34

1589 Words
AKIRA’S POV Isang masarap na pansit na punong puno ng gulay ang niluto ni Lola Wanda. May dessert pa nga na ube halaya at inumin na avocado shake. Ang dami ko nakain at busog na busog ako kaya nakaupo lang ako sa sofa at hindi masyadong gumagalaw. Pero kahit madami na akong nakain ay pakiramdam ko pa rin na pagod na pagod ako. Hindi ko lang ipinapahalata iyon kay Shin pati kay Lola Wanda. Maya maya pa ay lumapit na sa amin si Lola Wanda na may dalang malaking photo album. Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Shin nang makita niya ang dala ni Lola. Pilit pa nga niya itong inaagaw kay Lola pero sadyang mas malakas si Lola Wanda kaysa kay Shin. Wala nang nagawa si Shin kundi ang maupo na lang sa katapat na upuan habang si Lola ay nakangiting umupo sa tabi ko. "Ipapakilala ko ng lubusan sa ‘yo si Kanji,” nakangiting sabi sa akin ni Lola Wanda. Inumpisahan nang buklatin ni Lola Wanda ang photo album na hawak niya. Tiningnan ko si Shin at gusto kong matawa sa itsura niya. Namumula na siya at hindi mapakali sa upuan niya. "Ito siya noong isang taong gulang pa lang siya." Napangiti ako sa baby picture ni Shin. Ang puti ni Shin at ang taba-taba ng pisngi niya. "Ang cute mo dito Shin, sana baby ka na lang para lagi kang cute," pang-aasar ko naman sa kaniya. Ipinakita rin ni Lola ang picture ni Shin noong limang taong gulang pa lang siya. Nakalabas ang nine tails niya pero naka-human form pa rin naman. Napatitig ako doon sa picture habang may inaalala ang isipan ko. "Ikaw? Ikaw nga!" nakangiti kong sabi habang nakatitig pa rin dun sa picture. "Ha?” naguguluhang tanong naman sa akin ni Shin. "Ikaw ang batang nakita ko noon. Yung batang may siyam na buntot na tinakbuhan ako." Hindi ko akalain na totoo nga yung nakita ko noon. Hindi ko rin akalain na after 13 years ay magkikita ulit kami ng batang yun at mas lalong hindi ko akalain na si Shin pala yun. Bakit nga ba nawala sa isip ko ang batang nakita ko noon? Kung hindi ko pa nakita ang picture ni Shin ay hindi ko pa maaalala na may nakita na akong Nine Tailed Fox noon. "Nagkita na pala kayo dati eh, yun na yata ang tinatawag na destiny," nakangiting sabi naman ni Lola. Nagkatinginan kaming dalawa ni Shin pero agad akong napaiwas ng tingin. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko doon sa photo album. Marami pang pictures si Shin pero ang nakaagaw ulit ng atensyon ko ay ang isang picture na siguro ay 10 years old pa lang siya. May katabi siyang babae na kasing edad niya lang at parang pamilyar sa akin ang babae. "Sino po ito?" itinuro ko kay Lola ang babaeng katabi ni Shin. "Yan si Inaki, ang first love ni Kanji," nakangiting sagot naman ni Lola. "Lola!" pagsaway naman ni Shin. "Totoo naman Kanji ah, siya ang first love mo. Alam mo ba Akira, kababata niya ‘yang si Inaki, botong boto nga kami ng magulang nitong si Kanji. Kaso nga lang laging basted. Pero nang pumunta si Inaki sa mundo ng mga tao, sinundan siya ni Kanji. At dun na nangyari ang mga pagbabagong hindi ko akalain na magbabago pa." Parang nakwento na sa akin ito ni Inaki, hindi ko lang masyadong matandaan. At aaminin ko, nakaramdam ako ng inggit kay Inaki dahil sa ginawa ni Shin para sa kaniya. “Pero teka, pumunta kayo sa mundo ng mga tao dati? Kailan iyon?” curious na tanong ko. Baka totoong kilala ko sila ni Inaki dati. Baka inalis lang nila ang alaala ko sa kanila noong lumipat ako sa LA. Baka silang dalawa ang alaalang nawawala sa isipan ko. “Bakit mo naman natanong?” seryosong tanong sa akin ni Shin. Marahan akong napailing. Pinilit kong ngumiti sa kaniya habang siya naman ay deretsong nakatingin lang sa akin. Mahal na mahal pala niya si Inaki. Mahal na mahal kita Akira, pero kailangan ako ni… Bigla akong napahawak sa noo ko dahil biglang may nag-pop up na naman sa utak ko. Ang boses na naman ng lalaking lagi kong napapanaginipan pero hindi malinaw sa akin ang pangalan na binanggit niya sa hulihan. "Akira, what happened? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lola Wanda. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong basa nga ito. Umiiyak ako? Pero bakit? Nag-aalalang lumapit sa akin si Shin habang si Lola ay pumunta sa kusina at kumuha ng tubig. "Akira,” punong puno ng pag-aalala ang boses ni Shin. "Shin, mahal niya raw ako pero may nangangailangan sa kaniya kaya iniwan niya ako. Hindi ko siya kilala pero nasasaktan ako Shin. Ang sakit sakit." Patuloy lang ako sa pag-iyak habang sinasabi iyon kay Shin. Nasasaktan ako dahil sa nag-play sa utak ko at hindi ko alam kung bakit apektado ako. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko pero isa lang ang alam ko, nasasaktan ako. Pinunasan ni Shin ang mga luha ko gamit ang kamay niya. Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko. "Tahan na, h’wag ka munang mag-isip Akira. Clear your mind." Pero sa halip na mablangko ang utak ko ay mas lalo itong nagkaroon ng mga pangyayaring hindi ko alam kung nangyari nga ba talaga. Wow, mula nang makilala kita, ‘yan na ang pinakamahaba mong nasabi. Sumunod ka na lang Akira. Hindi sa lahat ng oras, kaya kitang protektahan. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ako. She rejected me AGAIN. Akira, I love you. Napahawak na naman ako sa noo ko dahil sumasakit na naman ito. Nag-eecho pa rin kasi sa utak ko ang boses nang lalaking yun. Para nang binibiyak ang ulo ko pero wala pa ring humpay ang utak ko sa pag-iisip ng mga pangyayaring hindi ko na maintindihan. "Hija, uminom ka muna ng tubig para makalma ka,” nag-aalalang sabi naman sa akin ni Lola Wanda. Uminom ako ng tubig pero hindi nabawasan ang sakit ng ulo ko. Patuloy lang din ang mga mata ko sa pagluha. Pumikit ako pero yung imahe ng lalaki ang nakikita ko. "Sino ka ba?" mahina kong sabi. Kumalong naman sa akin si baby Jira kaya napatingin ako sa kaniya. Umiiyak din siya at katulad ko, nasasaktan din siya. Bakit ganoon? Nararamdaman ba ni baby Jira ang nararamdaman ko? "Nararamdaman ni baby Jira ang nararamdaman mo hija, dahil ikaw ang pinili niyang maging ina,” seryosong sabi naman ni Lola Wanda na waring nabasa ang iniisip ko. Lumapit ulit sa akin si Shin at pinunasan ulit ang mga luha ko. Tiningnan ko siya sa mata at nagulat ako dahil paiyak na rin siya. Teka, namamalikmata ba ako? Bigla niya akong niyakap kaya natigilan ako. "Pagod ka na Akira, matulog ka na,” mahinahong bulong sa akin ni Shin. Hinaplos ni Shin ang buhok ko at ewan ko ba, bigla na lang akong nakaramdam ng pagod at antok. Hanggang sa ipinikit ko na lang ang mga mata ko. KANJI SHIN’S POV "Kanji, apo, tulog na siya." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabing iyon ni lola. Inihiga ko muna si Akira sa may sofa at pinagmasdan siya. Ayokong mag-assume pero sa palagay ko ay ako ang tinutukoy niya kanina. Baka unti-unti nang bumabalik ang mga inalis naming alaala sa kaniya. Pero nakakapagtaka dahil permanente na naming inalis iyon. "Iuwi mo na ang prinsesa sa tinutuluyan niya,” mahinahong utos sa akin ni Lola. Alam ni lola ang tunay na pagkatao ni Akira, ayaw niya lang itong ipahalata kay Akira. "Lola, posible po bang maalala niya ako kahit na permanente na naming inalis ang alaala niya?" "Walang imposible sa puso apo. Maaaring inalis niyo ang alaala sa isip niya pero hinding hindi niyo maaalis ang kung ano man ang nasa puso niya.At sa oras na manaig ang puso niya, maaalala niya ang lahat ng memoryang inalis niyo sa kaniya,” mahabang paliwanag naman sa akin ni Lola. Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Hindi ko po alam kung anong magiging reaksyon niya kapag naalala niya ako." "Saka mo na lang isipin ‘yan. Iuwi mo na lang muna siya." Sinunod ko ang sinabi niya. Binuhat ko si Akira at si baby Jira naman ay umakyat sa balikat ko. Nagpaalam na ako kay Lola then nag-teleport na ako papunta sa kwarto ni Akira at Inaki. Gabi na rin pala. "Hindi na talaga ako magugulat sa biglang pagsulpot mo. Teka, anong nangyari sa kaniya?" Ito agad ang bungad sa akin ni Inaki, ibinaba ko sa kama niya si Akira at kinumutan. "May nababanggit ka ba kay Akira tungkol mga alaalang inalis namin sa kaniya?" tanong ko naman. Marahang umiling si Inaki. "Wala na akong nabanggit pa kasi ‘di ba nga pinagbawalan mo na ako. Bakit? Nakakaalala na ba siya?" "Hindi. Pero sa palagay ko ay may ilang pangyayari ang nagpe-play sa utak niya." "So you mean malapit na siyang makaalala?" Sumulyap ako kay Akira na mahimbing nang natutulog. "Hindi ko alam." Lumapit ako kay Akira at hinaplos ang buhok niya. "Maalala mo man o hindi ang lahat, mahal na mahal pa rin kita kahit na siya ang mahal mo." Hinalikan ko siya sa noo at pagkatapos nun ay nag-teleport na ako papunta sa kwarto ko. Hindi sumama sa akin si baby Jira dahil mas gusto niya ata na doon matulog sa tabi ni Akira. Nahiga na lang din ako sa kama ko. Anong mangyayari kapag naalala niya ang lahat? Kapag naalala niya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD