III

1416 Words
III ALEYNA Madalas kong itanong sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay. Sapagkat laging ipinadarama ng aking nakatatandang kapatid na si Prinsipe Franco na dapat ay hindi na lang ako nabuhay. Isinisisi niya sa akin ang pagkamatay ng aming Ina-minsan ay mula rin sa aking Amang Hari. Lalo na kung lango sila sa inuming nakalalasing. "Isa kang sumpa! Malas ka! Malas!" sigaw sa'kin ni Prinsipe Franco. Kinuha niya ang isang kopita at ibinato sa tapat ko. Sa edad na sampu ay nararanasan ko ang pagmamalupit niyang ito. Nanatili akong paurong na lumalakad. Hanggang sa napasandal na ako sa pader ng aking silid. Nabigla na lamang ako habang ako'y nagbabasa ng libro kanina ay pumasok siya sa aking silid. Napaimpit ako sa sakit sapagkat dumikit ang natamo kong sugat mula sa paglalatigo niya sa'kin kanina. Napahikbi ako. "Ma-maawa ka... Aking kapatid..." Lalong sumama ang titig niya. Hinihiling ko sa mga sandaling ito na may dumating upang iligtas ako. Sunod-sunod ang paglunok ko nang ihampas niya muli ang latigo niya sa sahig. Ngumisi siya. "Bakit kasi hindi ka nalang mamatay? Iyon naman ang nararapat sa'yo." "A...yoko..." Mahinang sambit ko. Tuluyan akong napaluha. Pero bigla niya akong hinampas ng latigo kaya napasigaw ako. "Tumahimik ka!" Isang hampas muli ang iginawad niya. "Prinsipe Franco! Itigil mo 'yan!" sigaw ni ng unang Prinsipe na si Nico. Itinulak niya si Prinsipe Franco. Kaagad akong dinaluhan ni Prinsipe Wayne. Pinilit kong tumayo. "H'wag mo akong kaawaan. Kaya ko ang sarili ko," malamig kong turan sa kanya. Pagkatayo ko ay tumakbo ako palabas ng aking silid. Napatakip ako sa taenga ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang kagustuhan nilang lahat na mawala na ako. Isa akong sumpa. Dapat na akong mawala. Isa akong malas. Dapat na talaga akong mawala. Lumabas ako ng kaharian. Nagtatakbo ako paloob ng kagubatan. Malalim na ang gabi sa buong kaharian kaya walang nakapansin sa'kin na ako ay lumabas sa lihim kong lagusan palabas ng kaharian. Balewala sa'kin kung wala akong sapin sa paa. Tuloy-tuloy lamang ako sa pagtakbo sa masukal na kagubatan. Kahit na nasusugatan na ang talampakan ko sa mga matutulis na bato ay hindi ko 'yon ininda. Manhid na ako sa sakit. Mas masakit ang damdamin ko sa mga pinaramdam nila. Sobrang sakit na. Hindi ko na yata kakayanin pa. Napahinto ako nang makita na nasa dulo na ako bangin at ang ibaba ay tubig na nagmumula sa Talon ng Buhay. Hiningal ako sa layo ng tinakbo at napaluhod ako. Napatingala ako sa maliwanag na bilog na buwan. Sa pamamagitan no'n ay kumikinang ang tubig ng talon. Napangiti ako ng mapait sa kagandahang namamasdan ko. Patuloy sa pag-agos ng aking luha. Bukod tanging ang lagaslas ng tubig mula sa talon ang aking naririnig. Paulit-ulit na sumisigaw sa isipan ko ang mga masasakit na salitang sinasabi sa'kin. "Mahal na Santa Elena... nagsusumamo ako. Gusto ko na matapos ang lahat ng sakit dito..." Paulit-ulit kong kinakabog ang dibdib ko. Kilala ang talon na ito na siyang sagrado. May alamat na rito raw nakikita ang mahal na Santa. Pero heto ako... "Patawarin mo nawa ako Mahal na Santa sa aking gagawin. Hirap na hirap na po ako...patawad po..." Tumingala ako at napapikit. Idinipa ko ang aking mga kamay at dinama ang ihip ng hangin. "Aking Ina...makakasama na kita..." Humakbang ako tatlong beses. Tumalikod ako habang nakadipa pa rin. Huminga ako ng malalim. Saka ko inihulog ang sarili ko pabulusok sa tubig ng talon. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Napapikit ako nang tuluyan akong bumagsak sa tubig. Pinigil ko ang aking paghinga. Kaya buong akala ko ay ito na ang huling gabi ko sa mundo. Naramdaman ko na humila sa akin paangat muli sa ibabaw ng tubig. Nang mapalabas niya ang tubig na nainom ko ay tuluyan akong nagkamalay. Isang lalaki ang aking nakita. Puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Basang-basa rin siya kagaya ko. "Salamat sa mahal na Santa at nabuhay ka!" Natutuwang sambit niya. Muli na namang namuo ang luha sa aking mga mata. "Ba...kit... Iniligtas mo ako? Sino ka?" Pinilit kong tumayo. "Ako si Charlie Janairo, ang Prinsipe ng Kronborh," sagot niya. Napatingin ako sa selyo ng kanyang kasuotan. Isang gintong selyo na may tatak ng naga-alab na espada at orasan. Sa Impreryong Kronborh- Kung saan naroon ang mga tagong kaharian na hindi matatagpuan sa mapa. Ito rin ang sentro kaharian ng bansang Romania. Ano'ng ginagawa ng isang Prinsipe na nagmula pa ibayong kabundukan dito sa kalupaan ng Egeskorv? "Hindi mo na dapat ako iniligtas, Prinsipe Charlie. Gusto ko na mawala!" Hinawakan niya pareho ang mga kamay ko saka ako hinila at niyakap niya ako. "Kaya kita iniligtas kasi gusto kong mabuhay ka, mahal na Prinsesa. Nararapat ka lamang na mabuhay," wika niya habang yakap ako. Lalo tumulo ang aking luha sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na may tao pala na gusto akong mabuhay. "Lahat sila... Gusto na ako mamatay... Kaya nararapat siguro na mawala ako..." "H'wag mong sabihin 'yan. Hindi sila ang magdidikta sa kapalaran mo. Nandito ako, gusto kong mabuhay ka. Hangga't nandito ako. Gusto ko mabuhay ka..." Humawak ako sa dibdib ko. Hindi ko alam. Ngayon lang kami nagkatagpo ngunit sa kanya tono ay tila ba matagal na niya akong kilala. "Salamat, mahal na Prinsipe..." Naisatinig ko. Tumingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa'kin. Pumunit siya ng tela sa kanyang kasuotan. Kinuha niya ang aking braso at tinalian ang sugat na sanhi ng paglatigo sa'kin. "Sa bawat tumatakbong oras ay katumbas ng pagtakbo ng buhay natin," wika ni Prinsipe Charlie. "H'wag mong sasayangin ang oras mo, laging tatandaan na kahit na ano'ng oras o panahon, nandoon ako." Napatingin siya sa'kin saka ngumiti. Iminulat ko ang aking mga mata. Napanaginipan ko ang unang beses na nagkita kami ni Prinsipe Charlie. Ngunit, hindi ko maiwasan na balutan ng kalungkutan sapagkat muntikan na akong mamatay nang gabi na 'yon. Humikbi ako at paulit-ulit na kinabog ang dibdib ko. Napakasakit ng namumuong kung ano na nagpapasikip. Bumaba ako sa kama ko. Puno pa rin ng kadiliman sa labas. "Prinsipe Charlie? Nasaan ka?" pagtawag ko sa kanya. Nagbabakasali ako na nandito siya. Ang alam ko ay nakabantay lang siya sa'kin hanggang sa makatulog ko. "Prinsipe Charlie... Sabi mo hindi ka aalis? Nasaan ka na?" Patuloy kong pagtawag sa kanya. Paano kung pumasok na naman si Kuya Franco at saktan ako? "Prinsipe Charlie!!!" Nagtungo ako sa balkonahe ng aking silid. Sinalubong ko ang lakas na ihip ng hangin. Kasunod ay sumara ang pinto ng balkonahe papasok sa aking silid. Nakita ko ang pag guhit ng kidlat sa kalangitan. Nanlaki ang mga mata ko at patakbong nagtungo sa pinto ng balkonahe. Gayon na lamang ang paglukob ng takot sa dibdib ko sapagkat hindi ko 'yon mabuksan. "Prinsipe Charlie! Tulong! Ang pinto!" sigaw ko saka paulit-ulit na kinatok ang pinto. Ayoko ng kulog at kidlat. Takot ako sa mga ito. Napasilip ako sa ibaba ng balkonahe. At sa hindi inaasahan ay kumulog ng malakas. Napasigaw ako at napatakip sa taenga ko. Pakiramdam ko ay malalagutan ako hininga sa takot na nadarama. Kaya nang kumulog muli at aksidente na nawalan ako ng balanse na siyang ikinahulog ko sa balkonahe. Napatili ako. Hindi na tubig ang babagsakan ko kundi sementadong koridor ng aming kaharian. Ito na yata ang magiging katapusan ko. Kasi panigurado pagbagsak ko ay mababagok ang ulo ko. Baka ito na nga... Paalam... Ngunit hindi gano'n ang nangyari sapagkat naramdaman ko na sumalo sa'kin. Nakapikit ako ng mariin. Ramdam ko ang kanyang mga bisig habang salo ako. Napatingin ako sa kanya. Kasabay ng pagihip ng malakas na hangin at muling pagkulog ng malakas. Lalo akong napakapit sa kanya. "Heneral Argus..." Ramdam ko ang pagkabog ng mabilis ng aking puso. "Mahal na Prinsesa..." Lalo akong yumakap sa kanya. Unti-unting pumamatak ang ulan. At tuluyan na nga iyong bumagsak. Ito ang unang beses na hindi ako natakot sa ulan. At dahil 'yon sa kanya. Napatitig ako sa kanya, maging siya. Dahan-dahan niya akong ibinaba. "Ligtas ka na. Mabuti at nasalo kita, mag-iingat ka muli... Mahal na Prinsesa," wika niya sabay yumukod. "Sinagip mo muli ako, maraming salamat." Nakangiting wika ko. Tick... Tock... Tick... Tock... Kahit pa na ang buhos ng ulan ang dinig sa buong paligid ay naririnig ko iyon. Napatingin ako sa bandang dibdib ko at nakita ko roon ang clock necklace na hinahap ko. Muli akong napatingin kay Heneral Argus. May sinasabi siya ngunit hindi ko naririnig sapagkat tunog nitong orasan ang naririnig ko. Napatakip na lamang ako ng taenga saka napapikit ng mariin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD