AKIRA'S POV
Buong morning class ay mahahalata sa lahat ng estudyante ang pagkabalisa at pagkatakot. Ramdam na ramdam ko ang mabigat nilang aura kaya hindi matahimik ang isipan ko. Hindi rin kumakalma ang t***k ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
Pagkatapos ng morning class ay hindi ako halos nakakain. Hindi ko naubos ang pagkain ko kaya ibinigay ko na lang ito kay Baby Jira.
"Aki, ayos ka lang ba?" pagbasag ni Inaki sa katahimikan naming dalawa.
Hindi ko naman napigilan ang mapabuntong hininga. "Hindi ko alam Inaki. Hindi ako mapakali," pag-amin ko naman sa kaniya.
Isang ngiti naman ang ibinigay sa akin ni Inaki. "Huwag kang masyadong mabahala. Alam kong magagawa ni Kanji ang misyon niyang mapalabas ang buntot mo," bulong pa niya sa akin.
Hindi naman ako namo-mroblema sa pagpapalabas ng buntot ko dahil kaya ko na iyon. Ang hindi ko lang magawang tanggapin ay ang pagsisinungaling na ginagawa ko kay Shin. Pakiramdam ko ay niloloko ko siya at mas lalo ko siyang lolokohin kung ipapakita ko na sa kaniya ang siyam kong buntot. Sapagkat nasa pagpapanggap pa rin ang ika-apat kong buntot.
Punong puno na ng kasinungalingan ang buong pagkatao at buhay ko simula nang mapunta ako sa mundong ito. At unti unti na akong kinakain ng konsensya ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko magagawa ang pagpapanggap na ito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang lahat ng ito.
Natapos ang lunch namin ni Inaki kaya naghiwalay na rin kami ng daan na tatahakin. Papunta na siya sa training field niya habang ako naman ay tinatahak na rin ang papunta sa may falls.
Pagkarating ko doon ay nakita ko na agad si Shin na matyagang naghihintay sa akin. At nang makita niya ako ay bigla siyang kumaway at ngumiti. Hindi ko alam kung anong ire-react ko kaya umiwas na lamang ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata niya sapagkat ayokong mahalata niya ang mga kasinungalingan ko.
"Ms. Akira, magsimula na tayo?" nakangiting tanong niya sa akin nang makalapit ako.
Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. "Paano kung hindi ko magawang palabasin ang buntot ko? Anong mangyayari sa akin?" sunod sunod na tanong ko pa.
"Mapapalabas mo ang siyam mong buntot. Kailangan mo lang maniwala sa sarili mo," sagot naman niya sa akin.
Mariin akong napapikit. Hindi ko kayang makipag-training kay Shin dahil mas lalo lang madadagdagan ang kasalanan ko sa kaniya.
"I'm sorry Shin. I can't do this," umiiyak kong sabi.
"What?" hindi makapaniwalang tanong naman sa akin ni Shin.
"I'm sorry." Tumalikod ako kaniya upang lumayo ngunit agad niyang nahawakan ang kamay ko.
"Akira, may problema ba? You can tell me," seryosong sabi pa niya.
"No. I'm just tired of everything. I'm sorry."
Hinigit ko ang kamay ko sa kaniya at mabilis na tumakbo palayo sa kaniya. Alam kong mahirap para kay Shin ito ngunit mas mahihirapan lang siya kung itutuloy namin ang pagte-training. Mas mabuti na lang na lumayo na muna ako sa kaniya hanggang sa mawala na ang issue tungkol sa nakita ni Gomez na fox kagabi. I think it's better this way.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mapunta ako sa may garden ng academy. Nang masiguro kong walang ibang estudyante sa paligid ay mabilis akong umakyat sa isang malaking puno. Ipinikit ko ang mga mata ko upang pakalmahin sandali ang kalooban ko.
"Mr. Kanji, bakit ka nandito? Hindi ba't dapat ay nasa training kayo ni Ms. Akira?"
Napamulat ako ng mata ko nang marinig ko ang boses ni Ginoong Duran. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko sila ni Shin sa hindi kalayuan. Rinig na rinig ko pa rin ang boses nila sapagkat nagagamit ko ng malaya ang abilidad ko.
"Pasensya na po Ginoong Duran, ngunit bigla na lamang pong umalis ang prinsesa," magalang na sagot naman ni Shin.
"At sa anong dahilan? Bukas ay kailangan niyang ipakita sa lahat ang kaniyang siyam na buntot. Nagawa na ba niya ito? Lumabas na ba ang siyam niyang buntot?" sunod sunod na tanong naman ni Ginoong Duran.
Napakagat ako sa labi ko. Base sa tono ng pananalita ni Ginoong Duran ay galit ito.
"Hindi pa po. Kaya hinahanap ko po siya ngayon sapagkat alam ko pong kailangan na po niyang mapalabas ang nine tails niya," sagot naman ni Shin.
"Ipinagkatiwala ng Hari at Reyna sa 'yo ang pagsasanay ng prinsesa. Malaki ang tiwala nila na magagampanan mo ang misyon mo. Kanji, there's no room for mistakes. At kung hindi mo magagawang palabasin ang nine tails ng prinsesa, mapipilitan akong ilipat siya sa akin. Naiintindihan mo naman iyon hindi ba?"
Napahawak ako sa aking bibig. Hindi ko akalain na sobrang pressure pala ang nararamdaman ngayon ni Shin. Tiningnan ko siya at bakas na bakas sa mukha niya ang pagkabahala.
Mas lalong nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko. Tama nga siguro si Manara, dadating ang oras na kinakailangan kong ipakita sa lahat ang siyam kong buntot. At sa tingin ko, ang araw na iyon ay bukas sa meeting.