46

1877 Words
AKIRA’S POV "Sure ka na ba talaga na papasok ka na?" Napatawa na lang ako kay Inaki. Pasampung beses na kasi ata niyang tanong sa akin yan. Lunes ngayon at nakabihis na ako ng uniform at ready nang pumasok. Kaso itong si Inaki ay nag-aalala sa akin dahil baka raw hindi ko pa kayang pumasok. Ilang beses ko na namang sinabi sa kaniya na okay na okay na ako. "Akira kasi, sabi ng hari at reyna, magpahinga ka muna raw ng another week,” dugtong na sabi pa niya. Kaya pala naman ganoon na lamang siya kung mag-alala. Pinagbilinan pala siya ni Mommy at Daddy. "Don't worry Inaki. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Pero sa ngayon, tara na dahil baka ma-late pa tayo,” nakangiting sabi ko naman sa kaniya. "Pero okay na okay ka na talaga ha?" pag-uulit pa niya. "I'm more than okay. Now, let's go." Hinila ko na si Inaki palabas ng kwarto namin. Na-miss ko ang academy kaya hindi na ako papayag na another one week akong a-absent. At saka baka mainip lang ako sa dorm kapag ganun. Kahit naman kasi napagod ako sa training namin ni Manara, ramdam ko naman ang buong lakas ko. At hinahanap hanap ng katawan ko ang pagsasanay. Pagkapasok namin sa academy ay medyo nakaramdam ako ng hiya at pagkailang. Lahat kasi ng estudyanteng nadadaanan namin ay nakatingin sa akin. Hindi siguro sila makapaniwala na naka-survive ako sa Deactivation Room. Kaya ganun na lang ang pagtataka nila na buhay pa rin ako hanggang ngayon. Binilisan na lang namin ni Inaki ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom. Nung una, magulo at maingay ang mga kaklase ko pero nung makita nila ako ay natahimik silang lahat. Para silang nakakita ng multo dahil sa mga itsura nila. Ako naman ay kinakabahan dahil baka may kung ano na naman ang tumapon sa akin katulad nung first day ko dito. "Welcome back Akira!" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko habang ako ay nagulat naman. Lahat sila ay masayang nakatingin sa akin kaya napangiti na lang din ako. Nakarating ako sa upuan ko na walang tumatapon na kahit ano sa akin. Tama nga si Inaki, mabait ang mga kaklase namin. Siguro siningga lang sila ng kakulitan noong first day ko. Balik na ulit sa kaingayan ang buong klase. May naghahabulan, merong nagkakantahan, merong nagpapaltukan ng papel, meron din namang iba na nagsasayaw pa sa unahan, meron ding nagsusulat lang ng kung ano ano sa may blackboard. At syempre, mawawala ba naman dyan ang look out ng klase. Siya yung tagasigaw kung padating na ba ang teacher para bago pa man sumadsad sa room ang teacher ay behave na ang buong klase. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Wala silang pinagkaiba sa mundo ng mga tao. Ganitong ganito rin kasi sa Kitsune Academy. Ganitong ganito ang scenario kapag wala pa ang teacher. Nakakatuwa lang dahil sa unang tingin, aakalain mo na normal na mga tao ang mga kaklase ko. Hindi kasi nakalabas ang mga nine tails nila at hindi rin sila gumagamit ng kanya kanyang kakayahan. Na-miss ko tuloy ang buhay tao. Maayos naman ang morning class ko. Winelcome back din ako ng mga teacher namin bago mag-umpisa ang klase. Half of my day went well. Lunch break na ngayon at pareho kami ni Inaki na hindi mapakali. Ako kasi ay kinakabahan dahil mamaya ay training class ko na with Shin. Hindi ko pa alam kung paano ko siya pakikitunguhan, hindi ko rin alam kung nahihiya ba ako o naiilang sa kaniya. Ito namang si Inaki, well, hindi ko alam kung bakit hindi rin siya mapakali. I guess, yun ay dahil magkasama sila ni Miro sa training class. "Akira, magc-cr lang ako ha," paalam pa niya sa akin. "Sige." Pumunta si Inaki sa cr habang ako ay naiwan dito sa canteen. Kokonti na lang ang estudyante dito dahil 15 minutes na lang bago mag-umpisa ang training class. At mas dumoble pa ang kaba sa dibdib ko. "Mama." Napatingin ako kay baby Jira na nasa ibabaw ng lamesa. "Yes baby Jira?" nakangiting tanong ko naman. Nakakausap ko lang itong si baby Jira kapag mag-isa lang ako. Nakakailang naman kasi kung kakausapin ko siya habang kasama ko si Inaki. Baka isipin pa ni Inaki na nababaliw na ako dahil hindi naman niya nakikita si baby Jira. "Papa?" "Makikita mo rin siya maya maya,” sagot ko naman sa kaniya. Nagtatalon sa lamesa si baby Jira na parang tuwang tuwa dahil makikita niya mamaya si Shin. Napangiti na lang ako sa naging reaksyon niya. She is really happy and I can see it in her eyes. Para siyang isang bata na sabik na makita ang papa niya na hindi nakasama sa maghapon dahil sa trabaho. "Akira, umpisa na ng training class." Yan agad ang bungad sa akin ni Inaki nung makabalik siya mula sa cr. Napatingin naman ako sa orasan sa canteen at tama nga siya, oras na ng training class. "Sige, kita na lang tayo mamaya,” sabi ko naman sa kaniya. Binuhat ko na si baby Jira at tumayo na. Sabay na kaming lumabas ni Inaki sa canteen then naghiwalay na rin kami dahil magkaiba ang training field namin. Habang naglalakad ay lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Paano ko kakausapin si Shin? Bakit ba kasi ako kinakabahan? "Papa." Agad na tumalon mula sa palad ko si baby Jira nung makita niya si Shin sa tabi ng falls. Agad naman siyang binuhat ni Shin habang ako ay nabato na sa pwesto ko. "Kamusta baby Jira?" masayang tanong ni Shin kay baby Jira. "Papa." Nagpagulong gulong sa palad ni Shin si baby Jira na ikinatawa naman niya. Ito kasi ang way ni baby Jira nang paglalambing. "Okay ka na Ms. Akira?" seryosong tanong naman niya sa akin habang nakatingin siya kay baby Jira. "O-oo,” nauutal kong sagot. "Sure ka? Parang namumutla ka." This time ay nakatingin na siya sa akin habang sinasabi niya yan. Agad naman akong napaiwas dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Sana pala sinunod ko na lang ang magulang ko na magpahinga pa ng isang linggo. "Yeah,” maiksing sagot ko. Wala na akong ibang masabi. Nauunahan kasi ako ng kaba. Seriously Akira? Bakit ka kakabahan? Si Shin lang naman ‘yan? Para na akong sira dahil pinapagalitan ko ang sarili ko. Tss. "Tara, may pupuntahan tayo." Inilagay niya sa balikat nya si baby Jira habang ako naman ay nagtatakang tumingin sa kaniya. "Part ito ng training mo so let's go,” dugtong na sabi pa niya. Nauna nang maglakad si Shin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Pero hindi palabas ng gubat ang direksyon namin. Dahil sa kasalungat na daan kami nagpunta, parang mas papasok pa ito ng gubat. Kahit gustong gusto ko nang magtanong ay nanatili na lang akong tahimik. Dahil hangga't maaari ay gusto kong bawasan ang conversation namin ni Shin. Naiilang pa rin kasi ako sa kaniya. Mga kalahating oras na rin siguro kaming naglalakad at puro puno lang naman ang nadadaanan namin. At habang naglalakad ay nagkakatuwaan lang sila ni Baby Jira. Kaya mas lalong nadadagdagan ang curiousity ko kung saan ba talaga niya ako dadalhin. Hindi naman ako makapagreklamo dahil trainor ko siya at isa pa, nasa kaniya si baby Jira. Hanggang sa makarating kami sa isang kapatagan. At namangha na lang ako sa nakita ko. And all I can say is awesome. "This is the farm of our world. Ito ang source of food ng lahat ng White Nine Tailed Fox,” seryosong sabi ni Shin. Napangiti na lang ako. Tanaw na tanaw sa pwesto namin ang buong farm. Iba't ibang klaseng gulay ang nakatanim dito. At sobrang daming bunga ng bawat gulay, napakasaganang taniman. "Bakit mo ako dinala dito?"nagtatakang tanong ko pa. Napangiti naman siya. "Wala lang. Ayoko pa kasing mag-training e. Kailangan mo pa ng pahinga Ms. Akira." Napailing na lang ako. Valid reason ba yun? Kaya siguro sinanay na ako ni Manara dahil ganito si Shin. Pinagmasdan ko lang ang buong farm hanggang sa may matanaw ako sa di kalayuan. Isang malaking pader na sobrang taas at parang hindi kayang akyatin ng kung sino man. "Para saan ang pader na yan?" tanong ko pa kay Shin. Tiningnan din ni Shin ang pader na sinasabi ko. "Hindi yan isang normal na pader. Yan ang protector wall ng mga White Nine Tailed Fox. Sa kabila nyan ay ang lugar ng mga Black Nine Tailed Fox." "Black Nine Tailed Fox," mahinang bigkas ko. "Oo, ang pader na yan ang naghahati sa lupain ng mga White at Black Nine Tailed Fox.” "Bakit kailangan pa ng ganyan?" Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Shin. "Nabuo yan dahil gustong sakupin noon ng mga itim ang mga White Nine Tailed Fox. It was built for our protection. Agresibo at matatapang ang mga itim Nine Tailed Fox. They will get what they want. Kaya ayan, nagkaroon ng protector wall,” pagkukwento pa niya. They will get what they want. Kaya ba gustong gusto nila akong makuha noon? Pero bakit ako? Anong kailangan nila sa akin? "Wala na bang pag-asa na magkasundo ang dalawang lahi?" "Sinubukan na yan noon ni Haring Alejandro, ng daddy mo, but it didn't work. And I guess, hindi na talaga mangyayari yun. Lalo na ngayon." "Lalo na ngayon na ano?" curious na tanong ko. Napangiti ulit si Shin. "Bakit yata naging matanong ka about sa mga Black Nine Tailed Fox?" pag-iiba niya ng usapan. "Wala. Na-curious lang." Hindi na umimik pa si Shin kaya napatingin ako sa kaniya. Bakit ganun? Bakit parang ang lungkot niya, I mean, parang may pinoproblema siya. Parang ang lalim ng iniisip niya habang nakatitig lang sa farm. Or baka naman napa-praning lang ako at kung ano ano lang ang napapansin ko sa kaniya. "Baka matunaw ako nyan." Awtomatikong napaiwas ako ng tingin sa kaniya nung magsalita siya. Pakiramdam ko ay namula ang magkabila kong pisngi dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya. "I missed you my Princess," seryoso niyang sabi sa akin kaya mas lalong namula pa ang mukha ko. Isang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at parang naging awkward pa nga. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin sa kaniya. Ngayong naaalala ko na ang lahat, bigla ko rin siyang na-miss. Na-miss ko ang dating samahan namin noong nasa mundo pa kami ng mga tao. Biglang tumakbo doon sa taniman si baby Jira. Nagkatinginan kaming dalawa ni Shin. "Habulin mo siya, baka ubusin niya ang lahat ng gulay dito." Pagkasabing pagkasabi ko nun ay tumakbo na rin si Shin para habulin si baby Jira. Napatawa na nga lang ako dahil ang bilis palang tumakbo ni baby iIra, hindi siya maabutan ni Shin. "Kaysa sa tumawa ka dyan, tulungan mo na lang ako dito Akira," sigaw sa akin ni Shin. "Baby Jira, tumigil ka sa pagtakbo!" sigaw naman niya kay baby Jira. Si baby Jira naman ay tuwang tuwa na tumatakbo pa rin. Napailing na lang ako. Tumayo ako at nakitakbo na lang din para habulin si baby Jira. Para tuloy kaming isang buong pamilya na naglalaro ng habul habulan. Hala. Ano ba naman itong pinag-iisip ko? Kailangan na naming maabutan si baby Jira dahil baka maubos ang mga gulay dito sa farm. "Baby Jira!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD