52

940 Words
AKIRA'S POV Weekends ngayon kaya napagdesisyunan namin ni Inaki na gumala muna sa syudad. Masyado raw kasi siyang na-stress sa mga nagdaang araw kaya nais niyang mag-unwind muna. Maski ako rin ay parang napagod sa lahat ng nangyari kaya pumayag akong sumama sa kaniya upang makapag-relax naman. "Ready ka na Akira?" nakangiting tanong sa akin ni Inaki nang makalabas na siya ng banyo. Nakabihis na siya ng isang blouse na kulay puti na tinernuhan ng kulay pulang shorts at naka-sandals siya na kulay puti rin. Napangiti na lang din ako dahil sa kagandahan niya kaya mas lalo akong namroblema sa kung anong isusuot ko. Kanina pa kasi ako nakaharap sa cabinet ko at wala akong magustuhan sa mga damit ko na pwedeng isuot ngayon. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako. Dati naman kasi ay hindi ko pinoproblema ang mga isusuot ko. Pero ngayon, halos mabaliw na ako sa kakaisip kung anong pwedeng suotin. "Hindi ka pa pala bihis," dugtong na sabi pa ni Inaki habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Alanganin akong ngumiti sa kaniya. Naka-bathrobe lang kasi ako dahil nga wala pa akong mapili na damit na isusuot. "Hindi ko alam kung anong isusuot ko," pag-amin ko sa kaniya. Lumapit naman sa akin si Inaki. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa cabinet ko na waring nag-iisip. "Marami kang damit pero oo nga, ano bang bagay sa 'yo ngayong araw na ito?" sabi pa niya sa sarili niya. Napailing na lang ako. Simpleng araw nga lang naman ito ngunit grabe kaming mamroblema ni Inaki sa damit ko. Parang ang OA na tuloy. Hanggang sa mapangiti ulit si Inaki at kinuha niya ang isang dress sa cabinet ko. Kulay peach ang dress na ito na hapit sa upper body ko at flowy naman baba ko. Lagpas tuhod ang haba nito ngunit wala naman itong manggas. Itinapat ni Inaki ang dress sa katawan ko at saka muling ngumiti. "Ito na ang isuot mo Akira." Napatango na lamang ako at mabilis na kinuha sa kaniya ang damit. Pumasok ako sa banyo para magbihis. At nang matapos ako ay agad akong lumabas. Naabutan ko pa si Inaki na namimili ng isusuot ko sa paa hanggang sa kunin niya ang kulay brown na strap sandals. Iniabot niya sa akin ito kaya mabilis ko na ring isinuot ito. Pinagmasdan pa ni Inaki ang kabuuan ko hanggang sa mapadpad ang tingin niya sa may leeg ko. "Mukhang hindi bagay ang kwintas mo sa suot mo Akira," seryosong sabi pa niya. Agad naman akong napahawak sa kwintas ko at mabilis na itinago iyon sa loob ng dress ko. "Ah, ano, kasi hindi ko tinatanggal ang kwintas na ito sa akin." "Ganoon ba? Okay sige, ayos na 'yan," sabi naman niya. Napangiti naman ako. Hindi ko kasi pwedeng tanggalin ang kwintas ko sapagkat mararamdaman ng lahat kung gaano ako kalakas. Baka malaman nila na ako ang prinsesa kapag nangyari iyon. "May isa pa palang problema, Inaki." "Ano iyon?" seryosong tanong naman niya. Inilahad ko ang kanang kamay ko at ipinakita sa kaniya ang tattoo ko na isang pagkakakilanlan ko bilang prinsesa. Napatango naman si Inaki. Lumapit siya sa cabinet niya at may kinuhang isang kulay brown na laso o ribbon. Isinuot ni Inaki ang ribbon sa may wrist ko upang maitago ang tattoo ko. Bumagay naman sa suot ko ang ribbon kaya ayos lang. "So tara na?" excited na tanong sa akin ni Inaki. "Tara." Sabay na kaming lumabas ng dorm. At dahil walang pasok ngayon, wala halos estudyante ang makikita sa buong academy. Karamihan daw kasi sa mga estudyante ay umuuwi sa kanilang mga magulang upang sulitin ang weekend. Kaya sobrang tahimik ngayon sa academy. Nang malapit na kami sa gate ng academy ay nakita pa namin si Shin. Halos matulala ako sa itsura ni Shin ngayon. Naka-polo shirt kasi siya na kulay grey at naka-pantalon na blue na tinernuhan ng kulay puting sapatos. "Kanji, paalis ka rin?" tanong sa kaniya ni Inaki nang makalapit kami sa kaniya. Palabas din kasi siya ng gate. "Oo, may bibilhin lang ako sa syudad. Kayo rin?" balik tanong naman niya kay Inaki. "Oo e. Mag-unwind lang kami ni Akira," nakangiting sagot naman ni Inaki. "Okay sige. Mag-iingat kayo." Pagkasabi noon ni Kanji ay umalis na siya. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin at kay Inaki lang ang atensyon niya. Bahagya akong nalungkot dahil doon. Pinalabas ko naman na ang siyam kong buntot kahapon kaya bakit parang galit pa siya sa akin? "Natulala ka na Akira. Hayaan mo na muna 'yang si Kanji. Baka tinotopak pa," sabi naman sa akin ni Inaki. Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Inaki, mali ba ang ginawa ko kahapon?" "Of course not. Kung tutuusin, dapat nga matuwa si Kanji sa 'yo dahil napalabas mo na ang nine tails mo," mabilis naman niyang sagot sa akin. Napatango na lang ako. Pero bakit nga ba ako apektado? Baka talagang trainee na lang ang tingin sa akin ni Shin dahil ang alam niya ay hindi ko pa rin siya naaalala. Kaya bakit nga ba ako mag-aassume na papansinin niya ako kahit na hindi oras ng training? Marahil ay dahil ang alam niya ay hindi na babalik ang alaala ko, kaya kampante na siyang balewalain ako. "Hay naku, ang sabado ay oras ng pag-eenjoy. Kaya huwag ka nang sumimangot at tara na," dugtong na sabi pa ni Inaki. Napangiti na lamang ako. Tama siya. Hindi dapat ako nagpapa-apekto kay Shin. Dapat ay i-enjoy ko lang ang araw na ito. Wala dapat na kahit na anong stress o isipin ang papasok sa utak ko. I should let myself enjoy for a while.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD