Zaera's Point of View
Dapit-hapon na at naisipan kong ipasyal si Zian dito sa park na malapit lang sa bahay nina Lovern. Kasama ko ngayon sina Mama at Papa. Kasama ni Papa si Zian na bumili ng ice cream at naiwan naman kami ni Mama dito sa may bench.
Pinagmasdan ko lang ang mga batang naglalaro at iilang mga mag-pamilyang nandito upang mag-bonding. I saw few couples too.
"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?"
Napatingin ako kay Mama. Seryoso ang eksprrsiyon ng mukha niya ngunit may iba pang sinasabi ang mga mata niya. Umiwas ako ng tingin. Alam ko na ang tinutukohmy niya ay ang pag-alis namin ni Zian pabalik ng Spain. Noong una desidido na talaga ako dahil nakaplano na ang lahat pero dahil sa biglang paghahanap ni Zian kay Zerro, nagdadalawang isip ako kahit buo pa ang desisyon kong ayokong malaman ni Zian na Daddy niya ito.
"Para po sa ikakabuti ni Zian gagawin ko po iyon"
"Sigurado ka ba na iyon talaga ang ikakabuti niya?"
Napabuntong hininga naman ako. Ikakabuti nga ba iyon ni Zian? Hinawakan naman ni Mama ang kamay ko.
"Alam kong grabe ang idinulot na sakit ni Zerron sa puso mo, Anak. Kung ako rin naman ay baka ginawa ko rin ang ginawa mo lalong-lalo na sa takot na baka mawala ang anak ko sa 'kin. Alam kong natatakot ka ngayon dahil sa kadahilanang kukunin niya ang anak mo katulad ng sinabi niya noon. Pero hanggang kailan ka matatakot, Anak? Hanggang kailan ka tatakbo para takasan ito?"
Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi ni Mama. Natamaan ako sa tanong nito. Hanggang kailan nga ba ako matatakot at tatakbo upang takasan ang isang bagay na alam ko namang wala akong takas. Napahugot ako ng malalim na hininga. Malaki ang mundo pero pakiramdam ko sobrang liit nito para sa aming dalawa ni Zian dahil lagi parin naman kaming pinagtatagpo ng ama niya.
"Ma, sa totoo po niyan hindi ko po alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Noong isang araw po kasi hinanap sa akin ni Zian si Zero. Gusto niya itong makita dahil miss na miss na niya ang Daddy niya" Malungkot kong sabi kay Mama saka napayuko.
Hinawakan naman ni Mama ang balikat ko. at marahan itong hinaplos. "Wala po akong maisagot sa kanya. Hindi ko po alam kung anong sasabihin ko, Ma" Puno ng katotohanang wika ko ulit saka tumingin sa kanya.
Nakita ko ang malungkot nitong mga mata. "Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo anak. Nasa gitna ka ng pagdedesisyon at nagtatalo ang isipan mo sa ngayon. Ang masasabi ko lang ay pakinggan mo naman ang puso mo sa ngayon" Seryoso niyang sabi na mabilis ko namang ikinailing.
"Minsan ko na pong pinakinggan ang puso ko pero maling desisyon ang naging bunga nito"
Ngumiti naman siya. "Hindi naging mali ang desisyon mo anak. Hindi ikaw ang nag-desisyon ng naging kinahinatnan ninyo ni Zian, hindi ikaw ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ama" Makahulugang wika nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Po?" Hindi ko kasi masyadong makuha ang nais niyang sabihin. "Ako po ang umalis kaya't desisyon ko po na mawalan ng ama si Zian"
Umiling naman ito. "Hindi anak. Sino ba ang dahilan kung bakit umalis ka?"
"Si Z-Zero po" Payak kong sagot. Tumango naman siya.
"Siya ang nagdesisyon ng pag-alis at paglayo ninyo. Desisyon niya iyon at ang ginawa mo lang ay upang hindi niya makuha ang anak mo"
Hindi naman ako nakaimik. "Pero desisyon ko rin naman po na huwag sabihin kay Zian ang tungkol sa Daddy niya"
Tumango naman si Mama. "May punto ka riyan pero ang desisyon mo rin ang magiging susi na makikilala niya ang ama niya at magiging buo muli ang pamilya ninyo. Ikaw ang may hawak ng lubid na magbibigkis muli sa inyong tatlo"
Doon na lamang naging malinaw sa akin ang nais sabihin ni Mama. Ako ang may hawak ng isang desisyong makakapagbago ng lahat. Napayuko akong muli at napahawak sa dibdib ko. Pumintig kasi ng malakas ang puso ko.
"Pero natatakot ako, Ma"
"Saan ka naman natatakot?"
"Baka kunin niya po si Zian sa akin, Ma"
"Alam mo anak kung matagal na niyang gustong kunin ang anak mo, sana noong una palang kayong nagkita ay gumawa na siya ng paraan upang kunin si Zian sa 'yo. May ginawa ba siya?"
Hindi kaagad ako nakasagot. Umiling na lang ako. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Mama kaya napatingin ako sa kanya.
"Siguro noon ay natatakot kang makuha si Zian sa iyo pero para sabihin ko sa 'yo, anak. Iba na ang ikinakatakot ng puso mo"
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Ano pong ibig niyong sabihin?"
Tumingin siya sa 'kin. "May parte parin diyan sa puso mo si Zerron kaya ka nagkakaganyan" Sabi nito at tinuro pa ang parte kung saan ang puso ko.
Lumakas naman ang t***k ng puso ko sa sinabi ni Mama. Sunod-sunod naman akong napailing. "Matagal na po akong naka-move on kay Zero, Ma" Kaagad kong sagot pero tumawa lang siya.
"Then, give him a chance to see his son at ipakilala mo na rin siya bilang ama ni Zian"
Hindi ko alam pero batid ko ang nanghahamong tono sa pananalita ni Mama ng sabihin niya iyon. Bagsak naman ang balikat kong nakatingin lang sa kanya. Ngumiti lang siya at tinapik ang balikat ko.