45

201 Words
THIRD POV “Mahal na Hari, gising na po ang prinsesa.” Isang pagak na tawa ang pinakawalan ng hari ng mga Black Nine Tailed Fox. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan sapagkat ligtas na ang prinsesa. Muling umaayon ang lahat sa mga plano niya. “Magaling kung ganoon. May napansin ka bang kakaiba sa prinsesa?” tanong pa niya sa espiya niya sa academy. “Sa ngayon ay wala pa po. Ngunit sa oras na bumalik na siya sa pagpasok sa academy ay doon ko po malalaman kung may ipinagbago siya sa isang linggo niyang walang malay,” magalang na sagot naman ng espiya niya. Marahang napatango naman ang hari. “Gusto kong malaman kung gaano na kabihasa ang prinsesa sa kaniyang mga abilidad at gusto ko ring malaman kung kaya na niyang palabasin ang siyam niyang buntot. Kaya magmasid kayo ng mabuti. Sa oras na handa na ang prinsesa, oras na para ipakuha ko siya sa anak ko.” Yumukod naman ang espiya bilang pagsang-ayon sa mga sinabi niya. Muling lumabas ang espiya at bumalik na sa academy upang ipagpatuloy ang pagmamasid sa prinsesa. “Maghanda ka Prinsesa Akira dahil nararamdaman ko na ang malapit nating pagkikita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD