44

1367 Words
INAKI’S POV "Inaki, teka lang naman." Pagkalabas ko ng kwarto ni Akira ay nagmadali na ako sa paglalakad dahil kay Miro. Kaso may lahi rin ata siyang kabayo dahil ang bilis din niyang maglakad. At konting konti na lang ay maaabutan na niya ako. Kaya no choice, magte-teleport na lang ako. Kaso bago pa man ako makaalis sa paningin niya ay nahawakan niya ako sa braso kaya nakasama siya sa pagte-teleport ko. At ngayon ay nandito kami sa secret place ko, ang tree house na binuo ni Papa noong bata pa ako. "Ano ba naman Miro? Bakit ba ang kulit kulit mo?" galit kong sabi sa kaniya. "E bakit ba kasi iniiwasan mo ako?" tanong din niya sa akin. Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang inis. "Hindi kita iniiwasan, okay?" "Hindi mo ako kinausap kanina," parang batang nagtatampo na sabi niya. "Tss." Tinalikuran ko siya. Bumaba na lang ako ng tree house para mapalayo sa kaniya. He's acting weird at hindi ko siya maintindihan. "Tingnan mo, umiiwas ka na naman,” narinig ko pang sabi niya. "Pwede ba Miro, h’wag kang umarte na parang walang nangyari. Tanggap ko na naman na hindi mo ako kayang mahalin e. Kaya nga pinipilit kong kalimutan ka. At sana naman, tulungan mo akong makalimot sa ‘yo. Alam mo bang dahil sa ginagawa mong ito, nahihirapan akong kalimutan ka." Wala na, umabot na sa dulo ang pasensya ko. At kung ano ano na lang ang nasabi ko sa kaniya na dapat ay hindi ko sinabi. Gustong gusto ko na talagang magpalamon sa lupa ngayon para mawala ako sa paningin niya. Nakakahiya ang mga sinabi ko. "Pwede mo naman akong hindi kalimutan e,” seryosong sabi naman niya. Kung kanina ay nahihiya ako, ngayon ay naiinis na ako at sa sobrang inis ko ay pinagsusuntok ko siya. At hindi ko na rin napigilan ang umiyak. "Nakakainis ka! Bakit ba tuwang tuwa ka na sinasaktan ako?!" Napatigil ako dahil hinawakan ng mahigpit ni Miro ang dalawa kong kamay. Tiningnan ko siya ng masama. "Hiniling ko sa ‘yo na ako na lang ulit ang mahalin mo dahil Inaki, mahal na kita," seryoso niyang sabi sa akin. "Wow, hanep ka din e. Nung time na mahal kita, hindi mo ako magawang mahalin. Tapos ngayon, hihiling ka sa akin na mahalin ulit kita dahil mahal mo ako?" Nanlaki bigla ang mata ko dahil dun lang ata nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. "M-mahal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumiti siya sa akin at hinila ako para mas lalong mapalapit sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Hindi ko alam kung paano at kailan. Na-realize ko na lang bigla na mahal kita,” seryosong sabi pa niya. Gusto kong matuwa dahil sa wakas ay mahal din pala ako ng mahal ko. Pero hindi ko magawang magpakasaya. Parang mas lalo pa nga akong nasaktan eh. "P-pero si Akira ang mahal mo ‘di ba,” sabi ko naman. "Bago pa man siya makulong sa Deactivation Room at mawalan ng malay, naghiwalay na kami." Agad ko siyang naitulak palayo sa akin. "Kaya pala naman mahal mo ako eh. Ano ito Miro? Panakip butas?" galit kong sambit. "Inaki hindi. Nakipaghiwalay ako kay Akira dahil nalilito na ako sa nararamdaman ko. At ngayon, sigurado na ako. Ikaw ang mahal ko Inaki." Marahan akong umiling kay Miro habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. "Alam mo bang hindi pa rin kita nalilimutan. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko. Minsan na akong sumugal para sa ’yo. At ngayon, hindi ko na kaya pang sumugal Miro. Tama na siguro yung isang beses." Tumalikod na ako sa kaniya at nag-umpisa na akong maglakad. Pero napatigil ulit ako nung magsalita siya. "Ako naman ang susugal ngayon Inaki. Patutunayan ko sa ‘yo na mahal kita. I will fight for you,” seryoso niyang sabi sa akin. "Paano ako maniniwala Miro? Sinabi mo noon na mahal na mahal mo si Akira pero anong nangyari, sumuko ka. Tapos ngayon sasabihin mo na mahal mo ako. Hanggang kailan Miro? Hanggang kailan mo ako paaasahin na baka nga ako ang mahal mo?" Naglakad na lang ulit ako at hindi na nag-abalang lingunin pa siya. Ito na yung matagal ko nang hinihintay, pero bakit ba pakiramdam ko ay mas lalong naging kumplikado ang lahat sa aming dalawa. May kung ano sa akin ang pumipigil na maniwala sa kaniya. "Ang lalim ata ng iniisip mo." Napapitlag ako nang biglang magsalita si Akira. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nandito na pala ako sa kwarto namin. Teka, paano ako napunta dito? "Tingnan mo, hindi mo na namalayan na nakapag-teleport ka na dito." Hala, nakapag-teleport ako nang hindi ko namamalayan? Paano nangyari yun? "Teka, nandito ka na Akira? Nakalabas ka na ng clinic?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Obviously," nakangiti niyang sabi sa akin. Napatakbo na lang ako palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Ano bang iniisip mo kanina?" tanong pa niya sa akin. Bumitaw ako sa kaniya at nahiga sa kama ko. Sinundan naman niya ako ng tingin dahil hinihintay niya ang sagot ko. "H-hiwalay na raw kayo ni Miro?" kinakabahan kong tanong. "Oo,” mabilis niyang sagot. Hindi ko mabasa kung anong nararamdaman niya nung sumagot siya ng oo. Parang malungkot siya na masaya na hindi ko maintindihan. "Sorry kung naitanong ko,” imbes ay sabi ko na lang. "Okay lang yun. Ako naman ang may tanong sa ‘yo." Napabangon ako bigla dahil sa sinabi niyang iyon. Lumakas din bigla ang t***k ng puso ko at hindi ako mapakali. "A-ano yun?" "Paano mo ako nagawang saktan noon nung nasa mundo pa tayo ng mga tao?" deretsong tanong niya sa akin. Natigilan ako saglit habang iniintindi ko yung tanong niya habang siya ay seryosong nakatitig sa akin. At nung ma-realize ko ang tanong niya ay napatakip ako sa bibig ko. "N-naaalala mo na?" "Yeah." Pakiramdam ko ay namutla ako. At wala akong ibang naging reaksyon kundi ang yumukod sa kaniya at humingi ng sorry nang paulit ulit. "Hey Inaki, don't be. Okay na sa akin yun. I just want to know the reason." "It's because of Miro. Nagugustuhan ka na niya that time. At dahil hindi mo yun matanggap, hindi ko na nakontrol ang emosyon ko. Kaya nasaktan kita. Pero pinagsisisihan ko na yun. And I am really sorry." "Okay na sa akin yun. Pero Inaki, mahal mo pa rin siya ‘di ba?" tanong pa niya. Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot. Wala naman nang dahilan pa para itanggi ko iyon. "Bigyan mo siya ng chance." "Ha?" "He really loves you." "Pero ikaw.." "H’wag mo akong intindihin. Okay lang ako." Bigla akong napangiti nung may naalala ako. Naaalala na ni Akira ang lahat. So ibig sabihin, natatandaan na rin niya ang mga pinagsamahan nila ni Kanji. Alam kong mali ang iniisip ko, pero baka kasi na-realize ni Akira na si Kanji naman talaga ang mahal niya kaya hindi na siya ganun kaapektado sa paghihiwalay nila ni Miro. "Alam na ba ni Kanji na naaalala mo na ang lahat?" "Hindi pa. At h’wag mong sasabihin. Please." "Bakit naman?" Biglang namula ang magkabila niyang pisngi na ikinatawa ko naman. Mukhang tama nga ang iniisip ko. "Okay. Hindi ko sasabihin sa kaniya." "Salamat Inaki." "Pero Akira, maniwala ka kay Kanji. Mahal ka niya. Nagkataon lang na nangailangan ako kaya iniwan ka niya noon. Pero kahit na nandito na siya noon, naiwan pa rin ang puso at isip niya sa mundo ng mga tao. Dahil sa pag-aalala niya sa ‘yo. You are and will always be his great and true love Akira." Saksi ako sa dinanas noon ni Kanji kaya nga sobrang na-guilty ako noon. Napahiwalay siya kay Akira dahil kinailangan naming bumalik sa mundo ng mga fox. Kaya nga siguro gustong gusto ko nang makaalala si Akira para malaman kung sino ba talaga ang mahal niya. I'm not against Miro and Akira that time kahit na nasasaktan ako. Pero kasi mas nasasaktan ako para kay Kanji dahil bukod sa taken na si Akira noon, hindi pa siya maalala nito. Double torture yun para kay Kanji. Mabuti na lamang at nakakaalala na si Akira. Mas magiging madali na ang istorya nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD