32

1964 Words
AKIRA’S POV Mabilis na nakasunod sa amin si Shin at may dala na siyang pagkain para kay Jira. Tuwang tuwa naman si Jira na tumakbo pa sa may ilalim ng puno kagat-kagat ang carrots na ibinigay ni Shin. Napangiti na lang ako dahil sa taglay na ka-cute-an niya. “Ms. Akira,” seryosong tawag sa akin ni Shin. Bahagya akong natigilan dahil sa biglang pagtawag niya sa akin ng Ms. Akira. Sobrang seryoso pa ng boses niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit nag-iba agad ang mood niya. “Alam kong nagtataka ka. Pero masyado yata akong naging personal sa ‘yo kahapon. I want to be professional this time. Gusto kong seryosohin natin ang training mo dahil may goal ka na kailangang makamit,” dugtong na sabi pa niya. “Goal? Ang ma-kontrol ko ang mga abilidad ko?” sabi ko naman. Marahang umiling si Shin. “Ang unang goal mo ay ang mapalabas mo ang siyam mong buntot,” seryosong sagot naman niya. Napalunok ako sa sinabing iyon ni Shin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang tumikhim. “P-paano kung hindi ko mapalabas ang siyam kong buntot?” kinakabahan kong tanong. “Don’t worry. Naniniwala ako at ang buong myembro ng Konseho na mapapalabas mo nag siyam mong buntot lalo na at nakausap mo ang Fox Spirit mo kahapon,” sabi naman ni Shin. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hindi ko alam na gusto pa rin ng Konseho na makita ang siyam kong buntot. Ang buong akala ko ay ayos na sa kanila na nagagamit ko ang mga kakayahan ko bilang isang Nine Tailed Fox. Bigla tuloy akong naguluhan sa kung paano ko malulusutan ang problemang ito. Hindi ko naman kasi pwedeng kulayan ang isa kong buntot ng puti. Paniguradong mahahalata pa rin nila iyon. "Teka lang, baka pwedeng ang sa teleportation muna ang ituro mo sa akin?" alanganin kong tanong. Mas gusto ko pang ang teleportation muna ang ituro niya sa akin upang hindi ako ma-pressure tungkol sa mga buntot ko, at upang hindi na rin ako biglang nasulpot sa harap ni Shin. Bahagya namang napangiti si Shin. “Gustuhin ko man ngunit ito ang iniutos sa akin, ang palabasin ang siyam mong buntot.” Muli akong napabuntong hininga. Mukhang wala na akong magagawa kundi ang sakyan muna ang gusto ni Shin. Saka ko na lang siguro iisipin kung paano ko lulusutan ito. "Bilang panimula, iisa isahin ko sa ‘yo ang Nine Tailed Fox Love Code natin." Napataas naman ang kilay ko. Nine Tailed Fox Love Code? Parang narinig ko na ang words na yun. Pero imposible naman iyon. Ngayon pa lang ako namumulat sa mundo ng totoong lahi ko. "Ang kauna unahan ay RESPECT,” seryosong sabi pa niya. Umupo siya kaya umupo na lang din ako. Bale magkaharapan kami ngayon habang naka-indian seat sa may tabi ng ilog. "When you love someone, respect him/her the way you respect your parents. Hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao o fox kung hindi mo siya rerespetuhin. Same as your nine tails. Respect them, huwag mong abusuhin ang kakayahan nila. Respect their abilities and limits. If you respect them, then you and your tails are one." Napakunot naman ang noo ko. "Ibig sabihin may sariling buhay ang mga buntot ko?" "Not really pero parang gano’n na nga. Hindi mo sila mako-kontrol kung hindi mo sila rerespetuhin. Alam ng nine tails mo kapag inaabuso mo na sila," sagot naman niya sa akin. Medyo naguluhan ako pero nakuha ko naman ang gustong i-point out ni Shin. Kahit papaano naman ay may natututunan ako sa kaniya. "Next is TRUST." Naputol ang pag-iisip ko nang biglang magsalita ulit si Shin. Tumingin ako sa kaniya para pakinggan ang kung ano pa mang sasabihin niya. "Alam naman natin na in every relationship, trust is always the foundation of it. Tiwala at pagmamahal ang nagpapatibay sa lahat ng uri ng relasyon. And you need to trust your nine tails. Kung nag-aalinlangan ka sa kakayahan ng buntot mo, ibig sabihin no’n ay hindi mo pa tanggap ng buo ang tunay mong pagkatao. Learn to gain your trust to your nine tails." Parang bigla akong nakonsensya sa sinabi niya. Hindi ko maipakita sa lahat ang siyam kong buntot dahil nag-aalinlangan ako sa magiging reaksyon ng lahat. Naiisip ko lang naman ito sapagkat kakaiba ang isa kong buntot. Kung hindi ko kayang magtiwala sa mga buntot ko, ibig sabihin ay hindi ko pa talaga tuluyang natatanggap ang pagkatao ko. "The third one is DO NOT AFRAID TO TRY." Sa bawat sinasabi niya ay hindi ako nagre-react dahil gusto ko lang siyang pakinggan. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya, ngunit nailang ata siya dahil nag-iwas siya ng tingin sa akin. Napangiti na lang ako lalo na nang makita kong namumula ang mga pisngi niya. "If you love someone, don't be afraid to tell him/her what you really feel. At yun ang hindi ko nagawa,” seryosong sabi niya. Tumingin siya ng deretso sa mga mata ko na ikinagulat ko naman. "Katulad lang din sa pagiging fox mo, h’wag kang matakot na subukan ang lahat ng kakayahan ng isang Nine Tailed Fox at h’wag ka rin matakot na matuto at mag-training." Ang pang-apat ay LISTEN CAREFULLY. Always listen to your heart dahil ito ang nagdidikta kung ano ba talaga ang makakapagpasaya sa ‘yo, at ito rin ang makakapagsabi kung sino ang talagang mahal mo. And regarding naman sa nine tails mo, kailangan mo rin silang pakinggan. Remember, you and your nine tails are one,” seryosong seryoso na si Shin at pakiramdam ko ay relate na relate siya sa topic namin. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Paano ko papakinggan ang siyam kong buntot? Gusto na kaya nilang ipakita ko sila sa lahat ng kalahi ko? Ano kayang nararamdaman nila na itinatago ko sila? Katulad kaya ng nararamdaman ko dahil itinatago rin ako ng mga magulang ko? "Ang panglima ay DON'T BE SELFISH. Ayoko na itong i-elaborate. Basta ang ipinapahiwatig lang nito ay h’wag mong gamitin ang kakayahan ng mga buntot mo para lang sa pansariling kapakanan." Tumayo siya at humarap do’n sa may ilog habang ako ay nanatili lang na nakaupo. Nakatingin lang ako sa malapad na likod niya. "Ang pang anim at pangpito ay BE PATIENT and GIVING UP IS NOT THE SOLUTION. Sabi nga ng lola ko, kung may mahal ka at hindi ka niya mahal, h’wag kaagad sumuko dahil pwede pang may magbago. Malay mo, baka bukas, mahal ka na rin nya, kailangan mo lang maghintay, maging matiyaga at huwag na huwag susuko. Ngayon ko lang na-realize, dalawa pala sa love code ang hindi ko nasunod." Tumayo na rin ako at tumabi sa kaniya. "Kaya pala naman pilit mong ini-relate ang love code sa training natin kasi nakaka-relate ka. Pero sabi nga GIVING UP IS NOT THE SOLUTION. Hindi pa huli ang lahat para sumunod sa Love Code." "So ibig mong sabihin, hindi pa huli ang lahat para ipaglaban ko siya?” deretsong tanong naman niya sa akin. Napatawa ako pero sinagot ko rin naman ang tanong niyang yun. "Nagiging huli lang ang lahat kapag sumuko ka na." Marahang ngumiti rin sa akin si Shin. “Kaya huwag kang susuko Akira. Kung hindi mo man mapalabas ang siyam mong buntot sa ngayon, for sure bukas or sa mga susunod na araw ay mapapalabas mo na siya.” Kung alam lang ni Shin na kayang kaya ko namang palabasin ang siyam kong buntot, wala nga lang akong lakas ng loob na gawin iyon dahil natatakot akong hindi ako matanggap ng lahi ko lalo na nina Mommy at Daddy. Gustuhin mo mang tanungin ang babaeng kumausap sa akin noon, hindi ko naman alam kung paano siya kokontakin. Gusto kong itanong kung bakit kakaiba ang isa kong buntot. Bakit kulay ginto ito, hindi katulad ng wala na kulay puti? “So magsimula na tayo, Akira, umupo ka sa may batong iyon at ilagay mo ang mga paa mo sa tubig,” seryosong sabi pa ni Shin. Napatango na lamang ako at sinunod ang sinabi niya. Ngayon pa lang ay nakokonsensya na ako kay Shin dahil pakiramdam ko ay niloloko ko siya. Alam ko naman kung paano ko palabasin ang siyam kong buntot ngunit heto, sinusubukan niya akong turuan. “Ipikit mo ang mga mata mo at tanggalin mo ang lahat ng iniisip mo. Pakiramdaman mo ang buo mong katawan. Mayroon ka dapat na nararamdaman na parang kuryenteng dumadaloy mula sa dibdib mo papunta sa may likuran mo.” Ipinikit ko ang mga mata ko at agad kong naramdaman ang kuryenteng sinasabi ni Shin. Malakas ito at rumaragasa, pakiramdam ko ay gustong lumabas nito sa katawan ko. “Kapag naramdaman mong parang gustong kumawala ng kuryenteng ito, hayaan mo lang sapagkat ang siyam na buntot mo na ito.” Agad akong naalerto sa sinabing iyon ni Shin. Ilang saglit lang ay alam kong lalabas na ang kuryente o ang siyam kong buntot at hindi pa ako handang ipakita iyon kay Shin. Sa sobrang pagkataranta ko ay agad kong ikinuyom ang mga kamao ko at sinubukang pigilin ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko. Nagawa ko naman iyon ngunit ang kapalit naman ay ang matinding sakit na dumadaloy sa katawan ko. “Aaahhhhhh!” sigaw ko dahil sa sakit. “Akira.” Agad na lumapit sa akin si Shin at inalalayan akong tumayo. Ngunit natumba rin ako agad dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Mabuti na lamang na nasambot ako ni Shin kaya sa mga bisig niya ako bumagsak. “Anong nangyayari Akira?” punong puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Shin. Hindi ko siya magawang sagutin dahil mas lalong tumitindi ang sakit na dumadaloy sa buo kong katawan. Hanggang sa marinig namin ang impit na sigaw ni Jira kaya nalipat sa kaniya ang atensyon ni Shin. “Jira, anong nangyayari sa ‘yo?” “P-puntahan mo siya Shin,” nahihirapan kong sabi. Agad akong binuhat ni Shin at naglakad siya palapit kay Jira. Ibinaba ako ni Shin sa damuhan at doon ko nakita na nagpapagulong gulong si Jira habang impit na sumisigaw. Natataranta na si Shin at hindi niya alam kung anong gagawin. “Dadalhin ko na kayo sa clinic,” ang tanging nasabi niya. Bubuhatin na sana ako ulit ni Shin ngunit agad kong itinaas ang kamay ko upang pigilan siya. Ramdam ko na unti-unti nang nawawala ang sakit na dumadaloy sa buo kong katawan. Pati si Jira ay unti-unti na ring kumakalma. Hanggang sa tuluyan nang nawala ang sakit na nararamdaman ko. “Okay na ako Shin.” “Sigurado ka?” Marahan akong tumango. Lumapit ako kay Jira na nanghihina at binuhat siya. Hinaplos ko ang noo niya. "Mama,” sambit pa ni Jira. Ngumiti ako sa kaniya at muli siyang ibinaba sa may damuhan. Nahiga naman siya doon dahil ramdam kong pagod na pagod siya, katulad ng nararamdaman ko ngayon. Pabagsak din akong humiga sa tabi ni Jira at ipinikit ko ang mga mata ko. Ramdam ko ang mga tingin ni Shin sa akin ngunit ayoko muna siyang kausapin. Alam kong gusto niya akong tanungin ngunit mas pinili na lang din niyang manahimik. Sa ngayon ay ipapahinga ko na lang muna ang katawan ko dahil daig ko pa ang na-drain ang energy. Natapos ang oras ng training namin ni Shin na nakahiga lang ako katabi si Jira. Hanggang sa narinig ko nang magsalita si Shin. “5pm na Akira,” seryosong sabi pa niya. Bumuntong hininga ako. “I’m sorry Mr. Kanji,” seryosong sabi ko naman. “I am your trainor and you can tell me everything Ms. Akira. Just learn to trust me.” Bahagya akong napangiti. Pinagkakatiwalaan ko naman si Shin. Hindi pa lang talaga ako handa sa ngayon na magsabi sa kaniya. Hindi pa ako ready.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD