33

1980 Words
INAKI’S POV "Miro, pakawalan mo ako dito!" sigaw ko kay Miro pero ang lalaking ito ay tumingin lang sa akin at ngumisi pa. Nandito kasi kami sa isang gubat and we are under the illusion made by Louie. Bahagi raw kasi ito ng training namin at kailangan daw naming makalabas ni Miro sa gubat na ito. At ang magaling na lalaking kasama ko ay ikinulong ako sa ginawa niyang malaking air ball. Nakakainis dahil hindi ko magamit ang kapangyarihan ko at hindi ako makalabas dito. Hindi ko alam kung paano naging ganito na kalakas si Miro at kung bakit wala akong magawa laban sa kaniya. Hindi ko alam kung malakas na talaga siya o natataranta lang ako sa presensya niya kaya hindi ko masyadong magamit ang kakayahan ko. "Mas mabuting dyan ka na lang, para makasiguro akong ligtas ka,” seryosong sabi naman sa akin ni Miro. Gusto kong kiligin sa sinabi niya pero mas nangibabaw pa rin sa akin ang pagkainis. He’s acting like he cared for me and I don’t know how to react to it. "Minamaliit mo ba ako? Baka nakakalimutan mong mas nauna akong maging fox kaysa sa ‘yo. So let me go Miro!" sumisigaw pa rin ako para marindi siya sa akin, malay mo kapag narindi siya ay pakawalan na niya ako dito. "I won't let you go Inaki,” seryoso niyang sabi sa akin. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang nakasunod itong air ball na ito sa kaniya. At ako naman ay natulala na lang dahil nag-eecho sa isipan ko ang huling sinabi niya. Bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko at ayoko ng ganito dahil nagmo-move on na ako. At isa pa, kaibigan ko ang girlfriend niya na pilit niyang iniiwasan kaya nasasaktan ngayon si Akira. Naputol ang pag-iisip ko nang tumigil sa paglalakad si Miro. At nanlaki ang mga mata ko dahil may isang halimaw ang nakaharang sa daanan namin. Malalaki ang ngipin niya at may matitilos na kuko. Kulay red ang nanlilisik niyang mga mata. In short, nakakatakot ang halimaw na ito para sa isang normal na nilalang. Kaya mas lalong umigting ang kagustuhan kong makalabas sa air ball na ito. Training namin ito at ayokong si Miro lang ang makipaglaban sa halimaw. Ito ang na-miss ko sa mundong ito tapos ipagkakait pa niya sa akin. How dare him? "Miro, ano ba? I want to fight also,” pangungulit ko pa sa lalaking kasama ko. Inilabas ni Miro ang nine tails niya habang yung halimaw ay nakatayo lang sa harapan namin. Mukhang mas gusto niya na kami muna ang umatake sa kaniya. "Dyan ka lang!" sigaw naman sa akin ni Miro. "Kapag hindi mo ako pinakawalan dito, sasaktan ko ang sarili ko,” seryoso kong sabi. Kung hindi ko siya madadaan sa pakiusap, baka naman dito ay makumbinsi ko na siya. "You can't do that,” sabi naman niya. I smirked at him. "You know I can, kilala mo ako Miro," may himig na pagbabanta ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya then unti unti nang nawawala ang air ball na nagkukulong sa akin. And hola! I'm free. "Mag-iingat ka, kulit. Tss,” inis na sambit niya. Napangiti na lang ako then sabay kaming humarap sa halimaw. Inilabas ko na rin ang nine tails ko. Inangilan naman kami ng halimaw at hindi ko nagustuhan ang hanging nagmula sa bibig nito. "Yuck! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo kung paano magsipilyo?" maarte kong sabi doon sa halimaw habang nakatakip ang ilong ko. Ang baho ng hininga niya at feeling ko ay masusuka ako. "Sabi ko naman kasi sa ‘yo na doon ka na lang. Tapos ngayon mag-iinarte ka dyan,” inis na sabi naman sa akin ni Miro. Napairap na lang ako sa kaniya. Bakit ko nga ba minahal ang lalaking ito? "Tapusin na lang natin ito dahil nasusuka na ako sa amoy niya,” imbes ay sabi ko na lang. Nagpalabas ako ng bow and arrow na galing sa ikalawang buntot ko. Gawa ito sa apoy dahil fire ang element ng nine tails ko. Samantalang si Miro naman ay air sword dahil air ang element ng nine tails niya. Nakakabilib talaga si Miro, kontrolado na niya ang abilidad at kakayahan niya. "Tirahin mo lang siya habang ako ay susugod sa kaniya at pupuntiryahin ko ang puso niya." Tumango na lang ako kay Miro bilang pagsang-ayon. Nag-umpisa na akong tirahin ang halimaw ng arrow ko at una kong pinatamaan ang binti niya. Sumigaw naman siya sa sakit at naging agresibo na. Si Miro naman ay tumakbo palapit sa halimaw. Ipinagpatuloy ko ang pagpana sa halimaw pero hindi ko na siya matamaan dahil nagwawala na ito. Nagpalabas ito ng mga fire balls mula sa bibig niya at umatake ang mga ito sa direksyon ko. Agad ko namang naiwasan ang mga ito habang patuloy ang pagpana sa halimaw. At huli na nang makita ko ang isang fire ball na palapit sa akin. Tumama ito sa braso ko at nalapnos pero hindi ko na lang ininda ang sakit. Pinatamaan ko ulit ang isa pa niyang binti kaya napaluhod na ang halimaw. Iyon na ang tamang timing para kay Miro. Mabilis siyang lumapit sa halimaw at sinaksak ang dibdib nito. Pagkatapos noon ay naglaho na ang halimaw. Agad namang lumapit sa akin si Miro at tiningnan ang braso ko na may lapnos. "Sabi kong mag-ingat ‘di ba?" galit niyang sabi sa akin. Binatukan ko nang malakas si Miro at muntik pa nga siyang mapasubsob sa lupa na ikinangiti ko naman. "Sigawan mo pa ako at ikulong mo pa ako sa air ball mo, hindi lang ‘yan ang gagawin ko sa ‘yo,” pagbabanta ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin ng masama. Tinaasan ko siya ng kilay, akala niya ata ay masisindak niya ako sa mga ganyan niya. Umiling lang siya and the next thing I knew, buhat buhat na niya ako. "Teka, hoy Miro! Ibaba mo ako,” natataranta kong sabi sa kaniya. "Ang dami mong satsat dyan, gusto ko nang makalabas sa gubat na ito para madala kita sa clinic,” seryosong sabi naman niya. Natahimik naman akong bigla dahil sa sinabi niyang yun. Concern siya sa akin? "Huwag kang feeler dyan. Concern ako dahil little sister kita." Napansin niya ata na natahimik ako kaya yun ang sinabi nya. And wow lang, tagos na tagos sa puso ko, little sister lang talaga ang tingin niya sa akin. "Kaya kong maglakad kaya ibaba mo na ako," mahinahon kong sabi sa kaniya. Hindi siya nag-react sa sinabi ko at nagdere deretso lang sa paglalakad habang buhat pa rin ako. Hanggang sa makalabas na kami ng gubat at sinalubong kami ni Louie. "Good job Mr. Miro and Ms. Inaki." Pero hindi siya pinansin ni Miro at tuloy pa rin sa paglalakad. Agad namang humarang si Louie sa amin. "Dadalhin ko siya sa clinic," seryosong sabi ni Miro kaya napatingin ako sa kaniya habang si Louie naman ay tumawa lang. "Nakalimutan mo atang ilusyon lang ang lahat Miro." Pareho kaming natigilan ni Miro at sabay na tumingin sa braso ko. Wala na ang sugat na natamo ko kanina at hindi na rin ako nakaramdam ng panghahapdi. "At pwede mo na rin siyang ibaba," nakangiti pang sabi ni Louie kaya agad akong ibinaba ni Miro. Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. "Sige ito na lang muna ngayong araw. You are dismissed." Pagkasabi no’n ni Louie ay umalis na siya sa training field. At isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Totoo pala talaga na nakakabingi ang sobrang katahimikan. "Sige,” maiksing sabi niya. Aalis na sana siya ngunit agad ko siyang pinigilan. “Alam mo naman siguro na nasasaktan si Akira sa ginagawa mo hindi ba? Kaibigan at tagapangalaga niya ako Miro. Kaya sana naman ay ayusin mo ang gulong ginawa mo.” Pagkasabi ko no’n ay umalis na ako sa training field namin at iniwan siyang tulala. Kahit naman mahal ko pa si Miro, hindi ko sasamantalahin na hindi sila okay ni Akira ngayon. Matagal ko nang tinanggap na wala akong pag-asa sa kaniya. AKIRA’S POV “Tapos na ba ang training niyo?” Sabay kaming napalingon ni Shin sa nagsalita. Isang babae na medyo may katandaan na ang nakangiting naglalakad palapit sa amin. "Magandang araw po,” magalang kong bati nang makalapit ito sa amin. "Magandang araw din naman. Hoy Kanji apo, wala ka bang balak ipakilala ako sa kaniya?" baling naman ng babae kay Shin. Napatingin naman ako kay Shin na nagkakamot ng batok niya. "Apo? Lola mo siya?" tanong ko naman. "Oo, Ms. Akira siya ang Lola Wanda, and Lola siya po si Akira,” pagpapakilala naman ni Shin. Hinawakan naman ng lola ni Shin ang magkabilang pisngi ko. "Ang ganda ganda mo Hija, nice catch apo!" "Lola!" halos pasigaw na sabi ni Shin kaya agad ko siyang siniko at sinamaan ng tingin. "Huwag mong sigawan si Lola mo, igalang mo siya!" galit ko pang sabi kay Shin. "Hindi ko siya sinisigawan,” pagtanggi naman niya. "Eh anong tawag mo do’n? Bulong?" pamimilosopo ko naman. Medyo napataas na ang boses ko dahil sa inis. Hinawakan naman ni Lola Wanda ang dalawa kong kamay kaya napatingin ako sa kaniya. "Napakagalang na bata. Gustong gusto kita Hija. Tawagin mo na rin akong lola ha," nakangiting sabi sa akin ni Lola Wanda. Ngumiti rin ako kahit na medyo naiilang pa ako. "Tapos na naman ang training niyo ‘di ba. Sumama ka muna sa akin Akira sa bahay. Magluluto ako,” magiliw na sabi sa akin ni Lola Wanda. "Lola, magpapahinga na po siya," pagtanggi ni Shin. Tiningnan naman siya ng masama ni Lola Wanda kaya natahimik ulit si Shin. "Tara Hija,” baling sa akin ni Lola. "S-sige po." Hindi na ako nakatanggi pa dahil hawak pa rin ni Lola ang kamay ko. At saka magluluto raw siya at hindi ko tatanggihan yun. Hindi pa kasi bumabalik ang lahat ng lakas ko simula kanina. "Kanji, buhatin mo si baby Jira at sumunod kayo sa amin,” sabi naman ni Lola kay Shin. Bigla akong napatingin kay Lola Wanda. "Nakikita niyo po si baby Jira?" nakangiting tanong ko pa. Isang matamis na ngiti at tango ang isinagot sa akin ni Lola Wanda. Napangiti na lang din ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nice. Tatlo na kaming nakakakita kay baby Jira. Hindi naman gano’n kalayo ang bahay ni Lola Wanda. Nasa loob ito ng academy kaya hindi na namin kinakailangan pang lumabas ng gate. Sa may bakuran pa lang ay namangha na ako dahil sa mga magagandang bulaklak na nakatanim dito. Parang bigla kong nakalimutan pansamantala ang mga problema ko. Pagkapasok namin sa bahay ay pinaupo muna ako ni Lola sa may sofa dahil magluluto draw muna siya. Si Shin naman ay tumabi sa akin at si baby Jira ay nahiga sa palad ko. "Dito ka nakatira?" pagbasag ko sa katahimikan. "Oo, pero sa dorm ako natutulog ngayon. Umuuwi ako dito kapag weekend para samahan si Lola Wanda,” sagot naman niya sa akin. “Pero malapit lang naman ito at nasa loob pa rin ng academy,” sabi ko naman. Bahagyang napangiti si Shin. “Required kasi sa amin na sa Dorm A kami tumuloy dahil member kami ng Faculty. Si Lola Wanda naman ay isang tagagamot kaya nandito rin siya sa academy,” paliwanag naman sa akin ni Shin. "Ang mga magulang mo? Nasaan sila?" "Nasa palasyo sila dahil myembro sila ng Konseho,” maiksing sagot naman niya. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ko naman. “Yes. Don’t worry, makikilala mo rin sila,” nakangiting sabi naman niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko kasi alam kung may iba pang meaning ang sinabi niya o sadyang makikilala ko lang talaga ang buong Konseho kapag naisipan na ng magulang ko na ipakilala ako sa lahat ng Nine Tailed Fox.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD