42

1738 Words
AKIRA’S POV "Tapos na ang isang linggo mong training Akira. At na-restore mo na rin ang lakas na nawala sa’yo. At naniniwala akong kayang kaya mo nang harapin ang lahat ng kalahi mo," nakangiting sabi sa akin ni Manara. Pampitong araw na kasi namin dito ni baby Jira. At kasalukuyan kaming nag-uusap ni Manara dito sa burol. Si baby Jira naman ay bumalik na sa pagiging cricetinae niya. "Ibig sabihin makakabalik na kami?" excited kong tanong sa kaniya. "Oo prinsesa, pero h’wag na h’wag mong ikukwento kahit kanino ang nangyari sa ‘yo. Maaaring sa pagbabalik mo sa mundo ng mga Nine Tailed Fox ay marami nang nagbago,” seryosong sabi naman niya. "Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko naman. "Mag-iingat ka Prinsesa. Magkikita tayong muli. Lagi mong tatandaan na kahit na anong mangyari, ang kalinisan pa rin ng puso mo ang dapat na manaig. At huwag na huwag mo pa ring aalisin sa katawan mo ang kwintas mo, maliwanag ba?" Marahan akong tumango kahit na medyo naguguluhan pa rin ako. Unti-unting nawala sa harapan ko si Manara. Tumayo ako at sinubukan siyang hanapin sa paligid pero hindi ko na siya makita. Hindi ko pa alam kung paano makakabalik dahil hindi naman niya sinabi sa akin iyon. Paano ako makakabalik sa mundo ng mga Nine Tailed Fox? Hanggang sa maramdaman kong parang hinihigop ako ng malakas na pwersa. Niyakap ko agad si baby Jira upang hindi kami magkahiwalay. Hindi ko kayang labanan ang pwersang humihigop sa akin kaya wala na akong nagawa. Tuluyan na akong nadala ng pwersa. INAKI’S POV "Miro, saan ka pupunta?" agad na tanong ko kay Miro nang makita ko siya sa labas ng dorm. Linggo ngayon at walang pasok kaya papungta ako kay Akira. "Kina Akira. Ikaw din? Sabay na tayo,” nakangiting sabi naman niya. Ngumiti na lang din ako then sabay na kaming naglakad. Sa loob ng isang linggo ay medyo nasasanay na ulit ako sa presensya niya kaya hindi na ako naaapektuhan kapag ganito kami na magkalapit. Paminsan minsan ay palihim akong sumusulyap sa kaniya. Ang seryoso nang mukha niya. Ano kayang iniisip niya? "Sana magising na si Akira," seryoso niyang sabi sa akin. Tumingin muli ako sa kaniya at saktong nakatingin din siya sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin. "Magigising din siya. Tiwala lang,” ang tanging nasabi ko na lang. Ang totoo ay kinakabahan ako. Pang pitong araw na simula nang makulong si Akira sa Deactivation Room. At ayon sa doctor, kapag umabot ng isang linggo at hindi pa rin nagigising si Akira, may posibilidad na hindi na siya gumising pa. "Inaki,” narinig kong tawag ni Miro sa akin. "Hmm." "Mahal mo pa ba ako?" deretsong tanong niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa tanong ni Miro. Pakiramdam ko rin ay nakatingin siya sa akin kaya hindi ko magawang lumingon sa kaniya. Natatakot ako na baka kapag tumingin ako sa kaniya, mabasa niya ang nasa isip ko. Sa dinami-dami ba naman kasi ng pwede niyang itanong ay iyon pa. "B-bilisan na lang natin Miro." Binilisan ko ang paglalakad ko pero hinawakan niya ako sa kamay at hinigit palapit sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "M-miro,” nauutal kong tawag sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito sa akin. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. "Alam kong selfish ako pero pwede bang ako na lang ulit ang mahalin mo?" mahinang bulong niya sa akin pero sapat na para marinig ko. Gustong gusto kong sabihin na siya pa rin ang mahal ko. Pero para saan pa? Para masaktan lang ulit? At isa pa, mahal siya ng kaibigan ko. Hindi ko pwedeng traydurin si Akira. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para maitulak siya. At nagawa ko naman yun. "Ano ka ba naman Miro? Wala akong panahon para makipaglaro sa ‘yo,” galit kong sambit sa kaniya. Tumalikod na ako sa kaniya at mabilis na naglakad papunta sa clinic. Hindi ko alam kung bakit ganun si Miro. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangan pa niyang ungkatin ang nararamdaman ko sa kaniya. "Inaki, teka lang." Bakit ba ang kulit ng lalaking ito? Mas lalo kong binilisan ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. Para kaming mga bata na naghahabulan hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Akira. Pagkabukas ko ng pinto ay napatigil ako. At dahil sa biglang pagtigil ko ay nabangga pa ako ni Miro dahil dere deretso ang lakad niya. "Miro, ano ba?" Sininghalan ko siya. Tinulak ko siya ng bahagya pero natigilan ulit ako dahil lahat sila ay nakatingin sa amin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Maski si Miro ay nakita kong namula ang mukha. KANJI SHIN’S POV Akira, isang limang ka nang absent sa klase ko. Ang dami ko pa namang ituturo sa ‘yo. Isang linggo nang walang malay si Akira at si baby Jira. At heto na naman ako, kinakausap ko na naman si Akira kahit na alam kong hindi siya sasagot sa akin. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko, ang araw na malaki ang tyansang hindi na magising pa si Akira. Araw araw ko na nga itong ginagawa e. Araw araw ko siyang kinakausap kahit na wala siyang malay. Pati si baby Jira, kinausap ko na rin. Nagmumukha tuloy akong baliw pero wala akong pakialam. "Mr. Kanji, iche-check ko lang si Ms. Akira." Tumango ako sa doctor na kapapasok lang. Tumayo ako at lumayo ng konti kay Akira. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumingin sa akin ang doctor. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. "She's doing great. Normal na ang heartbeat niya ngunit hindi pa rin siya nagkakamalay na ikinakabahala ko," seryosong sabi naman ng doctor. “Okay naman po siya hindi ba?” kinakabahan kong tanong. "Kailangan niyang magkamalay upang masabi nating maayos na siya. Babalik ako dito after an hour upang i-check ulit siya," seryosong sabi naman sa akin ng doctor. Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya ng kwarto. Agad ko namang nilapitan si Akira at hinawakan ang kamay niya. At ilang saglit pa ay nagmulat na siya ng mga mata. "A-akira,” umiiyak kong sabi. "S-shin." Ngumiti siya sa akin. I missed her smile. I missed her and I'm glad she's okay now. Parang gusto kong tumalon dahil sa tuwa ko na nagising na siya. Pero syempre hindi ko ginawa. Mamaya na lang ako tatalon at hihiyaw. "Papa." Napabitaw ako sa kamay ni Akira at tiningnan si baby Jira. Gising na rin siya kaya agad ko siyang binuhat. "Namiss kita baby Jira,” masiglang sabi ko kay Baby Jira. "Papa." Nagpagulong gulong sa palad ko si baby Jira. Ginagawa niya ito kapag naglalambing siya. Mukhang namiss din ako ni baby Jira. "Anong nangyari?" narinig kong tanong ni Akira. Napatingin ako sa kaniya na seryosong nakatingin sa akin. "Nakulong ka sa Deactivation Room. Almost 4 hours ka dun kaya isang linggo kang walang malay,” seryosong sagot ko naman. Hindi na nag-react pa si Akira. Parang hindi man lang siya nagtaka sa nangyari sa kaniya. Weird. "Teka, okay ka na ba? Tatawagin ko ang doctor,” imbes ay sabi ko na lang. "Huwag na Shin. Okay na ako. Sina Mommy, nasaan sila?" tanong pa niya sa akin. "Papunta na sila dito,” mabilis na sagot ko naman. Isang katahimikan ang bumalot sa amin. Na-miss ko ang boses niya pero parang naubusan ako ng sasabihin. Daig ko pa ang natameme dahil hindi ako makapagsalita. Bumaba mula sa palad ko si baby Jira at lumapit siya kay Akira. "Mama." "Kamusta baby Jira?" nakangiti niyang tanong kay Baby Jira. Buti pa si baby Jira, kinakamusta niya. Tss. "Papa, Mama, love." Napangiti ako bigla sa sinabing iyon ni baby Jira habang si Akira naman ay namula ang magkabilang pisngi. "Alam mo ba, tinakot niyo ako baby Jira. Akala ko mawawala na kayo sa akin," nakangisi kong sabi kay baby Jira pero kay Akira ako nakatingin. Lalong namula ang mga pisngi niya kaya nag-iwas agad siya ng tingin. "Akira anak." Sabay kaming napalingon ni Akira sa may pintuan. Nakatayo na doon ang hari at reyna. "Mom, Dad." Agad lumapit si Reyna Rachelle kay Akira ay niyakap ito. Pareho na silang umiiyak. Lumapit na rin si Haring Alejandro at hinalikan ang noo ng kaniyang anak. "I knew you can survive because you are my daughter,” nakangiting sabi ni Haring Alejandro sa kaniyang anak. "Dad naman,” umiiyak na sabi naman ni Akira. "Ligtas ka na Akira. And I am so proud of you." Nag-usap usap lang ng kung ano ano ang royal family. Ako naman ay nakaupo lang dito dahil hindi ako hinayaan ni Haring Alejandro na lumabas. Sabi niya ay dito lang daw ako kaya nandito lang ako. Natigil lang kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Inaki. Pero natigilan siya kaya nabangga siya ni Miro na dere deretso ang paglalakad. Humarap si Inaki kay Miro. "Miro, ano ba?" Itinulak pa niya ito ng bahagya habang kaming lahat ay nakatingin lang sa kanila. Napansin naman ata nila kami dahil pareho silang namula. Gustong gusto kong tumawa dahil sa itsura nila pero pinigilan ko na lang. "P-pasensya na po Haring Alejandro at Reyna Rachelle,” nahihiyang sabi ni Inaki. Ngumiti naman sa kanila ang hari at reyna. Pumasok na rin sila ng tuluyan at isinara agad ni Miro ang pinto. "Sobra mo ata akong na-miss Inaki,” sabi naman ni Akira. "Waahhhh. Gising ka na Akira." Tumakbo palapit si Inaki kay Akira at mahigpit itong niyakap. Pero agad siyang bumitaw dahil na-realize niya siguro na nandito ang hari at reyna. "I mean, Prinsesa Akira pala,” alanganing sabi pa niya. Tumawa naman ng malakas ang reyna kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Kilalang mahinhin at mayumi si Reyna Rachelle kaya nakakagulat na tumatawa ito ng malakas. "Ang cute mo Inaki. And h’wag ka nang masyadong pormal dahil tayo tayo lang naman ang nandito. I'm sure naiinis na sa ‘yo si Akira dahil tinawag mo siyang prinsesa,” nakangiting sabi pa ng reyna kay Inaki. Nagdaldalan lang ng nagdaldalan sila kasama si Akira, halos mapuno na nga ng tawanan ang buong kwarto. Habang ako ay nakontento na lang sa pagmasid kay Akira. Alam kong hindi pa dito natatapos ang lahat. Alam kong may mas malaking panganib pa ang nag-aabang kay Akira. Sana nga lang ay kapag dumating ang oras na yun, magawa ko siyang protektahan. At gagawin ko ang lahat, maprotektahan at mabantayan lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD