Bangayan

1887 Words
CHAPTER 4 CALLUM WILKINS' POV Damn you, Nurse Cuecas. Just do your damn job. "Shien," tawag ko, malamig ang tono. "Vitals. Ngayon." Nasa harapan ko siya, nakatiklop ang mga braso, parang walang paki sa intensity ng sitwasyon. Kita ko ang pagtaas ng isang kilay niya habang nakangisi na parang nananadya. "Relax, Doc. Hindi pa naman namamatay ang bata," sagot niya, pero kumikilos na rin para kunin ang BP cuff at pulse oximeter. Napapikit ako ng mariin, pilit pinapakalma ang sarili. Tangina, bakit ang hilig niyang magpabagal ng proseso? Hindi ito laro. Hindi ito simpleng awayan. Isa itong emergency. "Cuecas," madiin kong tawag sa kanya habang pinagmamasdan siyang kinukuha ang vital signs ng pasyente. "Kapag umabot tayo sa point na seconds ang difference between life and death, gusto mong mag-joke pa rin?" Tumingin siya sa akin, nakangiti pa rin. "Relax, Doc. I'm always on time." "Then move faster," mariin kong sagot. Nagkatinginan kami, tensionadong-tensionado. Kung may baril ang mga mata namin, malamang patay na kami pareho. "BP is dropping to 70/40," anunsyo niya bigla, seryoso na ang mukha. "Oxygen sat is at 85%. We need to intubate, Doc." Mabilis akong kumuha ng endotracheal tube. "Handa na ba ang suction? I need RSI drugs, stat." "Already prepped," mabilis niyang sagot, abot na agad sa akin ang kailangan. May slight na pagkamangha sa utak ko—sa kabila ng pagiging pikon niya, mabilis siyang kumilos. Alam niya ang ginagawa niya. At dahil doon, mas lalong nakakainis. Dahil mas lalo akong naa-attract sa kanya. "Administering etomidate," sabi ko habang ini-inject ang sedative sa IV ng bata. "Suksinilkolin, now." "On it, Doc." Inabot niya sa akin ang next dose at tumingin sa akin ng diretso. "Let’s do this." Ipinikit ko sandali ang mga mata ko para mag-focus. In a swift motion, ipinasok ko ang ETT tube sa airway ng bata at siniguradong nasa tamang posisyon ito bago ko hinugot ang laryngoscope. "Tube secured. Bag him." Sinunod niya agad, expertly squeezing the ambu bag to provide ventilation. Napa-exhale ako ng malalim. "Good. Oxygen levels rising. We need labs done. I want a CBC, electrolytes, and ABG stat. Also, get toxicology screening." "You got it, Doc," sagot niya, bago bumaling sa isang nurse. "Labs, gawin mong priority." Napatingin ako sa kanya. Iyon lang ang moment na hindi kami nagbangayan. And for a second, I felt something… odd. Hindi lang admiration sa skills niya. Hindi lang respect. Something else. Fuck. Hindi ko ‘to kailangan ngayon. Ilang oras ang lumipas. Matapos naming ilagay sa stable condition ang bata, nakahinga na rin kami ng kaunti. Pero hindi ibig sabihin tapos na ang gulo. Dahil alam kong may problema pa. "Cuecas," tawag ko, malamig pa rin ang boses ko. "Lab results. Anong findings?" Tumingin siya sa papel, kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Elevated lead levels. May traces din ng cyanide." Napamura siya. "Putangina. Ibig sabihin, hindi isolated case ‘to. Talagang may naglalason sa tubig." Napatitig ako sa papel. Tama siya. Hindi ito simpleng contamination. May intensyon. May gustong pumatay. "Call the DOH team," utos ko. "Sabihin mong kailangan na nating i-evacuate ang buong Brgy. San Lorenzo kung kinakailangan. Hindi tayo pwedeng maghintay pa." Tumango siya, pero halatang naiinis pa rin. "Anong plano mo, Doc? Dahil mukhang hindi lang tayo ang kailangang gumalaw dito." Tiningnan ko siya nang matalim. "Magtrabaho ng tama. Yun lang ang plano ko. Ikaw, may balak ka pang mag-joke habang may namamatay na tao?" "Wow ah, ikaw na naman ang mahilig mang-asar!" Seryoso na rin ang boses niya. "Gusto mo bang ikaw ang magsabi sa mga pamilya ng mga biktima na baka hindi na sila makakita ng hustisya? Dahil mukhang ikaw ang may problema sa emotions dito, Doc." Nagpanting ang tenga ko. Lumapit ako sa kanya, sobrang lapit na halos magdikit ang mga mukha namin. "Cuecas, makinig ka. Wala akong panahon sa drama mo. Kung gusto mong magpaka-hero, be my guest. Pero ako, ang priority ko ay buhay ng pasyente. Kaya kung may iba ka pang sinasabi maliban sa trabaho—" "Oh my God, Doc, tama na!" Bigla niyang tinaas ang kamay niya sa pagitan namin. "Bakit ba ang sungit mo lagi? Wala ka bang ibang alam na emotion?" Napasinghap ako, pero agad din akong nagpakawala ng malamig na ngiti. "Hindi mo magugustuhan kapag may emotion ako, Cuecas." Nagkatinginan kami, sobrang intense ng hangin sa paligid. Alam kong may nakatingin na ibang staff, pero wala akong pakialam. May kung anong tension sa pagitan namin—hindi lang galit, hindi lang inis. At alam kong nararamdaman din niya ‘yon. Makalipas ang ilang oras, pagod na kaming lahat. Nakaupo ako sa lounge, pinagmamasdan ang lab results na para bang nagbabakasakali akong may ibang sagot dito. Biglang pumasok si Shien, may hawak na energy drink, at walang pasabing inihagis iyon sa akin. Nagtaas ako ng kilay. "Ano ‘to?" "Kape sana, pero mukhang hindi ka naman marunong magpasalamat, kaya ‘yan na lang," sagot niya, saka umupo sa kabilang sofa. Tiningnan ko ang lata. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Pero dahil pagod na ako sa araw na ‘to, hindi ko na lang pinansin. Binuksan ko ang lata at uminom. Tahimik. For once, hindi kami nag-aaway. Tumingin ako sa kanya. Kita ko ang eyebags niya, ang pagod sa mga mata niya. At hindi ko alam kung bakit, pero may parte sa akin na gustong sabihin sa kanya— "You did good today, Cuecas." Nagulat siya. Halatang hindi niya in-expect na magpapasalamat ako. Pero agad din siyang ngumiti, bahagyang lumingon sa akin. "Wow. Unang beses mong sinabi ‘yan, Doc," tukso niya. "Siguro nga, may puso ka rin pala." Napangisi ako. "Don’t push it." Nagkatawanan kami sandali. At sa loob ng ilang segundo, kahit sa gitna ng kaguluhan, may tahimik na sandali na kaming dalawa lang ang nakakaintindi. Pero hindi ito tapos. Dahil alam kong sa susunod na kaso, sa susunod na emergency— Muli kaming magbabanggaan. At hindi ko alam kung sa dulo ng laban na ‘to, sino sa amin ang unang aamin kung ano ang totoong nararamdaman niya. Dumating na nga ang mga taga-DOH at natukoy na nila ang sanhi ng outbreak. Toxic levels of lead and cyanide sa tubig—walang duda, sinadya. Tangina. Sinong may ganang lasunin ang isang buong barangay? Ang dami nang nadamay, lalo na ang mga bata. Isa na lang ang kailangang gawin—hulihin kung sino man ang may kagagawan nito. Nasa briefing room kami ngayon kasama ang DOH team, ilang health officials, at ang mga kapwa kong doktor. Hindi pa rin nawawala ang stress ko, lalo na’t may isang taong hindi nauubusan ng pang-aasar—si Nurse Shien Cuecas. “Doc Wilkins, mukhang haggard ka na naman. Baka naman kailangan mong mag-retouch? Para fresh ka ulit,” nakangising sabi niya habang sinasalinan ng kape ang baso niya. Tiningnan ko siya nang masama. “Cuecas, kung wala kang matinong ambag sa meeting na ‘to, lumabas ka na lang.” Natawa lang siya. Sinabayan pa ng pagtaas ng middle finger. “Relax, Doc. Stress ka na nga, lalo ka pang magkaka-wrinkles.” Napahawak ako saglit sa sentido ko. Bakit ba hindi na lang siya nilamon ng lupa? Hindi ko alam kung bakit ko ba siya tinitiis. Oo, magaling siyang nurse. Pero putangina, wala ba siyang filter? “Oo nga pala, Doc,” dagdag pa niya habang iniinom ang kape. “Mukhang lalong dumadami ang pasyente sa ER. Gusto mo ba akong damayan habang nagra-rounds?” Hindi ko siya pinansin. Imbes na sumagot, ininom ko na lang ang malamig kong kape. Ayokong bigyan siya ng satisfaction na naaasar niya ako. Pero tangina, inis na inis na ako. Maya-maya, nagbigay na ng findings ang DOH representative. “Based on our investigation, the contamination came from an illegal dumping site malapit sa barangay. It appears that the chemicals have been seeping into the groundwater supply for weeks.” Napamura ako sa isip. Weeks? Ibig sabihin, matagal na nilang iniinom ang lason? Gaano pa karaming bata ang maaapektuhan? Tumingin ako kay Shien. Hindi na rin siya nakatawa. Alam niyang hindi ito biro. “So anong gagawin natin ngayon?” tanong ko. “Immediate mitigation,” sagot ng DOH rep. “We need to stop the water supply and provide clean water resources immediately.” Tumayo ako. “Hindi lang ‘yan ang kailangan nating gawin. Kailangan din nating alamin kung sino ang may pakana nito.” Tumango ang ilang health officials. “We’re already coordinating with local authorities to investigate.” Pagkatapos ng meeting, bumalik kami ni Shien sa ER. Kahit anong pilit kong huwag siyang pansinin, hindi ko maiwasang mapansin ang kakaiba niyang katahimikan. “Cuecas, hindi ka ba magbibiro ngayon?” tanong ko nang may bahagyang panunuya. Napatingin siya sa akin, saka tumikhim. “Wala lang, Doc. Naiinis lang ako na may mga ganitong tao. Paano nila nagawang hayaan ‘to? Ang daming inosente ang naapektuhan.” Tahimik akong tumingin sa kanya. Hindi ko inaasahan ang ganitong tono mula sa kanya. Laging may angas si Shien, laging may pang-aasar, pero ngayon, parang ibang tao siya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero bago ko pa napigilan ang sarili ko, nasabi ko: “Tama ka.” Napatingin siya sa akin, tila nagulat. “Hala, Doc, nag-aagree ka sa akin? Feeling ko ang weird ng mundo ngayon.” Bumalik na naman siya sa pagiging asar-talo. “Kalma lang, ‘wag kang masyadong matuwa.” Tumawa siya, pero kita ko sa mata niyang seryoso pa rin siya sa nangyayari. Pagsapit ng gabi, dumami pa lalo ang mga pasyente. Ang ilan, dehydrated. Ang iba, may matinding sintomas ng poisoning. Kasama ako ni Shien sa trauma room, walang tigil sa pagtatrabaho. “Cuecas, mas mabilis,” utos ko habang tinutulungan kong i-intubate ang isang bata. “Alam ko, Doc. ‘Wag mo akong singhalan,” sagot niya habang kinukuha ang oxygen mask. Napailing ako. Putangina, parang lalaking-lalaki talaga siyang gumalaw. Diretso ang kilos, walang pakeme-keme. Sa ibang pagkakataon, matatawa na siguro ako. Pero hindi ngayon. Matapos ang ilang oras ng non-stop emergency cases, sa wakas, nagkaroon kami ng konting pahinga. Nakaupo ako sa isang sulok, minamasahe ang sentido ko nang biglang may humagis sa akin—isang bottled water. Nagtaas ako ng tingin. Si Shien. Nakatayo siya sa harapan ko, nakapamewang. “Inom ka muna, Doc. Ayokong mag-collapse ka rito at ako na naman ang mag-aalaga sa ‘yo.” “Hindi ko kailangan ng alaga.” “Sure ka? Baka pagod ka lang kaya ka masungit.” “Cuecas, ‘wag kang makulit.” Ngumiti siya, pero hindi ko mapigilan ang mapansin ang pagod sa mukha niya. Napansin niya sigurong nakatitig ako kaya tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit, Doc? Naakit ka ba sa akin?” Napairap ako. “Masyado kang assuming.” “Aminin mo na kasi—crush mo ako.” “Cuecas—” Bago pa ako makapagsalita, dumating ang isang tawag mula sa DOH team. “Dr. Wilkins, Nurse Cuecas. May bagong development sa investigation.” Nagkatinginan kami ni Shien, parehong alam na mas lalong lumala ang sitwasyon. “Let’s go,” malamig kong sabi. “Sige, boss,” sagot niya, sabay kindat. Napabuntong-hininga ako. Tangina, paano ko ba natiis ang babaeng ‘to? At bakit kahit inis na inis ako, parang hindi ko rin kayang hindi siya pansinin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD