KABANATA 13

966 Words
Third Person's Point of View Nakaupo si Zerron sa kanyang recliner at nakatitig lamang sa kanyang laptop kung saan makikita ang paulit-ulit na salitang lumalabas doon sa screen. Kinuha nito ang baso ng alak at tinungga ito. "WARNING SOMEONE IS ATTEMPTING TO DECIPHER THE CODE" Paulit-ulit lamang iyon. Napabuntong hininga na lamang siya at napailing dahil sa katangahan ng taong nasa likod nito. Napatigin ito sa kamay niya kung saan minsan niyang nahawakan ang kamay ng anak niya. Ibang saya ang naramdaman niya ng mga oras na 'yon pero hindi maipagkakailang nasaktan rin siya ng makita ang anak niya na may kayakap na iba at tinatawag na 'Dada'. Iba parin pala kapag nakita niya mismo ng harapan ang mag-ina niya na may kasamang iba. Bumigat ang kanyang dibdib ng maalala ang senaryong iyon kung saan nakikita nitong tila isa silang buong pamilya. Mabilis niyang ibinato ang basong hawak at naitukod nito sa la mesa ang dalawa niyang kamay dahil nakaramdam ito ng hilo. Mahigit ilang araw na siyang nagkukulong sa loob ng opisina niya at nilulunod ang sarili sa trabaho at alak. Wala na rin itong tulog dahil sa dami ng iniisip niya. Ipiniling niya ang kanyang ulo bago siya napahugot ng malalim na hininga. Napahilot siya sa kanyang sintido. Hindi niya alam pero simula ng makita niya si Zaera ay hindi na ito maalis sa kanyang isipan. Tila sirang plaka ito na paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan. Isang katok ang narinig nito sa pintuan. Kasunod ay ang pagbukas nito at ang pagpasok ni Don Fugere kasama ang pinsan nito na si Ephraim. Kaagad na pinukol ng masamang tingin ni Zerron ang pinsan niya na mabilis namang umiwas ng tingin. "What are you doing here, Lolo?" Pinasadahan siya ng tingin ni Don Fugere. "May balak ka bang lunurin ang sarili mo sa trabaho at alak, Zerron?" "Tsk. That is not your concern, Lolo. Ano po ba ang ginagawa niyo dito?" Tamad nitong tanong saka siya napabuntong hininga. "Wala ka talagang modong bata ka. Ayusin mo nga ang sarili mo. You're the next Emperor so act like one" Pangangaral ni Don Fugere sa kanya. May inilabas itong isang brown envelope at ibinato sentro sa la mesa ni Zerron. "What is this?" "Buksan mo ng malaman mo at bigyan mo ako ng sagot kung bajit hanggang ngayon ay hindi mo sa akin sinasabi ang tungkol sa kanila" Makahulugang sabi ni Don Fugere kaya mabilis na kinuha iyon ni Zerron. Napalunok siya dahil kinutuban ito sa bagay na hawak niya. Mabilis niyang inilabas ang mga laman nito at bumungad sa kanya ang mga litrato nina Zaera at Zian pati na rin siya na magkasama sa mall. "How did you find out about this, Lolo?" Mariing tanong ni Zerron at inilapag ang mga litrato sa la mesa niya. "Well, it was an accident. I was after with someone else and my ally saw you. To my surprise, you're with Zaera and my apo. Ano, Zeron? Wala ka ba talagang balak sabihin sa akin?" Naihilamos ni Zerron ang kamay niya sa mukha niya. "Lolo, it's not like that!" "Don't raise your voice, youngman. Bakit? Natatakot kang malaman ko dahil ayaw mong magkahiwalay kayo ng babae mo?" Nahilot ni Zerron ang sintido niya dahil sa sinabi ni Don Fugere. Tahimik lang ito pero sumasakit na ang ulo niya. "Alam kong ayaw mong pinapakialaman ka sa mga desisyon mo pero hindi pa huli ang lahat, Zerron. Buksan mo 'yang isipan mo kung ayaw mong magsisi" Seryosong saad ni Don Fugere. Iniliko ni Don Fugere ang kanyang wheelchair. "At sinasabi ko sa 'yo, Zerron. I want you and Zaera to be together again whether you like it or not. Gusto kong magsama na kayo sa iisang bubong kasama ang apo ko" Desididong utos nito kay Zerron at sumenyas siya kay Ephraim upang itulak ang wheelchair nito. Kaagad namang napaangat ng tigin si Zerron dahil sa sinabi ng Lolo niya. "What?! But I can't do---" "No more buts, Zerron. Sa oras na hindi mo iyan gawin ay hindi lang ari-arian ko ang hindi mo makukuha pati na rin ang heirloom at aalisan kita ng karapatan bilang isang Del Fierro. Always remember that" 'What the f*ck?!' Nasabi nito sa kanyang isipan. Pinagbagsakan ito ng langit at lupa. Napailing nalang si Ephraim dahil sa sakaling mangyari sa pinsan niya. Kaagad ng umalis si Don Fugere kasama si Ephraim at naiwan si Zerron na ginugulo ang buhok na hindi alam ang gagawin. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang desisyon. Iniisip nito kung makikipaghiwalay ba siya kay Heiress o hindi dahil nanghihinayang ito sa pinagsamahan nila. At may parte parin ito sa kanyang puso. Hindi niya rin alam kung paano sisimulang kausapin si Zaera dahil ayaw nitong makita siya. Napadukmo siya sa mesa dahil sa problema niya. Zaera's Point of View "Mama, can I see lolo and lola?" Tanong ni Zian sa akin habang nanonood kaming dalawa ng doraemon. Uminom naman ako ng mango shake bago ko siya tingnan. "Of course. When do you want to see them?" "Later, Mama. Please?" He pleaded and clasped his hand together. Tumango naman ako kaya ngumiti ito ng malapad. "Gracias mamá" Translation: Thank you, Mama "De nada, Zi" Translation: You're welcome, Zi Napabaling naman ang atensiyon ko sa cellphone ko na nakapatong sa center table ng mag-beep ito. Ibinaba ko muna ang popcorn sa mesa saka ito kinuha. Napakunot noo ako ng makitang unknown number ito. Is this, Zerron? Binuksan ko ang message at mas lalo akong napakunot noo. 'LAGI KANG MAG-IINGAT DAHIL NASA PALIGID MO LANG ANG IKAKAPAHAMAK MO LALONG-LALO NA NG ANAK MO. INGATAN MO SIYA' Ano 'to? Prank? Kahit kinakabahan ako ay mas pinili kong isipin na baka pinagtitripan lang ako ng kung sino. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at tinuloy ang panonood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD