To Have And To Hold - Chapter 2

2219 Words
Nakatayo si Vicente sa gitna ng sala. Na-intimidate si Maurin. Maliit lang ang kanyang apartment at may pakiramdam siyang napuno ng presensiya ng lalaki ang kanyang lugar. Bahagyang nakatalikod si Vicente sa kanya. And she had a sight of an equally wonderful back. Strong and wide shoulders, lapat na lapat sa suot na polo. It was neatly tucked in in his signature labeled pants. His waist was defined in his alligator belt. His butt was... was... hmm... Napangiti si Maurin sa huling naisip. She ran out of adjectives at iyon na lang ang pumasok sa kanyang isip. Maybe she was tired of eating her overcooked macaroni soup. At parang ibang putahe na ang kanyang nakikita. Salbahe! Teacher ka pa naman! saway ni Maurin sa sarili. Lumingon sa kanya si Vicente. Parang tapos na nitong i-scrutinize ang paligid kaya bumalik na naman sa kanya ang atensiyon. Sinalubong naman ni Maurin ang tingin ng lalaki nang nakataas ang noo. Kahit medyo hindi nagbe-blend ang mga gamit sa kanyang apartment, malinis na malinis naman ang bawat sulok niyon. At iyon ang kanyang maipagmamalaki. Metikulosa siya sa kalinisan at kahit bulag ay hindi mahihirapang maghanap ng gamit dahil organized siyang tao. “Puwede ba akong maupo?” sabi ni Vicente na halatang naiinip na. “Oh, sure!” pabigla namang sagot ni Maurin. Nakalimutan yata talaga niya ang kagandahang-asal. At naisip niyang baka kaya ito nanatiling nakatayo sa gitna ay dahil hinihintay na paupuin niya. Confident namang naupo si Vicente sa single sofa. ang tanging kalat na naligaw sa bahay ni Maurin ay ang gamit na initsa niya sa sofa pagdating kanina. Pasimpleng dinampot niya iyon at inilagay sa isang tabi, saka siya umupo. “You are Maurin Natalie Ilagan,” sabi ni Vicente sa tonong nakasisiguro. Bahagyang napapikit si Maurin. Nang huli niyang marinig ang kanyang buong pangalan ay noong umakyat siya sa entablado para abutin ang kanyang diploma. She was Maurin to everybody. “Maurin na lang. How did you know me? At ano ang kailangan mo?” Muling naging grim ang ekspresyon ng mukha ni Vicente. “Maurin,” ulit nito na parang nilaro sa dila ang kanyang pangalan. “Talagang hinanap kita. Call me Vince, by the way.” Vince Larkin, sabi ng isang bahagi ng kanyang isip pero agad namang nagprotesta ang kabilang bahagi. Pierce Brosnan sabi, eh!  “Okay, Pierce—este, Vince,” masunurin namang sabi niya. Mukhang matalas ang pandinig ni Vince. Bahagya itong napangiti sa kanyang sinabi. He was probably aware of his resemblance to the actor. Pero sandaling-sandali lang ang ngiting gumuhit sa mukha nito at agad ding nawala. “May I smoke?” hinging-permiso ni Vince. Napasimangot si Maurin. Hindi naman sa ayaw niya sa mga taong naninigarilyo. Paminsan-minsan ay naninigarilyo rin siya—kapag nagpapaimpluwensiya kay Annalor. Pero parang hindi niya gusto ang ideyang may ibang magpapausok sa kanyang bahay. Ang isang kamay ng lalaki ay dumudukot na ng sigarilyo. At parang magic. Sa loob ng maikling sandali, nailabas nito ang isang kaha at gold-plated na lighter. Tiningnan muna siya ni Vince. Wala naman siyang nagawa kundi tumango. Then he lit his cigarette. Napatitig siya sa mga labi ni Vince. He was a professional smoker. Ibinuga nito ang usok paitaas. His lips were pink. Paano nangyaring hindi umitim ang mga labi ni Vince gayong halata namang bihasang-bihasa sa paninigarilyo? Inilapit ni Vince sa kanya ang kaha ng sigarilyo. Blue-sealed iyon, kagaya ng brand ni Annalor. Napalunok si Maurin. She felt a sudden urge to smoke. “Feel free,” narinig niyang sabi nito. Feel free daw kaya yumuko naman siya at kumuha ng isang stick. Again, she saw him in his grim expression but he was gentleman enough to lit the cigar for her. “Thanks,” sabi niya pagkatapos ibuga ang usok. Tinuruan siya ni Annalor ng tamang paninigarilyo.  Iyong tipong hindi magmumukhang p********e na hindi mabili. Sabi nga ni Kristel, mukha pa siyang pinakasosyal sa kanilang tatlo kapag naninigarilyo na siya. She moved with so much class na parang hindi turn off sa karamihan na naninigarilyo ang isang babae. Ganoon din kaya ang dating niya kay Vince? “I came to tell you a story, Maurin,” simula ng lalaki. His voice was cold. Nakadama rin siya ng panlalamig. “A story?” Humitit siya ng sigarilyo at naupo nang tuwid. She met his dark eyes. Hindi niya natagalang salubungin iyon. Muli niyang pinagdiskitahan ang paghitit. Tama ngang hindi siya tumanggi nang alukin ni Vince ng sigarilyo. At least, mayroon siyang napagbabalingan kapag naiilang. “Biyudo ako.” Namilog ang kanyang mga mata. She was not aware kung ang dahilan ay ang kahulugan ng sinabi nito. Pero maliban doon, wala na siyang naging reaksiyon. “My wife died giving birth to my son.” His voice became low. Nagre-recollect ito at halata ang  lungkot sa boses. But mentioning his son made his face proud yet it became lonelier. “Ibinuhos kong lahat ng pagmamahal ko sa anak ko. He was seven years old. At kahit ganoon siya kabata ay nakikita kong pagdating ng araw ay hindi ako magkakaroon ng sobrang sakit ng ulo. He had a sense of  responsibility. Then eight months ago, we met an accident. He died.” Napaawang ang bibig ni Maurin. Naintindihan na niyang kaya past tense ang ginamit ni Vince na mga salita sa pagkukuwento sa anak ay dahil wala na ang bata. “I’m sorry,” awtomatikong lumabas sa kanyang bibig. Ganoon naman palagi ang sinasabi kapag nakakarinig ng hindi magandang balita. “Are you?” Napaunat ang kanyang likod. Sa tono ni Vince ay parang sinisiguro kung totoo nga sa loob ang kanyang sinabi. Tumango siya. “You are not,” sabi nito, punong-puno ng conviction ang boses. “You killed my son.” Muntik nang mapatayo si Maurin. Hindi na siya nakakilos. Naumid ang kanyang dila at parang tumigil din sa paggana ang kanyang isip. “Wala ka bang natatandaan eight months ago?” Nasapo ni Maurin ang noo. Nakapa niya ang maliit na pilat doon. Bunga iyon ng pagkabangga ng kotse niya sa puno. Kaya nga wala na siyang kotse. Sa halip na paghirapang ipa-repair ang naging sira ay ibinenta na lang niya. Grabe ang damage ng unahan ng kotse ni Maurin. Nalaglag ang bumper at parang pamaypay na tumupi ang hood. Nabasag din ang windshield. Doon siguro nanggaling ang sumugat sa kanya na ilang araw din niyang ininda. Isang linggo siyang hindi pumasok sa montessori. Nabendahan ang kanyang ulo at hindi siya lumabas ng bahay hangga’t hindi pa tuyo ang stitches sa kanyang noo. Nang gumaling ay pinutol niya nang alanganin ang kanyang bangs. Dati, one-length ang buhok ni Maurin. Unat na unat iyon palagi sa pagkakalagay ng headband. Pero dahil may pilat na ang noo, binago na rin niya ang kanyang hairstyle. That happened eight months ago. Iyon ang natatandaan niyang nangyari sa kanya. Naaksidente siya at ibinenta sa junk shop ang kanyang kotse. Tumingin si Maurin kay Vince. Naaksidente rin ito eight months ago. Coincidence. At namatay raw ang anak. Pero paano niya naging naging kasalanan ang pagkamatay ng anak ni Vince? That was no longer a coincidence. “It was almost midnight. Maingat akong nagmamaneho pero bigla na lang may nag-overtake sa kabilang linya. The car was heading on me.” Huminto si Vince. At nakita ni Maurin sa pagtatagis ng mga bagang nito ang galit sa pag-alala sa nangyari. At lalong nadoble ang galit sa mukha nang tumingin sa kanya. Itinuon niya sa mesita ang tingin. “Lasing ang driver ng kotse. Napatunayan ko `yon nang magpaimbestiga ako. Wala sa direksiyon ang takbo kaya tinumbok ko ang rampa para umiwas. But that made the worst. I lost control at tumama kami sa pader. And worst of all worst, nagiba ang pader at halos tumabon sa amin. My son died of internal hemorrhage.” Katahimikan. Mukhang parehong sa paninigarilyo nabuhos ang kanilang atensiyon. Nang magtangka si Maurin na sulyapan si Vince, nakita niyang salubong ang mga kilay ng lalaki. Galit pa rin ang ipinupukol na  tingin sa kanya. Huminga siya nang malalim; pagkatapos ay humitit uli ng sigarilyo. Nabawasan ang tensiyon na kanyang nararamdaman. Itinaas niya ang noo at nagsalita. “Paano ko magiging kasalanan iyon kung ikaw ang bumangga sa pader? Ikaw ang may hawak ng manibela ng kotse mo.” Her voice was flat, so unaffected. Matagumpay na naitago ni Maurin ang nerbiyos pero hindi niya alam na iisa ang naging dating ng kanyang boses. Uncaring. At parang lalo iyong nagpatindi sa galit na nararamdaman ni Vince para sa kanya. “It was all your fault!” mahina pero suklam na suklam na sabi nito. “You were the drunk driver. At kung nasa tamang huwisyo ka lang, wala sanang aksidenteng nangyari!” Natigilan si Maurin. Kinakabahan siya sa hitsura ni Vince pero hindi niya gugustuhing mahalata ng lalaki ang tunay niyang damdamin. “Excuse me, Mister. Huwag mong ibaling sa akin ang pagkakamali mo. Kung magaling kang umiwas, hindi mangyayari `yon sa iyo.” Naningkit ang mga mata nito. “You know what? Ikaw na ang pinakawalang konsiyensiyang taong nakita ko.” Napalunok si Maurin. “Bakit naman ako makokonsiyensiya?” sabi niya sa tonong desididong panindigan ang mga sinasabi. “Ni hindi ko alam na may naaksidente rin pala nang gabing iyon. Ang alam ko lang, nabangga ang kotse ko.” Then she remembered, muntik na siyang may mabangga nang mag-overtake. Nang makabalik sa tamang linya, saka naman siya sumalpok sa malaking puno. “Now you know!” galit na sabi ni Vince. “Maurin, mapapatunayan ko sa `yong ikaw ang driver ng kotseng sumalubong sa akin. Kompleto sa detalye ang imbestigasyong ipinagawa ko. Kahit ang driver ng truck ng buhanging naroroon nang gabing iyon ay nakausap ko. Nakita niya ang buong pangyayari. At may statement pa siyang sinabi sa imbestigador.” Nanlaki ang mga mata ni Maurin, napahitit ng sigarilyo. “Gaya ng ano?” “Wala ka sa sarili habang nagmamaneho.” “Sigurado kang ako nga `yon?” tanong niyang lalong kinabahan dahil may palagay siyang huli na para magprotesta. Parang lahat ng salitang binibitiwan ni Vince ay may katiyakan. “Ikaw nga. Wala nang iba.” Nanigarilyo uli siya. Bahagyang nanginig ang kanyang kamay na pinagpapawisan pa nang dalhin ang sigarilyo sa bibig. Iba na ang ekspresyon niya nang muling tumingin sa lalaki. Lakas-loob lang ang pagtingin niya rito. Natatakot siya at ninenerbiyos. “I’m sorry,” sinserong sabi niya. “Hindi ko `yon sinasadya.” Galit pa rin ang ekspresyon ni Vince. Kung nabawasan man ang intensity ng galit ng lalaki dahil sa paghingi niya ng paumanhin, hindi niya alam. Nasa hitsura nito ang paninisi sa kanya. “I did not come here to ask you an apology. You owe me one.” “Huwag mong sabihing hihingan mo ako ng danyos?” Nagkamali ng sinabi si Maurin. Lalo na kasi siyang ninerbiyos sa galit na rumehistro sa mukha ni Vince. “Walang katapat na halaga ang buhay ng anak ko.” Lalo siyang ninerbiyos. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at hindi na siya magtataka kung bigla iyong sumabog. Naubos na ni Maurin ang sigarilyo sa panay na paghitit. At hindi na rin niya kayang magsindi ng isa pa. Nanginginig ang kanyang kamay at baka ni hindi na makayang ipitin ng mga daliri ang stick ng sigarilyo. “Vince, kung hindi danyos ang kailangan mo, huwag mong sabihin sa aking ngayon mo pa ako idedemanda.” lakas-loob na tanong ni Maurin. Kung tama ang kanyang hinala, then she will be doomed. Sasapat ang mga nakatabi niyang pera bilang pambayad sa isang magaling na abogado pero paano kung makulong pa rin siya? At hindi lang iyon. Paano na ang kanyang reputasyon? She was a teacher at mae-expose sa madla na kaya siya nademanda ay nasa impluwensiya siya ng alak habang nagmamaneho. At nasa hitsura pa naman ni Vince na mukhang handang sirain ang kanyang pagkatao sa harap ng korte. Gagawin nito ang lahat para mapalabas na kasalanan niya ang pagkamatay ng anak nito. Ang masakit pa, bago pa man matapos ang paglilitis ay kinondena na si Maurin ng lipunan. Hindi katanggap-tanggap sa lipunan ang isang lasenggang guro. Iyon ang tiyak na ikasisira ng kanyang pangalan. Sino pa ang tatanggap ng serbisyo niya pagkatapos ng eskandalo? Katapusan na ng kanyang propesyon. Katapusan na ng lahat sa kanya. “Naisip ko ngang idemanda ka,” narinig niyang sabi ni Vince. No! Biglang nawala ang kabog sa dibdib ni Maurin. Pero pakiramdam naman niya, pabagal nang pabagal ang pagtibok ng kanyang puso. At baka bigla na lang iyong tumigil. My God! “Pero mayroon akong ibang naisip na paraan.” “H-hindi mo ako idedemanda?” Nabuhayan ng loob si Maurin. Parang gusto niyang lundagin ng yakap si Vince at pasalamatan. Pero ang pormal na hitsura ng lalaki ang pumigil sa kanya para gawin ang naisip. “You killed my son,” sabi nito sa tonong parang itinatanim sa kanyang utak na siya lang ang may kasalanan sa pagkamatay ng anak nito. At ganoon na nga ang nagiging pakiramdam ni Maurin. She was feeling guilty all over. At siguro, gagawin niya ang kahit na anong sabihin ni Vince makabawas man lang sa kanyang nararamdaman. “You are going to bear me another son.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD