zombie e," pang-aasar sa akin ni Inaki.
"Gwapong zombie," nakangisi kong sabi sa kaniya.
"Yuck Kanji, ang kapal ng mukha mo,” kunwaring naiinis na sabi naman sa akin ni Inaki.
Natawa na lang ako sa reaksyon ni Inaki. Maski siya ay natawa rin sa kaartehan niya.
"Excuse me, sa labas lang ako."
Natigil ako sa pagtawa nang biglang lumabas si Miro. Nagkatinginan pa kami ni Inaki na kapwa naguluhan sa iniakto ni Miro.
"Anong nangyari dun?" nagtatakang tanong pa ni Inaki.
Nagkibit balikat na lang ako at ibinaling ko na ulit ang tingin ko kay Akira. Pumunta naman sa kabilang side ng bed si Inaki at umupo rin doon.
“Don’t worry Kanji, magiging maayos din si Akira,” mahinang sabi pa niya sa akin.
Marahan naman akong napatango. Malakas si Akira at hindi siya basta-basta sumusuko kaya naniniwala rin ako na malalagpasan niya ang pagsubok na ito. Siya ang Prinsesa ng mga White Nine Tailed Fox. Siya ang pinaniniwalaang pinakamalakas sa aming lahat.
AKIRA’S POV
"Ano Akira, hanggang dyan na lang ba ang kaya mo?"
Napaluhod na lang ako. Sinasabi ko na nga ba ga, dibdiban ang magiging training ko kay Manara.
Gumawa si Manara ng isang napakatibay na shield at kailangan ko raw yung sirain. Halos dalawang oras ko nang sinubukan na sirain ito kaso ni gasgas o konting c***k ay wala pa ito.
Sobrang tibay kasi ng ginawa niyang shield at kahit pagsabay sabayin ko pa ang kapangyarihan ng siyam kong buntot ay hindi pa rin ito natitinag. Ramdam kong nababawasan na ang energy ko ngunit sa halip na pagpahingahin muna ako ni Manara ay mas lalo niyang sinasabi na kailangan kong mapagtagumpayan ang pinapagawa niya sa akin.
Akala ko ba kailangan kong ma-restore ang nawala kong energy? E parang mas lalo akong made-drain sa training na ito. Parang gusto ko na lamang magkamalay at bumalik kina Shin.
"Napakahina mo Akira para tawaging Prinsesa ng mga Nine Tailed Fox. Paano mo maipagtatanggol ang mga nasasakupan mo kung ang simpleng shield na ‘yan ay hindi mo magawang sirain?" galit na tanong sa akin ni Manara.
Napapikit na lang ako at unti unting pumatak ang mga luha ko. Parang mga espadang tumusok sa puso ko ang bawat salitang namutawi sa labi ni Manara. Sa halip na lumakas ang loob ko ay mas lalo akong nanghina. Mas lalo akong nawalan ng tiwala sa sarili ko. Na baka nga tama siya, sobrang hina ko at hindi ako karapat-dapat na maging prinsesa. Hindi ako ang nilalang na inaasahan ng lahat na mamumuno sa kanila balang-araw.
"Baka kasi hindi ako karapat dapat na maging prinsesa. Nagkataon lang na anak ako nina Mommy at Daddy na siyang hari at reyna ng mga White Nine Tailed Fox," walang emosyong sabi ko kay Manara.
Hindi ko naman kasi ginustong maging isang prinsesa e. Nagkataon lang talaga na ang magulang ko ang hari at reyna ng mga Nine Tailed Fox. Hindi naman ito ang buhay napinapangarap ko. Hindi ito ang gusto ko.
Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Manara. "Tandaan mo Akira, hindi ka naging anak nina Haring Alejandro at Reyna Rachelle dahil sa wala lang. Hindi ka napunta sa lugar na ito nang wala lang. Lahat ng bagay Akira ay may dahilan. May dahilan kung bakit ka naging prinsesa. May dahilan kung bakit nakulong ka sa Deactivation Room at napunta sa kasuluk sulukan ng puso mo. May dahilan kung bakit buhay ka pa rin hanggang ngayon. At sana Akira, makita mo ang dahilan kung bakit ikaw ay si Akira. Sana ay makita mo ang halaga mo at ang totoong purpose ng buhay mo," mahabang sabi pa niya sa akin.
Napatingin ako kay Manara. Nag-snap siya ng finger niya at biglang nawala na lang ang shield. Lumapit naman sa akin si Baby Jira na anyong dragon pa rin.
"At isa pa pala, walang sinuman ang nagsimula sa pagiging malakas. Kailangan mo munang maging mahina para maging malakas. At hindi ka magiging malakas kung magpapatalo ka sa pagiging mahina mo. It's a process Akira, kaya nga may tinatawag na training. At kung susukuan mo ang mga training, wala na nga talagang pag-asa para maging malakas."
Pagkasabi niya no’n ay naglaho na siya sa harapan ko. Naiwan na lang kaming dalawa ni baby Jira.
Dalawang araw na kaming nagte-training ni Manara at pagod na pagod na ako. Gustong gusto ko nang bumalik sa mundo ng mga Nine Tailed Fox dahil miss na miss ko na ang magulang ko at sina Inaki. Pero may apat na araw pa ang natitira sa pananatili ko dito. At may apat na araw pa akong training.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang pagte-training. Hindi ko alam kung magagawa ko pa ba ng maayos ang mga pinapagawa sa akin ni Manara. Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba ang lahat.
"Mama."
Umayos ako ng upo sa may damuhan at si baby Jira naman ay umunan sa may hita ko. Hindi naman siya ganoon kabigat dahil ulo niya lang ang nakapatong sa may hita ko.
"Hindi ko na ata kaya baby Jira. Gusto ko nang sumuko,” naiiyak kong sabi.
"Huwag kang susuko Mama."
Bigla akong napatingin kay baby Jira. Tama ba ang narinig ko? Nakakapagsalita na siya bukod sa Mama, Papa at Jira?
"Nakakapagsalita ka na baby Jira?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Tumayo si Baby Jira at ipinagaspas niya ang mga pakpak niya. "Mama, huwag suko. Mama, Papa at Jira."
Hala, ano daw? Huwag daw akong susuko? Para sa aming tatlo? Tama ba ang pagkakaintindi ko?
"Papa at Jira loves Mama,” masiglang sabi pa ni Baby Jira.
Bigla kong naalala si Shin. Si Shin lang naman kasi ang tinatawag niyang papa e. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito. At pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko. Kaya niyakap ko na lang si baby Jira at pinikit ko ang mga mata ko.
Akira, mahal na mahal kita. At hihintayin ko ang paggising mo. I will wait for you.
Bigla akong napamulat nung marinig ko ang boses ni Shin. Nilibot ko pa nga ang tingin ko sa palibot pero hindi ko naman siya nakita. Guni-guni ko lang ba yun?
"Papa!" bulalas ni Baby Jira.
"Baby Jira, narinig mo rin si Shin?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nagpaikot ikot sa may burol. Parang hinahanap din niya si Shin.
"Papa!"
Nakaramdam ako ng awa kay baby Jira, para kasi siyang isang bata na hinahanap ang kanyang ama. Nakita ko rin ang mga mumunting luha na namumuo sa mga mata niya. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.
"Huwag kang mag-alala baby Jira, makikita mo na rin ang papa mo."
Bumitaw ako kay baby Jira at tiningnan siya ng deretso sa mga mata niya. Nginitian ko siya at napangiti na lang din siya sa akin.
"Manara, ituro mo na sa akin ang lahat ng kailangan kong matutunan dahil babalik na kami ni baby Jira sa mundo namin."
Biglang sumulpot ulit si Manara sa harapan ko at nakangiti.
"Si Kanji lang pala ang makakapagpalakas ng loob mo eh,” nakangiting sabi pa niya.
Pakiramdam ko ay namula na naman ang pisngi ko dahil sa sinabing iyon ni Manara.
"H-hindi si Kanji ang nagpalakas ng loob ko kundi si baby Jira,” nauutal kong pagtanggi.
"Pero prinsesa, umpisa pa lang ito ng pagiging Nine Tailed Fox mo. Kaya sana huwag kang basta basta sumuko dahil lang sa pagod ka na. Pwede ka namang magpahinga eh, pero h’wag na h’wag kang susuko. Kahit kailan, hindi naging solusyon ang pagsuko. So mag-umpisa na ulit tayo?"
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Tama siya, hindi solusyon ang pagsuko. Kung napapagod na, pwedeng magpahinga pero hindi ibig sabihin nun ay kailangan nang sumuko. Lumaki akong independent sa kahit na sino kaya wala sa bokubolaryo ko ang pagsuko.