Jiro’s POV Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay sinabi ko kay Ate Michiko na siya muna ang maghugas ng pinggan ngayon dahil nagmamadali ako. Nagsasalita pa nga siya noong sinabi ko na kailangan ko nang umalis. Pagdating naman sa sakayan ay yumuko muna ako dahil sa paghahabol ng hininga. Napaupo ako at napaisip . . . bakit nga ba ako nagmamadali? Wala naman akong hinahabol na klase at oras, ah? Napa-angat na lang ako noong narinig kong tinawag ako ni Aleina. Teka lang . . . hindi ko pa siya nakikita pero bakit alam kong siya na kaagad ang tumawag sa akin? Kaya ba ako nagmamadali ay para maabutan ko siya? Talaga bang nababaliw na ako? Kailan ko pa nalaman ang salitang torpe at kung umasta ako ngayon ay daig ko pa si Lance na hindi mapakali noon kapag nakasasama namin ang babaeng gusto

