31

1941 Words
AKIRA’S POV Habang kumakain kami ni Inaki ng lunch ay bigla akong napatingin sa bakanteng table na malapit sa amin. Agad naman akong napansin ni Inaki. "Oh anong nangyari sa ‘yo Aki? Natulala ka na,” sabi pa niya. "Inaki, a-ano iyon?" Itinuro ko ang maliit na, teka, hamster ba ito? Basta ganun ang itsura niya, kulay white siya na may mga pink spots at ang kapal kapal ng balahibo niya. Nakatayo siya doon mismo sa bakanteng table. "Alin?" Tiningnan naman ni Inaki ang itinuro ko at hinahanap ang sinasabi ko. Kita kong kumunot pa ang noo ni Inaki na waring hindi niya nakikita ang maliit na nilalang na iyon. "Mama!" masiglang bigkas ng kung ano man iyon. Teka, ako ba ang tinatawag niyang mama? Pero imposible naman. Ngayon ko lang siya nakita and for sure ay hindi rin niya ako kilala. Pero sa akin siya nakatingin at kumikinang pa ang mga mata niya. "Hindi ako ang mama mo,” alanganing sabi ko sa kung ano man iyon. Parang nag-teary eyed naman agad siya habang si Inaki ay nagtatakang nakatingin sa akin. "Mama!" Lumapit ako sa kabilang table at inilahad ang kamay ko. Umakyat naman siya sa mga palad ko at nagpagulong gulong pa doon. "Aki, nababaliw ka na ba?" narinig ko namang tanong sa akin ni Inaki. Napalingon ako kay Inaki at halatang halata sa mga mata niya ang pagtataka. Ako naman ay nagtaka sa ikinikilos niya. Bakit kung umarte siya ay parang hindi niya nakikita ang maliit na nilalang na ito sa palad ko. "Nababaliw? Teka nga, ano bang tawag sa kaniya? Ang cute,” ang tanging nasabi ko na lang. "Tawag? Saan?" naguguluhang tanong naman sa akin ni Inaki. "Dito,” seryoso kong sagot naman. Itinuro ko pa ang palad ko kung saan tahimik na nakaupo ang maliit na nilalang. "Ang tawag dyan ay palad." Napairap na lang ako dahil sa pamimilosopo niya sa akin ngunit nakita ko ang seryosong mukha ni Inaki. "Hindi mo siya nakikita?" paniniguradong tanong ko pa. "Bukod sa kamay mo, wala na akong ibang makita. Hay naku, tara na nga. Malapit nang mag-ala una,” seryosong sabi pa sa akin ni Inaki. Tumayo na siya at nagsimulang humakbang palabas ng cafeteria. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya habang nasa palad ko pa rin ang cute na nilalang na ito. “O siya, magkita na lang tayo mamaya ha. Bye Aki,” nakangiting sabi pa sa akin ni Inaki. Kumaway naman ako sa kaniya hanggang sa makalayo na siya. Napabuntong hininga naman ako dahil mukhang hindi talaga nakikita ng kaibigan ko ang cute na nilalang na ito. "Ano bang tawag sa ‘yo? Bakit hindi ka nakikita ni Inaki?" mahinang tanong ko sa kaniya. Hininaan ko lang ang boses ko dahil baka pati ang ibang estudyante ay hindi siya nakikita. Baka isipan pa ng iba na nababaliw ako. "Jira." Jira? Iyon ba ang pangalan niya? "Teka nga, mamaya na kita tatanungin. May training pa ako at baka mapagalitan ako kapag na-late ako." Masayang gumapang si Jira papunta sa may balikat ko kaya napangiti na lang ako. Mukhang naiintindihan naman niya ako. Habang naglalakad ako papunta sa may talon ay may ilan-ilan akong nakakasalubong na mga estudyante. At mukhang hindi naman nila napapansin ang maliit at cute na nilalang na nasa balikat ko. Marahil nga ay hindi siya nakikita ng iba. Ngunit bakit ako lang ang nakakakita sa kaniya? At bakit mama ang tawag niya sa akin? "Ako lang ba talaga ang nakakakita sa ‘yo?" bulong ko kay Jira. "Mama." Wala na ba syang ibang alam na banggitin kundi mama at Jira? Paano ko siya maiintindihan nito? At saka ano kayang pwedeng gawin ko sa kaniya? Nakakaawa naman siya kung iiwan ko na lang siya basta kung saan. Habang naglalakad ay nakasalubong ko pa si Miro. Nagmamadali siyang maglakad pero nagawa kong hawakan ang kaliwang braso niya. "Miro, teka lang,” seryosong sabi ko sa kaniya. "What do you want?" malamig na tanong naman niya sa akin. Bahagya akong natigilan sa inastang iyon ni Miro. Hindi ko inaasahan na tatratuhin niya ako ng ganito at nasasaktan ako. Para naman siyang natauhan dahil napahawak siya sa kaniyang batok. “I’m sorry Akira,” mahina niyang sabi sa akin. Marahank akong napailing. “Anong gusto ko? Yung Miro na boyfriend ko. Tell me, bumalik ka na ba sa dati, yung Miro na binu-bully lang ako?” puno ng hinanakit na sabi ko naman. Marahang umiling si Miro. At sa halip na mas magalit ako ay nakaramdam ako ng pa-aalala sa kaniya. Ngayon ko lang nakitang ganito kabalisa si Miro na parang ang daming gumugulo sa isipan niya. Parang pasan niya ang buong mundo. Akmang maglalakad na sana ulit siya pero medyo tinaasan ko na ang boses ko. "Ano ba Miro, girlfriend mo ako. Bakit mo ako ginaganito?" Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko "Marami nang nagbago Akira mula nang mapunta tayo dito,” seryosong sabi niya sa akin. "Katulad ba ng pagmamahal mo Miro? Nagbago na rin ba?" "I'm sorry,” ang tanging nasabi na lang niya. "Sana dineretso mo na lang ako, hindi yung basta mo na lang ako iniwasan. Ang unfair mo naman Miro eh. Ikaw ang unang lumapit sa akin, tapos iiwan mo rin pala ako. Pinagmukha mo akong t*nga. Pinaasa mo lang ako." Tumalikod na ako sa kaniya at humakbang palayo. Pinunasan ko rin ang mga luha ko. Hindi ko dapat iniiyakan ang isang katulad niya. Sanay naman ako na mag-isa lang kaya makakaya ko ulit iyon. "Mama!" Napalingon ako kay Jira at umiiyak din siya. Bumuntong hininga ako at saka mabilis na nagpunta sa my talon. Mabuti na lamang na wala pa si Shin kaya may oras pa ako para kausapin si Jira. "Iiwan mo rin ba ako Jira?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Nagpagulong gulong sa palad ko si Jira at nakaramdam ako ng bahagyang pagka-relax. "Papa!" parang tuwang tuwa na sabi ni Jira. Tatlong salita na ang alam niyang bigkasin, mama, Jira at papa. "Ano pang mga salita ang kaya mong bigkasin? Pero teka nga, saan ka ba galing? Bakit bigla ka na lang sumulpot? Bakit ako lang ang nakakakita sa ‘yo?" sunod sunod kong tanong sa kaniya. "Ang dami mo namang tanong sa kaniya. Baka mahilo na siya nyan." Napalingon ako do’n sa nagsalita. "Nakikita mo siya?" hindi makapaniwalang tanong ko. Napatawa naman siya habang naglalakad palapit sa akin. Pero nakatingin siya do’n sa palad ko kung saan nakatayo si Jira. "Papa!" Agad na tumalon si Jira sa mga palad ni Shin. Halos manlaki ang mga mata ko sa nakita. Ang tawag niya sa akin ay mama, tapos ang tawag niya kay Shin ay papa? At kaming dalawa lang ang nakakakita kay Jira? "Sabi ko naman sa ‘yo ‘di ba, hindi ako ang papa mo,” nakangiting sabi naman ni Shin kay Jira. "Teka, kilala mo si Jira?" gulat ko namang tanong. "Yes, nakita ko siya kahapon sa kwarto ko at lagi niya akong tinatawag na papa. Pero paggising ko kaninang umaga, wala na siya sa tabi ko. Naisip ko na baka isa lang siyang ligaw na hayop na napadpad sa kwarto ko,” mahabang paliwanag naman niya sa akin. "Pero tayong dalawa lang ang nakakakita sa kaniya,” sabi ko naman. Nagtaka naman si Shin sa sinabi kong iyon. Muli niyang ibinaling ang atensyon niya kay Jira. "Totoo ba yun Jira?" seryosong tanong pa niya kay Jira. "Mama, Papa." Tumingin sa aming dalawa si Jira kaya nagkatinginan na lang din kaming dalawa. At pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko, para kasi kaming nagkaroon ng instant na anak. "Mas mabuti pa sigurong isangguni natin ito kay Ginoong Duran. Tara,” suhestiyon naman ni Shin. Binuhat niya si Jira at inilagay sa balikat niya. Sabay kaming naglakad papunta sa opisina ni Ginoong Duran. Mabuti na lamang pala na nandito si Jira ngayon dahil nakalimutan ni Shin ang kapalpakan ko sa pag-teteleport kahapon. "Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Shin habang naglalakad kami. Nakita ko naman si Jira na inaantok na at mahuhulog na sa balikat niya kaya kinuha ko si Jira at inihiga sa palad ko. "Okay na okay." Ngumiti ako sa kanya kahit nangingilid na naman ang mga luha ko. "I heard you and Miro,” seryosong sabi naman niya. "Sus, nakinig mo naman pala ang usapan namin, bakit kailangan mo pang tanungin kung okay lang ako?" Natatanaw ko na ang opisina ni Ginoong Duran at malapit na kami doon. "Gusto kong sa ‘yo mismo marinig na hindi ka okay para may permiso na akong i-comfort ka." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maaasar. Pero napakaseryoso niya at hindi ko alam kung anong sasabihin kaya tumahimik na lamang ako. "We're here." Kumatok siya ng dalawang beses then binuksan na niya ang pinto ng opisina ni Ginoong Duran habang ako ay nakasunod lang sa kaniya. Mahimbing na ring natutulog sa palad ko si Jira. "Mr. Kanji and Ms. Akira,” nakangiting bati sa amin ni Ginoong Duran na sa tingin ko ay papunta na rin sa training field niya. "Ginoong Duran, may nakita po kaming isang ligaw na hayop pero ang ipinagtataka po namin ay kami lang ang nakakakita,” pagkukwento naman ni Shin. Ipinakita ko kay Ginoong Duran ang palad ko kung saan tulog na tulog si Jira. Tiningnan niya naman ito. "Nakikita niyo po ba siya?" mahinang tanong ko sa kaniya. Umiling si Ginoong Duran at ngumiti siya sa amin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Shin. "Pero alam ko kung ano siya, isa siyang Cricetinae at natural lang na hindi namin siya makita dahil iyon ang isa niyang kakayahan, ang invisibility skill,” pagpapaliwana niya sa amin. "Pero bakit po nakikita namin siya?" tanong ko pa. "Dahil kayong dalawa lang ang gusto niyang makakita sa kaniya. And since kayo lang ang nakakakita sa kaniya, it's your responsibility to take care of it. Sa palagay ko ay baby cricetinae pa siya." Napangiti naman ako sa sinabi niyang yun. Hinding hindi ko tatanggihan ang responsibilidad sa kaniya. Ang cute cute kasi niya at magaan ang loob ko sa kaniya. "Mama. Papa." Nagising na si Jira at palagay ko ay gutom na siya. "Ah ano po ba ang kinakain niya?" tanong ko pa. "Carrots lang ang kinakain niya." Tiningnan ko si Jira at mukang gutom na nga siya. "Sige po Ginoong Duran, salamat po. Mukhang gutom na po kasi si Jira eh. Mauna na po kami,” sabi naman ni Shin na mukhang alam din na nagugutom na si Jira. "Sige, mag-ingat kayo." Kinuha ni Shin sa akin ang Jira at hinila na ako palabas ng opisina. Pagkalabas na pagkalabas namin ay agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya. "Makahila ka dyan, wagas. Akin na nga yang si Jira, pakakainin ko muna siya bago ako mag-training,” masungit ko pang sabi kay Shin. Mabuti na lang din pala na wala nang masyadong estudyante dito dahil kapag nakita nila ang trato ko kay Shin, baka maging laman ako ng buong academy. Ibinigay naman ni Shin sa akin si Jira. "Sa may falls na kayo pumunta, ako na ang kukuha ng pagkain niya,” seryosong sabi pa niya. Pagkasabi niya no’n ay umalis na siya. Bumuntong hininga naman ako at wala nang nagawa kundi ang bumalik sa may falls. Hindi pa nagsisimula ang training ko ngayong araw ngunit pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Masyadong maraming nangyari ngayon at nagpapasamalat na lang ako dahil kahit papaano ay pinagaan ni Jira ang loob ko. Siya lang yata ang magandang nangyari sa akin ngayong araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD