AKIRA’S POV
"Na-miss talaga kita girl. Alam mo bang hindi na ako sanay sa kwarto nang mag-isa,” sabi sa akin Inaki.
Napatawa na lang ako sa sinabing iyon ni Inaki. Kaming apat na lang kasi ang nandito dahil sina Mommy ay kailangan na raw bumalik sa palasyo. Hindi naman na ako nagdamdam pa dahil tanggap ko na ang buhay na mayroon kami ng pamilya ko.
"Na-miss din kita,” seryosong sabi ko naman kay Inaki.
Nakaka-miss din pala kasi na may kaibigan. Noon kasing tine-train ako ni Manara ay nabo-boring ako dahil wala akong ibang kausap o kasama.
"Akira."
Napalingon ako kay Miro nang tinawag niya ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Sorry. Kung sinabayan lang sana kita sa pagpunta sa room, hindi sana mangyayari ito,” malungkot niyang sabi sa akin.
"Cut it off Miro. Hindi mo ginusto ang nangyari. Ang importante, okay na ako,” ang tanging nasabi ko na lang.
Wala naman talaga siyang kasalanan eh. Kung tutuusin nga ay nagpapasalamat pa nga ako dahil sa nangyari. Kung hindi siguro ako nakulong sa kwartong yun, hindi ako matuturuan ni Manara.
"Hala! Naku Akira, kailangan ko na palang umalis. Pupunta kasi ako pinsan ko ngayon," halos natatarantang sabi ni Inaki.
"Sige Inaki. Mag-ingat ka,” nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Sabay na ako sa ‘yo Inaki. Mauna na din ako Akira ha."
Ngumiti rin ako kay Miro. Napansin ko lang, parang hindi nagpapansinan yung dalawang yun. Ay hindi pala, parang umiiwas si Inaki kay Miro. May problema kaya silang dalawa?
At dahil umalis na yun dalawa, kaming dalawa na lang ni Shin ang naiwan dito sa kwarto. At isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin.
Tatlo pala kami dahil katabi ko ngayon si baby Jira na natutulog.
"Nagugutom ka na ba? Ikukuha kita ng makakain,” pagbasag ni Shin sa katahimikan.
Ngumiti ako kay Shin bago siya lumabas din ng kwarto para kumuha ng pagkain.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nung lumabas siya. Ang totoo kasi ay hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan ngayong naaalala ko na ang lahat. Kasi ‘di ba, iniwan niya ako para kay Inaki noon. At hindi pa kami nakakapag-usap tungkol dun dahil nga sa inalis nila ang alaala ko.
He said that he loves me but he chose to left me.
Isang katok mula sa pintuan ang pumutol sa malalim kong pag-iisip.
"Pasok."
Pagkabukas ng pintuan ay agad akong napatayo at napayukod. Alam ko kasing myembro ng Konseho ang nasa harapan ko ngayon base na rin sa pananamit niya.
"No Princess, ako dapat ang yumuyukod sa ‘yo."
Pagkasabi niya nun ay yumukod siya sa harap ko. Nailang ako dahil sa ginawa niya. Hindi ako sanay na may nagbibigay galang o respeto sa pagiging prinsesa ko.
"How are you princess?" nakangiting tanong pa niya sa akin.
"Akira na lang po. Maayos na po ako,” sagot ko naman.
Ngumiti siya sa akin. "Ako si Ginoong Alberto. Isang myembro ng Konseho. Kinagagalak kitang makilala Prinsesa Akira."
Isang alanganing ngiti ang tanging naisagot ko sa kaniya. Parang pamilyar kasi siya sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. At isa pa, hindi ako sanay na tinatawag na prinsesa.
"D-dad?"
Sabay kaming napalingon kay Shin na kapapasok lang ng kwarto ko. Gulat na gulat ang itsura niya at parang namutla pa nga.
"What are you doing here?" dugtong na tanong pa niya.
"Son, I'm just here to visit the princess,” nakangiting sagot naman ni Ginoong Alberto.
Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Siya pala ang Daddy ni Shin, kaya pala naman parang pamilyar sa akin si Ginoong Alberto dahil malaki ang pagkakahawig nilang mag-ama.
"Nakita mo na siya. You can go now,” walang ganang sabi ni Shin.
"Shin!" galit kong tawag sa kaniya.
Agad ko siyang sinaway dahil nagiging rude na siya sa kaniyang Daddy. It's not the proper way of treating a father.
"Okay lang yun hija. Sanay na ako dyan kay Kanji. Matagal kasi kaming hindi nagkasama kaya ganan na lang siguro ang trato niya sa akin,” nakangiting sabi naman sa akin ni Ginoong Alberto.
"Dad!"
"Kahit na po Ginoong Alberto. Ikaw pa rin ang ama niya. And every father should be respected. Shin, magsorry ka sa Daddy mo."
"Fine! Sorry,” labas sa ilong na sabi naman ni Shin.
Napairap na lang ako. Hindi ko alam na hindi pala sila okay ng daddy niya.
"Mauna na ako prinsesa. Pumunta lang talaga ako dito para tingnan kung okay ka na talaga."
"Sige po. Mag-ingat po kayo."
Ngumiti siya sa akin then humarap na siya kay Shin. Nagkatinginan silang dalawa na akala mo ay nag-uusap sa pamamagitan lang ng tingin. Parang mas lalo pa ngang nainis si Shin e.
Lumabas na si Ginoong Alberto kaya kami na lang ulit ang naiwan dito.
"Alam mo ang rude mo," yan na lang ang nasabi ko. Nagiging awkward na naman kasi ang paligid namin.
"I know,” walang gana niyang sagot sa akin.
"Father mo pa rin siya Shin,” seryosong sabi ko naman.
"Hindi mo siya kilala Akira kaya huwag mo siyang ipagtanggol,” sabi naman sa akin ni Shin.
"Hindi ko siya ipinagtatanggol. Ang point ko lang ay dapat nirerespeto mo pa rin siya. Oo hindi ko siya kilala but malaki ang respeto ko sa kaniya. Alam mo kung bakit, kasi may manners ako. Tinuruan ako ng mga magulang ko kung paano gumalang at rumespeto,” mahabang sabi ko naman.
Tumingin ng deretso sa akin si Shin. At ewan ko ba, parang nakita ko sa mga mata niya yung pain and sadness.
"Isipin mo na lang Shin, paano kapag si baby Jira ang naging ganun ang pakikitungo sa ‘yo. Anong mararamdaman mo?" dugtong na sabi ko pa.
Bigla naman siyang ngumisi dahil sa sinabi ko. At hindi ko gusto ang pagngisi niyang yun.
"Huwag kang mag-alala Akira. Magiging isang mabuting ama ako sa ANAK NATIN,” nakangising sabi pa niya.
Napairap na lang ako dahil sa sinabi niyang yun at the same time ay namula rin ata ako. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
"Alam mo ba kung bakit ako galit sa Daddy ko? Dahil tama siya, matagal kaming nagkahiwalay. Pakiramdam ko noon ay iniwan niya ako. Sabi nya mahal na mahal niya ako pero nagawa pa rin niya akong iwan,” malungkot na sabi niya sa akin.
"Katulad din ng ginawa mo---", napatigil ako sa pagsasalita.
Hala! Baka mahalata niya na naaalala ko na ang lahat. Ayokong malaman niya.
"What do you mean?" parang nagdududa niyang tanong sa akin.
"Ah ano. ‘Di ba yung nakwento sa akin ni Inaki dati about sa babaeng mahal mo. Mahal mo siya pero nagawa mo rin siyang iwan,” palusot ko na lang. Sana ay maniwala siya at hindi na magtanong pa.
Umiwas siya ng tingin sa akin. "I have my reasons."
Yeah. Reasons.
"Exactly, may rason ka. Even your dad, I'm sure may reason din siya kung bakit kailangan ka niyang iwan."
Nakwento na rin kasi sa akin ni Lola Wanda dati na sa kaniya na lumaki si Shin. Bata pa lang si Shin noon nang maging myembro ng Konseho ang Daddy niya. Ang Mommy naman niya ay sumama noon sa Daddy niya sa palasyo at naging myembro rin ng Konseho. Kaya si Shin ay naiwan kay Lola Wanda.
"Kapag kaya nakaalala yung babaeng mahal ko, matanggap kaya niya ang rason ko kung bakit ko siya iniwan?" deretsong tanong niya sa akin. Medyo nagulat pa nga ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko inaasahan na mababanggit niya yun.
"What do you think Akira?" dugtong na tanong pa niya.
Umiwas ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko.
Tanggap ko naman noon ang rason niya e. Tanggap ko na kayang kaya niya akong iwan. And naiintindihan ko rin kung bakit niya nagawa yun. Pero hindi ko lang alam kung bakit nasasaktan pa rin ako kapag naiisip yun. Katulad ngayon, nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko dahil sa naalala ko yung time na iniwan niya ako.
"Excuse me Ms. Akira."
Sabay kaming napalingon ni Shin sa may pintuan. Napangiti ako nang makita ko ang doctor.
"You are more than okay. Pwede ka nang makalabas ng clinic ngayon,” nakangiti niyang sabi sa akin.
"Thank you po," sabay naming sabi ni Shin.
Pagkalabas na pagkalabas ng doctor ay bumangon agad ako. Inayos ko ang mga gamit ko habang si Shin ay nakatingin lang sa akin. Gising na rin si baby Jira na sumampa sa may balikat ko.
"Ihahatid na kita."
"Naku h’wag na. Okay lang, baka naaabala na rin kita e."
Nabanggit kasi sa akin ni Inaki kanina na si Shin daw ang nagbantay sa akin nung wala akong malay. Dito na rin daw siya halos tumira e.
"No. Ihahatid na kita. Let's go."
Hindi na ako nakipagtalo kay Shin. Hinayaan ko na lang na ihatid niya ako. Mukhang hindi rin kasi siya papaawat e. Gusto ko na lang na makauwi sa dorm ko dahil nami-miss ko na ang kwarto ko.