49

674 Words
AKIRA’S POV Maaga akong gumising sapagkat gusto kong makausap si Shin. Hindi ko na hinintay pa na magising si Inaki upang magpaalam sa kaniya. Nag-iwan na lang ako ng note na mauuna na ako sa academy. Kasama ko si Baby Jira ngayon na naglalakad papunta sa dorm ni Shin. Hindi ko alam kung papapasukin ba ako doon since dorm iyon ng Faculty Members. Ngunit kailangan ko siyang makausap bago pa man magsimula ang meeting mamaya. Bago pa man ako makarating sa may dorm ni Shin ay nakita ko na siyang papunta sa may academy. Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako palapit sa kaniya. “Shin,” hinahapong tawag ko sa kaniya nang medyo malapit na ako sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin na nakakunot ang noo. “Ms. Akira, anong ginagawa mo dito? Maaga pa.” Huminga ako ng malalim. “About sa meeting mamaya.” “Don’t worry,” pagputol niya sa sasabihin ko. “Napagdesisyunan na ni Ginoong Duran na hindi ka kasali sa pagpapalabas ng buntot mamaya. Since maraming estudyante, hindi ka na nila mapapansin mamaya," seryosong sabi pa niya. "What?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi na nakakapagtaka iyon Ms. Akira. Ikaw ang prinsesa at hanggang maaari ay ilalayo ka namin sa kung ano mang makakapagpahamak sa 'yo. Ngunit pagkatapos nito, asahan mong si Ginoong Duran na ang magiging trainor mo," seryosong sabi naman niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Hindi ko akalain na tototohanin ni Ginoong Duran ang mga sinabi niya kay Shin. Bigla akong nakaramdam ng guilt. "I'm sorry Shin," ang tanging nasabi ko na lang. "That's okay. You're the princess after all. Hindi ka namin mapipilit sa mga bagay na ayaw mong gawin. Kami pa rin ang kailangang mag-adjust para sa 'yo." Pagkasabi no'n ni Shin ay tumalikod na siya sa akin at humakbang palayo. Para naman akong sinaksak dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko napigilan ang mapaluha dahil nasaktan ako sa mga sinabi niya. Parang ang laki ng kasalanan ko sa buong lahi ko, at kinakain na ako ng konsensya ko. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at nagsimula na rin akong humakbang papunta sa academy. Isa-isa na rin kasing nagsisidatingan ang iba pang estudyante at ayoko namang makita nilang umiiyak ako. Baka kung ano pang isipin nila. Habang naghihintay ng oras ay mas pinili ko na lamang na maupo muna dito sa gym. Pinagmamasdan ko lang ang mga estudyanteng dumadating hanggang sa makita ko si Inaki na alam kong hinahanap ako. Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin. Tumango lamang ako sa kaniya. "Ang aga mo Aki," agad niyang sabi nang makalapit siya sa akin. Nakatingin naman ako kay Shin na bagong pasok lang sa gym kasama ang ibang myembro ng Faculty. Mababakas sa mukha ni Shin na hindi maganda ang mood niya. Ngunit kahit ganoon ay naririnig ko pa ang ibang estudyante na poging pogi sa kaniya. "Shin is in trouble because of me, right?" wala sa sariling tanong ko kay Inaki. Napabuntong hininga naman si Inaki na nakatingin din pala kay Shin. "Ayoko namang magpaka-plastik sa 'yo Aki. Pero yes, kinukwestiyon na ang kakayahan niya ng myembro ng Konseho," seryosong sagot naman niya sa akin. Naikuyom ko ang kamao ko. "Bakit kailangang saluhin ni Shin ang kapalpakan ko?" "Dahil malaki ang tiwala ng Konseho na magagawa niyang palabasin ang buntot mo. At sa pagkakataong ito, ngayon pa lang mabibigo si Kanji sa misyon niya," malungkot na sagot naman ni Inaki sa akin. Kaya pala ganoon na lamang siya kapursigido sa akin. Kaya pala ganoon siya ka-agresibo na maturuan ako. "Pero huwag kang mag-alala. Makakayang lagpasan ni Kanji 'yan," nakangiting sabi pa sa akin ni Inaki. Marahan akong napailing. No. Hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga paghihirap ni Shin. Ayoko nang dagdagan pa ang guilt na nararamdaman ko. Hindi ako papayag na bumaba ang tingin ng buong Konseho kay Shin. Lagi na lamang akong nililigtas ni Shin kaya ngayon, ako naman ang poprotekta sa kaniya. Ako naman ang magliligtas sa kaniya sa kahihiyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD